Bilang isang guro ng Filipino ay kailangang magkaroon tayo ng sanligang kaalaman sa ponema at morpema. Lalo na kung ang isang guro ay nagtuturo sa mga pook ng mga di –Tagalog.
Ang isang guro dapat ay maging tiyak, mabisa at marunong magtipid ng panahon sa pagtuturo at kailangang maalam siya sa mga katangian o kakanyahan ng mga Pilipino at pati na rin ang wika ng pook o ang unang wika ng mga batang kanyang tinuturuan. Sapagkat alam naman natin na ang isang bata pag maalam sa artikulasyon ng pananalita ng kanyang unang wika ay makakatulong ito para sa pag-uugnay na pag-aaral ng kanyang panglawang wika.Makakatulong ng malaki sa isang guro kapag alam niya ang unang wika ng bata at naiuugnay niya adito ang panglawang wika mg bata ay mabibigyan niya ng diin kung alinman ang kanyang mga paksang aralin.
PAGSUSULIT
Lagumang Pagsubok at iba pang mga Pangangailangan sa Kurso
Bilang isang guro ng Filipino ay
kailangang magkaroon tayo ng sanligang kaalaman sa ponema at morpema. Lalo na
kung ang isang guro ay nagtuturo sa mga pook ng mga di –Tagalog.
Ang isang guro dapat ay maging
tiyak, mabisa at marunong magtipid ng panahon sa pagtuturo at kailangang maalam
siya sa mga katangian o kakanyahan ng mga Pilipino at pati na rin ang wika ng
pook o ang unang wika ng mga batang kanyang tinuturuan. Sapagkat alam naman
natin na ang isang bata pag maalam sa artikulasyon ng pananalita ng kanyang
unang wika ay makakatulong ito para sa pag-uugnay na pag-aaral ng kanyang
panglawang wika.Makakatulong ng malaki sa isang guro kapag alam niya ang unang
wika ng bata at naiuugnay niya adito ang panglawang wika mg bata ay mabibigyan
niya ng diin kung alinman ang kanyang mga paksang aralin.
Ang isang guro dapat ay maalam sa
wika dahil makakatulong ito sa kanyang pagtuturo lalo pag siya ay guro sa
linggwistika. At kung ang kabuuan ng wika ay hahatiin sa tatlong antas:
1.
Palatunugan o Ponolohiya
2.
Palabuuan o Morpolohiya
3.
Palaugnayan o Sintaksis
Ang isang guro ay kailangang
malaman kung saan-saan nagkakatulad at nagkakaiba ang Pilipino at ang wika ng
pook sa bawat antas na nabanggit. Alam naman natin na sa bahaging nagkakatulad
ang dalawang wika ay halos o mas madali ang na matitiyak ng isang guro na
walang magiging problema o suliranin ang mga mag-aaral. Subalit sa bahaging
nagkakaiba ang wika ay hindi na kailangang patunayan pa ang tiyak ang isang
guro ay makakaranas ng mga problema o suliranin sa kanyang pagtuturo.
Bilang isang guro dapat ay maging
mapanuri kung siya ay nagsasagawa ng paghahambing sa tatlong antas ng wika,
1. Kailangang niya munang suriin
ang wika ng bawat pook.
2. Kailangan alamin niya muna
kung anu-ano ang mga ponema ng wika ng bawat pook
3. Dapat alamin muna niya kung
papaano ang set ng mga ponema ng wikang ito ay pinagsasama-sama upang bumuo ng
morpema.
4. Dapat alamin din niya kung
papaanong ang mga morpema nito ay pinagsasamasama upang bumuo ng iba;t-ibang
pangungusap.
PONEMA
Ang
ponema ay ang pundamental, teoretikong yunit ng tunog na nakakabuklod ng
salita. Nakakabuo ng ibang salita kapag pinapalitan ang isang ponema nito.
Titik, katinig at patinig.
PONOLOHIYA
-
ang pag-aaral o pag-uuri-uri sa iba't-ibang makahulugang tunog na ginagamit sa
pagsasalita, pagsasama ng mga tunog o ponema.
-
Palatunugan
-
Wikang Pilipino ay binubuo ng mga tunog
-
Pag-aaral ng mga Ponema
PONEMA:
A. Segmental
B. Ponemang Suprasegmental
Ponemang
Malayang Nagpapalitan
Sa
Filipino, may mga tunog (ponema) na malayang nagpapalitan. Sa pagkakataon na
ang ponema ay malayang nagpapalit, ang baybay ng salita ay nagiiba ngunit hindi
ang kanilang mga kahulugan.
Ang
gamit ng ponemang malayang nagpapalitan ay mahalaga sa pagpapadulas ng mga
salita at pagpapabilis ng komunikasyon. Kadalasan ding ginagamit ang ponemang
malayang nagpapalitan upang bigyan diin ang mga salitang nagiiba ang tunog
depende sa lugar. Kung matatandaan sa ibat ibang pulo ng Pilipinas, iba iba ang
dayalekto (o diyalekto, ang a t i sa salitang "diyalekto" ay ponemang
nag papalitan).
Ponemang
Suprasegmental
-
Nagbibigay lasa sa mga segmental
Apat
na ponemang suprasegmental:
• Haba (length)- ito ay tumutukoy
sa haba ng bigkas sa patinig ng isang pantig.
• Tono (pitch)- ito ay tumutukoy
sa pagtaas at pagbaba sa pagbigkas ng pantig ng isang salita.
• Antala (juncture)- tumutukoy
ito sa pansamantala o saglit na pagtigil ng ating ginagawa sa pagsasalita upang
higit na maging malinaw ang paghahatid ng mensahe.
Hal.
Hindi, ikaw
• Diin- tumutukoy sa lakas o bigat sa pagbigkas ng isang salita o pantig ay makakatulong sa pag unawa sa kahalagahan ng mga salita.