Search This Blog

Showing posts with label Panitikan ng Rehiyon. Show all posts
Showing posts with label Panitikan ng Rehiyon. Show all posts

April 17, 2022

REHIYON II

Panitikang ng Rehiyon

    Overview: Panitikan ang tawag natin sa lahat ng uri ng pahayag— nakasulat man ito, binibigkas o kahit ipinahihiwatig lang ng aksyon ngunit may takdang anyo o porma katulad ng tula, maikling kwento, dula, nobela at sanaysay. Nakikilala natin na ang isang pahayag ay may katangiang pampanitikan kapag ito ay may anyo at gumagamit ng wikang sinadyangng bigyang-anyo bilang pahayag. Ang totoo, lahat ng pantikan magmula pa sa sinaunang panahon hanggang ngayon ay mauugat pa sa paggamit ng wika. Nang matutong magsalita ang tao at buuin niya ang karanasan sa bisa ng pagbigkas at pagsulat, nagkaroon ng panitikan. Nang likumin ng tao ang kanyang mga gunita at nagkaroon ng sistematikong paraan ng pagsulat at pagbasa, nakalikha ng mga teksto. Sa pagunlad ng teknolohiya ng komunikasyon, nagawang maiparating sa iba ang ganitong mga teksto. Ang imbensyon ng panitikan sa gayon, ay kaakibat ng pagpapalaganap at pag-unlad ng wika o, ng kahit anumang wika.

(Santiago, Lilia Q.Mga panitikan ng Pilipinas.C & E Publishing House. Quezon City.2007)

Quirino Provincial Hymn

Quirino Provincial Hymn - Quirino Hymn

Our land and home with liberty
Along Sierra Madre range
Its people are free and work with glee
In fields of golden grains
God-given land where all creeds blend
At hard work for more grains
Its hills and vales criss – crossed with trails
By brave sons for more lanes
 
From Diffun as our gateway
Thru rolling hills and verdant plains
Southward we move to Cabarroguis gay
It's capital where government reigns
Farther we tour its southeastern edge
See Saguday and Aglipay
And to its southern rim we go
Maddela and Nagtipunan on the show
 
From Diffun as our gateway
Thru rolling hills and verdant plains
Southward we move to Cabarroguis gay
It's capital where government reigns
Farther we tour its southeastern edge
See Saguday and Aglipay
And to its southern rim we go
Maddela and Nagtipunan on the show
 
Maddela and Nagtipnan that's QUIRINO!

Alamat Ng Lakay Lakay

 


Alamat Ng Lakay Lakay

LAKAY LAKAY – Sa paksang ito, ating tatalakayin kung ano nga ba ang buod at ang mga mahahalagang kuwento ng “Alamat Ng Lakay Lakay”.

Maraming alamat tayong mabababasa sa Pilipinas. Ang mga alamat na ito ay parte ng ating karunungang bayan at dapat nating bigyang halaga. Bukod dito, ang mga alamat ay nagbibigay rin sa atin ng mga mahahalagang aral na maaari nating gamitin sa ating buhay.

Sa kauna-unahang beses, ang Diyosa ng Dagat ay galit at ginawang isang bato ang isang mangingisda. Ginawang bato rin ng Diyosa ang asawa ng mangingisda na humahanap sa kanya.

Sinasabing ang mga batong ito ang tagapag-alaga ng lugar sa Claveria, Cagayan. Si Apo Lakay ang unang bato, nangangahulugang matandang lalaki sa Ilocano. Ang Apo Baket, na nangangahulugang matandang babae sa Ilocano, ang pangalawang bato.

Kapag nagagalit si Apo Lakay, nagiging kumplikado ang mga alon. Kung nais ng mga mangignisda na makadaan ng ligdas sa Apo Lakay, kailangan nitong mag-alok ng pagkain sa pamamagitan ng pagwagayway o paghahagis ng isang barya na malapit sa mga bato.

Paliwanag:

    Sa hilagang-silangang bahagi ng Cagayan ay may dalawang batong hawig ng babae at lalaki. Tinawag nila itong Lakay-Lakay o matandang lalake at Baket-Baket o matandang babae. Sa di kalayuan ay may maliit na batang babae o Ubing-Ubing. Noong unang panahon,may mag-anak na naninirahan sa tabing-dagat.

    Sila’y nabubuhay sa pangingisda. Sa tuwing maraming nahuhuling isda ang lalaki ay nag-aalay sa kanilang Diyos bilang pasasalamat. Dinagtagal,namuhay sila nang maginhawa.

    Isangumagang maraming nahuli ang lalaki ay nakasalubong niya ang matandang humihingi ng tulong ngunit ito’y kaniyang pinagtabuyan. Kinahapunan humingi ng tulong ang pulubi at ang babae ang nakaharap nito, siya’y pinagta buyan din. Kinaumagahan ang lalaki ay nagtungo sa dagat upang mangisda. Maghapon siyang hinintay ng kaniyang asawangunit gabi na ay wala pa rin ito. Maagang-maaga’y tinungo ng mag-ina ang karagatan.Naghanap sila kung saan-saan ngunit sa di-kalayuan sa dagat ay may pigura ng isangtaong yari sa bato. Nagmadali silang lapitan ito sa pamamagitan ng bangka.

    Namukhaan nila ito dahil sa dala-dala nitong lambat. Sila’ynalumbay at nakadama ng galit ang babae atnakapagmura. Narinig ito ng Diyos ng Dagatat ginawa rin silang taong-bato. Ngunit sakabila nito binigyan ang nasabing pamilya ngDiyos ng kapangyarihan upang bantayan angkaragatan. At pinaniniwalaang ligtas sakapahamakan ang mga manlalakbay sa dagatkapag di nila pinipintasan ang Lakay-Lakay.Dapat ding mag-alay para sa pamilyang bato.

March 22, 2022

PANITIKAN NG REHIYON

 


BALANGKAS NG PAGKATUTO
I. LITERATURA: MGA BATAYANG KAALAMAN
A. Panitikan
B. Mga Akdang Tuluyan
C. Mga Akdang Patula
D. Ang Impluwensya ng Panitikan
E. Kahalagahan ng Pag-aaral ng Sariling Panitikan
II. MGA PANANAW AT TEORYANG LITERARI MGA HALIMBAWA NA AKDA SA CORDILLERA
A. Bugtong
B. Tula
C. Kuwentong Bayan
D. Maikling kwento
E. Awiting- bayan
III. MGA HALIMBAWA NA AKDA SA ILOCOS
A. Salawikain at Sawikain
B. Alamat
C. Awiting bayan
IV. MGA HALIMBAWA NA AKDA SA PANGASINAN
A. Maikling Kuwento
B. Mga Bugtong
V. MGA HALIMBAWA NA AKDA SA PAMPANGA
A. Buod ng Nobela
B. Awiting-Bayan
VI. MGA HALIMBAWA NA AKDA SA METRO MANILA
A. Maikling Kuwento
B. Awiting bayan
C. Tula
VI. MGA HALIMBAWA NA AKDA NG GITNANG LUZON AT KATIMUGANG LUZON
A. Buod ng Nobela
B. Sanaysay
VII. MGA HALIMBAWA NA AKDA NG BICOL
A. Tula
B. Awiting Bayan
C. Epiko
VIII. MGA HALIMBAWA NA AKDA NG KABISAYAAN
A. Kuwentong Bayan
B. Alamat
C. Maikling kwento
D. Bugtong
E. Epiko
IX. MGA HALIMBAWA NA AKDA NG MINDANAO
A. Mga Awiting bayan
B. Kuwentong bayan
C. Alamat
D. Epiko

LET REVIEWER

Introduksyon sa Pagsasalin

Overview: Pagsasalin sa Kontekstong Filipino ay naglalayong paunlarin ang kasanayan sa pagsasalin na ginagabayan ng pananaliksik (saliksik...