- Ang dula ay isang sangay na panitikang
naglalahad ng isang pangyayari o mga pangyayaring kinasasangkutan ng isa o
dalawang pangunahing tauhan at ng iba pang mga katulong na tauhan na
itinatanghal sa isang dulaan.
Sarsuwela – bilang panooring panlibangan, ay ipinakilala ng mga Kastila noong
mga taong 1878-1879 ngunit di nagkaroon ng sapat na panahon upang umunlad at
lumaganap. Kaagaw pa nito ang moro-moro
na mas dinudunog ng mga mamamayan.
Mga Nakilalang Mandudula
Severino Reyes (1861-1942) – pangunahing manunulat ng sarsuwela si Severino
Reyes. Kilala rin siya sa sagisag na
“Lola Basyang” dahil sa kanyang mga kuwentong-bayan na inilathala sa Lingguhang
Liwayway. Ang kanyang sarsuwelang Walang
Sugat ang itinuturing na kanyang obra-maestra. Noong 1922, naging patnugot siya ng Liwayway.
Patricio Mariano – isang mandudula, peryodista, kuwentista, nobelista at
makata. Marami siyang nasulat na dula na
kinabibilangan ng Anak ng Dagat, Ang Tulisan, Ang Dalawang
Pag-ibigi, Ako’y Iyo Rin, at iba pa.
Siya ng tinaguriang Dekano ng mga Mandudulang Tagalog.
Hermogenes Ilagan – siya ang masasabing kaagaw ni Severino Reyes sa kasigasigan sa
paglikha at pagtatanghal ng sarsuwela.
Ang pinakatanyag niyang dula ay ang Dalagang Bukid.
Julian Cruz Balmaseda – namumukod ang kanyang aral sa pag-iimpok sa sulang Ang Piso
ni Anita. Ito ang dulang nagtamo ng
unang gantimpala sa timpalak ng Kawanihan ng Koreo; sa kanyang Sa Bunganga
ng Pating, binaka niya ang sakit na nililikha ng salaping patubuan.
Aurelio Tolentino (1868-1913) – dalubhasa sa paggamit ng tatlong wika, Pampango,
Tagalog at Kastila. Maraming dula siyang
nasulat tulad ng Bagong Kristo, isang sulang sosyolohiko; Sumpaan,
isang romantikong sarsuwelang may tatlong yugto. Ngunit higit sa lahat ng mga dula niya, ang
nakilala’y ang kanyang Kahapon, Ngayon at Bukas. Isang alegoriya ang dulang ito ay naglalahad
sa pamamagitan ng mga simbolikong tauhan na pinagdadaanan ng Pilipinas.
Juan K. Abad – nang magsimula ang himagsikan sinunog ng lahat ni Abad ang
kanyang mga akdang nanunuligsa sa pamahalaan at sa mga prayle at pagkaraa ay
umanib siya sa Katipunan. Hinarap ni
Abad ang pagbaka sa comedia sa paniniwalang ito ay nakakalason sa isipan
ng mga Pilipino.