Unang Hati. Sa mga unang tatlumpu
hanggang apatnapung taon ng pananakop ng mga Amerikano, ang mga makatang Pilipino
ay mapapangkat sa dalawa: nakatatanda
at nakababata.
- Nakatatanda – kabilang sa nakatatanda sina
Lope K. Santos, Pedro Gatmaitan, at IƱigo Ed. Regalado. Ang unang pangkat na ito ay aral sa
Kastila.
- Nakababata – sa nakababata naman ay sina
Jose Corazon de Jesus, Teodoro Gener, Ildefonso Santos, Cirio H.
Panganiban, Aniceto F. Silvestre at Amado V. Hernandez.
Lope K. Santos (1879-1963) – tinatawag na “Ama ng Balarilang Pilipino”. May-akda ng Banaag at Sikat. Bilang makata, laging mababanggit kaugnay ng
pangalan niya ang mga tulang “Ang Pangginggera”, “Puso’t Diwa”, “Mga Hamak na
Dakila,” at “Sino Ka – Ako’y Si…”
Pedro Gatmaitan – Ang kanyang mga tula ay napatanyag dahil sa hindi malayong
paggunita sa mga kabayanihan ng mga bayani ng digmaan at ng himagsikan
1896. Nagkubli siya sa mga sagisag na
“Pipit-Puso”, “Dante”, “Ernesto Salamisim” at “Alitaptap”. Nakilala ang kanyang “Tungkos ng Alaala”,
isang katipunan ng kanyang mga natatanging tula.
Ikalawang Hati. Sa panahong ito namayani ang mga nakababatang Jose Corazon de
Jesus (Huseng Batute), Cirio Panganiban, Deogracias A. Rosario, Ildefonso
Santos, Benigno Ramos at Aniceto Silvestre.
“Ilaw at Panitik” – isang tanyag na samahang pangwika na natatag noon. Ang unang pangulo ng samahan ay si Jose
Esperanza Cruz, naging patnugot ng Liwayway. Panahon din ito ng mga patimpalak sa pagtula
at pagsulat ng tula, at sa mga ganitong pagkakataon ang mga makatang kasapi ng
“Ilaw at Panitiki” ay naghali-halili sa pagkakamit ng unang gantimpala.
Balagtasan – supling ng matandang duplo.
Abril 6, 1924, idinaos ang kauna-unahang balagtasan. Ginanap iyon sa bulwagan ng Instituto de
Mujeres, sa Kalye Tayuman, Tondo, Maynila.
Ang pamagat ay “Bulaklak ng Lahing Kalinis-linisan”. Si Jose Corazon de Jesus ang lumagay na
“Paruparo” at si Florentino Collantes naman ang sa “Bubuyog”. Si Sofia Enriquez naman ang mabangong
“Kampupot” o Bulaklak ng Kalinisan, samantala si Lope K. Sntos ang
siyang nag-lakandiwa. Si Jose
Corazon de Jesus ang nanalo sa labanang iyon, ayon sa pasiya ng hurado. Naging unang Hari ng Balagtasan si
Batute.
Jose Corazon de Jesus – naging “Makata ng Pag-ibig” sa halalan ng mga mambabasa ng
pahayagang Mithi noong 1916. Isa sa mga
tanyag niyang tula ang “Isang Punongkahoy”.
Florentino Collantes – naging katunggali ni Batute sa mga pagbabalagtasan. Naibigay sa kanya ang karangalang “Makata ng
Bayan” kapanabay ng pagbibibay kay Lope K. Santos ng karangalang “Paham ng
Wika”. Kabilang sa mga tula niya ang
sumusunod: Ang Sawa, Sa Dakong
Silangan, Ang Lumang Simbahan at Ang Tulisan.
Iba Pang Makata
Teodoro E. Gener – pangunahing tula niya ang “Subo ng Sinaing”, “Guro” at
“Pag-ibig”.
Aniceto F. Silvestre – makata ng damdamin. Ang
kanyang tulang “Filipinas” ay ipinagwagi niya ng gantimpala sa tula sa isang
patimpalak na Surian ng Wikang pambansa noong 1946.
Teo S. Baylen – ang mga tula niya sa loob ng tatlumpung taon ay isina-aklat niya
sa kanyang Tinig na Darating.