Mga Pangunahing Manunulat-Propagandista
Jose P. Rizal (1861 – 1896) – Naipalimbag niya sa Berlin ang nobelang Noli
Me Tangere (1887). Noong 1890,
tinapos niya ang ikalawang nobela, ang El Filibusterismo sa Ghent,
Belgium. Gumamit si Rizal ng mga sagisag
na “Dimas-Alang” at “Laong-Laan”. Si Rizal ay nakapagsasalita ng dalawampu’t
dalawang wika.
Marcelo H. del Pilar – bilang pangunahing pinuno ng Kilusang Propaganda, ipinakita niya
kaagad ang pagtutol sa mga pamamalakad ng mga Kastila. Lantad ang gayon niyang damdamin sa
pahayagang Diariong Tagalog, na itinatag at pinamatnugutan niya noong
1882. Noong Nobyembre 15, 1889,
napasalin sa kanya ang pagiging patnugot ng La Solidaridad. Gumamit siya ng mga sagisag tulad ng “Dolores
Manapat”, “Piping Dilat”, “Maitalaga”, “Kupang”, “Carmelo”, “L.O. Crame” at
“Pupdoh”.
Mga Akda ni del Pilar:
- “Pag-ibig sa Tinubuang Lupa” – salin ng
tulang “Amor Patrio” ni Rizal.
- Caiigat Cayo (1888)
- Dasalan at Tocsohan (1888)
- Ang Kadakilaan ng Dios
- Sagot ng Espanya sa Hibik ng Pilipinas
(1889)
- Dupluhan…Dalit…mga Bugtong…
Graciano Lopez Jaena (1856-1896) – itinatag niya sa Espanya ang Circulo
Hispano-Filipino; sumulat ng mga ulat para sa Circulo. Noong 1889, itinatag niya ang La
Solidaridad at naging unang patnugot nito.
Nang mapalipat kay M. del Pilar ang tungkulin ng patnugot, naging
manunulat na lamang siya ng pahayagan.
Nagkubli siya sa pangalang “Diego Laura”. Sa kanyang panahon, higit siyang kinilalang
orador kaysa manunulat. Sinulat niya ang
Fray Botod, isang maikling nobelang mapang-uyam na naglalarawan sa
“kasibaan ng mga prayle”. Ang Fray
Botod ay prayleng napakalakas kumain.
Mariano Ponce (1863-1899) – gumamit ng mga sagisag na “Naning”, “Tikbalang”,
“Kalipulako”. Kabilang sa mga akda niya
ang “Mga Alamat ng Bulakan”, at ang dulang “Pagpugot kay Longino”.
Antonio Luna (1866-1899) – parmasyutikong gumamit ng sagisag na Taga-ilog sa
kanyang pag-akda. Marami siyang naiambag
sa La Solidaridad. Kabilang sa
mga akda niya ang “Noche Buena”, “La Tertulia Filipina”, “La Maestra de Mi
Pueblo” at ang “Impresiones”.
Pedro A. Paterno (1858-1911) – may-akda ng Ninay isang nobelang
sosyolohiko. Ito ang unang nobelang
sinulat sa Kastila ng isang Pilipino.
Pascual Poblete (1858-1921) – nobelista, makata, mananalaysay at tinaguriang “Ama
ng Pahayagan”. Siya ang nagtatag ng mga
pahayagang El Resumen, El Grito del Pueblo at Ang Tinig ng
Bayan. Siya rin ang kauna-unahang
nagsalin sa Tagalog ng Noli Me Tangere.
Jose Maria Panganiban (1865-1895) – sumulat ng mga sanaysay, lathalain at mga talumpati
sa ilalim ng sagisag na Jomapa.
Pedro Serrano Laktaw – leksikograpo at manunulat; isa ring pangunahing Mason. Siya ang unang sumulat ng Diccionario
Hispano-Tagalog (1889).
Isabelo delos Reyes – nagtatag ng “Iglesia Filipina Independente”; nagtamo ng
gantimpala sa Exposisyon sa Madrid, sa sinulat na “El Folklore Filipino”.
Fernando Canon – kaklase ni Rizal sa
Ateneo. Sumulat siya ng tula ukol kay
Rizal. Sa mga tulang pang-Rizal
nagsimula ang kanyang katanyagan.
Kapwa pintor naman sina Juan Luna
at Felix Resureccion Hidalgo.