Search This Blog

Showing posts with label Tula. Show all posts
Showing posts with label Tula. Show all posts

April 14, 2022

Sa Aking mga Kabata

 

Interpretation: Sa Aking mga Kabata


Kapagka ang baya’y sadyang umiibig
Sa langit salitang kaloob ng langit
Sanlang kalayaan nasa ring masapi
Katulad ng ibong nasa himpapawid

This first stanza in Rizal's poem shows that long before he sprouted the first fruits of his youth, he had already placed distinguished value in the importance of one's mother tongue.  According to these verses, if a nation's people wholeheartedly embrace and love their native language, that nation will also surely pursue liberty.  He likens this idea to a bird soaring freely in the vast, eternal sky above.

Ipinapakita sa unang talata na kahit noong bata pa lamang si Rizal ay nakita na niya ang kahalagahan ng wikang pambansa. Ayon sa kanya, kung taos-pusong mamahalin ng mga tao ang kanilang pambansang wika ay taos-puso rin nilang ipaglalaban ang kanilang kalayaan. Ito raw ay parang isang ibong lumilipad nang malaya sa himpapawid.


Pagka’t ang salita’y isang kahatulan
Sa bayan, sa nayo't mga kaharian
At ang isang tao’y katulad, kabagay
Ng alin mang likha noong kalayaan.

Language here is likened to a people born into freedom.  In Rizal's time, Filipinos were held in slavery by Spain.  Rizal, however, believed that if the people treasured and loved and used their mother tongue, it would become a symbol of relative freedom, and of identity.

Ang wika ay ihinahalintulad ni Rizal sa mamamayang ipinanganak sa kalayaan. Sa panahon noon, ang Pilipinas ay naging alipin sa kamay ng mga Kastila. Ganunpaman, sinasabi ni Rizal sa talatang ito na kahit na ang bansa ay parang nasa bilangguan ng mga dayuhan, ang kanilang pagmamahal at pagtatangkilik sa sariling wika ay magiging simbolo na rin ng kanilang pagkatao ang pagka-Pilipino.


Ang hindi magmahal sa kanyang salita
Mahigit sa hayop at malansang isda
Kaya ang marapat pagyamanin kusa
Na tulad sa inang tunay na nagpala

It is here in these lines of verse that we find Rizal's famous quote: "He who does not love his own language is worse than an animal and smelly fish."  He further adds that Filipinos must work to make the language richer, and likens this endeavor to a mother feeding her young.  The native tongue is now compared to a helpless child that must be nurtured in order to grow and flourish.

Dito sa pangatlong saknong nating makikita ang isa sa mga pinakatanyag na kasabihan ni Rizal. Ayon sa kanya, ang wika raw kay nangangailangan ng pag-aaruga, gaya ng pag-alaga ng ina sa kanyang anak. Ihinahalintulad niya ang pambansang wika sa isang sanggol na kailangang alagaan at mahalin.


Ang wikang Tagalog tulad din sa Latin,
Sa Ingles, Kastila, at salitang anghel,
Sapagkat ang Poong maalam tumingin
Ang siyang naggagawad, nagbibigay sa atin.

The Tagalog language is, according to these lines, equal in rank to Latin, English, Spanish, and even the language of the angels.  It is not inferior to any other language, nor must it be considered so.  For it is God who has bestowed upon the Filipinos this gift, just as he has blessed the other nations and lands with their native tongues.

Ayon kay Rizal, ang wikang Tagalog ay singhalaga ang sintulad lamang ng wikang Latin, Ingles, Kastila, at salitang anghel. Hindi ito dapat minamaliit kapag ikinukumpara sa wika ng ibang mas mauunlad na bansa, sapagkat iisa lamang ang Diyos na nagbigay-bunga sa lahat ng wika ng mundo.


Ang salita nati’y tulad din sa iba
Na may alfabeto at sariling letra,
Na kaya nawala’y dinatnan ng sigwa
Ang lunday sa lawa noong dakong una.

These last lines may very well be referring to the Alibata, or the old Filipino alphabet whose characters are unique in every essence, finding no likeness in any other alphabet.  The Tagalog language, according to Rizal, has letters and characters of its very own, similar to the way other "elite tongues" do.  These letters, however, were overthrown by strong waves and lost, like fragile, fickle boats in the stormy sea, many long years ago.

Ang wika ng mga Pilipino, tulad nga iba pang wika, ay mayroon ding sariling alpabeto. Maaaring tinutukoy ni Rizal dito ang Alibata o ang lumang alpabetong Pilipino, na talaga namang nag-iisa ang walang katulad. Ngunit, ayon kay Rizal, ang mga letra ng ating katutubong alpabeto ay parang natangoy sa malalaking alon, na parang mga bangka.

Ang Lumang Simbahan ni Florentino T. Collantes (Basang Suri)

 Si Florentino Tansioco Collantes ay kilala  sa tawag na ”kuntil-butil”, siya ay isa sa mga magagaling namanunulat at makatang Pilipino,  sa murang gulang palamang nito ay nakapag ambag na ito ng mga akdang pampanitkan at nagging pangunahing katungali ni Jose Corazon de Jesus sa larangan ng balagtasan. Ginamit niya ang tula sa mga political na kritisiso noong panahon ng Amerikano.

                                Ang akdang “Ang Lumang Simbahan” ay sinulat sa anyong tulang pasalaysay ito ay nag lalaman ng bakas ng kolonyalismo sa ating bansa mababasa rin nating sa akda ang impluwensyang naiwan ng mga banyaga na kalaunan ay naging parte nan g pamumuhay ng mga Pilipino.
                              Layunin ng akdang ito ang ipahayag sa bawat Pilipino na tayo ay wagas kung mag mahal at likas na mapag dasal. Mababasa rin natin sa akdang ito ang mga ang mga palatandaan ng mga imlpuwensyang ating nakuha sa mga dayuhang mananakop.
 Tema: Ang tulang Ang Lumang Simban ay pumapaksa sa pag ibig at katatakutan.
Mga tauhan:
                       Ang mag kasintahan
                           -   ( Ang Dalaga) Anak mayaman ngunit tapat ang pag sinta sa mag sasakang binata.
                           - (Ang Binata) Isang mahira na mag sasaka.
                        Ang matandang nag mumulto
                            - Ito ay nag susuot ng puti at may apoy sa bibig na kung saan umano sa gabi lamang namamalas
                         Mga tao sa bayan
-Takot na takot at pinangingilagan ang lumang simbahan.
Tagpuan/Panahon:
Sa lumang abandonadong simbahan sa isang maliit na bayan na balot na ng lumot ng kapanahonan. Na kung saan pinangingilagan at kinakatakotan ng lahat ng tao sa naturang bayan dahilan sa di umanoy may nagmomultong matanda.
Mga kaisipan/ideyang taglay ng akda:
Ang akdang ito ay nag tataglay ng mga kaisipang hango sa mga totong pang yayari sa tunay na buhay.  Kung saan itinalakay ng may akda ang katatagan ng dalawang mag kasintahan na ipag laban ang kanilang pag mamahalan kahit paman sa mga tutol sa kanilang pag iibigan at ang kanilang matibay na pananalig Inang Berhen Maria. Itinalakay rin ng may akda ang mga katatakutan di umano’y ng yayari sa naturang simbahan.
Istilo ng pag kakasulat ng akda:
Ang istilong ginamit sa pagsulat ng akda ay makatawag pansin. Ito ay madaling maintindihan ng mga mambabasa, kahit paman may kalaliman ang ibang mga salitang ginamit sa akda.Ito ay hindi naging hadlang upang madaling maunawaan at tangkilikin ng mga mambabasa. Ang akdang ito ay hindi lamang naka sentro sa isang paksa na isa sa mga naging dahilan ng pag kakaiba nito sa ibang mga akdang patula.
Buod:
 Ipapahayag ng tulang ito ang wagas na pag mamahalan ng dalawang magkasintahan. Sa isang abandonadong lumang simbahan, sa isang maliit na bayan na kung saan ito’y nalimot na ng kapanahunan. Ang itsura nito’y waring libinagan dahil sa mga damong dito’y gumagapang. Sa bandang silangan ng simbahan matatagpuan kampanang basag na nagmula pa sa kapanahunan ng mga kastila. Ang sabi, nabasag raw ito sa kapanahunan ng digmaan, bumagsak sa lupa  kaya ito’y nabasag ito’y paniniwala ng mga matatanda.
Doon daw sa lumang simbahan ay may nakatagong isang matanda na sa tuwing gabi lamang namamalas. Ito’y naglalakad at nakasuot ng puting damit na mayroong ilaw sa bibig ito’y yaong nakabalot na hiwaga sa lumang simbahan. Na sa tuwing umaga na sisilipin ng mga tao ang lumang simbahan ay walang matanda ang kanilang makikita. Kaya mula noon kinatatakutan at pinangingilagan ang naturang simbahan. Minsan tumugtug ang kampanang basag nakakakot ang yaong pangyayari. Kinabusan pa mayroong libingan sa harap ng altar.
Lumaki ang balitang nakakagimbal lalong pinangilagan ng taong bayan ang lumang simbahan wala ng naglakas loob na pumasok dito at nang isang gabing payapa mayhinaing na nanggagaling sa lumang simbahan na parng tanghoy ng isang may lubhang sakit ngunit isang gabi may isang taong nagtapang-tapangan  at mag isang pumasok sa lumang simbahan. hindi pa nga ito nagtatagal sa loob ay dali dali itong lumabas at ang sabi niya’y mayroon siyang nakitang multo na puti ang suot at binaril niya ngunit di ito natablan. Sa ganoong pangyayari ay lalong pumutok sa taong bayan ang nakagigimbal na balita tungkul sa lumang simbahan. mula noon kahit may taong dadaan sa simbahan ay di makuhang tumingin man lamang dito kahit may birhen sa loob ay walang nanalangin kaya ang lumang simbahan ay naging parang isang libingan.
Pero may isang gabi nagliwang ang simbahan mayroong magkasintahan na ayaw ipakasal ng kaning magulang sila ay lumuhod sa harap ng altar at nanalangin at humingi ng tawad sa kanilang binabalak na pagpapatiwakal sapagkat ang ama raw ng babae ay tutol sa kanilang pag-iibigan dahil ang kanyang iniirog ay  magsasaka lamang pero ang babae ay tapat sa kanyang iniirog kaya sila’y nagsama at nagbalak na sabay magpatiwal upang sa kabilang buhay doon nila’y ipagpapatuloy ang kanilang pagmamahalan.
Doon ay lubos silang nag-iyakan at sila’y nagyakapan sa kanilang gagawin pagpapatiwakal gamit ang sandatang kanilang itutusok sa kanilang dibdib pero bago yun napag isip-isip ng binata na bago nila tuluyang itusok ang sandata sa kanilang dibdib ay maghukay muna sila ng malalim gamit ang pala ng sa ganoon magsasama silang babagsak sa hukay. Ngunit sa knilang paghuhukay kanilang natagpuan ang napakaraming kayamanan kaya ang balak na pagtitiwakal ay naudlok sa labis na kagalakan. Nagdasal sila at nagpasalamat sa birhen sila’y umuwi pasan ng binata ang naturang kayamanan.
Simula noon ay pinaayos nila ang simbahan at pinagawa ang nasilang kampana at sila’y nagdaos ng pista na kung saan sampung araw ang tagal ng tugtugan nawala ang takot ng taong bayan sa lumang simbahan at doon unang nagpakasal sa simbahan ang magkasintahan. Ang kayamanan palang yaon ay pagmamay-ari ng isang puno ng tulisan.  

ANG LUMANG SIMBAHAN Ni: Florentino T. Collantes


I.
Sa isang maliit at ulilang bayan
Pinagtampuhan na ng kaligayahan
Ay may isang munti at lumang simbahang
Balot na ng lumot ng kapanahunan;
Sa gawing kaliwa, may lupang tiwangwang
Ginubat ng damo't makahiyang-parang,
Sa dami ng kurus doong nagbabantay
Makikilala mong yaon ay libingan.
II.
Sa gawing silangan ng simbahang luma
May isang simboryong hagdanan ma'y wala,
Dito ibinitin yata ng tadhana
Ang isang malaki't basag na kampana;
Ito raw'y nabasag anang matatanda
Noong panahon pa ng mga Kastila,
Nang ito'y tugtugin dahilan sa digma
Sa lakas ng tugtog bumagsak sa lupa.
III.
Sa lumang simbaha't sa kampanang basag
Ay may natatagong matandang alamat,
May isang matanda akong nakausap
Na sa lihim niyo'y siyang nagsiwalat;
Ang Lumang Simbaha'y nilimot ng lahat,
Pinagkatakutan, kay daming nasindak
 Umano,kung gabi ay may namamalas,
Na isang matandang doo'y naglalakad.


IV.
Ang suot ay puti may apoy sa bibig,
Sa buong magdamag ay di matahimik,
Ngunit ang hiwagang di sukat malirip,
Kung bakit sa gabi lamang na mamasid
Kung araw, ang tao, kahit magsaliksik
Ang matandang ito’y hindi raw masilip,
Ngunit pagdilim na't ang gabi'y masungit
Ano't ang simbahan ay lumalangitngit?
V.
Magmula na noo'y pinagkatakutan,
Ayaw nang pasukin ang Lumang Simbahan;
Saka ang isa psng baya'y gumimbal,
Ang kampanang basag na bahaw na bahaw
Kung ano't tumunog sa madaling araw,
At ang tinutugtog agunyas ng patay;
Saka nang dumating ang kinabukasan
May puntod ng libing sa harap ng altar.
VI.
Lumaki ang ahas sa mga balita'y
Lalong di pinasok ang Simbahang Luma,
Kung kaya ang hindi mkurong hiwaga'y
Nagkasalin-salin sa maraming dila,
Hanggang may nagsabing sa gabing payapa
May mgs hinaing doon nagmumula
Tagpoy ng maysakit na napalubha.
Himutok ng isang pananaw sa lupa.
VII.
Ngunit isang gabi ay may nagmatapang
Nag-isang pumasok sa lumang Simbahan;
Datapwa't hindi pa siya nagtatagal

Karimot ng takbong nagbalik sa bahay,
Saka namalitang nagkakandahingal:
"Ako po'y mayroong multong natagpuan,
Ang suot ay puti at nakabalabal,
Gayong binaril ko'y ano't di tinablan."
VIII.
Lalo nang nag-ugat sa bayan ang lagim;
Ang Lumang Simbaha'y ayaw nang pasukin;
Taong naglalakad sa gabing madilim.
Ni ayaw sumagi, ni ayaw tumingin.
Pati nang naroong sakdal gandang Birhen,
Wala ni sinumang pusong manalangin;
Kaya't sa simbaha'y wala nang pumansin
Tulad ng ulila't tiwangwang na libing.
IX.
Ngunit isang gabing kadilima'y sakdal,
Ang simbahang Luma'y ano't nagkailaw
May isang binata't isang paraluman
Na nangakalunod sa harap ng altar.
Ang dalawang ito ay magkasintahang
Sa galit ng ama ay ayaw ipakasal,
Kaya't ang dalawa'y dito nagtipanang
Sa harap ng Birhen ay magpatiwakal.
X.
Ang ama raw nitong magandang dalaga
Kung sa kayamana'y walang pangalawa.
Ang binata nama'y isang magsasaka,
Mahirap, kung kaya aayaw ng ama.
Ngunit sa babaing tapat ang pagsinta
Ang yaman sa mundo ay walang halaga,
Kaya't nagkasundong magpatiwakal na

Sa langit pakasal, doon na magsama.
XI.
Sa harap ng birhen ang magkasing-liyag
Ay nagsidaling luha'y nalalaglag;
Matapos ang dasal, dalawa'y nagkayakap
Sa pagmamahala'y parang pahimakas.
Dalawang sandatang kapwa kumikislap
Ang sa dibdib nila'y kapwa itatarak;
Yayamang sa lupa'y api ang mahirap.
Sa langit na sila magiisang palad.
XII.
Ngunit ang binata ay may naisipan
Bago nagkasundong dibdib ay tarakan,
Ay humukay muna sa harap ng altar,
Saka sa gagawing malalim na hukay
Ay doon na sila magsamang mamatay;
Kung mamatay silang wala sa libingan
Baka kung ibaon ay magkahiwalay.
XIII.
Humanap ng palang panghukay sa lupa
Itong sawing-palad na aping binata;
Habang humuhukay ang kaawa-awa
Sa habag sa sinta'y nanatak ang luha.
Ngunit ano ito? Kaylaking hiwaga!
Ang nadukal-dukal mga gusing luma,
Saka nang iahon, oh! Laking himala
Puno sa salapi at gintong Kastila!
XIV.
Ang magkasinggiliw ay nagitlahanan
At nalimot tuloy ang magpatiwakal;
Ang mutyang dalaga ang siyang nagbilang.

Oh, daming salapi! laking kayamanan,
Libo’t laksa-laksa itong natagpuan,
Kaya’t sa malaki nilang kagalakan
Lumuhod sa Birhen at nagsipagdasal.
XV.
At sila’y umuwi pasan ng binata,
Nagkakayang-uuyad sa malaking tuwa …
Ang Lumang Simabahan ay ipinagawa,
At ipinabuo ang kampanang sira;
At saka nagdaos ng pistang dakila,
Tugtog ng musiko’y sampung araw yata
Inalis ang takot sa puso ng madla
Ang inihalili’y saying di-kawasa.
XVI.
Sa ginawang bago na Lumang Simabahan
Ang magkasing ito ang unang nakasal;
Nang sila’y lumuho sa harap ng altar
Ang lahat ng tao’y nagsipagdiwang;
Dito na nabatid ng takot na bayan
Ang simbahan pala ay pinagtaguan
Ng isang matandang puno ng Tulisan
XVII.
Na may ibinaon doong kayamanan.
Ngayo’y din a takot kundi saya’t tuwa
Ang madudulang mo sa Simabahang luma,
At sa Birhen doong kay-amo ng mukha, Oh!
Kayrami ngayong nagmamakaawa.
Ito’y katunayan: Anu ano mang gawa,
Dapat isangguni muna kay Bathala,
Sa awa ng Diyos nagtatamong pala.

April 13, 2022

Ang Magsasaka

 

ni:

(Julian Cruz Balmaceda)

Sa maghapong singkad ikaw’y nasa-linang

Sulong mo’y ararong batak ng kalabaw.

Di mo pinapansin ang lamig at ginaw,

Ang basal ng lupa’y mabungkal mo lamang.

 

Iyong isinabog ang binhi sa lupa

Na ikalulunas ng iyong dalita;

Tag-ani’y dumating sa dili-kawasa

Lahat ng hirap mo’y nabihis ng tuwa.

 

Anupa’t ang bawat butil

Ng bigas na naging kanin

Sa isip at diwa nami’y

May aral na itinanim.

 

Iya’y tunay na larawan

Ng lahat mong kapaguran

Bawat butil na masayang

Ay pintig ng iyong buhay.

 

Kaya nga’t sa aming puso’t dilidili,

Nakintal ang isang ginintuang sabi;

Sa lahat at bawat bayaning lalaki

Ikaw, magsasaka, ang lalong bayani. 


#ang_magsasaka

Manggagawa ni Jose Corazon de Jesus

ni:
(Jose Corazon de Jesus)

Bawat palo ng martilyo sa bakal mong pinapanday
Alipatong nagtilamsik, alitaptap sa karimlan;
Mga apoy ng pawis mong sa Bakal 
ay kumikinang
Tandang ikaw ang may gawa nitong buong Santinakpan.

Nang tipakin mo ang bato ay natayo ang katedral
Nang pukpukin mo ang tanso ay umugong ang batingaw,
Nang lutuin mo ang pilak ang salapi ay lumitaw,
Si puhunan ay gawa mo, kaya ngayon’y nagyayabang.

Kung may ilaw na kumisap ay ilaw ng iyong tadyang,
kung may gusaling naangat, tandang ikaw ang pumasan
Mula sa duyan ng bata ay kamao mo ang gumalaw
Hanggang hukay ay gawa mo ang krus na nakalagay.
Kaya ikaw ay marapat dakilain at itanghal
Pagkat ikaw ang yumari nitong buong kabihasnan…..
Bawat patak ng pawis mo’y yumayari ka ng dangal,
Dinadala mo ang lahi sa 
luklukan ng tagumpay.
Mabuhay ka nang buhay na walang wakas, walang hanggan,
at hihinto ang pag-ikot nitong mundo pag namatay.
#Manggagawa_ni_Jose_Corazon_de_Jesus

Pag-unlad ng Tula

Unang Hati.  Sa mga unang tatlumpu hanggang apatnapung taon ng pananakop ng mga Amerikano, ang mga makatang Pilipino ay mapapangkat sa dalawa:  nakatatanda at nakababata.

 

  1. Nakatatanda – kabilang sa nakatatanda sina Lope K. Santos, Pedro Gatmaitan, at IƱigo Ed. Regalado.  Ang unang pangkat na ito ay aral sa Kastila.
  2. Nakababata – sa nakababata naman ay sina Jose Corazon de Jesus, Teodoro Gener, Ildefonso Santos, Cirio H. Panganiban, Aniceto F. Silvestre at Amado V. Hernandez.

 

Lope K. Santos (1879-1963) – tinatawag na “Ama ng Balarilang Pilipino”.  May-akda ng Banaag at Sikat.  Bilang makata, laging mababanggit kaugnay ng pangalan niya ang mga tulang “Ang Pangginggera”, “Puso’t Diwa”, “Mga Hamak na Dakila,” at “Sino Ka – Ako’y Si…”      

 

Pedro Gatmaitan – Ang kanyang mga tula ay napatanyag dahil sa hindi malayong paggunita sa mga kabayanihan ng mga bayani ng digmaan at ng himagsikan 1896.  Nagkubli siya sa mga sagisag na “Pipit-Puso”, “Dante”, “Ernesto Salamisim” at “Alitaptap”.  Nakilala ang kanyang “Tungkos ng Alaala”, isang katipunan ng kanyang mga natatanging tula.

 

Ikalawang Hati. Sa panahong ito namayani ang mga nakababatang Jose Corazon de Jesus (Huseng Batute), Cirio Panganiban, Deogracias A. Rosario, Ildefonso Santos, Benigno Ramos at Aniceto Silvestre. 

 

“Ilaw at Panitik” – isang tanyag na samahang pangwika na natatag noon.  Ang unang pangulo ng samahan ay si Jose Esperanza Cruz, naging patnugot ng Liwayway.  Panahon din ito ng mga patimpalak sa pagtula at pagsulat ng tula, at sa mga ganitong pagkakataon ang mga makatang kasapi ng “Ilaw at Panitiki” ay naghali-halili sa pagkakamit ng unang gantimpala. 

 

Balagtasan – supling ng matandang duplo.  Abril 6, 1924, idinaos ang kauna-unahang balagtasan.  Ginanap iyon sa bulwagan ng Instituto de Mujeres, sa Kalye Tayuman, Tondo, Maynila.  Ang pamagat ay “Bulaklak ng Lahing Kalinis-linisan”.  Si Jose Corazon de Jesus ang lumagay na “Paruparo” at si Florentino Collantes naman ang sa “Bubuyog”.  Si Sofia Enriquez naman ang mabangong “Kampupot” o Bulaklak ng Kalinisan, samantala si Lope K. Sntos ang siyang nag-lakandiwa.  Si Jose Corazon de Jesus ang nanalo sa labanang iyon, ayon sa pasiya ng hurado.  Naging unang Hari ng Balagtasan si Batute.

 

Jose Corazon de Jesus – naging “Makata ng Pag-ibig” sa halalan ng mga mambabasa ng pahayagang Mithi noong 1916.  Isa sa mga tanyag niyang tula ang “Isang Punongkahoy”.

 

Florentino Collantes – naging katunggali ni Batute sa mga pagbabalagtasan.  Naibigay sa kanya ang karangalang “Makata ng Bayan” kapanabay ng pagbibibay kay Lope K. Santos ng karangalang “Paham ng Wika”.  Kabilang sa mga tula niya ang sumusunod:  Ang Sawa, Sa Dakong Silangan, Ang Lumang Simbahan at Ang Tulisan.   

 

Iba Pang Makata

 

Teodoro E. Gener – pangunahing tula niya ang “Subo ng Sinaing”, “Guro” at “Pag-ibig”.

 

Aniceto F. Silvestre – makata ng damdamin.  Ang kanyang tulang “Filipinas” ay ipinagwagi niya ng gantimpala sa tula sa isang patimpalak na Surian ng Wikang pambansa noong 1946.

 

Teo S. Baylen – ang mga tula niya sa loob ng tatlumpung taon ay isina-aklat niya sa kanyang Tinig na Darating. 

LET REVIEWER

Introduksyon sa Pagsasalin

Overview: Pagsasalin sa Kontekstong Filipino ay naglalayong paunlarin ang kasanayan sa pagsasalin na ginagabayan ng pananaliksik (saliksik...