Overview:
Pagsasalin
sa Kontekstong Filipino ay naglalayong paunlarin ang kasanayan sa pagsasalin na
ginagabayan ng pananaliksik (saliksik-salin) na nakalapat sa konseptong
Filipinolohiya, sa pag-unawa sa kahulugan, teorya at kahalagahan ng
pagsasapraktika ng pagsasalin tungo sa Intelektuwalisasyon ng Wikang Filipino.
Ang pagsasalin bilang disiplinang nagbabanig sa kaisipan at kamalayang bayan ay
naglalatag sa kapangyarihan at kahalagahan ng Pambansang wika at mga katutubong
wika tungo sa paglikha ng mga teorya salig sa konseptong Filipinolohiya sa
pagsasakonteksto ng mga batayang pangangailagang kaalaman sa pag-unawa sa
kalagayan ng lipunan sa pagkakamit ng pambansang kaunlaran.
Pangkalahatang Layunin
Ang
Introduksyon sa pagsasalin ay asignaturang Filipino na tatalakay sa kahalagahan
ng Wikang Pambansa salig sa mga wikang katutubo. Sasaliksikin ang mga tekstong
naisalin batay sa industriya o/at larang. Susuriin at isasalin ang mga tekstong
pampanitikan, teknikal at espesyalisadong disiplina na tumutugon sa kalagayan
at pangangailangan ng lipunang Filipino na mahigpit na nakayakap at nakalapat
sa makabansang kaisipan. Naglalayon itong makapagtipon ng mga korpus (glosaryo,
talasalitaan, ensiklopidya, atbp.) mula sa iba‟t
ibang larang sa pamamagitan ng pakikisangkot/ halubilo tungo sa pagbubuo ng mga
materyal na sinaliksik at isinalin (saliksik-salin) na magiging ambag sa
intelektuwalisasyon ng Wikang Filipino.
Mga Tiyak na Layunin
Inaasahang ang mga mag-aaral ay:
•
Magiging dalubhasa sa pagtatamo ng mga kagalingan/kasanayan ng pagsasalin sa
larangan ng komunikasyon, wika at literatura;
•
Matututong magsalin sa wikang Filipino ng mga kagamitan sa pag-aaral at
pagtuturo mula sa ibang wika;
•
Mapaghuhusay ang komunikasyong pasulat at pasalita para sa pangangailangan ng
mga paaralang bayan, pamantasan, industriya, at institusyon;
•
Makatutulong sa pagpapalaganap ng makabuluhang karunungan para sa
kapakinabangan ng sambayanang Pilipino; at
• Mahahasa sa gawaing
pananaliksik upang makapagbahagi ng kaalaman at karunungan.
Mga Nilalaman ng Paksa
Layunin
ü Magiging dalubhasa sa pagtatamo ng mga
kagalingan/kasanayan ng pagsasalin sa larangan ng komunikasyon, wika at
literatura;
ü
Matututong
magsalin sa wikang Filipino ng mga kagamitan sa pag-aaral at pagtuturo mula sa
ibang wika;
Kahulugan
ng Pagsasalin
Ayon
kay C. Rabin , 1958: “Ang pagsasaling-wika ay isang proseso kung saan ang isang
pahayag, pasalita man o pasulat, ay nagaganap sa isang wika at ipinapalagay na
may katulad ding kahulugan sa isang dati nang umiiral na pahayag sa ibang
wika.”
Ayon
naman kay E. Nida, 1959/1966 “Ang pagsasaling-wika ay muling paglalahad sa pinagsalinang
wika ng pinakamalapit na natural na katumbas ng orihinal ang mensaheng
isinasaad ng wika, una;y batay sa kahulugan, at ikalawa’y batay sa istilo.”
Sa
simpleng salita, “Ang pagsasaling-wika ay ang pagsasalin o paglilipat sa
pinakamalapit na katumbas na mensahe ng tekstong isinalin sa wika o diyalektong
pinagsasalinan.”
“Ang
Pagsasalin ay isang proseso ng paglilipat ng mga salita o mensahe sa, kalapit
na katumbas na diwa na gamit ang ibang wika ayon kay (Griarte, 2014).”
“Ang
Pagsasalin ay paglalahad sa tumatanggap ng wika ng pinakamalapit na natural na
katumbas ng mensahe ng simulang wika, Una ay sa kahulugan at Pangalawa ay sa
estilo ayon kay (Eugene Nida, 1964).
Sa
pagsasaling wika dapat isinasaalang-alang ang diwa o konteskto at ang balarila
o gramatika ng dalawang wika. Dapat isinasaalang-alang din ang pamamaraan ng pagsulat
o estilo upang hindi mabago ang diwa ng tekstong isasalin. Kadalasan nagiging
kamalian sa pagsasalin, ang pagsasalin ng salita-sa-bawat-salita sapagkat ang
pagsasalin sa ganitong paraan ay maaring hindi mabigyang pansin ang diwa,
estilo at balarila. Dapat maging maingat sa pagsasalin upang mapanatili ang
diwa ng orihinal ng teksto.
Ang
pagsasalin ay paglilipat ng isang akda sa pinakamalapit na diwa mula sa
simulaang lengguwahe (source text) patungo sa tunguhang lengguwahe (target
text). Ang tagasalin ay nararapat na may kaalaman sa simulaang lengguwahe at
mas may sapat na kaalaman sa tunguhang lengguwahe upang maayos na maisalin ang
teksto.
Kahulugan
ng Tagasalin
Isang
manunulat na lumilikha ng kanyang ideya para sa mambabasa. Ang kabihan lamang
niay at ng orihinal na may-akda, ang ideyang kanyang ipinapahayag ay mula sa
orihinal na may-akda (Enami 1997). Iang tao ana ng gawa ay isalin ang salita,
lalo na ang nakasulat sa wikang nais paglipatan (Cambridge).
Katangian
ng Tagasalin
•
Sapat na kaalaman sa dalawang kasangkot sa pagsasalin.
•
Sapat na kaalaman sa paksang isasalin.
•
Sapat na kaalaman sa kultura ng dalawang bansang kaugnay sa pagsasalin.
•
Sapat na kaalaman sa gramatika ng wikang kasangkot sa pagsasalin.
•
Sapat na kaalaman sa pampanitikang paraan ng pagpapahayag
Ang
Tungkulin ng Tagasalin
May mga nagsasabi na ang mga
tagasalin ay karaniwang “writer manque” o bigong manunulat.Maraming tagasalin
na makapagsisinungaling sa birong ito, mga kilalang manunulat at makata na may
sariling pangalan sa paglikha ng orihinal na akda ngunit pumalaot pa rin sa
pagsasalin. Bakit? Marahil, sapagkat nakikita nilang isang hamon ang mailipat
sa ibang wika ang matatayog na kaisipan at maririkit na pananalita ng ibang
awtor. O kaya’y ibig nilang ibahagi ang kasiyahang pampanitikan sa ibang hindi
nakakabasa ng wika ng orihinal na awtor.
Ano man ang dahilan sa
pagsasalin, batid ng isang responsableng tagasalin na may mga tungkulin siyang
dapat tuparin kung nais niyang maging tagumpay ang kanyang salin.
Tatlo ang tungkuling ito: tungkulin
sa kanyang awtor, tungkulin sa kanyang mga mambabasa, at tungkulin sa kanyang
sining.
Tungkulin ng
tagasalin na maging tapat sa kanyang awtor, na ang pagiging tapat ay
nangangahulugan ng paglilipat sa wikang pinagsasalinan ng tunay na mensahe at
kahulugan ng awtor. Walang karapatan ang isang tagasalin na bawasan o dagdagan
ang sinasabi ng kanyang awtor. Maaari siyang magdagdag ng salita, o magdagdag
ng paliwanag, ngunit hindi niya saklaw ang kahulugang ibig ipaabot ng orihinal
na awtor. Tungkulin din ng tagasalin na maging tapat sa kanyang mga mambabasa,
na ang pagiging tapat ay nangangahulugan ng pagsisikap na maihatid dito ang
tunay na kahulugan ng orihinal na awtor. Sapagkat ang mga mambabasa ng salin ay
hindi nakakabasa o hindi nakakaintindi ng wika ng orihinal, nasa mga kamay ng
tagasalin ang buhay ng isang akda – magiging maganda lamang ito sa ibang wika kung
tapat ang tagasalin sa kanyang tungkulin sa kanyang mga mambabasa. Ang
pangatlong tungkulin ay ang tungkulin ng tagasalin sa kanyang sining. Ang
pagsasalin ay hindi lamang isang siyensiya o agham, kundi isa ring sining, lalo
pa kung pampanitikang akda ang isinasalin. Nakaatang sa balikat ng tagasalin
ang tagumpay o pagkabigo ng isang salin” tungkulin niya, samakatwid, na lumikha
sa isang panibagong wika ng isang panibagong likhang sining. Sabi nga ni Dante
Gabriel Rosetti, “to endow a fresh nation, as far as possible, with one more
possession of beauty.” Sa ganitong paraan, ang isang tagasalin ay nagiging
isang tagalikha, tulad din ng orihinal na awtor.
Kahalagahan
ng Pagsasalin
Ang pagsasalin ay nakatutulong sa
pagbibigay ng mga bagong kaalaman sa isang lugar. Sa pagsasalin ng teksto
nagkakaroon tayo ng kaalaman sa iba’t ibang lengguwahe. Mahalaga sa pagsasalin
na malaman ang kasaysayan at kultura ng tekstong pinagmulan upang malaman ang
wastong gamit ng wika at balarila ng teksto.
Kailangan din ito upang maunawaan
ang mga salita na ginamit sa panahon kung kailan nagawa ang akda. Sa paglipas
ng panahon ang mga salita ay nagkakaroon ng iba’t ibang kahulugan o di kaya’y
may mga salitang hindi na nagagamit sa panahon ngayon. Pagpapakilala sa mga
bagong mambabasa ng isang akdang itinuturing na makabuluhan ng isa o ng ilang
tao.
Kailangan maging maingat sa
pagsasalin ng mga teksto na madami ng nakabasa upang sa pagpapakilala nito sa
ibang wika ay hindi mabalewala ang orihinal na estilo. Mahalaga sa pagsasalin
na isaalang-alang ang mga mambabasa dahil dito mas mapapalawak ang nakakaunawa ng
tekstong isasalin.
Nagkakaroon din ng pagkakaunawaan
at interaksiyon ang dalawang wika. Nagagamit ang pagsasalin upang makabuo ng
panibagong interaksyon sa pagitan ng magkaibang lugar. Nakakatulong din ito upang
maunawaan ang wika, kultura at kasaysayan ng ibang lugar gamit ang iba’t ibang
teksto o akda.
Katangian
ng Pagsasalin
“Kailangang katulad na katulad ng
orihinal ang diwa, ang estilo at paraan ng pagsulat ay katulad ng sa orihinal
at taglay ang “luwag” at “dulas” ng pananalitang tulad ng sa orihinal, upang
hangga’t maaari ay mag paraang orihinal (Santiago, 1976).”
“Kailangang meaning-based na
nangangahulugang dapat itong magpahayag ng tamang kahulugan o diwa ng orihinal
sa tunay na porma ng pokus ng wika. (Lacson,1984).”
Dapat sa pagsasaling wika
isinasalang-alang ang orihinal na teksto. Dapat maging batayn nito ang diwa,
himig at anyo ng teksto upang magparaang orihinal parin ang tekstong isinalin.
Dapat din na may sapat nakaalaman ang tagasalin sa mga salita na ginamit sa
teksto upang hind maging dahilan ng iba-ibang pagkahulugan ng mga salita.
Mahalaga ito sapagkat may mga
salitang magkatulad ngunit magkaiba ng kahulugan. Kailangan sa pagsasalin na
alamin ang kultura at wika ng lugar na pinagmulan at pagsasalinan upang maging
tama ang bawat salitang gamit sa teksto. “Kailangang kumakatawan ito sa
orihinal nang hindi nilalapastangan ang wikang kinasalinan (Medina, 1988).”
“Kailangang may sensibilidad,
naipahahayag ang nilalaman at paraan ng orihinal, may natural at madulas na
ekspresyon at tumutugon sa pagtanggap na tulad ng orihinal (Nida, 1964).” Isang
katangian ng mahusay na salin ay dapat may sensibiladad at paggalang mula sa
orihinal teksto.
“Kailangang matagumpay na matamo
ang layuning maipahatid ito sa kinauukulang target (Nida, 1976).” Maituturing
na mahusay na salin kapag ito naunawaan ng mga mambabasa at napanatili nito ang
diwa, anyo at estilo ng tekstong pinagmulan.
Mga
Katangiang Dapat Taglayin Ng Tagasalin
1. Kasanayan sa Pagbása at Panunuri
-
Paulit-ulit na pagbása sa akda hanggang lubos na maunawaan ang nilalaman nito
-
Pagpapasya kung paano tutumbasan ang bawat salita lalo na iyong mga salitang
siyentipiko, teknikal, kultural at may higit sa isang kahulugan
-
Pag-unawa sa antas ng wikang ginamit, estilo ng may-akda, kulturang nakapaloob
sa teksto, at iba pang katangiang lampas sa estruktura
2. Kasanayan sa Pananaliksik
Kasama rito ang:
-
paghahanap sa kahulugan ng di-pamilyar na mga salita sa mga sanggunian
(diksiyonaryo, ensiklopidya, at iba pa)
-
pananaliksik tungkol sa bakgrawnd ng may-akda, kulturang nakapaloob sa akda,
atbp.
-
pagkilala sa target na mga mambabása
3. Kasanayan sa Pagsulat
-
Ito ang masalimuot ng proseso ng paglikha ng salin at patuloy na rebisyon nito
upang ganap na maging natural sa TL at sa mambabása.
-
Pagsunod sa mga tuntuning panggramatika (hal., Ortograpiyang Pambansa)
-
Kaalaman sa dalawang wikang sangkot sa pagsasalin at sa estruktura ng mga ito
- Pag-aayon ng kaayusan ng salita at pangungusap sa estruktura ng TL
Mga
Batayang Kaalaman sa Wikang Filipino, Lokal na Wika at Banyagang Wika
Mayaman ang wika at isa itong
malawak na larangan. Hindi nauubos ang mga kaalamang natututuhan at
natutuklasan tungkol sa wika. Sa tanong na “ano ng aba ang wika?” napakaraming
makukuhang sagot mula sa iba’t ibang dalubhasa sa wika.
Pinakagamitin at popular ang
kahulugan ng wika na ibinigay ng lingguwistang si Henry Gleason (mula sa
Austero et al. 1999). Ayon sa kanya, ang wika ay masistemang balangkas ng
sinasalitang tunog na pinipili at isinasaayos sa paraang arbitraryo upang
magamit ng mga taong kabilang sa isang kultura. Sa aklat nina Bernales et al.
(2002), mababasa ang kahulugan ng wika bilang proseso ng pagpapadala at
pagtanggap ng mensahe sa pamamagitan ng simbolikong cues na maaaring berbal o
di-berbal. Samantala, sa aklat naman nina Mangahis et al. (2005), binanggit na
may mahalagang papel na ginagampanan ang wika sa pakikipagtalastasan. Ito ang
midyum na ginagamit sa maayos na paghahatid at pagtanggap ng mensahe na susi sa
pagkakaunawaan.
Marami pang Pilipinong dalubwika
at manunulat ang nagbibigay ng kanilang pakahulugan sa wika. Ayon sa mga
edukador na sina Pamela Constantino at Galileo S. zafra (2000), ‘ang wika ay
isang kalipunan ng mga salita at ang pamamaraan ng pagsasama-sama ng mga ito
para magkaunawaan o makapag-usap ang isang grupo ng mga tao.” Binanggit ng
Pambansang Alagad ng Sining sa Literatura na si Bienvenido Lumbera (2007) na
parang hininga ang wika. Gumagamit tayo ng wika upang kamtin ang bawat
pangangailangan natin.
Para naman sa linggguwistang si
Alfonso O. Santiago (2003), “ang wika ang sumasalamin sa mga maithiin,
lunggati, pangarap, damdamin, kaisipan o saloobin, pilosopiya, kaalaman at
karunungan, moralidad, paniniwala at mga kaugalian ng tao sa lipunan.”
Kung sasangguni naman sa mga
diksyunaryo tungkol sa kahulugan ng wika, ang wika ay Sistema ng komunikasyon
ng mga tao sa pamamagitan ng mga pasulat o pasalitang simbolo. Ayon sa UP
Diksyunaryong Filipino (2001) ang wika at “lawas ng mga salita at Sistema ng
paggamit sa mga ito na laganap sa isang sambayanan na may iisang tradisyong
pangkultura at pook na tinatahanan.”
Sa pangkalahatan, batay sa mga
kahukugan ng wika na tinalakay sa itaas, masasabi na ang wika ay kabuuan ng mga
sagisag na binubuo ng mga tunog na binibigkas o sinasalita at ng mga simbolong
isinusulat. Sa pamamagitan ng wika, nagkakaunawaan, nagkakaugnay, at nagkakaisa
ang mga tao. Kasangkapan ang wika upang maipahayag ng tao ang kaniyang naiisip,
maibahagi ang kanyang mga karanasan at maipadama ang kanyang nararamdaman.
Gayundin, bawat bansa ay may sariling wikang nagbibigkis sa damdamin at
kaisipan ng mga mamamayan nito. Sa wika nasasalamin ang kultura at pinagdaanang
kasaysayan ng isang bansa.
Sa
iyong palagay, mayroon ka bang:
»
Kasanayan sa Pagbása
»
Kasanayan sa Panunuri
»
Kasanayan sa Pananaliksik
»
Kasanayan sa Pagsulat
Kung oo, maaari ka nang maging
tagasalin.
Mula sa mga katuturang nabanggit,
mahahango natin ang mga pangunahin at unibersal na katangian ng wika:
1. Ang wika ay masistemang balangkas.
Lahat ng wika sa
daigdig ay sistematikong nakasaayos sa isang tiyak na balangkas. Walang wika
ang hindi nakaayon sa balangkas na ito. Lahat ng wika ay nakabatay sa tunog. Ponema
ang tawag sa makahuugang tunog ng isang wika samantalang Ponolohiya naman ang
tawag sa makaagham na pag-aaral ng mga ito.
Kapag ang
ponemang ito ay pinagsama, maaaring makabuo ng maliit na yunit ng salita na
tinatawag na morpema.
Ang morpemang mabubuo ay maaaring
isang salitang-ugat, panlapi, o morpemang ponema tulad ng ponemang /a/ na sa
wika natin ay maaaring magpahiwatig ng kasariang pambabae. Morpolohiya naman
ang tawag sa makaagham na pag-aaral ng mga morpema. Samantala, kapag ang mga
salita ay ating pinag-ugnay-ugnay, maaari naman tayong makabuo ng mga
pangungusap.
Sintaksis ang
tawag sa makaagham na pag-aaral ng mga pangungusap. Kapag nagkaroon na ng
makahulugang palitan ng mga pangungusap ang dalawa o higit pang tao ay
nagkakaroon na ng tinatawag na diskurso. Aling wika ang hindi sumusunod sa
balangkas na ito? Mayroon bang nalilikhang mga salita nang walang tunog? Maaari
bang magkaroon ng diskurso nang walang pangungusap?
2. Ang wika ay sinasalitang tunog.
Hindi
lahat ng tunog ay wika sapagkat hindi lahat ng tunog ay may kahulugan. Sa tao,
ang pinakamakahulugang tunog na nililikha natin at kung gayo’y kasangkapan ng
komunikasyon sa halos lahat kung hindi man lahat ng pagkakataon ay ang tunog na
sinasalita.
Samaktuwid, ito ang mga tunog na
nalilikha ng ating aparato sa pagsasalita na nagmumula sa hanging nanggagaling
sa baga o ang pinanggagalingang lakas o enerhiya, nagdaraan sa pumapalag na
bagay na lumilikha ng tunog o artikuladir at mino-modify ng resonador.
3. Ang wika ay pinipili at isinasaayos.
Sa
lahat ng pagkakataon, pinipili natin ang wikang ating gagamitin. Madalas, ang
pagpili ay nagaganap sa ating subconscious at magkaminsan ay sa ating conscious
na pag-iisip. Bakit lagi nating pinipili ang wikang ating gagamitin?
Upang tayo’y maunawaan ng ating
kausap. Hindi maaaring ipagpilitan nating gamitin ang isang wikang hindi
nauunawaan ng ating kausap. Gayon din ang ating kausap, hindi niya maaaring
ipagpilitan ang wikang hindi natin batid. Tayo, ang ating kausap o ang pareho
ay kailangang pumili ng komong wika kung saan tayo magkakaunawaan. Samantala,
upang maging epektibo naman ang komunikasyon, kailangang isaayos natin ang
paggamit ng wika.
4. Ang wika ay arbitraryo.
Kung
ipinapalagay na ang wika ay arbitraryo, ano ang paliwanag sa pahayag na ito? Ayon
kay Archibald A. Hill (sa Tumangan, et al., 2000), just that the sounds of
speech and their connection with entities of experience are passed on to all
members of any community by older members of that community.
Kung
gayon, ang isang taong walang ugnayan sa isang komunidad ay hindi matututong
magsalita kung paanong ang mga naninirahan sa komunidad na iyon ay nagsasalita
sapagkat ang esensya ng wika ay panlipunan.
Ngunit,
samantalang ang bawat komunidad ay nakabubuo ng mga sariling pagkakakilanlan sa
paggamit ng wika na ikinaiiba nila sa iba pang komunidad, bawat indibidwal ay
nakadedebelop din ng sariling pagkakakilanlan sa pagsasalita na ikinaiiba niya
sa iba pa, sapagkat bawat indibidwal ay may sariling katangian, kakayahan at
kaalamang hindi maaaring katulad ng sa iba. After all, no two individuals are
exactly alike.
5. Ang wika ay ginagamit.
Ang wika ay kasangkapan sa komunikasyon
at katulad ng iba pang kasangkapan, kailangang patuloy itong ginagamit. Ang
isang kasangkapang hindi ginagamit ay nawawalan na ng saysay, hindi ba? Gayon
din ang wika. Idagdag pa na kapag ang wika ay hindi na ginagamit, ito ay
unti-unting mawawala at tuluyang mamamatay. Ano ang saysay ng patay na wika?
Wala.
6. Ang wika ay nakabatay sa kultura.
Paanong
nagkakaiba-iba ang mga wika sa daigdig? Dahil sa pagkakaiba-iba ng mga kultura
ng mga bansa at mga pangkat. Ito ang paliwanag kung bakit may mga kaisipan sa
isang wika ang walang katumbas sa ibang wika sapagkat wala sa kultra ng ibang
wika ang kaisipang iyon ng isang wika.
Pansinin natin ang pagkakaiba ng Ingles at Filipino. Ano-ano ang iba’t ibang anyo ng ice formations sa Ingles? Ano ang katumbas ng mga iyon sa Filipino? Maaaring yelo at nyebe lamang. Ngunit ano ang katumbas natin sa iba pa? Wala, sapagkat hindi naman bahagi ng ating kultura ang glacier, icebergs, frost, hailstorm at iba pa.
Samantala,
ano naman ang katumbas sa Ingles ng ating palay, bigas at kanin? Rice lamang,
hindi ba? Bakit limitado ang bokabularyong Ingles sa pagtutumbas ng mga
salitang sagrado ng kulturang agrikultural? Hindi iyon bahagi ng kanilang
kultura.
7. Ang wika ay nagbabago.
Dinamiko
ang wika. Hindi ito maaaring tumangging magbago. Ang isang wikang stagnant ay
maaari ring mamatay tulad ng hindi paggamit niyon. Paano nagbabago ang wika?
Ang isang wika ay maaaring nadaragdagan ng mga bagong bokabularyo.
Bunga
ng pagiging malikhain ng mga tao, maaaring sila ay nakalilikha ng mga bagong
salita. Ang pinakamahusay na halimbawa nito ay ang mga salitang balbal at
pangkabataan. Samantala, kailangan ding lapatan ng mga katawagan ang mga
produkto ng pag-unlad ng teknolohiya at sensya.
Bunga
nito, ang ating wika ay nadaragdagan ng mga bagong salita na hindi umiiral
noon. May mga salita ring maaaring nawawala na sapagkat hindi na ginagamit.
Samantala, may mga salita naming nagkakaroon ng bagong kahulugan.
Mga Teorya at Metodo sa Pagsasalin
Halimbawa:
Mga antas ng interaksyon o levels of interaction
Pakikitungo
(transaction/civility with)
Pakikisalamuha (inter-action with)
Pakikilahok ( joining/participating with)
Pakikibagay (in-conformity with/in-accord with)
Pakikipagpalagayan/Pakikipagpalagayang-loob (being-in
rapport/understanding/acceptance with)
Pakikisangkot (getting involved)
Pakikiisa (being one-with)
“pamatid-uhaw” para sa “refreshments”
“pamutat” para sa “appetizer”
“sumpong” para
sa “temper” o “tantrum mania”
9.
Saling-Sanib/ Amalgamated Translation--- bihira nating ibahin ang anyo ng
mga salitang galing sa iba’t ibang katutubong wika ng Pilipinas o di kaya’y
wikang banyaga na napasok na sa bokabularyong Filipino;
Halimbawa:
“mahay” at “pagsinabtanay” ng
Cebuano
**
Nagmamahay ang isang Cebuano kapag binigo siya ng kapwa niya Cebuano. Iniisip
ng isang taga-Surigao ang “pagsinabtanay” kapag hindi rin tumupad sa isang
usapan ang isang kapwa-Surigao.
“gahum”
(Cebuano) para sa hegemony
“hinupang”
(Hiligaynon) para sa adolescence
“bising”
(Palawan squirrel)
“basad”
(Tagbanuwa) “underworld
“basi”
(Tinggian) “rice wine” for Japanese “sake”
No comments:
Post a Comment