Elemento ng Dula
1. Iskrip o nakasulat na dula/Banghay (Plot) – ito ang pinakakaluluwa ng isang dula; lahat
ng bagay na isinasaalang-alang sa dula ay naaayon sa isang iskrip; walang dula
kapag walang iskrip. Sa iskrip nakikita ang banghay ng isang dula. Ito ay ang
pagkakasunud-sunod ng mga pangyayari at sitwasyon sa pamamagitan ng mga
karakter (aktor) na gumagalaw sa tanghalan.
2. Gumaganap o aktor/ Karakter – ang mga aktor o gumaganap ang nagsasabuhay
sa mga tauhan sa iskrip; sila ang nagbibigkas ng dayalogo; sila ang nagpapakita
ng iba’t ibang damdamin; sila ang pinanonood na tauhan sa dula. Ang mga kumikilos at nagbibigay-buhay sa dula; sa
tauhan umiikot ang mga pangyayari; ang mga tauhan ang bumibigkas ng dayalogo at
nagpapadama sa dula.
3. Dayalogo – ang
mga bitaw na linya ng mga aktor na siyang sandata upang maipakita at maipadama
ang mga emosyon. Nagiging mas maganda at makapangyarihan ang dula kung may mga
malalakas at nakatatagos na mga linyang binibitiwan ng mga aktor.
4. Tanghalan –
anumang pook na pinagpasyahang pagtanghalan ng isang dula ay tinatawag na
tanghalan; tanghalan ang tawag sa kalsadang pinagtanghalan ng isang dula,
tanghalan ang silid na pinagtanghalan ng mga mag-aaral sa kanilang klase.
5. Tagadirehe o direktor – ang direktor ang nagpapakahulugan sa isang
iskrip; siya ang nag-i-interpret sa iskrip mula sa pagpasya sa itsura ng
tagpuan, ng damit ng mga tauhan hanggang sa paraan ng pagganap at pagbigkas ng
mga tauhan ay dumidipende sa interpretasyon ng direktor sa iskrip
6. Manonood –
hindi maituturing na dula ang isang binansagang pagtanghal kung hindi ito
napanood ng ibang tao; hindi ito maituturing na dula sapagkat ang
layunin ng dula’y maitanghal; at kapag sinasabing maitanghal dapat mayroong
makasaksi o makanood.
7. TEMA – ang
pinakapaksa ng isang dula. Naiintindihan ng mga manonood ang palabas base na
rin sa tulong ng pagtatagpi-tagpi ng mga sitwasyon at pagkakasunud-sunod ng mga
pangyayari at pag-aarte ng mga aktor sa tanghalan. Naililitaw ang tunay na
emosyon ng mga aktor sa tulong ng paglinaw ng tema ng dula.
Eksena at tagpo
Ang eksena ay ang paglabas-masok sa tanghalan ng
mga tauhan samantalang ang tagpo nama’y
ang pagpapalit o ang iba’t ibang tagpuan na pinangyarihan ng mga pangyayari sa
dula.
PAGTATANGHAL NG DULA
AKROSTIK na pinakabatayan habang
ika’y nasa tanghalan.
S – seen before heard ( makita muna bago
marinig)
T – talk in projection ( magsalita na may
tamang tindig)
A
– act realistically ( Umarte nang totoo)
G
– give your all ( Ibigay ang lahat)
E – exaggerate ( Eksaherado)
PAG-ARTE
Pagpasok – dito kailangang maipakita ng aktor na siya
ay mula sa tiyak na lugar na
may tiyak na layunin at nasa tiyak na
pag-iisip dahil ang unang impresyon na kanyang ibibigay sa mga manonood ay ang
kanyang susi sa papel na kanyang gagampanan. Kailangang maisaisip at maisapuso
niya ang kanyang katauhan bago pa man siya papasok. Mahalaga ring
mapagplanuhang mabuti ang paraan kung paano niya gustong lumantad lalo na ang
kanyang tindig. Dapat na nasisigurong ang lahat ay maayos tulad ng make-up, kasuotan at mga kagamitan upang hindi
mabagabag. Habang hinihintay ang pagpasok, tiyaking hindi lumalabas ang anino
sa entablado at huwag ding harangan ang labasan.
Kapag dalawa o mahigit ang papasok,
dapat ang isa ay nagsasalita at iyon ang ang taong huling lalabas upang hindi
na niya kailangan pang lumingon sa kanyang mga kausap.
Diin at Balanse sa Entablado – ang direktor ang magtuturo sa tamang posisyon sa
entablado ngunit ang actor ay maaring
tumulong sa pamamagitan ng pagtatanda sa kanyang dapat na posisyon. Kapag
natatakpan ang ibang tauhan, ang taong nasa likod ang kikilos upang isaayos ang
posisyon. Iwasan na matakpan ang iba. Bawat tauhan ay mahalaga at bahagi
ng kabuuang larawan ng entablado gaano man ka liit ng linyang bibitawan o kahit
na “extra” lamang.
Posisyon at Paggalaw – walang kilos o galaw ang dapat na gawin na
walang
dahilan. Ang bawat kilos o galaw ay
may kahulugan. Ang pag-upo o pagtayo ay dapat naaayon pa rin sa papel na
ginagampanan. Ang dalawang mag-uusap ay kailangang magtinginan paminsan-minsan.
Tingnan nang diretso ang bagay na pupulutin, ang lugar na pupuntahan o ang
taong kakausapin. Huwag na huwag tumalikod sa mga manonood.
Linya at Palatandaan – Dapat kabisado o saulado ang linyang
bibigkasin.Kailangan
ding malinaw, buo at malakas ang
boses ng mga actor sa pag-uusap. Ang “pag-aadlib” ay para lamang sa kagipitan
upang maiwasan ang katahimikan. Kapag nakalimutan ng isang aktor ang linya at
nawawala ang ibang impormasyon, ang ibang aktor ay mag-aadlib na hindi
pinahahalata ang pagkakamali sa pamamagitan ng pagpapakita pa rin ng
pagkanatural ng usapan.Kailangang magkaroon ng palatandaan kung saan papasok o
magsisimula sa pagsasalita at huwag itong kalimutan.
GALAW NG KATAWAN AT MGA
ALITUNTUNIN
Tindig – Ito ay mahalaga hindi lamang sa kalusugan kundi
pati sa personal na hitsura.
Paglakad – panatilihin ang magandang tindig sa paglalakad.
Kailangang nakataas ang
balikat, diretso ang katawan at
diretso rin ang pagtingin.
Pag-upo – panatilihin ang tuwid na pag-upo. Ang mga
kamay ay
nakalukbay
(relax). Ang kamay na naka gapos ay
nagpapahirap sa paghinga at ito ay nagpapamukhang kabado. Tandaan na ikaw ay
unang huhusgahan sa iyong katauhan sa entablado, susunod na lamang ang sa kung
ano ang iyong sasabihin.
Pagtawid at Pagbalik
–
Ang gitnang bahagi na entablado ay tinatawag na “center”, ang harapan
ay “downstage” at ang likurang bahagi ay “upstage”
Pagtawid – ibig sabihin ay ang paggalaw mula sa isang
posisyon tungo sa ibang posisyon.
(A) Up Right Stage |
(B) Up Center Stage |
(C) Up Left Stage |
(D) Right Center Stage |
(E) Center Stage |
(F) Left Center Stage |
(G) Down Right Stage |
(H) Down Center Stage |
(
I ) Left Center Stage |
Pagbagsak – ang pagbagsak ng aktor tulad ng pagkamatay o
pagkahimatay ng tauhan.
Kumpas – ito ang paggalaw ng anumang bahagi ng katawan
to naghahatid ng mensahe tulad ng pagtaas o pagbaba ng kilay. Ang pagbabago ng
ugali ay unang maipapakita ng mata pagkatapos ay ng bibig, sunod ay sa mukha,
pagkatapos ay sa katawan at ang huli ay sa pamamagitan ng kilos ng barso, kamay
at mga daliri.
Mga Kawani ng Produksyon
Direktok: Ang kanyang pangunahing layunin ay makabuo ng magandang pagtatanghal. Kailangan
niyang madiskubri ang saysay ay kahulugan ng buong dula. Siya rin ang
magpapaliwanag ang dulang isinulat ng tagabuo ng iskrip at ang pipili ng
babagay na artistang gaganap sa papel ng mga tauhan sa dula. Sa kanya
nakasalalay ang tagumpay at kabiguan ng dula.
Katulong ng Direktor: Siya ay papalit sa direktor kung ito ay wala
at magsisilbing tagapag – ugnay sa iba pang kawani ng produksyon.
Tagapagdikta – Siya ay hahawak ng isang “prompt book” at mamarkahan niya ang mga bagay na
kailangang tandaan ng mga actor tulad ng kumpas, mga tunog, pagbukas o pagpatay
ng ilaw at iba pa.
Tagadisenyo ng Tanghalan – magdidisenyo ng lugar na gaganapan ng dula,
ng mga kasuotan at mga mga ilaw sa tanghalan.
Direktor Teknikal – siya ang magmanipula sa lahat ng mga ilaw,
musika, mga espesyal na tunog at iba pang may kaugnayan sa kuryente. Siya ay
makikipagtulungan din sa mga paghahandang ginagawa ng tagadisenyo ng Tagpuan.
Tagapamahala ng Entablado – Sinisiguro niya na maayos ang buong
entablado na pagtatanghalan. Siya rin ang mamamahala sa likod ng entablado sa
posibleng kagipitang mangyayari.
Tagapamahala ng Tanghalan – Ang mag-aayos ng mga upuan ng mga manonood.
SANGGUNIAN
Sebastian, Federico B. “Ang Dulang Tagalog”. Bede’s Publishing House. Queson City: 1951.
Sauco, Consolacion P. at Salazar, Dionisio S. “Sulyap sa Dulang Tagalog”. National Bookstores. Manila:1987.
Tiongson, Nicanor G. “What is Drama?” PETA.
Philippines: 1983.
No comments:
Post a Comment