MGA URI NG DULANG PILIPINO
Mga Katutubong Dula | Mga Dula sa Panahon ng Kastila | Dula sa Panahon ng mga Amerikano |
Bikal at Balak Karilyo Bayok at Embayoka Kasayatan Dallot Pamanhikan Dung-aw Hugas Kalawang Dalling-Daling | Moro-Moro Senakulo Karagatan Duplo Salubong Paglakad ng Estrella at ng Birhen Pinetencia Carillo Puteje Juego de Prenda Bulaklakan Pananapatan Moriones Dalit Alay (Flores de Mayo) Pangangaluluwa Panunuluyan Tibag Santakrusan Papuri/Putong | Sarsuwela Dula sa Makabagong Panahon Dulang Pantanghalan na may iba’t ibang tema Dulang Musikal |
Ayon sa mga manunulat, ang matatawag na tunay na uri ng dula ay nagsisimula sa mga unang taon ng pananakop ng mga Amerikano. Bagaman may mga dulang napanood at pinaglibangan ang mga katutubong Pilipino bago sumapit ang panahong ito, ang mga tunay na dulang sinasabing nagtataglay ng pinakamalalim na pangarap ng isang bansa, naglalarawan ng sariling kaugalian, naglalahad ng buhay ng katutubong tulad ng nasa lona at nagpapakilala ng papupunyagi ng mga tao ng isang bayan upang mabuhay, ay wala noon. Ang pagdating ng mga Kastila sa Pilipinas nagbigay panibagong sangkap sa mga katutubong dula. Ang mga dulang kagaya ng komedya ay kinasangkapan ng mga Kastila upang mapalaganap ang Katolisismo sa kapuluan.
Ang dula sa ating bansa ay kasintanda ng kasaysayan ng Pilipinas. Bahagi na ito ng ating tradisyon. Mga tradisyong nagbibigay ng katauhan sa mga Pilipino. Sa paglipas ng mga taon, nagbabago ang anyo ng mga dulang Pilipino. Ngunit iisa ang layunin ng mga mandudula: ang aliwin ang mga mamamayang Pilipino at higit sa lahat, bigyang buhay ang mga pangyayari sa buhay Pilipino.
Lahat ng itinatanghal na dula ay naaayon sa isang nakasulat na dula na tinatawag na iskrip. Ang iskrip ng isang dula ay iskrip lamang at hindi dula, sapagkat ang tunay na dula ay yaong pinanonood na sa isang tanghalan na pinaghahandaan at batay sa isang iskrip.
Sangkap ng dula
- Tagpuan – panahon at pook kung saan naganap ang mga pangyayaring isinaad sa dula
- Tauhan – ang mga kumikilos at nagbibigay-buhay sa dula; sa tauhan umiikot ang mga pangyayari; ang mga tauhan ang bumibigkas ng dayalogo at nagpapadama sa dula
- Sulyap sa suliranin – bawat dula ay may suliranin, walang dulang walang suliranin; mawawalan ng saysay ang dula kung wala itong suliranin; maaaring mabatid ito sa simula o kalagitnaan ng dula na nagsasadya sa mga pangyayari; maaaring magkaroon ng higit na isang suliranin ang isang dula
- Saglit na kasiglahan – saglit na paglayo o pagtakas ng mga tauhan sa suliraning nararanasan
- Tunggalian – ang tunggalian ay maaaring sa pagitan ng mga tauhan, tauhan laban sa kanyang paligid, at tauhan laban sa kanyang sarili; maaaring magkaroon ng higit sa isa o patung-patong na tunggalian ang isang dula
- Kasukdulan – climax sa Ingles; dito nasusubok ang katatagan ng tauhan; sa sangkap na ito ng dula tunay na pinakamatindi o pinakamabugso ang damdamin o kaya’y sa pinakakasukdulan ang tunggalian
- Kakalasan – ang unti-unting pagtukoy sa kalutasan sa mga suliranin at pag-ayos sa mga tunggalian
- Kalutasan – sa sangkap na ito nalulutas, nawawaksi at natatapos ang mga suliranin at tunggalian sa dula; ngunit maaari ring magpakilala ng panibagong mga suliranin at tunggalian sa panig ng mga manonood
No comments:
Post a Comment