Pahayag Idyomatiko (Idiomatic
Expression)
- Isang pariralang ang kahulugan ay di
mahahanago sa alinmang bahagi ng pananalita.
- Ang kahulugan ng mga ito ay di bunga ng
pagsasama ng kahulugan ng mga salitang bumubuo sa mga ito kundi isang
natatanging kahulugang naiiba sa mismong parirala.
- Malayo ang kahulugang literal o tuwirang
kahulugan sa kontekstuwal o tunay na kahulugan.
- Matatag na ang pagiging gamitin ng mga
pahayag idyomatiko dahil ginagamit na sa mahabang panahon at bahagi na ng
talaslaitaan ng bayan.
- Nagpasalin-salin ito sa bibig ng mg tao.
Halimbawa:
alagang ahas – taksil, walang utang-na-loob, kalawang sa bakal
gagapang na parang ahas – maghihirap ang buhay, maghihikahos,
magiging miserable ang buhay
parang ahas na kuyog – galit na lahat ang buong angkan sa kagalit
ng isa sa kanila
bagong ahon – baguhan sa pook, bagong salta
alanganin – bakla, tomboy
lumilipad sa alapaap – walang katiyakan, alinlangan
inalat – minalas, inabot ng alat
pinakain ng alikabok – tinalo sa isang karera ng takbuhan
nasagap na alimuom – nakuhang tsismis, sabi-sabi, bali-balita,
alingasngas