-Isang uri ng panitikan na nagbibigay diin sa RITMO,mga TUNOG, PAGLALARAWAN, at mga PARAAN NG PAGBIBIGAY KAHULUGAN SA MGA SALITA.
...samantalang ang ORDINARYONG PAGSASALITA at PANULAT ay inoorganisa sa mga pangugnusap at mga talata. Ang TULA ay inoorganisa sa mga yunit na tinatawag na TALUDTOD at SAKNONG.
*SUKAT
*SAKNONG
*TUGMA
*KARIKTAN
*TALINHAGA
- ito ay tumutukoy sa bilang ng PANTIG ng bawat TALUDTOD na bumubuo sa isang saknong. Ang PANTIG ay tumutukoy sa paraan ng pagbasa.
Halimbawa:
isda - is da - ito ay dalawang pantig.is da ko sa ma ri ve les - ito ay 8 pantig
1. WAWALUHIN-
Halimbawa: Isda ko sa mariveles,nasa lood ang kaliskis.
2. LALABINDALAWAHIN-
Halimbawa: Ang laki sa layaw, karaniwa'y hubad,
Sa bait at muni, sa hatol ay salat.
3. LALABING-ANIMIN-
Halimbawa: Sari-saring bungang kahoy,hinog na at matatamis,
Ang naroon sa loobang,may bakod pa sa paligid.
4. LALABINGWALUHIN-
Halimbawa: Tandang tanda ko pa't, hindi malilimot, ng kita ay iwan, Ika'y tumututol, na waring ayaw mong, tayo'y magkawalay.
Ang mga TULANG may LALABINGDALAWA, AT LABINGWALO AY MAY CESURA O HATI NA NANGANGAHULUGANG saglit na paghinto ng pagbasa o pagbigkas sa bawat ikaanim na PANTIG.
Halimbawa:
Ang taong magawi / sa ligaya't aliw
Mahina ang puso't / lubhang maramdamin
Halimbawa:
Tinatanong ko siya / ng tungkol sa aking / mga panaginip
Pagdaka'y tumugon / ang panaginip ko'y / pag ibig,pag ibig!
**** Nuong panahon ng Hapon, may tulang dinala rito ang mga Hapones.Ito ng tinatawag na Haiku,na may Limang pantig lamang sa loob ng isang saknong,at Tanaga na may Pitong pantig sa loob ng isang saknong.
Ang SAKNONG ay isang grupo sa loob ng isang TULA na may dalawa o maraming linya (TALUDTOD).
2 linya-couplet
3 linya-tercet
4 linya-quatrain
5 linya-quintet
6 linya- sestet
7 linya- septet
8 linya- octave
TUGMA:
Isa itong katangian ng TULA na hindi angkin ng mga akda sa tuluyan.Sinasabing may tugma ang tula kapag ang huling pantig ng huling salita ng bwat taludtod,ay magkakasintunog.Lubha itong nakakaganda sa pagbigkas ng tula. Ito ang nagbibigay sa tula ng angkin nitong himig o indayog.MGA URI NG TUGMA:
1. Tugma sa Patinig.
Halimbawa: Mahirap sumaya, Ang taong may sala.
Halimbawa: Kapagka ang tao sa saya'y nagawi
Para masabing may tugma sa patinig,dapat pare-pareho ang patinig sa loob ng isang saknong o dalawang magkasunod, o salitan.Minsa'y nalilimot ang wastong ugali.
2. Tugma sa Katinig.
a. Unang lipon: b,k,d,g,p,s,t
Halimbawa: Malungkot balikan ang taong lumipas,
Nang siya sa sinta ay kinapos palad.
b. Ikalawang lipon: l,m,n,ng,r,w,y
Halimbawa; Sapupo ang nuo,ng kaliwang kamay,
KARIKTAN:Ni hindi matingnan,ang sikat ng araw.
- Kailangang magtaglay ang tulang MARIKIT na salita upang masiyahan ang mambabasa gayon din mapukaw ang damdamin at kawilihan.
TALINHAGA:
- Magandang basahin ang tulang di tiyakang tumutukoy sa bagay na binabanggit. Ito ay isang sangkap ng tula na may kinalaman sa natatagong kahulugan ng tula.
No comments:
Post a Comment