Sa aki'y ipinaintindi, inyong mga daing
Maski di mabanggit ng manipis ninyong tinig.
Ang inyong pagkapagod ay di maihahambing,
Sa anong pa mang meron na pwedeng maihain.
Ramdam ko ang kaba, sa inyong mga dibdib,
Maski kunwari matapang, pakitang nakatindig
Ngunit alang alang sa amin, di nagpapadaig
Haharapin ang bawat araw, sa gitna ng panganib.
Dinig ko ang hikbi, sa inyong mga labi,
Kahit di ipagsigawan, ito'y namumutawi,
Hagulgul ng takot, ay di maitatanggi,
Subalit ngumingiti, maski lamang kunyari.
Nakikita ko ang luha sa inyong mga mata,
Kahit itago sa gayak, at kinang ng tuwa,
Sa panandaling pag-iwan ng inyong pamilya,
Na di paipangako, kung makakabalik pa.
Kayong mga iniharap, ng kami'y pinapatahan,
Kayong mga tinawag na kami'y paglingkuran,
Inyong isinasabuhay, sinumpaang katungkulan,
At iaalay ang buhay, alang alang sa bayan.
Itoy munting pagkilala, marahil di sapat,
Upang matumbasan, ang inyong pagsisikap,
Ang nais ko lamang, na sa inyo'y ipaalam,
Ang aking taos pusong,.. MARAMING SALAMAT
Credit picture: https://www.tripadvisor.com.sg/Restaurant_Review-g187497-d16648328-Reviews-Salamat_Bar-Barcelona_Catalonia.html
No comments:
Post a Comment