Komunikasyon
- Aktibong proseso ng paghahatid at pagkuha
ng mensahe at tugon (feedback) sa pamamagitan ng interaksyon ng tagahatid
at tagatanggap.
- Ang komunikasyon ay ang pagpapahayag,
pagpapahatid o pagbibigay ng impormasyon sa mabisang paraan. Ito ay isang paraan ng pakikiugnayan,
pakikipagpalagayan, o pakikipag-unawaan.
- Ang komunikasyon ay proseso ng pagbibigay
(giving) at pagtanggap (receiving).
- Kung kahulugang komunikatibo ang susuriin
sa isang pahayag, tiyak na iuugnay ito sa tungkulin ng komunikasyon at ang
kaugnay na gawi ng pagsasalita tulad ng ipinakikita ng sumusunod na tsart ni
Gordon Wells.
Tungkulin
ng Komunikasyon (Functions
of Communication) |
Gawi
ng Pagsasalita (Speech
or Commmucation Arts) |
A. Pagkontrol sa kilos o gawi ng iba (Controlling Function |
Pakikiusap,
pag-uutos, pagmumungkahi, pagpupunyagi, pagtanggi, pagbibigay babala |
B. Pagbabahagi ng damdamin (Sharing feelings) |
Pakikiramay,
pagpuri, pangsang-ayon, pahayag, paglibak, paninisi, pagsalungat |
C. Pagbibigay o pagkuha ng impormasyon (Getting factual information) |
Pag-uulat,
pagpapaliwanag, pagtukoy, pagtatanong, pagsagot |
D.
Pagpapanatili sa pakikipag-kapuwa at pgkakaroon ng interaksyon sa kapuwa (Ritualizing Function) |
Pagbati,
pagpapakilala, pagbibiro, pagpapasalamat, paghingi ng paumanhin |
E. Pangangarap at paglikha (Imagining/Creating Function) |
Pagkukuwento,
pagsasadula, pagsasatao, paghula |