Ang Pag-unlad ng Nobela
- Ang kauna-unahang nobelang Tagalog na
ipinalimbag sa anyong aklat ay ang Nena at Neneng ni Valeriano
Hernandez Peña; inilimbag ito noong 1905.
Isusunod na sana ang Banaag at Sikat ni Lope K. Santos, na
labis na pinananabikang mabasang muli, subalit dahilan sa kakapalan nito,
nauna ang Miminsan Akong Umibigi ni Valeriano Hernandez Peña na
lumabas noong 1906. Sumunod na rin
nang taon din iyon ang Banaag at Sikat ni Santos.
- Ang Kathambuhay o nobela ay isang sangay
ng panitikang naglalahad ng maraming pangyayaring kinasasangkutan ng isa o
dalawang pangunahing tauhan at iba pang katulong na mga tauhan at ang
buong pangyayari ay sumasaklaw nang higit na mahabang panahon kaysa
maikling katha.
Ang Panahong Ginto ng Nobelang
Tagalog
- Panahong saklaw ng unang dalawampung taon,
nasulat ang mga nobelang nagtataglay ng mga katangiang kasalaminan ng
panahon at umayon sa layuning “makapagturo ng mabuti, makapaghimaton ng
pag-iwas sa mga sakuna at kasawian sa buhay, makapagbinhi ng mabuting
kaugalian at makapagpaunlad ng isip.”
Sa palagay ni Regalado, “hindi maitatanggi ng sino man na ang
nobekang Tagalog ay nagkaroon ng Panahong Ginto…at ang panahong iyon ay
sumasaklaw sa mga taong buhat sa 1905 hanggang 1921.”
Ang Maikling Kuwento
- Ang anyo ng maikling kuwento ay nakilala
lamang sa Pilipinas ng mgaunang taon ng ika-20 siglo nang narito na ang
mga Amerikano. Ang mga unang anyo
ng maikling kuwento ay ang (1) dagli, na ang himig ay
nangangaral. Ang mga ito’y namumuna
at nanunuligsa, at (2) pasingaw o munting kasaysayan na
nagpapahayag ng pag-ibig sa mga nililigawan o hinahangaang paraluman.
- Ang maikling kuwento ay isang sangay ng
panitikang naglalahad ng isang natatangi at mahalagang pangyayari sa buhay
ng isang pangunahing tauhan s aisang takdang panahon.
Sangkap ng Maikling Kwento:
- Paksang-diwa
o tema – pangunahing kaisipan ng kuwento, ng isang pangkalahatang
pagmamasid sa buhay ng may-akda na nais niyang ipabatid sa mambabasa.
- Banghay
– balangkas o istruktura ng mga pangyayaring kinapapalooban ng mga kilos,
pagkahubog ng tauhan, tunggalian at mga hadlang, at mga detalye na buhat
sa simula ay mabilis sa pag-akyat sa kasukdulan. Ito ay mabilis na sinusundan ng
wakas.
- Katimpian
– higit na masining ang matimping paglalarawan ng damdamin.
- Paningin
– pananaw na pinagdaraanan ng mga pangyayari sa isang katha. Ito ang kahulugan ng paningin.
Apat na paraan ng pagsasalaysay ng kuwento ayon sa paningin ng
nagpapahayag:
a.
Paningin sa Unang Panauhan – sumasanib ang may-akda sa isa sa mga tauhan na siyang
nagsasalaysay sa unang panauhan.
b.
Paningin sa Pangatlong Panauhan – pangatlong panauhan ang ginamit ng manunulat sa pagsasalaysay ng
mga pangyayari sa kuwento. Ang isipan at
damdamin ng mga tauhan ay maaari niyang utusan.
c.
Itinakdang Obhetibong Paningin – maaaring ang pangunahing tauhan o ang alin man sa mga katulong
na tauhan ang tauhang nagsasalaysay.
d.
Obhetibong Paningin – ang tagapagsalaysay ay nagsisilbing isang kamera na malatang
nakalilibot subalit maitatala lamang nito ang tuwirang nakikit at naririnig.
- Pahiwatig
– nagiging malikhain ang mga mambabasa sapagkat naiiwan sa kanyang
guniguni o imahinasyon sa mga pangyayaring nagaganap o maaaring maganap sa
kuwento.
- Simbolo
– ito ang mga salita na kapag binanggit sa isang akda ay nag-iiwan ng
iba’t ibang pagpapakahulugan sa mambabasa.
Halimbawa, ang puti ay kumakatawan sa kalinisan o kawagasan.
Deogracias A. Rosario – Ama ng Maikling Kuwentong Tagalog
Sanaysay
- Naglalarawan ng mga kuru-kuro at
pansariling kaisipan ng isang manunulat.
Ang sanaysay ay maaaring maanyo (pormal) at maaari namang malaya
(di-pormal o personal).
- Ang salitang sanaysay ay salitang-likha ni
Alejandro G. Abadilla (AGA). Ayon
sa kanya, ito ay pinagsanib na mga salitang pagsasalaysay ng isang
sanay o nakasulat na karanasan ng isang sanay sa pagsasalaysay. Di gaya ng maraming salitang-likha, ang
sanaysay ay dagling tinanggap ng bayan.
Dalawang uri ng Sanaysay:
- maanyo o pormal – tanging layunin nito ay
magbigay ng kaalaman
- malaya o di-pormal – higit na kaaliw-aliw
na basahin dahil sa ang mga salitang ginamit ay madaling maintindihan at
ang paksa ay karaniwan.
Talambuhay
- Naglalahad ng mahahalagang pangyayari sa
buhay o kasaysayan ng isang tao.
Kapag ang talambuhay ay nauukol sa taong siyang sumulat, ito ay
tinatawag na pansariling talambuhay (autobiography).
Pangulong Tudling
- Naglalahad ng kuru-kuro ng patnugot ng
isang pahayagan. Ang mga pitak ng
mga kolumnista ay kahawig ng pangulong tudling, lamang, ang kuru-kuro ng
patnugot ay higit na matimbang o may bigat at siyang kuru-kuro na ng
pahayagan.
Panahon ng Hapones (1942-1944)
- Marami ang nagsasabing “gintong panahon”
daw ng maikling kuwento at ng dulang Tagalog ang panahong ito. Sa panahong ito, halos ipinagbawal ang
Ingles ng mga mananakop kung kaya’t naging luwalhati naman ng wikaing
Tagalog ang pangyayaring ito.
- Sa pangangasiwa ng Surian ng Wikang
Pambansa, ang pinakamahusay na maikling kuwento ng panahong iyon ay
pinili. Ang tatlong kuwentong
nanguna ay ang mga sumusunod:
“Lupang Tinubuan” ni Narciso G. Reyes, “Uhaw ang Tigang na Lupa” ni
Liwayway Arceo, at “Lunsod, Nayon at Dagat-dagatan” ni N.V.M. Gonzales.
- Tatlong uri ng tula ang namalasak noong
panahon ng Hapon: Karaniwang anyo,
malayang taludturan, na ang pinakamarami ay haiku at tanaga.
Tanaga – isang uri ng tulang Tagalog noong unang panahon na sa katipiran ng
pamamaraan ay maihahalintulad sa Haiku ng mga Hapones, bagamat lalong
maikli ang haiku. Ang tanaga ay may
sukat at tugma. Ang bawat taludtod ay
may pitong (7) pantig.
Halimbawa:
Palay
Palay siyang matino
Nang humangi’y yumuko,
Ngunit muling tumayo;
Nagkabunga ng ginto.
Gawad Pambansang Alagad ng Sining
(Panitikan)
Amado V. Hernandez - 1973
Jose Garcia Villa - 1973
Nick Joaquin - 1976
Carlos P. Romulo - 1982
Francisco Arcellana - 1990
Levi Celerio - 1997 (Musika at Panitikan)
N.V.M. Gonzalez - 1997
Edith L. Tiempo - 1999
F. Sionil Jose - 2001
Virgilio S. Almario - 2003
Alejandro R. Roces - 2003