Search This Blog

Showing posts with label LET-REVIEWER-FILIPINO. Show all posts
Showing posts with label LET-REVIEWER-FILIPINO. Show all posts

April 17, 2022

Panimulang Linggwistika at Estruktura ng Wika


     
    Nakapaloob sa kursong ito ang pagtalakay sa kahulugan, kasaysayan at pangunahing kaalaman sa linggwistika. Pag-aaralan dito ang mga katangianngwikang Filipino kaugnayngortograpiya, palatuldikan at palabigkasan, ponema, morpema at semantika. Susuriin din ang pag-iiba-ibangibang wikain sa Pilipinas at ang ilang modelong panggramatikangwika.

    Bilang isang guro ng Filipino ay kailangang magkaroon tayo ng sanligang kaalaman sa ponema at morpema. Lalo na kung ang isang guro ay nagtuturo sa mga pook ng mga di –Tagalog.

     Ang isang guro dapat ay maging tiyak, mabisa at marunong magtipid ng panahon sa pagtuturo at kailangang maalam siya sa mga katangian o kakanyahan ng mga Pilipino at pati na rin ang wika ng pook o ang unang wika ng mga batang kanyang tinuturuan. Sapagkat alam naman natin na ang isang bata pag maalam sa artikulasyon ng pananalita ng kanyang unang wika ay makakatulong ito para sa pag-uugnay na pag-aaral ng kanyang panglawang wika.Makakatulong ng malaki sa isang guro kapag alam niya ang unang wika ng bata at naiuugnay niya adito ang panglawang wika mg bata ay mabibigyan niya ng diin kung alinman ang kanyang mga paksang aralin.

PAGSUSULIT

Lagumang Pagsubok at iba pang mga Pangangailangan sa Kurso

Bilang isang guro ng Filipino ay kailangang magkaroon tayo ng sanligang kaalaman sa ponema at morpema. Lalo na kung ang isang guro ay nagtuturo sa mga pook ng mga di –Tagalog.

Ang isang guro dapat ay maging tiyak, mabisa at marunong magtipid ng panahon sa pagtuturo at kailangang maalam siya sa mga katangian o kakanyahan ng mga Pilipino at pati na rin ang wika ng pook o ang unang wika ng mga batang kanyang tinuturuan. Sapagkat alam naman natin na ang isang bata pag maalam sa artikulasyon ng pananalita ng kanyang unang wika ay makakatulong ito para sa pag-uugnay na pag-aaral ng kanyang panglawang wika.Makakatulong ng malaki sa isang guro kapag alam niya ang unang wika ng bata at naiuugnay niya adito ang panglawang wika mg bata ay mabibigyan niya ng diin kung alinman ang kanyang mga paksang aralin.

Ang isang guro dapat ay maalam sa wika dahil makakatulong ito sa kanyang pagtuturo lalo pag siya ay guro sa linggwistika. At kung ang kabuuan ng wika ay hahatiin sa tatlong antas:

1. Palatunugan o Ponolohiya

2. Palabuuan o Morpolohiya

3. Palaugnayan o Sintaksis

Ang isang guro ay kailangang malaman kung saan-saan nagkakatulad at nagkakaiba ang Pilipino at ang wika ng pook sa bawat antas na nabanggit. Alam naman natin na sa bahaging nagkakatulad ang dalawang wika ay halos o mas madali ang na matitiyak ng isang guro na walang magiging problema o suliranin ang mga mag-aaral. Subalit sa bahaging nagkakaiba ang wika ay hindi na kailangang patunayan pa ang tiyak ang isang guro ay makakaranas ng mga problema o suliranin sa kanyang pagtuturo.

Bilang isang guro dapat ay maging mapanuri kung siya ay nagsasagawa ng paghahambing sa tatlong antas ng wika,

1. Kailangang niya munang suriin ang wika ng bawat pook.

2. Kailangan alamin niya muna kung anu-ano ang mga ponema ng wika ng bawat pook

3. Dapat alamin muna niya kung papaano ang set ng mga ponema ng wikang ito ay pinagsasama-sama upang bumuo ng morpema.

4. Dapat alamin din niya kung papaanong ang mga morpema nito ay pinagsasamasama upang bumuo ng iba;t-ibang pangungusap.

PONEMA

Ang ponema ay ang pundamental, teoretikong yunit ng tunog na nakakabuklod ng salita. Nakakabuo ng ibang salita kapag pinapalitan ang isang ponema nito. Titik, katinig at patinig.

PONOLOHIYA

- ang pag-aaral o pag-uuri-uri sa iba't-ibang makahulugang tunog na ginagamit sa pagsasalita, pagsasama ng mga tunog o ponema.

- Palatunugan

- Wikang Pilipino ay binubuo ng mga tunog

- Pag-aaral ng mga Ponema

PONEMA:

A. Segmental

B. Ponemang Suprasegmental

 

Ponemang Malayang Nagpapalitan

Sa Filipino, may mga tunog (ponema) na malayang nagpapalitan. Sa pagkakataon na ang ponema ay malayang nagpapalit, ang baybay ng salita ay nagiiba ngunit hindi ang kanilang mga kahulugan.

Ang gamit ng ponemang malayang nagpapalitan ay mahalaga sa pagpapadulas ng mga salita at pagpapabilis ng komunikasyon. Kadalasan ding ginagamit ang ponemang malayang nagpapalitan upang bigyan diin ang mga salitang nagiiba ang tunog depende sa lugar. Kung matatandaan sa ibat ibang pulo ng Pilipinas, iba iba ang dayalekto (o diyalekto, ang a t i sa salitang "diyalekto" ay ponemang nag papalitan).

 

Ponemang Suprasegmental

- Nagbibigay lasa sa mga segmental

 

Apat na ponemang suprasegmental:

• Haba (length)- ito ay tumutukoy sa haba ng bigkas sa patinig ng isang pantig.

• Tono (pitch)- ito ay tumutukoy sa pagtaas at pagbaba sa pagbigkas ng pantig ng isang salita.

• Antala (juncture)- tumutukoy ito sa pansamantala o saglit na pagtigil ng ating ginagawa sa pagsasalita upang higit na maging malinaw ang paghahatid ng mensahe.

Hal. Hindi, ikaw

• Diin- tumutukoy sa lakas o bigat sa pagbigkas ng isang salita o pantig ay makakatulong sa pag unawa sa kahalagahan ng mga salita.


April 16, 2022

BARAYTI NG WIKA

Ano ang kahulugan ng barayti at baryasyon ng wika. BARAYTI NG WIKA Sa paksang ito malalaman natin ag mga uri ng barayti ng wika at mga halimbawa ng bawat isang uri nito. Mga salitang magkakapareha ngunit dahil sa mga paraan ng pagbabaybay at mga intonasyon o punto ay nagkakaroon ng bagong kahulugan ang mga salita. Ang Filipino at ang ibang wikasa Pilipinas.

Ang varayti ng wika ay maaaring sanhi ng heograpiya, edukasyon, okupasyon, uring panlipunan, edad, kasarian, o kaligirang etniko.

 

IDYOLEK

pansariling wika ng isang tao

 

Ang bawat tao ay may kanyang sariling idyolek.

 

DAYALEK

wikang ginagamit sa partikular na lugar

 

Ang lahat ng tao ay may dayalek.

 

SOSYOLEK

nakabatay ang pagkakaibang ito sa katayuan o istatus ng isang gumagamit ng wika sa lipunang kanyang ginagalawan — mahirap o mayaman; may pinag-aralan o walang pinag-aralan; ang kasarian

 

Ang lahat ng tao ay may sosyolek.

 

ETNOLEK

nadedebelop mula sa mga salita ng mga etnolinggwistikong grupo

 

EKOLEK

kadalasang mula o sinasalita sa loob ng bahay


PAGSUSULIT

Barayti Set ng mga lingguwistikaytem namay kaparehong distribusyon. Kilala rin sa Ingles na variety ito ang snhi ng pagkakaiba ng uri ng lipunan nating ginagalawan heograpiya edukasyon okupasyon edad kasarian at kung minsan ang uri ng pangkat etniko.





April 15, 2022

Philippine Teachers Professionalization

 

The Philippine Teachers Professionalization Act of 1994: Its Implications to Teacher Education

    Pursuant to the provision of Section 1 Article XIV of the 1987 of the 1987 Constitution that “the State shall protect and promote the right of all citizens to quality education at all levels and shall take appropriate steps to make such education accessible to all”. The Philippine Teachers Professionalization Act of 1994 (Republic Act No. 7836) was promulgated.

    This was signed into law by President Fidel V. Ramos on December 16, 1994. The above mentioned law amends and/or supersedes the provisions of P.D. (No. 1006 or the Teachers Professionalization Decree of 1976, which was the basis of the Professional Board Examination for Teachers (PBET). This act aimed towards (1) the promotion, development and professionalization of teachers and the teaching profession and (2) the supervision and regulation of the licensure examination for teachers.

    To this effect, the Professional Board Examination for Teachers which was traditionally administered by the National Board for Teachers, an agency attached to the Department of Education, Culture, and Sports in coordination with the Civil Service Commission, will be administered by the Professional Regulations Commission (PRC) starting August 1996.

The Professional Board for Teachers

    The teacher’s examination including its rules and regulations will be enforced through a collegial body called the Board for Professional Teachers, under the supervision of the PRC. They are appointed by the President of the Philippines based on the recommendations of the accredited associations of teachers. Pursuant to the provisions of the law, the board shall be composed of five (5) members who shall be (a) citizens of the Philippines, (b) at least 35 years old, of proven integrity, and possess high moral values in their professional and personal conduct and have not been convicted of any offense involving moral turpitude, (c) holder of a Bachelor’s degree in Education or Bachelor of Arts and preferably holders of a master’s degree of doctorate degree in education or its equivalent, (d) professional teachers with valid certificate of registration and valid professional license, except those who shall compose the first Board for Professional Teachers, (e) have been professional teachers in the active practice of the teaching profession for at least ten (10) years in the elementary and secondary level, and (f) not officials or members of the faculty of, nor have a pecuniary interest in any university, college, school or institution conferring a bachelor’s degree in education or its equivalents for at least three (3) years prior to their appointment, and neither connected with a review center or with any group or association where review classes or lectures in preparation for the licensure examination are offered or conducted.


Examination and Registration

    All applicants for registration as professional teachers shall be required to pass a written examination which shall be given at least once a year in places and dates as the board may determine upon the approval by the PRC. A valid certificate of registration and a valid professional license from the PRC are required before any person is allowed to practice as a professional teacher in the Philippines.

    The examination for the elementary and secondary school teachers shall be given separately. The results of the examination shall be released within one hundred twenty (120) days after the date of examination. In this connection, a professional license signed by the Chairman of the PRC and bearing the registration number and date of issuance and the expiration and renewability shall be issued to every registrant who has paid the annual registration fees for three consecutive years. This license shall serve as evidence that the license can lawfully practice his profession.

Periodic Merit Examination

Aside from the licensure examination, a professional teacher is encouraged to grow professionally by taking a Merit Examination once in every five years as provided by section 19 of this law, the result of which shall serve as the basis for merit promotion as well as for salary adjustments. However, no fee shall be required in taking the merit examination.

A teacher who fails to pass the merit examination will be allowed to take the examination for the second time. If he fails, he shall be required to take a CHED accredited refresher course or program before being allowed to take another examination. However, failure in the merit examination shall not be used as ground for dismissal or demotion.

But those who passed shall be awarded a diploma of merit by the board, earn merit points for purposes of salary adjustment or promotion to higher position or grade level, be placed in priority list for government scholarship, and enjoy other benefits as may be provided by the board. Moreover, the law provides that these incentives shall be extended to those teachers who make inventions, develop new methods of teaching, write a book or books and create works of artistic merit.

Registration and Exception

    The Board for Professional Teachers shall publish a roster of professional teachers, date of registration, their names and addresses and other pertinent data. Furthermore, as provided by Section 26, two years after the affectivity of this law, no person shall engage in teaching and/or act as professional teacher whether in the pre-school, elementary or secondary level, unless he is a duly-registered professional teacher and a holder of a valid certificate of registration. Applications for license as a professional teacher may be issued without examination under the following circumstances:

a)    a holder of a certificate of eligibility as a teacher issued by the Civil Service Commission and the CHED;

b)    registered professional teacher with the National Board for Teachers under the CHED pursuant to P.D. 1006;

c)    an elementary or secondary teacher of five (5) years in good standing and a holder of a Bachelor’s degree in Education or its equivalent;

d)    An elementary or secondary teacher for three years in good standing and a holder of a master’s degree in education or its equivalent.

    The teachers who fall under the above circumstances are given two years from the organization of the Board for Professional Teachers within which to register and be included in the roster of professional teachers. Those incumbent teachers who are not qualified to register without passing any examination or qualified yet failed to register within the two year period shall be issued a temporary special permit. Furthermore, those who failed in the licensure examination for professional teachers shall be eligible as para-teachers.

    On the other hand, this law also provides for a fine of not less than five thousand pesos (Php5, 000) nor more than twenty-thousand pesos (Php20, 000) or imprisonment of not less than six months nor more than five years, or both, (at the discretion of the court) to any person, school or school official found guilty of violating the provisions of this law.

THE “LET” AND QUALITY EDUCATION

    The law which professionalizes the teaching profession and placing the authority of administering the licensure examination for teachers to the Professional Regulations Commission is a laudable endeavor. Yet it is just one of those herculean tasks that the

    State through the CHED needs to accomplish soonest in order to rectify the turbulent maladies that are now pestering the entire educational system.

    The teacher is the most important factor in the educative (teaching-learning) process. The teacher with his personality has the capacity either to make or break the young minds that are entrusted to his care. Therefore, the teacher holds in his hands the future of this nation. No wonder why the oft-quoted EDCOM report in 1991 considered the teachers as the heart of the problem.

That same report stated that the teachers are poorly trained and most of them in any level of education do not have the minimum qualifications for teaching. It is indicated that the deplorable performance can be traced to poor teaching training and the low quality of students enrolled in teacher training institutions.

This allegation no matter how hard it is for us in the field of education to accept its veracity has an inherent truth in it. This is due to the fact that teaching is a poorly esteemed profession nowadays. Gone are those years when teachers were the helm of the public’s eyes and were considered to be the most honorable people in any society.

For this, teaching can no longer attract the best high school graduates. The prevalent psyche today is that if you are bright and talented as much as possible you should avoid being a teacher and instead take up law, medicine, engineering and other high paying professions. Whereas, if you are mediocre student, teaching is the easiest course for you to get a college diploma.

What has really happened to the noblest profession? What did the government do to save this noble calling from the mire of misery and from its deteriorating condition?


    These questions are just the proverbial “tip of the iceberg” in so far as the horrible state of teaching in the Philippines is concerned.

    As expected, nobody is willing and courageous enough to accept the blame. Instead, the different sectors involved are pointing an accusing finger at each The government for its part will point to the provision of Section 5 Article XIV of the 1987 Constitution as its contribution to alleviate the plight of the poor teachers, for this mandates that the State should give the highest budgetary priority to education, so as to attract the best available talents into becoming teachers.

    However, it is easier said than done. As it is mentioned in this book (Foundations of Education II), teaching has already lost its traditional glory and glamour. It is now considered a horrible if not a disgusting profession. Teachers are now demoralized and somehow “demonetized” professionals. To this effect nobody dares to take the challenge of educating our youth and worst even those are already in the field are leaving their calling as teachers to serve as domestic helpers, baby sitters, and even entertainers in foreign countries.

    The enrolment of teacher training schools in Metro Manila and even in the whole country is declining. Well, no one can blame and force the student to be teachers if they cannot be promised with a bed of roses once they decided to enter the portals of the teaching profession. If they have other alternatives to make more money, surely they would not dare embark on the gargantuan and seemingly unrewarding task of being a teacher.

    But of course there are other idealists who would content that teaching is not a money- making machine, but rather a calling, a vocation that needed an unwavering devotion and commitment. And in the words of Socrates of ancient Greece, if the teachers teach because of salary, they are degrading the reputation of the profession and reducing it to a mere income-generating endeavor.

    Again, these words are easier said than done. I firmly believe that teachers are just human beings like any other professional. They need what everybody needs. Teachers cannot teach with an empty stomach. They cannot teach if they have nothing to wear. They cannot teach effectively if their families are starving and are dying because they have no money to buy the necessary medicine.

    Moreover, almost all the studies conducted in the past until now, since the Monroe Survey of the 1920’s and the Swanson Survey of the 1950’s up to the current report of the EDCOM revealed the same thing – teachers are poorly paid and trained. So what else is new? If the proper authorities will not execute decisive actions on this matter with a sense of urgency, one day we will wake up to see that our country and her citizens are already in the arid and barren field of ignorance, misery and intellectual deprivation.

         If we truly care for the future of our children who are, since time immemorial considered as the hope of the nation, we will seriously consider the gravity of the problem and will do all means to thwart these boisterous dilemmas that threaten our very existence. Yes, it is true that teachers need to be properly trained and be fully equipped to qualify them to teach our children.

     Hence, there is a need to professionalize them through the licensure examination. However, if the government continues to ignore their plea for better compensation and brighter future in their chosen career, and instead of responding constructively to their clamor when they go to the streets to seek redress for their grievances, the same “humane” government slaps them with threats of suspension and even dismissal from services, we cannot expect these teachers to teach effectively and be satisfied with their work, thus, we definitely cannot expect quality education. This is due to the fact that the students are just as good as their teachers, and as the Lord Jesus Christ stressed in Matthew 22:14, “no student is better than his teacher.”

    The state authorities still claim that there is not enough money to fully implement the salary increase of teachers because the government does not have enough budget for this task. But if we try to carefully and objectively analyze the actual situation, we will realize that the national budget is devoured by the “foreign debt servicing scheme” via the provisions of P.D. 1177, which prescribes that the lion share of the annual budget (General Appropriations Act) be set aside to pay our foreign debts.

    But sad to say all initiatives in the Congress to repeal this burdensome Marcos’ decree has never prospered for reasons only the gentlemen in the Senate and House of Representatives know. And to add insult, to injury the national budget is further depleted by the “pork barrel” which amounts to several billions of pesos yearly given to senators and congressmen deceitfully labeled as countrywide development fund (CDF), which more often than not leads to budgetary deficits.

    And if there is a need for more revenues to finance the whims of the government, there is always an easy way to generate funds – levy more taxes to the people, just like Expanded Value Added Tax.

    If the government can afford to appropriate more than 35% of the national budget to repay the debts which the past administrative had acquired (yet failed to explain where the money went) and can provide the president, vice president, 24 senators and 250 congressmen their respective pork barrels by the millions and can increase the monthly salary of the legislators by 100% overnight, why can’t it spare the lowly paid teachers a small amount to augment their income? Are junketing, electioneering, and paying the private armies and others more important than educating our people?

    Every opening of the school year the CHED announces that there is a need for more teachers to meet the needs of increasing enrolment. In order to address this problem of lack of teachers, the CHED has to schedule as many as three teaching shifts, offer multi-grade classes (a teacher handles at least two different grades at the same time in one class) and increase the class size to 60 or 70 pupils per section. And as revealed by the teachers in the rural areas and far flung provinces, they are already handling as much as 70 to 90 students per section.

     Indeed, how can we expect quality education under this set-up? No matter how efficient a teacher is and regardless of his rating in the licensure and the subsequent merit examination, he is definitely incapacitated to control more than 90 students per section, much more delivering the goods to them. The way it seems the Philippine society particularly the government is asking too much from the teachers and yet giving them too little. With these in mind we cannot help it but ask ourselves that if education is expensive let us try the cost of ignorance.

 

April 13, 2022

LET-REVIEWER-FILIPINO

 

1.       Madali kasi siyang napakagat sa pain.

a.        naloko

b.       napakain

c.        napahanga

d.       napaniwala

2.       Madali nilang nakamit ang tagumpay, magkataling-puso kasi sila.

a.        magkaibigan

b.       magkasundo

c.        mag-asawa

d.       magkakilala

3.        Di niya matanggap ang kasawiang-palad na inabot ng kanyang pamilya.

a.        aksidente

b.       kamalasan

c.        naputulan ng kamay

d.       nawalan ng suwerte

4.        Magkasundung-magkasundo sila sa lahat ng bagay, pano’y kumakain sila sa iisang pinggan.

a.        magkaibigan

b.       ayaw maghugas ng pinggan

c.        magkasundo

d.       magkasama sa iisang bahay

5.       Umuwi siya isang gabi na parang lantang bulaklak.

a.        walang lakas

b.       hinang-hina

c.        nawalan ng puri

d.       nanlalata

6.       Di dapat silang magsama dahil sila ay parang langis at tubig.

a.        may sama ng loob

b.       di magkasundo

c.        mainit ang dugo sa isa’t isa

d.       magkaaway

7.       Ayaw kong maniwala na kaya nakakuha siya ng mataas na marka sa pagsusulit ay dahil dinuktor ito ng iba. 

a.        minalian

b.       winasto kahit mali

c.        inayos sa pamamagitan ng pandaraya

d.       ipinawasto sa iba

8.       Talagang tabla ang mukha mo.  Di mo man lang inisip na ako ang nagpasok sa iyo sa trabaho.  Bakit mo ako siniraan sa ating Boss?

a.        walang munti mang kahihiyan

b.       mukhang tabla ang mukha

c.        mahiyain

d.       walang utang na loob

9.       Kaya nagmamagandang-loob si Paulo ay dahil naghuhugas siya ng kamay.  Huwag mo siyang paniwalaan.

a.        takot magkaroon ng kasalanan sa ibang tao

b.       nagbabayad ng kasalanan sa isang tao

c.        humihingi ng patawad nang di-tahasan

d.       umiiwas magkaroon ng pananagutan sa isang naganap na pangyayari

10.    Ngayon lang ako nakakita ng labanang ngipin sa ngipin.

a.        walang ayawan

b.       ubusan ng lahi

c.        gantihan nang ubos-kaya

d.       lakas sa lakas 

Direksyon:  Basahin at unawain ang tula.  Sagutin ang mga tanong.

SA TABI NG DAGAT

ni Ildefonso Santos

 

Marahang-marahang                                          1                                                             

manaog ka, Irog at kita’y lalakad,

maglulunoy kitang

payapang-payapa sa tabi ng dagat;

di na kailangang

sapinan pa ang paang binalat-sibuyas,

ang dating garing

sa sakong na wari’y kinuyom na rosas!

Manunulay kita,                                                  2            

habang maaga pa, sa isang pilapil

na nalalatagan

ng damong may luha ng mga bituin…

patiyad na tayo’y

mangaghahabulang simbilis ng hangin,

ngunit walang ingay,

hanggang sumapit sa tiping buhangin…

 

Pagdating sa tubig,                                              3                             

mapapaurong kang parang nangingimi,

gaganyakin kita

sa nangaroong mga lamang-lati;

doon ay may tahong,

talaba’t halaang kabigha-bighani,

hindi kaya natin

mapuno ang buslo bago tumanghali?

 

Pagdarapit-hapon                                                4                             

kita’y magbabalik sa pinanggalingan,

sugatan ang paa

at sunog ang balat sa sikat ng araw!

Talagang ganoon…

Sa dagat man, Irog, ng kaligayahan,

lahat, pati puso,

ay naaagnas ding marahang-marahan…

1932

11.    Anong larawang-diwa ang ipinakita ng tula?

a.        pangingisda

b.       pagsusuyuan

c.        pag-iibigan

d.       paghihirap

12.    Di na kailangang sapinan pa ang paang binalat-sibuyas.  Ano ang kahulugan ng paang binalat-sibuyas?

a.        maselan

b.       may-kaya

c.        babae

d.       delikado

13.    Anong saknong ng tula ang nagbibigay ng positibong pananaw sa nagbabasa?

a.        1

b.       2

c.        3

d.       4                  

14.    Alin sa sumusunod na taludtod ng tula ang nagpapakita ng kagandahan?

a.        sakong na wari’y kinuyom na rosas

b.       sa isang pilapil na nalalatagan ng damong may luha ng mga bituin

c.        sugatan ang paa at sunog ang balat sa sikat ng araw

d.       sa dagat man, Irog, ng kaligayahan, lahat, pati puso, ay naaagnas ding marahang-marahan

 

Direksyon:  Basahin ang sanaysay.  Sagutin ang mga tanong.

Ikalat natin ang aral at kaisipan ni Balagtas.  Itanghal natin siya sa kanyang dapat kalagyan.  Siya ang idolo ni Rizal, Mabini, Bonifacio at ng iba pang mga bayani, ang naging bukal ng kanyang panulat at pakikibaka.  Kaya dapat din siyang kilalanin at itanghal, bungkalin at basahin ang iba pa niyang mga akda.  Ipabasa natin sa ating mga kaibigan ng magagandang saknong sa Florante at Laura.   Sumulat tayo ng mga artikulo tungkol kay Balagtas at ipalathala ito sa mga magasin.  Magkaroon ng pagkakataon ang mga hindi Tagalog o ang ibang lahi na makilala siya, tulad ng mga dakilang makata sa daigdig.  Kailangan nating maipakilala si Balagtas sa buong bansa at sa buong daigdig.  Gumawa ng mga sticker, tarpaulin, at iba pa, ng magagandang linya buhat sa kanyang awit upang ipaskil o idikit sa mga paaralan, pampasaherong dyip, bus, FX, pedicab, sa mga waiting shed, mall, tambayan, tindahan, palengke, at iba pa o maging palamuti ng mga mug, t-shirt, sombrero, at iba pang ating malimit na isinusuot.  Ipabasa sa mga programa sa telebisyon at radyo ang ilan sa mga linya o bahagi ng kanyang mga akda.  At kung maaari ay maging isang teleserye o fantaserye ang Florante at Laura, tiyak na hahakot ito ng rating. Pero higit pa sa mga ito, kailangan nating isabuhay ang mga sinabi ni Balagtas.   Ang mga pag-alaala sa kanya tuwing Abril 2 at ang pagsasagawa ng Balagtasan tuwing Buwan ng Wika ay hindi dapat maging pabalat bunga lamang.  Kailangan nating siyang basahin.  Kailangang maisapanahon ang paraan ng paggunita sa kanya lalo na sa ngayong panahon ng makabagong teknolohiya.     

-          Ang Awit na Florante at Laura sa Aking Ipod  at Si Francisco Balagtas sa Aking Desktop                                     

15.    Ano ang paksa ng binasang sanaysay?

a.        Pagkakalat ng mga gintong kaisipan ni Balagtas

b.       Pagkilala kay Francisco Balagtas Baltazar

c.        Pagkalimot sa mga aral ni Balagtas

d.       Pagpapakilala sa masang Pilipino si Balagtas

16.    Alin sa sumusunod na kaisipan sa sanaysay ang maiuugnay sa lipunan?

a.        Isapanahon ang paraan ng paggunita kay Balagtas lalo na ngayong panahon ng makabagong teknolohiya.     

b.       Isabuhay ang mga sinabi ni Balagtas para sa mga kabataan.

c.        Ang mga pag-alaala kay Balagtas tuwing Abril 2 ay hindi dapat maging pabalat bunga lamang.

d.       Si Balagtas ang idolo ni Rizal, Mabini, Bonifacio at ng iba pang mga bayani.

17.    Alin sa sumusunod na pahayag ang nagpapaliwanag kung bakit dapat pahalagahan si Balagtas?

a.        Ikalat natin ang aral at kaisipan ni Balagtas dahil siya ang idolo ni Rizal, Mabini, Bonifacio at ng iba pang mga bayani, ang naging bukal ng kanilang panulat at pakikibaka.        

b.       Ang pag-alaala sa kanya tuwing Abril 2 at ang pagsasagawa ng Balagtasan tuwing Buwan ng Wika ay hindi dapat maging pabalat bunga lamang. 

c.        Kailangan nating siyang basahin. 

d.       Kailangang maisapanahon ang paraan ng paggunita sa kanya lalo na sa ngayong panahon ng makabagong teknolohiya.

18.    Alin sa sumusunod na pahayag ang nagtuturo?

a.        Kailangang maipakilala si Balagtas sa buong bansa at sa buong daigdig.

b.       Ipabasa sa mga programa sa telebisyon at radyo ang ilan sa mga linya o bahagi ng kanyang mga akda. 

c.        Maging isang teleserye o fantaserye ang Florante at Laura. 

d.       Kailangang maisapanahon ang paraan ng paggunita sa kanya lalo na sa ngayong panahon ng makabagong teknolohiya.     

 

Direksyon:  Basahin ang kuwento.  Sagutin ang mga tanong. 

‘Nung gabi, sa gilid ng isang tindahang sarado kami nahiga ni Tatay.  Di ako makatulog.  Kahit anong gawin ko, di pa rin ako makatulog.  Iniisip ko ang aming bahay, ang aming mga gamit.  Ang dalawa naging pinggan at baso, ang aming kutsara’t platito, ang aming kaldero’t takure, ang kahon ng aming damit, ang boteng makulay at pati ang mga piktyur.

Paggising namin, walang mainit na kape, walang mainit na pandesal.

Sa buong maghapon, nagkargador si Tatay.  Pagkatapos na maibaba ang lahat ng gulay, mga karne naman, mga damit, mga tela, mga bihon at harina, mga mantel, batya at palanggana.  Kaya paghapon na, hapung-hapo si Tatay.  Ako, naiiwan muna sa harap ng simbahan.  Tapos ganon uli kinabukasan.  Magkakargador uli si Tatay at maiiwan uli ako sa harap ng simbahan.

“’Wag kang lalayo, pag-uwi ko, masarap na tukneneng ang pasalubong ko sa ‘yo,” ang bilin lagi sa akin ni Tatay.

Pero iniisip ko pa rin ang aming may gulong na bahay.  Mabawi pa kaya namin ni Tatay ang aming may gulong na bahay? 

At isang hapon, laging gulat ko nang iparada ni Tatay sa aking harapan ang aming may gulong na bahay.  Isang drayber na uli ang aking Tatay.  Nabawi na rin namin ang aming bahay.  Isa-isa kong tinignan ang aming mga gamit.

“Sa wakas!” ang nasigaw ko.

Pinasakay ako ni Tatay sa aming bahay at saka niya ito minaneho patungo sa aming pinagliliguan.  Inalis namin ang aming mga gamit at saka inisis ni Tatay ang loob at labas, ako naman sa manibela.  Sinabon at saka binihusan ng tubig.  Tapos naging matingkad na asul ang aming bahay.

“Ang bangong higaan!” ang nasabi ko.

Mula noon, lagi kong binabantayan ang aming bahay.  Ako na rin ang nagpapaalala kay Tatay kung bawal itong iparada sa gilid ng kalsada. 

Tuwing gabi, di pa rin nauubos ang mga kwento ni Tatay tungkol sa mga may gulong na bahay.

At habang nakahiga kami sa mabangong higaan at natatanaw ang malawak na langit, ay sinabi ni Tatay, “Ngayon, aking Bunso, hinding-hindi na mahihiwalay sa atin ang ating munting bahay, ang ating mabango at may gulong na bahay.”

Habang bumababa ang mga asul na asul na ulap.

-          May Gulong na Bahay

 

19.    Batay sa iyong binasa, ano sa palagay mo ang kasukdulan ng kuwento?

a.        Nang matulog ang mag-ama sa gilid ng isang tindahang sarado

b.       Nang magkargador ang ama upang makaipon ng pambawi ng kanilang bahay

c.        Nang mawala ang bahay na kariton ng mag-ama

d.       Nang iparada ng ama ang kanilang may gulong na bahay sa karapan ng bata

20.    Paano binigyang solusyon ang suliranin ng kuwento?

a.        Paghihintay ng anak sa kanyang ama

b.       Pagkakargador ng ama upang kumita

c.        Pagpupunyagi ng ama na mabawi ang kanilang bahay

d.       Pangangako ng ama sa kanyang anak na mababawi nila ang kanilang bahay

21.    Ano ang ibig ipakahulugan ng: Habang bumababa ang mga asul na asul na ulap bilang wakas ng kuwento?

a.        Lahat ng problema ay nabibigyang-solusyon.

b.       Hindi dapat mawalan ng pag-asa.

c.        Maging kuntento sa kung ano ang mayroon.

d.       Ang kaligayahan ay hindi matatamo sa mga materyal na bagay.

 

22.    Di ako makatulog.  Kahit anong gawin ko, di pa rin ako makatulog.  Iniisip ko ang aming bahay, ang aming mga gamit.  Ang dalawa naging pinggan at baso, ang aming kutsara’t platito, ang aming kaldero’t takure, ang kahon ng aming damit, ang boteng makulay at pati ang mga piktyur. Anong damdamin ang mababakas sa batang nagkukuwento sa mga pahayag niyang ito?

      a.    panlulumo

                  b.    pagkabalisa

                  c.    panghihinayang

                  d.    pagkalungko

23.    Anong katotohanan ng buhay ang mababakas sa binasang kuwento?

a.        Mahalaga ang bahay sa bawat bata.

b.       Tungkulin ng magulang na ipagkaloob sa mga anak ang maayos na buhay.

c.        May mga taong kuntento sa kung anong mayroon sila.

d.       Di dapat husgahan ang mahihirap.

Direksyon:  Basahin ang kuwento.  Sagutin ang mga tanong. 

“Okey lang,” sabi niya sa sarili.  “Sino ba si Eric?  Nobyo lang na hanggang ngayo’y nagdedepende pa rin sa magulang.  Okey lang.”

                Naghihimagsik ang kanyang damdamin.  Parang sasabog ang kanyang dibdib.  A, kung mapaghihingahan lamang niya ng sama ng loob ang mga libro.  Kung malulutas lamang ng psychology books ang kanyang suliranin.  Mangyari, kahit anong pag-iwas ang kanyang gawin, si Eric pa rin ang laman ng kanyang isipan.  Kahit ngayong nasa library siya.  Wala sa sariling tinitigan ang hilera ng mga libro sa kabinet.  Kanina’y memoryado niya ang call number ng librong hinahanap.  Mangyari’y makalawang ulit na siyang nagpabalik-balik sa card catalogue.  Isinulat sa kapirasong papel ang call number, ang pamagat ng libro at ang may-akda.  Minemorya.  Pero nang malingunan kanina si Eric, kinabahan.  Namutla.  Di makatinag.  Matigas ang leeg na itinuon ang paningin sa hilera ng mga libro.  Nasa likuran niya si Eric, at sa minsang paggalaw niya, presto!  A, bakit ba ganoon?  Kung sino ang iniiwasan mo ay siya mong nakikita?

                Brag!  Nahulog ang hawak niyang libro.  Di naman niya makuhang pulutin.  Baka lumingon si Eric.

                “Gie!” tawag mula sa kanyang likuran.

                Kilala niya ang tinig.  Bumilis ang tibok ng kanyang puso.  Bago nakaiwas, nasa harapan na niya si Eric.  Iniabot ang nahulog na aklat.

                “Namatanda ka ba?  Naengkanto?  Why don’t you speak up?”  Hinahabol ni Eric ang paghinga.  “Ang labo mo naman, Gie.  Library ‘to.  Puwede mo naman akong kausapin, di ba?”  Napalakas ang tinig ni Eric.

                K-R-I-N-G!  Bell iyon ng librarian.  Napalingon sila sa mesa ng istriktong puno ng library.  Itinuro ng librarian ang malaking sign board:  SILENCE.

                Napahiya wari, nagkatinginan sila.  Si Gie ang unang umiwas.  Pilit iniiwas ang mukha sa binata.

Dati-rati, sa ganoong pagkakataon, lalo nilang iniinis ang masungit na librarian. Naroong magsenyasan sila na animo mga piping nag-uusap.  O di naman kaya’y tutop ng kaliwang palad ang kanilang bibig hanggang sa sila’y umalis.  At sa labas, sabay silang magtatawanan.  Pero ngayon, parang pinitpit na luya si Gie.  Walang kibo, isang bakol pa ang mukha.  A, kabisado na niya ng dalaga.  Ang pagmamaktol nito’y nangangahulugan galit sa kanya si Gie.

-          OKEY SA ‘YO SI ERIC, ‘TAY?

ni Pat V. Villafuerte

24.    Alin sa sumusunod na pangyayari ang kasukdulan ng kuwentong binasa?

a.        Paghihimagsik ng damdamin ni Gie.

b.       Nang sitahin sila ng istriktong librarian.

c.        Nang mahulog ang hawak na libro ni Gie.

d.       Nang marinig niya ang isang pamilyar na tinig.

25.    Bakit sinita ng librarian sina Gie at Eric?

a.        Bawal ang mag-usap sa loob ng library.

b.       Nakakaistorbo sila sa ibang estudyante.

c.        Bawal ang maingay sa loob ng library.

d.       Di nila sinusunod ang nakapaskil na sign board. 

26.     Ano ang ipinahihiwatig ng huling bahagi ng kuwento?

a.        Galit si Gie sa mahigpit na librarian.

b.       May tampo si Gie kay Eric.

c.        Napahiya nang labis si Gie.

d.       Naguguluhan si Gie.

27.    Naghihimagsik ang kanyang damdamin.  Parang sasabog ang kanyang dibdib. Anong damdamin ang mababakas kay Gie sa bahaging ito ng kuwento?

a.        paghihimagsik

b.       panghihinayang

c.        matinding pag-ibig

d.       sama ng loob

28.    Anong katotohanan ng buhay ang mababakas sa binasang kuwento?

a.        Di dapat seryosohin ang unang pag-ibig.

b.       Piliin ang wastong lugar sa pag-uusap.

c.        Walang pinipili ang pag-ibig.

d.       Di maitatago ang tunay at wagas na damdamin.

 

At si Donya Victorina, ang tanging babaeng nakaupo sa piling ng mga Europeo, ang makapagsasabi kung tamad ang Tabo, matigas ang ulo, at sumpungin.  Nerbiyosang  tulad ng dati, nilalait ni Donya Victorina ang mga kasko, bangka, balsang niyog, ang mga namamangkang Indio, at pati ang mga naglalaba at mga naliligo na ikinayayamot niya ang katuwaan at tawanan.  Oo nga, maaaring bumuti ang takbo ng Tabo kung walang mga Indio sa ilog, walang mga Indio sa bayang ito!  Oo nga, kung wala na kahit isang Indio sa mundong ito.  Nawala sa isip niya na pawang mga Indio ang nagtitimon, Indio ang mga marino, Indio ang mga makinista, Indio ang siyamnapu’t siyam na bahagi ng mga pasahero, at isa rin siyang Indio kung kakayurin ang kulapol niya sa mukha at huhubarin ang mayabang niyang damit.

-          El Filibusterismo

Jose Rizal

Salin ni Virgilio S. Almario

 

29.    Sino ang sinisimbolo ni Donya Victorina sa kasalukuyang panahon?

a.        Pilipinong nagsisilbi sa ibang bansa

b.       Pilipinong banyaga sa sariling bayan

c.        Pilipinong walang pagmamahal sa sariling bayan

d.       Pilipinong may colonial mentality

30.    Oo nga, maaaring bumuti ang takbo ng Tabo kung walang mga Indio sa ilog, walang mga Indio sa bayang ito! Ang Tabo ay maaaring sumimbolo sa __________________.

a.        mga Pilipino

b.       bansang Pilipinas

c.        mahabang kasaysayan ng pananakop

d.       ekonomiya

31.    Alin sa sumusunod na teorya ang mababakas sa binasang bahagi ng El Filibusterismo?

a.        Humanismo

b.       Eksistensyalismo

c.        Realismo

d.       Romantesismo

 

Direksyon:  Tukuyin ang simbolo ng lupa sa sumusunod na saknong ng tula.

                Hindi ko na ibig na maging halaman

                na namumulaklak ng may bango’t kulay.

                At sa halip nito’y ibig ko na lamang

                Maging lupa ako’t magsilbing taniman.

                                                                                - David T. Mamaril, Lupa at Halaman

32.    Ang lupa sa tula ay sumisimbolo sa _______________.

a.        kamatayan

b.       buhay

c.        pagsamba sa Diyos

d.       kabataan

Nakalaan akong

malamay:

lupa ang simula ng lahat ng bagay,

diyan din sisibol

ang binhi ng baging pag-asa at buhay.

                -  Amado V. Hernandez, Lupa

33.    Ang lupa sa tula ay sumisimbolo sa _______________.

a.        kamatayan

b.       buhay

c.        pagsamba sa Diyos

d.       kabataan

 

Sa maghapon, tatlong ulit yumukod

Ang kaniyang palaspas pahalik sa lupa

                                                                - Rio Alma, Sa Panahon ng Babaylan

34.    Ang lupa sa tula ay sumisimbolo sa _______________.

a.        kamatayan

b.       buhay

c.        pagsamba sa Diyos

d.       kabataan

 

Direksyon:  Punan ng panandang diskurso ang mga patlang sa talata.

Isang kasunduan ang nilagdaan namagbibibgay ng dagdag ng karapatan at benepisyo sa mga Overseas Filipino Worker (OFW) sa Timog Korea.  Ang kasunduan ay nilagdaan ng mga kinatawan ng Pilipinas at Timog Korea.  Sa ilalim ng kasunduan, ang mga OFW sa Timog Korea ay magkakaroon ng karagdagang benepisyo _____________ ang industrial accidents insurance, medical insurance, at employment insurance.

35.    Anong panandang diskurso ang dapat ilagay sa patlang?

a.        ang mga halimbawa

b.       kabilang dito

c.        ang apekto

d.       tulad ng

Magkakaroon ang Kalakhang Maynila ng krisis sa basura sa susunod na dalawang taon.  Ito ang naging babala ng Metro Manila Development Authority (MMDA).  At upang maiwasan ito, ______________ nang maghanap ang MMDA ng iba pang tapunan ng basura sakaling mapuno na ang mga kasalukuyang tapunan ng basura.  ______________ ay ang paghihikayat sa mga mamamayan na iwasan ang pagtatapos ng basura sa mga ilog at pampublikong lugar.

36.    Anong mga panandang diskurso ang dapat ilagay sa mga patlang?

a.        una, Ikalawa

b.       noon, Ang sumunod

c.        sinimulan, Pagkatapos

d.       bago, Nang lumaon

Direksyon:  Basahin ang sumusunod na talata.  Tukuyin kung anong uri ng teksto ang mga ito.

Nagbago ang mukha ng Tondo.  Tapos na raw ang masasayang araw ng mga “halang ang kaluluwa” dahil ang mga dating siga, ngayon ay nagtataguyod na ng mga proyekto para sa mga kabataan.  Ito raw ay para makaiwas sa mga rambol at droga.  Pero sa paglilinis ng Tondo sa kanyang imahe, may ilang lugar naman sa Metro Manila ang tila nanganganak ng bagong pugad ng mga siga.

37.    Ang talata ay isang uri ng tekstong ____________.

a.        informativ

b.       descriptiv

c.        narativ

d.       ekspositori

 

Layunin ng 13 bansa sa Asta sa inilunsad na Asian Environmental Compliance Network (AECEN), kasama ang Pilipinas na isulong at pagtibayin ang pagpapatupad at pagpapasunod sa mga batas pangkalikasan.  Isa itong napakagandang simulain ng isang ugnayang makapagsasaayos ng mga problemang dulot ng pagkasira ng ating mga likas-yaman.  

38.    Ang talata ay isang uri ng tekstong ____________.

a.        informativ

b.       descriptiv

c.        narativ

d.       ekspositori

Sa isang Parliamentary System, ang namumuno sa gobyerno (ang tawag sa kanya ay Prime Minister o Premier) ay di direktang hinahalal ng mamamayan.  Sa sistemang ito, ang mga mamamayan ay naghahalal muna ng mga kasapi ng Parliament.  Ang mga kasapi naman ng Parliament ang maghahalal ng Prime Minister.  Ang Prime Minister, kasama ang kanyang gabinete na pipiliin din niya mula sa mga kasapi ng Parliament, ang siyang magpapatakbo ng gobyerno.  Kadalasan, ang pinuno ng partidong may pinakamaraming nanalo sa Parliament ang siyang pinipiling Prime Minister.

39.    Ang talata ay isang uri ng tekstong ___________.

a.        informativ

b.       descriptiv

c.        narativ

d.       ekspositori

40.    Ito ay pagsasagawa ng plano, pamamaraan, patakaran o batas upang magkaroon ng isang pamantayan sa paggamit ng alpabetong Filipino.

a.        intelektwalisasyon

b.       pagsasalin

c.        instandardisasyon

d.       ispeling

41.    Kailangang itaas ang antas ng wikang Filipino upang magamit ito sa mga larangang  pangkaisipan tulad agham, medisina, teknolohiya, at iba pa.

a.        intelektwalisasyon

b.       pagsasalin

c.        instandardisasyon

d.       ispeling

42.    Ang lahat ng wika ay arbitraryo dahil

a.        nagkakaiba-iba ang sistema ng paggamit nito

b.       may napagkasunduang sistema ng paggamit nito

c.        may mga di sumusunod sa itinakdang sistema ng paggamit nito

d.       ginagamit ito sa pakikipag-usap sa ibang tao

43.    Alin sa mga sumusunod ang di totoo?

a.        Ang wika ay may istruktura.

b.       Ang wika ay binubuo ng mga tunog.

c.        Ang wika ay di nanghihiram.

d.       Ang wika ay may katumbas na simbolo o sagisag.

44.    Tawag sa isang taong maraming alam na wika

a.        dalubwika

b.       polyglot

c.        linguist

d.       translator

45.    Paraan ng pagsasalita na naririnig sa isang partikular na lalawigan o bayan.

a.        sociolect

b.       idiolect

c.        dialect

d.       punto

46.    May sariling register ang ekonomiks.  Ang register ay ______________.

a.        mga salitang hinihiram mula sa ibang wikang banyaga

b.       mga salitang di mahahanapan ng katumbas sa wikang Filipino

c.        salitang kalimitang ginagamit sa isang larangan tulad ng ekonomiks

d.       salitang pinanatili na lamang ang orihinal na ispeling

47.    Alin sa sumusunod ang daglat?

a.        KWF /key-dobolyu-ef/

b.       Fe /ef-i/

c.        Kgg. /kapital key-ji-ji/

d.       MLQ /em-el-kyu/

48.    Alin sa sumusunod ang di papantig?

a.        pa-pan-tig

b.       p-a-p-a-n-t-i-g

c.        pa-ti-tik

d.       bay-ba-yi

49.    NAGPAGANDAHAN – Ilang pantig mayroon ang salitang ito?

a.        4

b.       5

c.        6

d.       7

50.    Ito ay siyentipikong pag-aaral ng wika.

a.        translation

b.       sociolingguistics

c.        lingguistics

d.       code switching

51.    Alin sa sumusunod na pahayag ang di totoo?

a.        Ang wikang Filipino ay naging instrumentong politikal nang sakupin tayo ng dayuhan noong siglo 16.

b.       Ang Doctrina Christiana ay inilimbag para sa mga katutubo.

c.        Ang pagsasalin ng mga tekstong Espanyol ang panimulang hakbang sa pag-angkin ng mga misyonero sa Tagalog.

d.       Wikang katutubo ang ginamit ng mga Kastila sa pagpapalaganap ng Kristiyanismo.

52.    Ang Florante at Laura ni Francisco Balagtas Baltazae ay isang ___________.

a.        diona

b.       awit

c.        korido

d.       romance

53.    Sino ang sumulat ng tulang “Sagot ng Espanya sa Hibik ng Filipinas”?

a.        Jose Rizal

b.       Andres Bonifacio

c.        Marcelo H. del Pilar

d.       Graciano Lopez-Jaena

54.    Kinikilalang “Ama ng Maikling Kuwento ng Tagalog”

a.        Edgardo M. Reyes

b.       Rogelio Sicat

c.        Deogracias A. Rosario

d.       Genoveva Edroza Matute

55.    Alin sa sumusunod ang pangungusap na walang paksa?

a.        Maraming salamat!

b.       Sasama ka ba?

c.        Namili kami sa Divisoria.

d.       Alin ang bibilin mo?




LET REVIEWER

Introduksyon sa Pagsasalin

Overview: Pagsasalin sa Kontekstong Filipino ay naglalayong paunlarin ang kasanayan sa pagsasalin na ginagabayan ng pananaliksik (saliksik...