1.
Madali kasi siyang napakagat sa
pain.
a.
naloko
b. napakain
c.
napahanga
d. napaniwala
2.
Madali nilang nakamit ang tagumpay, magkataling-puso
kasi sila.
a.
magkaibigan
b. magkasundo
c.
mag-asawa
d. magkakilala
3.
Di niya matanggap ang kasawiang-palad
na inabot ng kanyang pamilya.
a.
aksidente
b. kamalasan
c.
naputulan ng kamay
d. nawalan ng suwerte
4.
Magkasundung-magkasundo sila sa lahat ng
bagay, pano’y kumakain sila sa iisang pinggan.
a.
magkaibigan
b. ayaw maghugas ng pinggan
c.
magkasundo
d. magkasama sa iisang bahay
5.
Umuwi siya isang gabi na parang lantang
bulaklak.
a.
walang lakas
b. hinang-hina
c.
nawalan ng puri
d. nanlalata
6.
Di dapat silang magsama dahil sila
ay parang langis at tubig.
a.
may sama ng loob
b. di magkasundo
c.
mainit ang dugo sa isa’t isa
d. magkaaway
7.
Ayaw kong maniwala na kaya nakakuha
siya ng mataas na marka sa pagsusulit ay dahil dinuktor ito ng iba.
a.
minalian
b. winasto kahit mali
c.
inayos sa pamamagitan ng pandaraya
d. ipinawasto sa iba
8.
Talagang tabla ang mukha
mo. Di mo man lang inisip na ako ang
nagpasok sa iyo sa trabaho. Bakit mo ako
siniraan sa ating Boss?
a.
walang munti mang kahihiyan
b. mukhang tabla ang mukha
c.
mahiyain
d. walang utang na loob
9.
Kaya nagmamagandang-loob si Paulo ay
dahil naghuhugas siya ng kamay.
Huwag mo siyang paniwalaan.
a.
takot magkaroon ng kasalanan sa
ibang tao
b. nagbabayad ng kasalanan sa isang tao
c.
humihingi ng patawad nang di-tahasan
d. umiiwas magkaroon ng pananagutan sa isang naganap na pangyayari
10.
Ngayon lang ako nakakita ng labanang
ngipin sa ngipin.
a.
walang ayawan
b. ubusan ng lahi
c.
gantihan nang ubos-kaya
d. lakas sa lakas
Direksyon: Basahin at unawain ang tula. Sagutin ang mga tanong.
SA TABI NG DAGAT
ni Ildefonso Santos
Marahang-marahang 1
manaog ka, Irog at kita’y lalakad,
maglulunoy kitang
payapang-payapa sa tabi ng dagat;
di na kailangang
sapinan pa ang paang
binalat-sibuyas,
ang dating garing
sa sakong na wari’y kinuyom na rosas!
Manunulay kita, 2
habang maaga pa, sa isang pilapil
na nalalatagan
ng damong may luha ng mga bituin…
patiyad na tayo’y
mangaghahabulang simbilis ng
hangin,
ngunit walang ingay,
hanggang sumapit sa tiping
buhangin…
Pagdating sa tubig, 3
mapapaurong kang parang nangingimi,
gaganyakin kita
sa nangaroong mga lamang-lati;
doon ay may tahong,
talaba’t halaang kabigha-bighani,
hindi kaya natin
mapuno ang buslo bago tumanghali?
Pagdarapit-hapon 4
kita’y magbabalik sa
pinanggalingan,
sugatan ang paa
at sunog ang balat sa sikat ng
araw!
Talagang ganoon…
Sa dagat man, Irog, ng kaligayahan,
lahat, pati puso,
ay naaagnas ding marahang-marahan…
1932
11.
Anong larawang-diwa ang ipinakita ng
tula?
a.
pangingisda
b. pagsusuyuan
c.
pag-iibigan
d. paghihirap
12.
Di na kailangang sapinan pa ang paang
binalat-sibuyas.
Ano ang kahulugan ng paang binalat-sibuyas?
a.
maselan
b. may-kaya
c.
babae
d. delikado
13.
Anong saknong ng tula ang nagbibigay
ng positibong pananaw sa nagbabasa?
a.
1
b. 2
c.
3
d. 4
14.
Alin sa sumusunod na taludtod ng
tula ang nagpapakita ng kagandahan?
a.
sakong na wari’y kinuyom na rosas
b. sa isang pilapil na nalalatagan ng damong may luha ng mga bituin
c.
sugatan ang paa at sunog ang balat
sa sikat ng araw
d. sa dagat man, Irog, ng kaligayahan, lahat, pati puso, ay naaagnas ding
marahang-marahan
Direksyon: Basahin ang
sanaysay. Sagutin ang mga tanong.
Ikalat natin ang aral at kaisipan ni
Balagtas. Itanghal natin siya sa kanyang
dapat kalagyan. Siya ang idolo ni Rizal,
Mabini, Bonifacio at ng iba pang mga bayani, ang naging bukal ng kanyang
panulat at pakikibaka. Kaya dapat din
siyang kilalanin at itanghal, bungkalin at basahin ang iba pa niyang mga
akda. Ipabasa natin sa ating mga
kaibigan ng magagandang saknong sa Florante at Laura. Sumulat tayo ng mga artikulo tungkol kay
Balagtas at ipalathala ito sa mga magasin.
Magkaroon ng pagkakataon ang mga hindi Tagalog o ang ibang lahi na
makilala siya, tulad ng mga dakilang makata sa daigdig. Kailangan nating maipakilala si Balagtas sa
buong bansa at sa buong daigdig. Gumawa ng
mga sticker, tarpaulin, at iba pa, ng magagandang linya buhat sa
kanyang awit upang ipaskil o idikit sa mga paaralan, pampasaherong dyip, bus,
FX, pedicab, sa mga waiting shed, mall, tambayan, tindahan,
palengke, at iba pa o maging palamuti ng mga mug, t-shirt, sombrero, at
iba pang ating malimit na isinusuot.
Ipabasa sa mga programa sa telebisyon at radyo ang ilan sa mga linya o
bahagi ng kanyang mga akda. At kung
maaari ay maging isang teleserye o fantaserye ang Florante at Laura,
tiyak na hahakot ito ng rating. Pero higit pa sa mga ito, kailangan
nating isabuhay ang mga sinabi ni Balagtas.
Ang mga pag-alaala sa kanya tuwing Abril 2 at ang pagsasagawa ng
Balagtasan tuwing Buwan ng Wika ay hindi dapat maging pabalat bunga
lamang. Kailangan nating siyang
basahin. Kailangang maisapanahon ang
paraan ng paggunita sa kanya lalo na sa ngayong panahon ng makabagong
teknolohiya.
-
Ang Awit na Florante at Laura sa
Aking Ipod at Si Francisco
Balagtas sa Aking Desktop
15.
Ano ang paksa ng binasang sanaysay?
a.
Pagkakalat ng mga gintong kaisipan
ni Balagtas
b. Pagkilala kay Francisco Balagtas Baltazar
c.
Pagkalimot sa mga aral ni Balagtas
d. Pagpapakilala sa masang Pilipino si Balagtas
16.
Alin sa sumusunod na kaisipan sa
sanaysay ang maiuugnay sa lipunan?
a.
Isapanahon ang paraan ng paggunita
kay Balagtas lalo na ngayong panahon ng makabagong teknolohiya.
b. Isabuhay ang mga sinabi ni Balagtas para sa mga kabataan.
c.
Ang mga pag-alaala kay Balagtas
tuwing Abril 2 ay hindi dapat maging pabalat bunga lamang.
d. Si Balagtas ang idolo ni Rizal, Mabini, Bonifacio at ng iba pang
mga bayani.
17.
Alin sa sumusunod na pahayag ang
nagpapaliwanag kung bakit dapat pahalagahan si Balagtas?
a.
Ikalat natin ang aral at kaisipan ni
Balagtas dahil siya ang idolo ni Rizal, Mabini, Bonifacio at ng iba pang mga
bayani, ang naging bukal ng kanilang panulat at pakikibaka.
b. Ang pag-alaala sa kanya tuwing Abril 2 at ang pagsasagawa ng
Balagtasan tuwing Buwan ng Wika ay hindi dapat maging pabalat bunga
lamang.
c.
Kailangan nating siyang
basahin.
d. Kailangang maisapanahon ang paraan ng paggunita sa kanya lalo na sa
ngayong panahon ng makabagong teknolohiya.
18.
Alin sa sumusunod na pahayag ang
nagtuturo?
a.
Kailangang maipakilala si Balagtas
sa buong bansa at sa buong daigdig.
b. Ipabasa sa mga programa sa telebisyon at radyo ang ilan sa mga
linya o bahagi ng kanyang mga akda.
c.
Maging isang teleserye o fantaserye
ang Florante at Laura.
d. Kailangang maisapanahon ang paraan ng paggunita sa kanya lalo na sa
ngayong panahon ng makabagong teknolohiya.
Direksyon: Basahin ang
kuwento. Sagutin ang mga tanong.
‘Nung gabi, sa gilid ng isang
tindahang sarado kami nahiga ni Tatay.
Di ako makatulog. Kahit anong
gawin ko, di pa rin ako makatulog. Iniisip
ko ang aming bahay, ang aming mga gamit.
Ang dalawa naging pinggan at baso, ang aming kutsara’t platito, ang
aming kaldero’t takure, ang kahon ng aming damit, ang boteng makulay at pati
ang mga piktyur.
Paggising namin, walang mainit na
kape, walang mainit na pandesal.
Sa buong maghapon, nagkargador si
Tatay. Pagkatapos na maibaba ang lahat
ng gulay, mga karne naman, mga damit, mga tela, mga bihon at harina, mga
mantel, batya at palanggana. Kaya
paghapon na, hapung-hapo si Tatay. Ako,
naiiwan muna sa harap ng simbahan. Tapos
ganon uli kinabukasan. Magkakargador uli
si Tatay at maiiwan uli ako sa harap ng simbahan.
“’Wag kang lalayo, pag-uwi ko,
masarap na tukneneng ang pasalubong ko sa ‘yo,” ang bilin lagi sa akin ni
Tatay.
Pero iniisip ko pa rin ang aming may
gulong na bahay. Mabawi pa kaya namin ni
Tatay ang aming may gulong na bahay?
At isang hapon, laging gulat ko nang
iparada ni Tatay sa aking harapan ang aming may gulong na bahay. Isang drayber na uli ang aking Tatay. Nabawi na rin namin ang aming bahay. Isa-isa kong tinignan ang aming mga gamit.
“Sa wakas!” ang nasigaw ko.
Pinasakay ako ni Tatay sa aming
bahay at saka niya ito minaneho patungo sa aming pinagliliguan. Inalis namin ang aming mga gamit at saka
inisis ni Tatay ang loob at labas, ako naman sa manibela. Sinabon at saka binihusan ng tubig. Tapos naging matingkad na asul ang aming
bahay.
“Ang bangong higaan!” ang nasabi ko.
Mula noon, lagi kong binabantayan
ang aming bahay. Ako na rin ang
nagpapaalala kay Tatay kung bawal itong iparada sa gilid ng kalsada.
Tuwing gabi, di pa rin nauubos ang
mga kwento ni Tatay tungkol sa mga may gulong na bahay.
At habang nakahiga kami sa mabangong
higaan at natatanaw ang malawak na langit, ay sinabi ni Tatay, “Ngayon, aking
Bunso, hinding-hindi na mahihiwalay sa atin ang ating munting bahay, ang ating
mabango at may gulong na bahay.”
Habang bumababa ang mga asul na asul
na ulap.
-
May Gulong na Bahay
19.
Batay sa iyong binasa, ano sa
palagay mo ang kasukdulan ng kuwento?
a.
Nang matulog ang mag-ama sa gilid ng
isang tindahang sarado
b. Nang magkargador ang ama upang makaipon ng pambawi ng kanilang
bahay
c.
Nang mawala ang bahay na kariton ng
mag-ama
d. Nang iparada ng ama ang kanilang may gulong na bahay sa karapan ng
bata
20.
Paano binigyang solusyon ang
suliranin ng kuwento?
a.
Paghihintay ng anak sa kanyang ama
b. Pagkakargador ng ama upang kumita
c.
Pagpupunyagi ng ama na mabawi ang
kanilang bahay
d. Pangangako ng ama sa kanyang anak na mababawi nila ang kanilang
bahay
21.
Ano ang ibig ipakahulugan ng: Habang
bumababa ang mga asul na asul na ulap bilang wakas ng kuwento?
a.
Lahat ng problema ay
nabibigyang-solusyon.
b. Hindi dapat mawalan ng pag-asa.
c.
Maging kuntento sa kung ano ang
mayroon.
d. Ang kaligayahan ay hindi matatamo sa mga materyal na bagay.
22.
Di ako makatulog. Kahit anong gawin ko, di pa rin ako
makatulog. Iniisip ko ang aming bahay,
ang aming mga gamit. Ang dalawa naging
pinggan at baso, ang aming kutsara’t platito, ang aming kaldero’t takure, ang
kahon ng aming damit, ang boteng makulay at pati ang mga piktyur. Anong damdamin ang mababakas sa batang nagkukuwento sa mga pahayag
niyang ito?
a. panlulumo
b. pagkabalisa
c. panghihinayang
d. pagkalungko
23.
Anong katotohanan ng buhay ang
mababakas sa binasang kuwento?
a.
Mahalaga ang bahay sa bawat bata.
b. Tungkulin ng magulang na ipagkaloob sa mga anak ang maayos na
buhay.
c.
May mga taong kuntento sa kung anong
mayroon sila.
d. Di dapat husgahan ang mahihirap.
Direksyon: Basahin ang
kuwento. Sagutin ang mga tanong.
“Okey lang,” sabi niya sa
sarili. “Sino ba si Eric? Nobyo lang na hanggang ngayo’y nagdedepende
pa rin sa magulang. Okey lang.”
Naghihimagsik
ang kanyang damdamin. Parang sasabog ang
kanyang dibdib. A, kung mapaghihingahan
lamang niya ng sama ng loob ang mga libro.
Kung malulutas lamang ng psychology
books ang kanyang suliranin.
Mangyari, kahit anong pag-iwas ang kanyang gawin, si Eric pa rin ang
laman ng kanyang isipan. Kahit ngayong
nasa library siya. Wala sa sariling tinitigan ang hilera ng mga
libro sa kabinet. Kanina’y memoryado
niya ang call number ng librong
hinahanap. Mangyari’y makalawang ulit na
siyang nagpabalik-balik sa card catalogue. Isinulat sa kapirasong papel ang call number, ang pamagat ng libro at ang
may-akda. Minemorya. Pero nang malingunan kanina si Eric,
kinabahan. Namutla. Di makatinag.
Matigas ang leeg na itinuon ang paningin sa hilera ng mga libro. Nasa likuran niya si Eric, at sa minsang
paggalaw niya, presto! A, bakit ba
ganoon? Kung sino ang iniiwasan mo ay
siya mong nakikita?
Brag! Nahulog ang hawak niyang libro. Di naman niya makuhang pulutin. Baka lumingon si Eric.
“Gie!” tawag
mula sa kanyang likuran.
Kilala niya
ang tinig. Bumilis ang tibok ng kanyang
puso. Bago nakaiwas, nasa harapan na
niya si Eric. Iniabot ang nahulog na
aklat.
“Namatanda ka
ba? Naengkanto? Why
don’t you speak up?” Hinahabol ni
Eric ang paghinga. “Ang labo mo naman,
Gie. Library
‘to. Puwede mo naman akong kausapin,
di ba?” Napalakas ang tinig ni Eric.
K-R-I-N-G! Bell
iyon ng librarian. Napalingon sila sa mesa ng istriktong puno ng
library. Itinuro ng librarian ang malaking sign
board: SILENCE.
Napahiya wari,
nagkatinginan sila. Si Gie ang unang
umiwas. Pilit iniiwas ang mukha sa
binata.
Dati-rati, sa ganoong pagkakataon,
lalo nilang iniinis ang masungit na librarian.
Naroong magsenyasan sila na animo mga piping nag-uusap. O di naman kaya’y tutop ng kaliwang palad ang
kanilang bibig hanggang sa sila’y umalis.
At sa labas, sabay silang magtatawanan.
Pero ngayon, parang pinitpit na luya si Gie. Walang kibo, isang bakol pa ang mukha. A, kabisado na niya ng dalaga. Ang pagmamaktol nito’y nangangahulugan galit
sa kanya si Gie.
-
OKEY SA ‘YO SI ERIC, ‘TAY?
ni Pat V. Villafuerte
24.
Alin sa sumusunod na pangyayari ang
kasukdulan ng kuwentong binasa?
a.
Paghihimagsik ng damdamin ni Gie.
b. Nang sitahin sila ng istriktong librarian.
c.
Nang mahulog ang hawak na libro ni
Gie.
d. Nang marinig niya ang isang pamilyar na tinig.
25.
Bakit sinita ng librarian
sina Gie at Eric?
a.
Bawal ang mag-usap sa loob ng library.
b. Nakakaistorbo sila sa ibang estudyante.
c.
Bawal ang maingay sa loob ng library.
d. Di nila sinusunod ang nakapaskil na sign board.
26.
Ano ang ipinahihiwatig ng huling bahagi ng
kuwento?
a.
Galit si Gie sa mahigpit na librarian.
b. May tampo si Gie kay Eric.
c.
Napahiya nang labis si Gie.
d. Naguguluhan si Gie.
27.
Naghihimagsik ang kanyang
damdamin. Parang sasabog ang kanyang
dibdib. Anong damdamin ang mababakas kay Gie sa bahaging ito ng kuwento?
a.
paghihimagsik
b. panghihinayang
c.
matinding pag-ibig
d. sama ng loob
28.
Anong katotohanan ng buhay ang
mababakas sa binasang kuwento?
a.
Di dapat seryosohin ang unang
pag-ibig.
b. Piliin ang wastong lugar sa pag-uusap.
c.
Walang pinipili ang pag-ibig.
d. Di maitatago ang tunay at wagas na damdamin.
At si Donya Victorina, ang
tanging babaeng nakaupo sa piling ng mga Europeo, ang makapagsasabi kung tamad
ang Tabo, matigas ang ulo, at sumpungin.
Nerbiyosang tulad ng dati, nilalait
ni Donya Victorina ang mga kasko, bangka, balsang niyog, ang mga namamangkang
Indio, at pati ang mga naglalaba at mga naliligo na ikinayayamot niya ang
katuwaan at tawanan. Oo nga, maaaring
bumuti ang takbo ng Tabo kung walang mga Indio sa ilog, walang mga Indio sa
bayang ito! Oo nga, kung wala na kahit
isang Indio sa mundong ito. Nawala sa
isip niya na pawang mga Indio ang nagtitimon, Indio ang mga marino, Indio ang
mga makinista, Indio ang siyamnapu’t siyam na bahagi ng mga pasahero, at isa
rin siyang Indio kung kakayurin ang kulapol niya sa mukha at huhubarin ang
mayabang niyang damit.
-
El Filibusterismo
Jose Rizal
Salin ni Virgilio S. Almario
29.
Sino ang sinisimbolo ni Donya
Victorina sa kasalukuyang panahon?
a.
Pilipinong nagsisilbi sa ibang bansa
b. Pilipinong banyaga sa sariling bayan
c.
Pilipinong walang pagmamahal sa
sariling bayan
d. Pilipinong may colonial mentality
30.
Oo nga, maaaring bumuti ang takbo ng
Tabo kung walang mga Indio sa ilog, walang mga Indio sa bayang ito! Ang Tabo ay maaaring sumimbolo sa __________________.
a.
mga Pilipino
b. bansang Pilipinas
c.
mahabang kasaysayan ng pananakop
d. ekonomiya
31.
Alin sa sumusunod na teorya ang
mababakas sa binasang bahagi ng El Filibusterismo?
a.
Humanismo
b. Eksistensyalismo
c.
Realismo
d. Romantesismo
Direksyon: Tukuyin ang
simbolo ng lupa sa sumusunod na saknong ng tula.
Hindi ko na
ibig na maging halaman
na
namumulaklak ng may bango’t kulay.
At sa halip
nito’y ibig ko na lamang
Maging lupa
ako’t magsilbing taniman.
-
David T. Mamaril, Lupa at Halaman
32.
Ang lupa sa tula ay sumisimbolo sa
_______________.
a.
kamatayan
b. buhay
c.
pagsamba sa Diyos
d. kabataan
Nakalaan akong
malamay:
lupa ang simula ng lahat ng bagay,
diyan din sisibol
ang binhi ng baging pag-asa at buhay.
- Amado V. Hernandez, Lupa
33.
Ang lupa sa tula ay sumisimbolo sa
_______________.
a.
kamatayan
b. buhay
c.
pagsamba sa Diyos
d. kabataan
Sa maghapon, tatlong ulit yumukod
Ang kaniyang palaspas pahalik sa lupa
-
Rio Alma, Sa Panahon ng Babaylan
34.
Ang lupa sa tula ay sumisimbolo sa
_______________.
a.
kamatayan
b. buhay
c.
pagsamba sa Diyos
d. kabataan
Direksyon: Punan ng
panandang diskurso ang mga patlang sa talata.
Isang kasunduan ang nilagdaan namagbibibgay ng dagdag ng karapatan
at benepisyo sa mga Overseas Filipino Worker (OFW) sa Timog Korea. Ang kasunduan ay nilagdaan ng mga kinatawan
ng Pilipinas at Timog Korea. Sa ilalim
ng kasunduan, ang mga OFW sa Timog Korea ay magkakaroon ng karagdagang
benepisyo _____________ ang industrial accidents insurance, medical insurance,
at employment insurance.
35.
Anong panandang diskurso ang dapat
ilagay sa patlang?
a.
ang mga halimbawa
b. kabilang dito
c.
ang apekto
d. tulad ng
Magkakaroon ang Kalakhang Maynila ng krisis sa basura sa susunod na
dalawang taon. Ito ang naging babala ng
Metro Manila Development Authority (MMDA).
At upang maiwasan ito, ______________ nang maghanap ang MMDA ng iba pang
tapunan ng basura sakaling mapuno na ang mga kasalukuyang tapunan ng
basura. ______________ ay ang
paghihikayat sa mga mamamayan na iwasan ang pagtatapos ng basura sa mga ilog at
pampublikong lugar.
36.
Anong mga panandang diskurso ang
dapat ilagay sa mga patlang?
a.
una, Ikalawa
b. noon, Ang sumunod
c.
sinimulan, Pagkatapos
d. bago, Nang lumaon
Direksyon: Basahin ang sumusunod na talata. Tukuyin kung anong uri ng teksto ang mga ito.
Nagbago ang mukha ng Tondo.
Tapos na raw ang masasayang araw ng mga “halang ang kaluluwa” dahil ang
mga dating siga, ngayon ay nagtataguyod na ng mga proyekto para sa mga
kabataan. Ito raw ay para makaiwas sa
mga rambol at droga. Pero sa paglilinis
ng Tondo sa kanyang imahe, may ilang lugar naman sa Metro Manila ang tila
nanganganak ng bagong pugad ng mga siga.
37.
Ang talata ay isang uri ng tekstong
____________.
a.
informativ
b. descriptiv
c.
narativ
d. ekspositori
Layunin ng 13 bansa sa Asta sa inilunsad na Asian Environmental
Compliance Network (AECEN), kasama ang Pilipinas na isulong at pagtibayin ang
pagpapatupad at pagpapasunod sa mga batas pangkalikasan. Isa itong napakagandang simulain ng isang
ugnayang makapagsasaayos ng mga problemang dulot ng pagkasira ng ating mga
likas-yaman.
38.
Ang talata ay isang uri ng tekstong
____________.
a.
informativ
b. descriptiv
c.
narativ
d. ekspositori
Sa isang Parliamentary System, ang namumuno sa gobyerno (ang tawag
sa kanya ay Prime Minister o Premier) ay di direktang hinahalal ng
mamamayan. Sa sistemang ito, ang mga
mamamayan ay naghahalal muna ng mga kasapi ng Parliament. Ang mga kasapi naman ng Parliament ang
maghahalal ng Prime Minister. Ang Prime
Minister, kasama ang kanyang gabinete na pipiliin din niya mula sa mga kasapi
ng Parliament, ang siyang magpapatakbo ng gobyerno. Kadalasan, ang pinuno ng partidong may
pinakamaraming nanalo sa Parliament ang siyang pinipiling Prime Minister.
39.
Ang talata ay isang uri ng tekstong
___________.
a.
informativ
b. descriptiv
c.
narativ
d. ekspositori
40.
Ito ay pagsasagawa ng plano,
pamamaraan, patakaran o batas upang magkaroon ng isang pamantayan sa paggamit
ng alpabetong Filipino.
a.
intelektwalisasyon
b. pagsasalin
c.
instandardisasyon
d. ispeling
41.
Kailangang itaas ang antas ng wikang
Filipino upang magamit ito sa mga larangang
pangkaisipan tulad agham, medisina, teknolohiya, at iba pa.
a.
intelektwalisasyon
b. pagsasalin
c.
instandardisasyon
d. ispeling
42.
Ang lahat ng wika ay arbitraryo
dahil
a.
nagkakaiba-iba ang sistema ng
paggamit nito
b. may napagkasunduang sistema ng paggamit nito
c.
may mga di sumusunod sa itinakdang
sistema ng paggamit nito
d. ginagamit ito sa pakikipag-usap sa ibang tao
43.
Alin sa mga sumusunod ang di totoo?
a.
Ang wika ay may istruktura.
b. Ang wika ay binubuo ng mga tunog.
c.
Ang wika ay di nanghihiram.
d. Ang wika ay may katumbas na simbolo o sagisag.
44.
Tawag sa isang taong maraming alam
na wika
a.
dalubwika
b. polyglot
c.
linguist
d. translator
45.
Paraan ng pagsasalita na naririnig
sa isang partikular na lalawigan o bayan.
a.
sociolect
b. idiolect
c.
dialect
d. punto
46.
May sariling register ang
ekonomiks. Ang register ay
______________.
a.
mga salitang hinihiram mula sa ibang
wikang banyaga
b. mga salitang di mahahanapan ng katumbas sa wikang Filipino
c.
salitang kalimitang ginagamit sa
isang larangan tulad ng ekonomiks
d. salitang pinanatili na lamang ang orihinal na ispeling
47.
Alin sa sumusunod ang daglat?
a.
KWF /key-dobolyu-ef/
b. Fe /ef-i/
c.
Kgg. /kapital key-ji-ji/
d. MLQ /em-el-kyu/
48.
Alin sa sumusunod ang di papantig?
a.
pa-pan-tig
b. p-a-p-a-n-t-i-g
c.
pa-ti-tik
d. bay-ba-yi
49.
NAGPAGANDAHAN – Ilang pantig mayroon
ang salitang ito?
a.
4
b. 5
c.
6
d. 7
50.
Ito ay siyentipikong pag-aaral ng
wika.
a.
translation
b. sociolingguistics
c.
lingguistics
d. code switching
51.
Alin sa sumusunod na pahayag ang di
totoo?
a.
Ang wikang Filipino ay naging
instrumentong politikal nang sakupin tayo ng dayuhan noong siglo 16.
b. Ang Doctrina Christiana ay inilimbag para sa mga katutubo.
c.
Ang pagsasalin ng mga tekstong
Espanyol ang panimulang hakbang sa pag-angkin ng mga misyonero sa Tagalog.
d. Wikang katutubo ang ginamit ng mga Kastila sa pagpapalaganap ng
Kristiyanismo.
52.
Ang Florante at Laura ni Francisco
Balagtas Baltazae ay isang ___________.
a.
diona
b. awit
c.
korido
d. romance
53.
Sino ang sumulat ng tulang “Sagot ng
Espanya sa Hibik ng Filipinas”?
a.
Jose Rizal
b. Andres Bonifacio
c.
Marcelo H. del Pilar
d. Graciano Lopez-Jaena
54.
Kinikilalang “Ama ng Maikling
Kuwento ng Tagalog”
a.
Edgardo M. Reyes
b. Rogelio Sicat
c.
Deogracias A. Rosario
d. Genoveva Edroza Matute
55.
Alin sa sumusunod ang pangungusap na
walang paksa?
a.
Maraming salamat!
b. Sasama ka ba?
c.
Namili kami sa Divisoria.
d. Alin ang bibilin mo?
No comments:
Post a Comment