Ang Dula
Panunuluyan – isang uri ng dulang pangrelihiyon na namalasak noong panahon ng
Kastila. Ang pinakadiwa nito ay ang
paghahanap ng bahay na matutuluyan ng mag-asawang San Jose at Birheng Maria
noong bisperas ng Pasko.
Senakulo – isang uri ng dulang makarelihiyon na ang pinakamanuskrito ay ang
pasyon. Itinatanghal ito kung Mahal na
Araw, kadalasa’y nagsisimula sa Lunes Santo at nagtatapos ng Biyernes Santo,
kung minsan pa’y umaabot ng Linggo ng Pagkabuhay. Ito ay itinatanghal sa entablado. Tinatawag din itong “pasyon sa
tanghalan”.
Moro-Moro – itinatanghal sa entablado.
Dalawang pangkat ang naghaharap dito:
ang mga Kristiyano at ang mga moro. Tinawag itong comedia de capa y
espada na sa kalauna’y naging kilala sa palasak na tawag na
“moro-moro”. Nasusulat sa anyong tula,
pumapaksa sa paglalaban ng mga Kristiyano at mga di-Kristiyanong tinawag ng mga
Kastilang “moro”. Laging magtatagumpay ang mga Kristiyano sa mga
paglalaban.
Tibag –
ito ay may kaugnayan sa senakulo sapagkat ito ay nauukol sa paghanap sa krus na
kinamatayan ni Kristo sa bundok ng Kalbaryo.
Ang mga tauhan dito ay sina Emperatris Elena at ang kanyang anak na si
Emperador Constantino. Tinawag na tibag
sapagkat ito ay nauukol sa pagtibag ng bundok ng Kalbaryo sa paghanap ng
krus.
Mga Unang Tula
Ang unang tula sa Tagalog ay sinulat
ni Tomas Pinpin at kasamang inilimbag sa kanyang aklat na Librong
Pag-aaralan nang manga Tagalog sa Uicang Castila. Ang tula ay binubuo ng magkasalit na taludtod
sa Tagalog at Kastila sa layuning matutuhan ang Kastila.
Felipe de Jesus – ipinalalagay ng mga mananaliksik na ang kritikong si Felipe de
Jesus ng San Miguel, Bulakan, ang unang tunay na makatang Tagalog.
Mga Tulang Romansa
Kurido -
tulang pasalaysay na may sukat na walong pantig sa taludtod at may mga paksang
kababalaghan at maalamat (karamiha’y halaw at hiram sa paksang galing sa
Europa) na dala rito ng mga Kastila.
Inaawit ito nang mabilis o “allegro”.
May walong pantig ang taludturan. (Halimbawa: Ibong Adarna).
Awit – isang
uri ng tulang binubuo ng labindalawang pantig bawat taludtod ng isang saknong
at kung inaawit ay marahan o “andante”.
(Halimbawa: Florante at Laura)
Mga Manunulat ng Kurido at Awit
Ananias Zorilla – may akda ng awit na Dama Ines at Prinsipe Florinio.
Jose de la Cruz (1740 – 1829) – kilala sa sagisag na Huseng Sisiw. Siya ang kauna-unahang mag-aayos ng
tula. Tinawag siyang Huseng Sisisw
sapagkat sisiw ang karaniwang pabuya na ibinibigay ng nagpapagawa sa kanya ng
mga tula ng pag-ibig at ng mga nagpapaayos sa kanya ng tula. Kumatha ng Historia Famosa ni Bernardo
Carpio, Doce Pares de Francia,Rodrigo de Villas, Adela
at Floranteat Flora at Clavela.
Francisco Baltazar (Balagtas) 1788 -1862 – Isinilang sa Panginay. Bigaa, Bulacan noong
ika-2 ng Abril, 1788. Sumulat ng
Florante at Laura na inialay niya sa kanyang iniibig na si Maria Asuncion
Rivera (M.A.R.) na tinawag niyang si “Celia” sa akda.
Karagatan – isang paligsahan sa tula na nilalaro bilang parangal sa isang
namatay. Ang mga kasali rito ay umuupo
nang pabilog at nasa gitna ang hari.
Duplo –
isa pang paligsahan sa pagtula na karaniwang ginaganap sa bakuran ng namatayan,
sa ikasiyam na gabi matapos mailibing ang namatay, bilang panlibang sa mga
naulila.
Ensilada –
isa pang paligsahan sa pagtulana ginagawa bilang pang-aliw sa namatayan. Ito ay ginagawa gabi-gabi habang nagsisiyam
ang namatay.
Panahon ng Pagbabago at
Paghihimagsik
Herminigildo Flores – isang manunulat sa panhon ng himagsikan. Sa kanyang mga sinulat ay lalong bantog ang mahabang tulang may pamagat na, “Hibik ng Pilipinas sa Inang Espanya”.