Search This Blog

Showing posts with label Dula. Show all posts
Showing posts with label Dula. Show all posts

April 13, 2022

Ang Pag-unlad ng Dula

  • Ang dula ay isang sangay na panitikang naglalahad ng isang pangyayari o mga pangyayaring kinasasangkutan ng isa o dalawang pangunahing tauhan at ng iba pang mga katulong na tauhan na itinatanghal sa isang dulaan.

 

Sarsuwela – bilang panooring panlibangan, ay ipinakilala ng mga Kastila noong mga taong 1878-1879 ngunit di nagkaroon ng sapat na panahon upang umunlad at lumaganap.  Kaagaw pa nito ang moro-moro na mas dinudunog ng mga mamamayan. 

 

Mga Nakilalang Mandudula

 

Severino Reyes (1861-1942) – pangunahing manunulat ng sarsuwela si Severino Reyes.  Kilala rin siya sa sagisag na “Lola Basyang” dahil sa kanyang mga kuwentong-bayan na inilathala sa Lingguhang Liwayway.  Ang kanyang sarsuwelang Walang Sugat ang itinuturing na kanyang obra-maestra.  Noong 1922, naging patnugot siya ng Liwayway.

 

Patricio Mariano – isang mandudula, peryodista, kuwentista, nobelista at makata.  Marami siyang nasulat na dula na kinabibilangan ng Anak ng Dagat, Ang Tulisan, Ang Dalawang Pag-ibigi, Ako’y Iyo Rin, at iba pa.  Siya ng tinaguriang Dekano ng mga Mandudulang Tagalog.

 

Hermogenes Ilagan – siya ang masasabing kaagaw ni Severino Reyes sa kasigasigan sa paglikha at pagtatanghal ng sarsuwela.  Ang pinakatanyag niyang dula ay ang Dalagang Bukid.

 

Julian Cruz Balmaseda – namumukod ang kanyang aral sa pag-iimpok sa sulang Ang Piso ni Anita.  Ito ang dulang nagtamo ng unang gantimpala sa timpalak ng Kawanihan ng Koreo; sa kanyang Sa Bunganga ng Pating, binaka niya ang sakit na nililikha ng salaping patubuan.

 

Aurelio Tolentino (1868-1913) – dalubhasa sa paggamit ng tatlong wika, Pampango, Tagalog at Kastila.  Maraming dula siyang nasulat tulad ng Bagong Kristo, isang sulang sosyolohiko; Sumpaan, isang romantikong sarsuwelang may tatlong yugto.  Ngunit higit sa lahat ng mga dula niya, ang nakilala’y ang kanyang Kahapon, Ngayon at Bukas.  Isang alegoriya ang dulang ito ay naglalahad sa pamamagitan ng mga simbolikong tauhan na pinagdadaanan ng Pilipinas.

 

Juan K. Abad – nang magsimula ang himagsikan sinunog ng lahat ni Abad ang kanyang mga akdang nanunuligsa sa pamahalaan at sa mga prayle at pagkaraa ay umanib siya sa Katipunan.  Hinarap ni Abad ang pagbaka sa comedia sa paniniwalang ito ay nakakalason sa isipan ng mga Pilipino.

April 12, 2022

Dulaang Filipino

 Ang Dula

 

Panunuluyan – isang uri ng dulang pangrelihiyon na namalasak noong panahon ng Kastila.  Ang pinakadiwa nito ay ang paghahanap ng bahay na matutuluyan ng mag-asawang San Jose at Birheng Maria noong bisperas ng Pasko.

 

Senakulo – isang uri ng dulang makarelihiyon na ang pinakamanuskrito ay ang pasyon.  Itinatanghal ito kung Mahal na Araw, kadalasa’y nagsisimula sa Lunes Santo at nagtatapos ng Biyernes Santo, kung minsan pa’y umaabot ng Linggo ng Pagkabuhay.  Ito ay itinatanghal sa entablado.  Tinatawag din itong “pasyon sa tanghalan”. 

 

Moro-Moro – itinatanghal sa entablado.  Dalawang pangkat ang naghaharap dito:  ang mga Kristiyano at ang mga moro. Tinawag itong comedia de capa y espada na sa kalauna’y naging kilala sa palasak na tawag na “moro-moro”.  Nasusulat sa anyong tula, pumapaksa sa paglalaban ng mga Kristiyano at mga di-Kristiyanong tinawag ng mga Kastilang “moro”. Laging magtatagumpay ang mga Kristiyano sa mga paglalaban.  

 

Tibag – ito ay may kaugnayan sa senakulo sapagkat ito ay nauukol sa paghanap sa krus na kinamatayan ni Kristo sa bundok ng Kalbaryo.  Ang mga tauhan dito ay sina Emperatris Elena at ang kanyang anak na si Emperador Constantino.  Tinawag na tibag sapagkat ito ay nauukol sa pagtibag ng bundok ng Kalbaryo sa paghanap ng krus.     

 

Mga Unang Tula

 

Ang unang tula sa Tagalog ay sinulat ni Tomas Pinpin at kasamang inilimbag sa kanyang aklat na Librong Pag-aaralan nang manga Tagalog sa Uicang Castila.  Ang tula ay binubuo ng magkasalit na taludtod sa Tagalog at Kastila sa layuning matutuhan ang Kastila.

 

Felipe de Jesus – ipinalalagay ng mga mananaliksik na ang kritikong si Felipe de Jesus ng San Miguel, Bulakan, ang unang tunay na makatang Tagalog.

 

Mga Tulang Romansa

 

Kurido - tulang pasalaysay na may sukat na walong pantig sa taludtod at may mga paksang kababalaghan at maalamat (karamiha’y halaw at hiram sa paksang galing sa Europa) na dala rito ng mga Kastila.  Inaawit ito nang mabilis o “allegro”.  May walong pantig ang taludturan. (Halimbawa: Ibong Adarna).

 

Awit – isang uri ng tulang binubuo ng labindalawang pantig bawat taludtod ng isang saknong at kung inaawit ay marahan o “andante”.  (Halimbawa: Florante at Laura)

 

Mga Manunulat ng Kurido at Awit

 

Ananias Zorilla – may akda ng awit na Dama Ines at Prinsipe Florinio.

 

Jose de la Cruz (1740 – 1829) – kilala sa sagisag na Huseng Sisiw.  Siya ang kauna-unahang mag-aayos ng tula.  Tinawag siyang Huseng Sisisw sapagkat sisiw ang karaniwang pabuya na ibinibigay ng nagpapagawa sa kanya ng mga tula ng pag-ibig at ng mga nagpapaayos sa kanya ng tula.  Kumatha ng Historia Famosa ni Bernardo Carpio, Doce Pares de Francia,Rodrigo de Villas, Adela at Floranteat Flora at Clavela.

 

Francisco Baltazar (Balagtas) 1788 -1862 – Isinilang sa Panginay. Bigaa, Bulacan noong ika-2 ng Abril, 1788.  Sumulat ng Florante at Laura na inialay niya sa kanyang iniibig na si Maria Asuncion Rivera (M.A.R.) na tinawag niyang si “Celia” sa akda.

 

Karagatan – isang paligsahan sa tula na nilalaro bilang parangal sa isang namatay.  Ang mga kasali rito ay umuupo nang pabilog at nasa gitna ang hari.

 

Duplo – isa pang paligsahan sa pagtula na karaniwang ginaganap sa bakuran ng namatayan, sa ikasiyam na gabi matapos mailibing ang namatay, bilang panlibang sa mga naulila.

 

Ensilada – isa pang paligsahan sa pagtulana ginagawa bilang pang-aliw sa namatayan.  Ito ay ginagawa gabi-gabi habang nagsisiyam ang namatay.

 

Panahon ng Pagbabago at Paghihimagsik

 

Herminigildo Flores – isang manunulat sa panhon ng himagsikan.  Sa kanyang mga sinulat ay lalong bantog ang mahabang tulang may pamagat na, “Hibik ng Pilipinas sa Inang Espanya”.

November 08, 2020

Elemento, Eksena at Tagpo

 


Elemento ng Dula

1.   Iskrip o nakasulat na dula/Banghay (Plot) – ito ang pinakakaluluwa ng isang dula; lahat ng bagay na isinasaalang-alang sa dula ay naaayon sa isang iskrip; walang dula kapag walang iskrip. Sa iskrip nakikita ang banghay ng isang dula. Ito ay ang pagkakasunud-sunod ng mga pangyayari at sitwasyon sa pamamagitan ng mga karakter (aktor) na gumagalaw sa tanghalan.

2.   Gumaganap o aktor/ Karakter – ang mga aktor o gumaganap ang nagsasabuhay sa mga tauhan sa iskrip; sila ang nagbibigkas ng dayalogo; sila ang nagpapakita ng iba’t ibang damdamin; sila ang pinanonood na tauhan sa dula. Ang mga kumikilos at nagbibigay-buhay sa dula; sa tauhan umiikot ang mga pangyayari; ang mga tauhan ang bumibigkas ng dayalogo at nagpapadama sa dula.

3.   Dayalogo –  ang mga bitaw na linya ng mga aktor na siyang sandata upang maipakita at maipadama ang mga emosyon. Nagiging mas maganda at makapangyarihan ang dula kung may mga malalakas at nakatatagos na mga linyang binibitiwan ng mga aktor.

4.   Tanghalan – anumang pook na pinagpasyahang pagtanghalan ng isang dula ay tinatawag na tanghalan; tanghalan ang tawag sa kalsadang pinagtanghalan ng isang dula, tanghalan ang silid na pinagtanghalan ng mga mag-aaral sa kanilang klase.

5.   Tagadirehe o direktor – ang direktor ang nagpapakahulugan sa isang iskrip; siya ang nag-i-interpret sa iskrip mula sa pagpasya sa itsura ng tagpuan, ng damit ng mga tauhan hanggang sa paraan ng pagganap at pagbigkas ng mga tauhan ay dumidipende sa interpretasyon ng direktor sa iskrip

6.   Manonood – hindi maituturing na dula ang isang binansagang pagtanghal kung hindi ito napanood ng    ibang tao; hindi ito maituturing na dula sapagkat ang layunin ng dula’y maitanghal; at kapag sinasabing maitanghal dapat mayroong makasaksi o makanood.

7.   TEMA – ang pinakapaksa ng isang dula. Naiintindihan ng mga manonood ang palabas base na rin sa tulong ng pagtatagpi-tagpi ng mga sitwasyon at pagkakasunud-sunod ng mga pangyayari at pag-aarte ng mga aktor sa tanghalan. Naililitaw ang tunay na emosyon ng mga aktor sa tulong ng paglinaw ng tema ng dula.

Eksena at tagpo

Ang eksena ay ang paglabas-masok sa tanghalan ng mga tauhan samantalang ang tagpo nama’y ang pagpapalit o ang iba’t ibang tagpuan na pinangyarihan ng mga pangyayari sa dula.

 PAGTATANGHAL NG DULA

AKROSTIK na pinakabatayan habang ika’y nasa tanghalan.

 –  seen before heard ( makita muna bago marinig)

 –  talk in projection ( magsalita na may tamang tindig)

A  –  act realistically ( Umarte nang totoo)

G  –  give your all ( Ibigay ang lahat)

E  – exaggerate ( Eksaherado)

PAG-ARTE

 Pagpasok – dito kailangang maipakita ng aktor na siya ay mula sa tiyak na lugar na

may tiyak na layunin at nasa tiyak na pag-iisip dahil ang unang impresyon na kanyang ibibigay sa mga manonood ay ang kanyang susi sa papel na kanyang gagampanan. Kailangang maisaisip at maisapuso niya ang kanyang katauhan bago pa man siya papasok. Mahalaga ring mapagplanuhang mabuti ang paraan kung paano niya gustong lumantad lalo na ang kanyang tindig. Dapat na nasisigurong ang lahat ay maayos tulad ng make-up, kasuotan at mga kagamitan upang hindi mabagabag. Habang hinihintay ang pagpasok, tiyaking hindi lumalabas ang anino sa entablado at huwag ding harangan ang labasan.

Kapag dalawa o mahigit ang papasok, dapat ang isa ay nagsasalita at iyon ang ang taong huling lalabas upang hindi na niya kailangan pang lumingon sa kanyang mga kausap.

Diin at Balanse sa Entablado – ang direktor ang magtuturo sa tamang posisyon sa

entablado ngunit ang actor ay maaring tumulong sa pamamagitan ng pagtatanda sa kanyang dapat na posisyon. Kapag natatakpan ang ibang tauhan, ang taong nasa likod ang kikilos upang isaayos ang posisyon. Iwasan na matakpan ang iba.  Bawat tauhan ay mahalaga at bahagi ng kabuuang larawan ng entablado gaano man ka liit ng linyang bibitawan o kahit na “extra” lamang.

Posisyon at Paggalaw – walang kilos  o galaw ang dapat na gawin na walang

dahilan. Ang bawat kilos o galaw ay may kahulugan. Ang pag-upo o pagtayo ay dapat naaayon pa rin sa papel na ginagampanan. Ang dalawang mag-uusap ay kailangang magtinginan paminsan-minsan. Tingnan nang diretso ang bagay na pupulutin, ang lugar na pupuntahan o ang taong kakausapin. Huwag na huwag tumalikod sa mga manonood.

Linya at Palatandaan – Dapat kabisado o saulado ang linyang bibigkasin.Kailangan

ding malinaw, buo at malakas ang boses ng mga actor sa pag-uusap. Ang “pag-aadlib” ay para lamang sa kagipitan upang maiwasan ang katahimikan. Kapag nakalimutan ng isang aktor ang linya at nawawala ang ibang impormasyon, ang ibang aktor ay mag-aadlib na hindi pinahahalata ang pagkakamali sa pamamagitan ng pagpapakita pa rin ng pagkanatural ng usapan.Kailangang magkaroon ng palatandaan kung saan papasok o magsisimula sa pagsasalita at huwag itong kalimutan.

 GALAW NG KATAWAN AT MGA ALITUNTUNIN

Tindig – Ito ay mahalaga hindi lamang sa kalusugan kundi pati sa personal na hitsura.

Paglakad – panatilihin ang magandang tindig sa paglalakad. Kailangang nakataas ang

balikat, diretso ang katawan at diretso rin ang pagtingin.

Pag-upo – panatilihin ang tuwid na pag-upo. Ang mga kamay ay nakalukbay                   (relax). Ang kamay na naka gapos ay nagpapahirap sa paghinga at ito ay nagpapamukhang kabado. Tandaan na ikaw ay unang huhusgahan sa iyong katauhan sa entablado, susunod na lamang ang sa kung ano ang iyong sasabihin.

Pagtawid at Pagbalik

–       Ang gitnang bahagi na entablado ay tinatawag na “center”, ang harapan ay “downstage” at ang likurang bahagi ay “upstage”

Pagtawid – ibig sabihin ay ang paggalaw mula sa isang posisyon tungo sa ibang posisyon.

(A)

Up Right Stage

(B)

Up Center Stage

(C)

Up Left Stage

(D)

Right Center Stage

(E)

Center Stage

(F)

Left Center Stage

(G)

Down Right Stage

(H)

Down Center Stage

( I )

Left Center Stage

Pagbagsak – ang pagbagsak ng aktor tulad ng pagkamatay o pagkahimatay ng tauhan.

Kumpas – ito ang paggalaw ng anumang bahagi ng katawan to naghahatid ng mensahe tulad ng pagtaas o pagbaba ng kilay. Ang pagbabago ng ugali ay unang maipapakita ng mata pagkatapos ay ng bibig, sunod ay sa mukha, pagkatapos ay sa katawan at ang huli ay sa pamamagitan ng kilos ng barso, kamay at mga daliri.

Mga Kawani ng Produksyon

Direktok: Ang kanyang pangunahing layunin ay makabuo ng magandang pagtatanghal. Kailangan niyang madiskubri ang saysay ay kahulugan ng buong dula. Siya rin ang magpapaliwanag ang dulang isinulat ng tagabuo ng iskrip at ang pipili ng babagay na artistang gaganap sa papel ng mga tauhan sa dula. Sa kanya nakasalalay ang tagumpay at kabiguan ng dula.

Katulong ng Direktor: Siya ay papalit sa direktor kung ito ay wala at magsisilbing tagapag – ugnay sa iba pang kawani ng produksyon.

Tagapagdikta – Siya ay hahawak ng isang “prompt book” at mamarkahan niya ang mga bagay na kailangang tandaan ng mga actor tulad ng kumpas, mga tunog, pagbukas o pagpatay ng ilaw at iba pa.

Tagadisenyo ng Tanghalan – magdidisenyo ng lugar na gaganapan ng dula, ng mga kasuotan at mga mga ilaw sa tanghalan.

Direktor Teknikal – siya ang magmanipula sa lahat ng mga ilaw, musika, mga espesyal na tunog at iba pang may kaugnayan sa kuryente. Siya ay makikipagtulungan din sa mga paghahandang ginagawa ng tagadisenyo ng Tagpuan.

Tagapamahala ng Entablado – Sinisiguro niya na maayos ang buong entablado na pagtatanghalan. Siya rin ang mamamahala sa likod ng entablado sa posibleng kagipitang mangyayari.

Tagapamahala ng Tanghalan – Ang mag-aayos ng mga upuan ng mga manonood.

SANGGUNIAN

 Sebastian, Federico B. “Ang Dulang Tagalog”. Bede’s Publishing House. Queson City: 1951.

Sauco, Consolacion P. at Salazar, Dionisio S. “Sulyap sa Dulang Tagalog”. National Bookstores. Manila:1987.

Tiongson, Nicanor G. “What is Drama?” PETA. Philippines: 1983.

Uri at Sangkap ng Dula

 


MGA URI NG DULANG PILIPINO

Mga Katutubong DulaMga Dula sa Panahon ng KastilaDula sa Panahon ng mga Amerikano
Bikal at Balak
Karilyo
Bayok at Embayoka
Kasayatan
Dallot
Pamanhikan
Dung-aw
Hugas Kalawang
Dalling-Daling
Moro-Moro
Senakulo
Karagatan
Duplo
Salubong
Paglakad ng Estrella at ng Birhen
Pinetencia
Carillo
Puteje
Juego de Prenda
Bulaklakan
Pananapatan
Moriones
Dalit Alay (Flores de Mayo)
Pangangaluluwa
Panunuluyan
Tibag
Santakrusan
Papuri/Putong
Sarsuwela

Dula sa Makabagong Panahon

Dulang Pantanghalan na may iba’t ibang tema

Dulang Musikal

Ayon sa mga manunulat, ang matatawag na tunay na uri ng dula ay nagsisimula sa mga unang taon ng pananakop ng mga Amerikano. Bagaman may mga dulang napanood at pinaglibangan ang mga katutubong Pilipino bago sumapit ang panahong ito, ang mga tunay na dulang sinasabing nagtataglay ng pinakamalalim na pangarap ng isang bansa, naglalarawan ng sariling kaugalian, naglalahad ng buhay ng katutubong tulad ng nasa lona at nagpapakilala ng papupunyagi ng mga tao ng isang bayan upang mabuhay, ay wala noon. Ang pagdating ng mga Kastila sa Pilipinas nagbigay panibagong sangkap sa mga katutubong dula. Ang mga dulang kagaya ng komedya ay kinasangkapan ng mga Kastila upang mapalaganap ang Katolisismo sa kapuluan.

Ang dula sa ating bansa ay kasintanda ng kasaysayan ng Pilipinas. Bahagi na ito ng ating tradisyon. Mga tradisyong nagbibigay ng katauhan sa mga Pilipino. Sa paglipas ng mga taon, nagbabago ang anyo ng mga dulang Pilipino. Ngunit iisa ang layunin ng mga mandudula: ang aliwin ang mga mamamayang Pilipino at higit sa lahat, bigyang buhay ang mga pangyayari sa buhay Pilipino.

Lahat ng itinatanghal na dula ay naaayon sa isang nakasulat na dula na tinatawag na iskrip. Ang iskrip ng isang dula ay iskrip lamang at hindi dula, sapagkat ang tunay na dula ay yaong pinanonood na sa isang tanghalan na pinaghahandaan at batay sa isang iskrip.

Sangkap ng dula

  • Tagpuan – panahon at pook kung saan naganap ang mga pangyayaring isinaad sa dula
  • Tauhan – ang mga kumikilos at nagbibigay-buhay sa dula; sa tauhan umiikot ang mga pangyayari; ang    mga tauhan ang bumibigkas ng dayalogo at nagpapadama sa dula
  • Sulyap sa suliranin – bawat dula ay may suliranin, walang dulang walang suliranin; mawawalan ng saysay           ang dula kung wala itong suliranin; maaaring mabatid ito sa simula o kalagitnaan ng dula na  nagsasadya sa mga pangyayari; maaaring magkaroon ng higit na isang suliranin ang isang dula
  • Saglit na kasiglahan – saglit na paglayo o pagtakas ng mga tauhan sa suliraning nararanasan
  • Tunggalian – ang tunggalian ay maaaring sa pagitan ng mga tauhan, tauhan laban sa kanyang paligid, at  tauhan laban sa kanyang sarili; maaaring magkaroon ng higit sa isa o patung-patong na tunggalian     ang isang dula
  • Kasukdulan – climax sa Ingles; dito nasusubok ang katatagan ng tauhan; sa sangkap na ito ng dula tunay na pinakamatindi o pinakamabugso ang damdamin o kaya’y sa pinakakasukdulan ang tunggalian
  • Kakalasan – ang unti-unting pagtukoy sa kalutasan sa mga suliranin at pag-ayos sa mga tunggalian
  • Kalutasan – sa sangkap na ito nalulutas, nawawaksi at natatapos ang mga suliranin at tunggalian sa dula; ngunit maaari ring magpakilala ng panibagong mga suliranin at tunggalian sa panig ng mga manonood

Dulaang Pilipino

 


ANG MAKULAY NA MUNDO NG DULA

          Ang dula ay isang uri ng panitikang ang pinakalayunin ay itanghal sa tanghalan. Mauunawaan at matutuhan ng isang manunuri ng panitikan ang ukol sa isang dula sa pamamagitan ng panonood.

          Gaya ng ibang panitikan, ang karamihan sa mga dulang itinatanghal ay hango sa totoong buhay maliban na lamang sa iilang dulang likha ng malikhain at malayang kaisipan.

DULANG PILIPINO

KASAYSAYAN NG DULANG PILIPINO

 

          Bago natin talakayin ang kasaysayan ng dulang Pilipino, makabubuti sigurong alamin muna natin ang kahulugan ng dula o drama. Ito ay nag- ugat sa salitang Griyego na ayon sa diksyonaryo, ang ibig sabihin ay pampanitikang komposisyon na nagkukuwento sa pamamagitan ng wika at galaw ng mga aktor. Ayon sa mga mananalaysay, ang dula o drama ay maaaring ipaliwanag sa dalawang paraan.

          Sa isang dako, ang tunay na drama ayon kay Sebastian ay nagsimula noong mga unang taon ng pangungupkop ng mga Amerikano. Idinagdag pa ni Tiongson na ang drama ay binubuo ng tanghalan, ibat-ibang kasuotan, skripto, “characterization”, at “internal conflict.” Ito ang pangunahing sangkap ng tunay na drama ayon sa banyagang kahulugan. Sa kabilang dako, ayon sa mga aklat, ang drama ay drama kahit wala ang mga sangkap na nabanggit. Ito ang dramang Pilipino. Ayon pa rin kay Tiongson, memises ang pangunahing sangkap ng dulang Pilipino. Memises ay ang pagbibigay buhay ng aktor sa mga pang-araw-araw na pangyayari sa buhay ng mga Pilipino. Ito rin ang malaking pagkakaiba ng banyaga sa Pilipinong dula.

          Inilalarawan sa tunay na Pilipinong dula, ang mga pangarap ng bansa. Dito ipinapakita ang mga katutubong kultura, paniniwala, at tradisyon. Ikinukuwento rin ang paghihirap at pagpupunyagi sa buhay ng mga katutubong Pilipino. Dito rin mamamalas ang ibat-ibang anyo ng kanilang pamahalaan at uri ng lipunan. Samakatuwid, ang tunay na dulang Pilipino ay nagbibigay ng mas malawak na pang-unawa sa kulturang Pilipino at nagbibigay ng kasagutan sa mga pangangailangan ng mga Pilipino. Higit sa lahat, ito’y nagsisilbing gabay para sa kabutihan ng mga mamamayang Pilipino.

          Ang kasaysayan ng dulang Pilipino ay isinilang sa lipunan ng mga katututbong Pilipino bago pa dumating ang mga dayuhang mananakop. Ayon kay Casanova, ang mga katutubo’y likas na mahiligin sa mga awit, sayaw at tula na siyang pinag-ugatan ng mga unang anyo ng dula. Ang mga unang awitin ay nasa anyo ng tula. Ang mga katutubo rin ay mayaman sa epikong bayan na kalimita’y isinasalaysay sa pamammagitan ng pag-awit. Ang mga awit, sayaw, at ritwal ay karaniwang ginaganap para sa pagdiriwang ng kaarawan, binyag, pagtutuli, ligawan, kasalan, kamatayan, pakikipagdigmaan, kasawian, pananagumpay, pagtatanim, pag-aani, pangingisda, atbp. Bago dumating ang mga dayuhang mananakop, ay mayroon ng ilang anyo ng dula ang mga katutubong pilipino.

LET REVIEWER

Introduksyon sa Pagsasalin

Overview: Pagsasalin sa Kontekstong Filipino ay naglalayong paunlarin ang kasanayan sa pagsasalin na ginagabayan ng pananaliksik (saliksik...