Panitikang ng Rehiyon
Overview:
Panitikan ang tawag natin sa lahat ng uri ng pahayag— nakasulat man ito,
binibigkas o kahit ipinahihiwatig lang ng aksyon ngunit may takdang anyo o
porma katulad ng tula, maikling kwento, dula, nobela at sanaysay. Nakikilala
natin na ang isang pahayag ay may katangiang pampanitikan kapag ito ay may anyo
at gumagamit ng wikang sinadyangng bigyang-anyo bilang pahayag. Ang totoo,
lahat ng pantikan magmula pa sa sinaunang panahon hanggang ngayon ay mauugat pa
sa paggamit ng wika. Nang matutong magsalita ang tao at buuin niya ang
karanasan sa bisa ng pagbigkas at pagsulat, nagkaroon ng panitikan. Nang
likumin ng tao ang kanyang mga gunita at nagkaroon ng sistematikong paraan ng
pagsulat at pagbasa, nakalikha ng mga teksto. Sa pagunlad ng teknolohiya ng
komunikasyon, nagawang maiparating sa iba ang ganitong mga teksto. Ang
imbensyon ng panitikan sa gayon, ay kaakibat ng pagpapalaganap at pag-unlad ng
wika o, ng kahit anumang wika.
(Santiago, Lilia Q.Mga panitikan
ng Pilipinas.C & E Publishing House. Quezon City.2007)
No comments:
Post a Comment