Search This Blog

April 17, 2022

Alamat Ng Lakay Lakay

 


Alamat Ng Lakay Lakay

LAKAY LAKAY – Sa paksang ito, ating tatalakayin kung ano nga ba ang buod at ang mga mahahalagang kuwento ng “Alamat Ng Lakay Lakay”.

Maraming alamat tayong mabababasa sa Pilipinas. Ang mga alamat na ito ay parte ng ating karunungang bayan at dapat nating bigyang halaga. Bukod dito, ang mga alamat ay nagbibigay rin sa atin ng mga mahahalagang aral na maaari nating gamitin sa ating buhay.

Sa kauna-unahang beses, ang Diyosa ng Dagat ay galit at ginawang isang bato ang isang mangingisda. Ginawang bato rin ng Diyosa ang asawa ng mangingisda na humahanap sa kanya.

Sinasabing ang mga batong ito ang tagapag-alaga ng lugar sa Claveria, Cagayan. Si Apo Lakay ang unang bato, nangangahulugang matandang lalaki sa Ilocano. Ang Apo Baket, na nangangahulugang matandang babae sa Ilocano, ang pangalawang bato.

Kapag nagagalit si Apo Lakay, nagiging kumplikado ang mga alon. Kung nais ng mga mangignisda na makadaan ng ligdas sa Apo Lakay, kailangan nitong mag-alok ng pagkain sa pamamagitan ng pagwagayway o paghahagis ng isang barya na malapit sa mga bato.

Paliwanag:

    Sa hilagang-silangang bahagi ng Cagayan ay may dalawang batong hawig ng babae at lalaki. Tinawag nila itong Lakay-Lakay o matandang lalake at Baket-Baket o matandang babae. Sa di kalayuan ay may maliit na batang babae o Ubing-Ubing. Noong unang panahon,may mag-anak na naninirahan sa tabing-dagat.

    Sila’y nabubuhay sa pangingisda. Sa tuwing maraming nahuhuling isda ang lalaki ay nag-aalay sa kanilang Diyos bilang pasasalamat. Dinagtagal,namuhay sila nang maginhawa.

    Isangumagang maraming nahuli ang lalaki ay nakasalubong niya ang matandang humihingi ng tulong ngunit ito’y kaniyang pinagtabuyan. Kinahapunan humingi ng tulong ang pulubi at ang babae ang nakaharap nito, siya’y pinagta buyan din. Kinaumagahan ang lalaki ay nagtungo sa dagat upang mangisda. Maghapon siyang hinintay ng kaniyang asawangunit gabi na ay wala pa rin ito. Maagang-maaga’y tinungo ng mag-ina ang karagatan.Naghanap sila kung saan-saan ngunit sa di-kalayuan sa dagat ay may pigura ng isangtaong yari sa bato. Nagmadali silang lapitan ito sa pamamagitan ng bangka.

    Namukhaan nila ito dahil sa dala-dala nitong lambat. Sila’ynalumbay at nakadama ng galit ang babae atnakapagmura. Narinig ito ng Diyos ng Dagatat ginawa rin silang taong-bato. Ngunit sakabila nito binigyan ang nasabing pamilya ngDiyos ng kapangyarihan upang bantayan angkaragatan. At pinaniniwalaang ligtas sakapahamakan ang mga manlalakbay sa dagatkapag di nila pinipintasan ang Lakay-Lakay.Dapat ding mag-alay para sa pamilyang bato.

No comments:

Post a Comment

LET REVIEWER

Introduksyon sa Pagsasalin

Overview: Pagsasalin sa Kontekstong Filipino ay naglalayong paunlarin ang kasanayan sa pagsasalin na ginagabayan ng pananaliksik (saliksik...