Malayuning Komunikasyon
Deskripsyong ng Kurso
Ang Malayuning Komunikasyon ay tungkol sa pagsulat, pagsasalita, at pagsasagawa ng presentasyon sa iba-ibang audience at para sa iba’t ibang layunin. (CMO 20 s. 2013). Ang Malayuning Komunikasyon ay isang kursong may tatlong yunit na naghahasa sa kahusayan sa pakikipagkomunikasyon ng mga mag-aaral at nagpapataas sa kanilang kamalayang kultural at interkultural sa pamamagitan ng mga gawaing multimodal na nagbibigay ng mga pagkakataon para sa sa mabisa at wastong pakikipagkomunikasyon sa isang multikultural na audience sa lokal at global na konteksto. Inihahanda nito ang mga mag-aaral sa pamamagitan ng mga kagamitan sa pagsasagawa ng mapanuring ebalwasyon sa iba-ibang teksto at tumutuon sa kapangyarihan ng wika at sa impak ng mga imahen upang mabigyan ng diin ang kahalagahan ng maingat na pagpaparating ng mensahe. Ang matatamong kaalaman, kasanayan, at kamalayan ng mga mag-aaral mula sa kurso ay maaaring magamit sa kanilang pagsisikap sa akademya, sa kanilang napiling disiplina, at sa kanilang mga propesyon sa hinaharap sa pamamagitan ng paggawa ng mahahalagang komposisyong pasalita, pasulat, audio-visual at/o web-based para sa iba’t ibang layunin.
Para tignan ang kabuuang konteksto ng link
(pidutin lamang ang larawan na nasa ibaba)
No comments:
Post a Comment