Narito ang iba pang mga halimbawa ng mga kasabihan.
- “Kung walang tiyaga, walang nilaga”
- “Kaibigan kung meron, kung wala ay sitsaron”
- “Puri sa harap, sa likod paglibak”
- “Ang tao kapag mayaman, marami ang kaibigan”
- “Ang kaginhawaan ay nasa kasiyahan at wala sa kasaganahan”
- “Ang tao na walang pilak, parang ibong walang pakpak”
- “Ang buhay ay parang gulong, minsang nasa ibabaw, minsang nasa ilalim”
- “Ang mabuting halimbawa ay higit na mabisa kaysa pahayag na dakila”
- “Ang taong nagigipit, sa patalim ay kumakapit”
- “Anuman ang gawa at dali-dali, ay hindi iigi ang pagkakayari”
- ‘Bago ka bumati ng sa ibang uling, pahirin mo muna ang iyong uling”
- “Gawin mo sa kapuwa mo ang nais mong gawin nila sa iyo”
- “Hanggang maiksi ang kumot, magtiis na mamaluktot”
- “Kung aakyat ka nga at mahuhulon naman, mabuting sa lupa ay mamulot na lamang”
- “Matapang sa kapwa Pilipino, susukot-sukot sa harap ng dayo”
- “Tikatik man kung panay ang ulan. malalim mang ilog ay mapapaapaw”
- “Ang iyong hiniram, isauli o palitan, upang sa susunod, hindi ka makadalaan”
- “Ang lalaking tunay na matapang, hindi natatakot sa pana-panaan”
- “Ang tunay mong pagkatao, nakikilala sa gawa mo”
- “Anuman ang tibay ng piling abaka, ay wala ring lakas kapag nag-iisa”
- “Marami ang matapang sa bilang, ngunit ang buo ang loob ay kulang”
- “Ang umaayaw ay di nagwawagi, ang nagwawagi ay di umaayaw “
- “Buntot mo, hila mo”
- “Hampas sa kalabaw, sa kabayo ay latay”
- “Ang lihim na katapangan ay siyang pakikinabangan”
No comments:
Post a Comment