Search This Blog

April 13, 2022

LET-REVIEWER-FILIPINO

 

1. Hindi totoo ang katapangan na ipinapakita ni Vincent sa harap ni Lalie sapagkat BAHAG ANG BUNTOT niya sa harap ng 
paghihirap.

A. Matapang

B. Matiyaga

C. Duwag

D. Malakas ang loob

 

2. NAG-ALSA BALUTAN si Claudia dahil sa malimit umanong pananakit ni Reymar.

A. Lumayas

B. Nagtampo

C. Nagtago

D. Nagmaktol

 

3. Ang ________________ ng mga Nars ay dininig ng komite kahapon.

A. Pakiusapan

B. Pakikipag-usap

C. Ipakiusap

D. Pakiusap

 

4. Lumapit si Prink kay Eadji at sinabing, “ __________ mo si Landon ng pagkain sa kusina.”

A. Utusan

B. Kunin

C. Kunan

D. Hanapan

 

5. Nakatulog si Jana sa kanilang opisina dahil sa HIMINGTING ng kapaligiran. Ano ang kahulugan ng salita na nasa

malalaking letra?

A. Kaingayan

B. Kapayapaan

C. Lakas ng hangin

D. Katahimikan

 

6. Ang sentro ng pagdiriwang ng SENTENARYO ay sa Kawit, Cavite. Ang kasing-kahulugan ng salitang nasa malalaking

letra ay:

A. Ika-50 taon

B. Panghabang panahon

C. Ikasandaang taon

D. Ika- 25 taon

 

7. “Ang sinuman ay makabubuo ng matibay na lubid kung pagsasama-samahin ang sinulid.” Ang ibig sabihin nito ay?

A. Ang lakas ng tao ay nasa pagkakaisa nila.

B. Kailangan magkaisa tayong lahat.

C. Magkakaiba ang mga tao kaya hirap magkaisa.

D. Nagkakaisa ang mga tao.

 

8. MALIIT ANG SISIDLAN ni Dian kaya iniiwasan siyang tuksuhin ng mga kasama. Ano ang ibig sabihin nito?

A. Walang pasensya

B. Walang pagtitimpi

C. Walang galang

D. Walang lakas ng loob

 

9. Siya’y isang bulag ngunit kaya niyang gumuhit ng larawan. Siya’y isang ___________________

A. Imbentor

B. Manunulat

C. Dalubhasa

D. Pintor

 

10. Anong hukuman ang siyang _____________ ng mga kaso ng korupsyon.

A. Court of Appeals-manglilitis

B. Sandigan Bayan-naglilitis

C. Korte Suprema-maglilitis

D. Ombudsman-tagapaglitis

 

11. _________________ mo naman sa kanila na magdala ng mapagsasaluhan.

A. Usap-usapan

B. Usapin

C. Ipakiusap

D. Pakiusap

 

12. “Gamitin ninyo sa pakikipagkaibigan ang kayamanan ng sanlibutang ito. Maubos man ito ay may tatanggap naman sa

inyo sa tahanang walang hanggan.” (Luk 16:9)

Ano ang kahulugan ng sanlibutan?

A. Mga israelita lamang

B. Apostoles

C. Dukha

D. Katauhan

 

13. Ano ang pangungusap na dapat mauna?

I. Ngunit ang pagtatalo ay hindi dapat nauuwi sa pagkakagalit.

II. Natural lamang ang pagkakaroon ng magkakaibang pala-palagay ang mga tao.

III. Sa mga mag-asawa man ay hindi maiiwasan ang pagkakaiba ng opinyon.

IV. Kahit sa magkakapatid, karaniwan na ang hindi pagkakasundo.

V. Upang maiwasan ito, nararapat lamang na maging bukas ang ating isipan sa paniniwala ng iba.

 

A. I.

B. II

C. III

D. IV

 

14. Alin sa mga sumusunod ang hindi nabibilang na kasingkahulugan ng salitang pala-palagay?

A. Opinyon.

B. Kuru-kuro

C. Paniniwala

D. Akala

 

15. May pera sa basura. Huwag mong pagtakhan iyan. Isa-isahin mo ang laman ng iyong basurahan. Tiyak na may papel

na walang sulat sa likod at maaari mo pa itong sulatan. Kung minsan, may mga papel at notebook na may sulat pero

pwede mo namang ipagbili. May mga bukas na lata na maaari mo rin namang tamnan o kaya’y pwedeng balutin ng

wrapping paper upang paglagyan ng lapis, bolpen, krayola, aspile o kaya’y pako. Ang pinagbalatan ng sibuyas, patatas at

saging, sanga ng kangkong, tira-tirang pagkain ay maaaring maging pagkain ng baboy at maaari rin itong maging pataba

sa lupa. Tunay na may pera sa basura kung magtitiyaga lamang at magiging malikhan upang ang patapong mga bagay ay

maging kapaki-pakinabang. Anong uri ng texto ang seleksyong binasa?

A. Informativ

B. Argumentativ

C. Prosijural

D. Narativ

 

16. ____________ magtrabaho sina Fred at Jose.

A. Magkasinbilis

B. Magkasingbilis

C. Napabilis

D. Magkasimbilis

 

17. Samahan mo si Lola sa palengke _____ hindi maligaw.

A. kung saan

B. noong

C. ng

D. nang

 

18. Upang lalong maging ______________ ang patakaran ng Pangulo na mabago ang pamamalakad sa bansa, ipinasya

niyang magkaroon ng pagbabagong tatag sa lahat ng sangay ng pamahalaan.

A. marangal

B. mabisa

C. tanyag

D. malinaw

 

19. Nakalulungkot isipin na ang karamihan sa mga kabataan ngayon ay ______________ sa masamang bisyo.

A. nababalisa

B. nalalayo

C. nabubuyo

D. nababalot

 

20. ________ ng mga pulis ang kadena sa kanyang mga kamay.

A. Nalagyan

B. Nilagyan

C. Inilagay

D. Naglagay

 

Answers: 1C 2A 3D 4C 5D 6C 7A 8A 9D 10B 11C 12D 13B 14C 15A 16B 17D 18B 19C 20C

No comments:

Post a Comment

LET REVIEWER

Introduksyon sa Pagsasalin

Overview: Pagsasalin sa Kontekstong Filipino ay naglalayong paunlarin ang kasanayan sa pagsasalin na ginagabayan ng pananaliksik (saliksik...