Ang paghihimagsik laban sa mga Kastila ay pinagtampukan ng mga akda nina Bonifacio at Emilio Jacinto, mga akdang nasulat sa Tagalog, ang wikang opisyal ng Katipunan. Samantala, ang paghihimagsik laban sa mga Amerikano ay tinampukan naman ng mga akda nina Apolinario Mabini at Jose Palma.
Andres Bonifacio (1863-1897) – kinilalang “Ama ng Demokrasyang Pilipino” kinilala rin siyang “Dakilang Plebyo”. Siya ay kasal kay Gregoria de Jesus, ang tinaguriang “Lakambini ng Katipunan”. Si Bonifacio ay gumamit ng mga sagisag na “Agap-ito Bagumbayan” at “May Pag-asa”.
Mga Akda ni Bonifacio:
- Pag-ibig sa Tinubuang Lupa (tula)
- Sampung Utos
- Pahimakas (salin ng Mi Ultimo Adios ni
Rizal)
- Mga Katungkulang Gagawin ng mga Anak ng
Bayan (dekalogo ng Katipunan)
- Ang Dapat Mabatid ng mga Tagalog
(sanaysay)
- Katapusang Hibik ng Pilipinas (tulang
tugon sa tula ni del Pilar na Sagot ng Espanya sa Hibik ng Pilipinas)
Emilio Jacinto (1875-1899) – kinilalang “Utak ng Katipunan” dahilan na rin sa
kanyang katalinuhan. Sumulat ng Kartilya
ng Katipunan. Ginamit niya sa
pagsulat ang sagisag na “Dimas-Ilaw”; ginamit naman niyang pangalan bilang
kasapi ng Katipunan ang “Pingkian”.
Mga Akda ni Jacinto:
- A La Patria (tulang hawig sa Mi Ultimo
Adios ni Rizal)
- A Mi Madre (isang oda)
- Liwanag at Dilim (katipunan ng mga
sanaysay)
- Ang Tao ay Magkakapantay
- Kalayaan
Apolinario Mabini (1864-1903) – kilala sa bansag na “Dakilang Lumpo”. Tinaguriang siyang “Utak ng Himagsikan”. Bilang manunulat, marami siyang akda sa
Kastila – mga akdang pampolitika, sosyolohiko, pampamahalaan at pilosopiko.
Mga Akda ni Mabini:
- La Revolucion Filipino
- El Verdadero Decalogo (Ang Tunay na
Dekalogo)
Jose Palma (1876-1903) – kabilang sa mga manunulat sa panahon ng
rebolusyon laban sa mga Amerikano. Ang
tulang “Filipinas” ang makabuluhan niyang ambag sa panitikan. Ito ang naging titik ng musikang nalikha ni
Julian Felipe.
No comments:
Post a Comment