Tayutay
(Figures of Speech)
- Nagpapaganda sa akda, nagpapalalim sa
kaisipan at nagpapayaman sa guniguni ng bumabasa. Ang mga tayutay ay madalas na gamitin sa
mga akdang pampanitikan.
1.
Patulad o
Simile – paghahambing ng dalawang bagay na magkaiba ng uri
(ginagamitan ng salitang para, gaya,
katulad, kaparis, at iba pa).
Halimbawa:
Para ng halamang lumaki sa tubig,
Daho’y
nalalanta munting di madilig.
2.
Pawangis o Metapora – paggamit ng salitang nangangahulugan ng isang
bagay sa pagpapahayag ng ibang bagay.
Halimbawa:
Sapagkat ang haring may hangad sa yaman
Ay mariing hampas ng langit sa bayan.
3.
Sinekdoke – gumagamit ng bahagi sa halip ng kabuuan o ng kabuuan sa halip ng
bahagi.
Halimbawa:
At ang balang bibig na binubukalan
Ng sabing magaling at katotohanan.
4.
Pangitain o Vision
Halimbawa:
Sa sinapupunan ng Konde Adolfo’y
Aking natatanaw si Laurang sinta ko.
5.
Panawagan o Apostrophe – kagyat na pagtutol sa naunang
pagpapahayag at pananawagan sa tao o bagay na wala roon.
Halimbawa:
Kamataya’y nahan ang dating bangis mo?
6.
Pabaligho o Paradox – pahayag na wari’y salungat o laban sa
likas na pagkukuro ngunit nagpapakilala ng katotohanan.
Halimbawa:
Ang matatawag kong palaya sa akin
ng ama ko’y itong ako’y pagliluhin
agawan ng sinta’t panasa-nasaing
lumubog sa dusa’t buhay ko’y makitil.
7.
Padamdam o Exclamation
– pagbubulalas ng masidhi o matinding damdamin.
Halimbawa:
Nanlilisik ang mata’t ang ipinagsaysay
Ay hindi ang ditsong nasa orihinal,
Kundi ang winika’y ikaw na umagaw
Ng kapurihan ko’y dapat kang mamatay!
8.
Pandiwantao o Personification – binibigyang-katauhan ang isang
bagay na walang buhay o kaisipang basal (abstract).
Halimbawa:
Parang walang malay hanggang sa magtago’t
Humilig si Pebo sa hihigang ginto.
9.
Pahalintulad o Analogy – tambalang paghahambing, pagkakawangki ng
mga pagkakaugnay.
Halimbawa:
Inusig ng taga ang dalawang leon,
si Apolo mandin sa Serpyente Piton.
10.
Enigma –
naikukubli ang kahulugan sa ilalim ng malabong pagtukoy.
Halimbawa:
Tapat ang puso ko’y di nagunamgunam
Na ang paglililo’y nasa kagandahan.
11.
Papanuto o Aphorism
– maikling paglalahad ng isang tuntuning pangkaasalan.
Halimbawa:
Kung ang isalubong sa iyong pagdating
ay masayang mukha’t may pakitang-giliw
pakaingatan mo’t kaaway na lihim,
siyang isaisip na kakabakahin.
12.
Tanong na Mabisa o Rhetorical Question– tanong na naglalayong
magbunga ng isang tanging bisa at hindi upang magtamo ng kasagutan.
Halimbawa:
Anong gagawin ko sa ganiton bagay
ang sinta ko kaya’y bayaang mamatay?
13.
Pagmamalabis o Hyperbole – pahayag na ibayong maindi kaysa
katotohanan o lagpas sa maaaring mangyari.
Halimbawa:
Bababa si Marte mula sa itaas,
Sa kailalima’y aahon ang parkas.
14.
Aliterasyon – paulit-ulit na tunog ng isang katinig na ginagamit sa mga
magkakalapit na salita o pantig.
Halimbawa:
At sa mga pulong dito’y nakasabog, nangalat, nagpunla.
Nagsipanahanan, nangagsipamuhay,
nagbato’t nagkuta.
15.
Asonansya – inuulit ang tunog ng isang patinig sa halip ng katinig.
Halimbawa:
Ang buhay ng tao at
sa taong palad,
Nasa ginagawa ang halaga’y
bigat.
16. Onomatopeya – pagkakahawig
ng tunog ng salita at ng diwa nito.
(1)
Tuwirang onomatopeya – kapag ginagagad ng ga tunog ng patinig at katinig ang tunog ng
inilalarawan ng taludtod.
Halimbawa:
Ikaw’y iniluwal ng baha sa bundok
Hahala-halakhak at susutsut-sutsot.
(2)
Pahiwatig na onomatopeya – kapag ang mga tunog ng patinig at katinig ay hindi gumagagad
kundi nagpapahiwatig lamang ng bagay na inilalarawan.
Ayon kay Lope K. Santos, ang ating mga titik ay nag-aangkin ng
sari-sariling pahiwatig na kaisipan. Ang
A ay nagpapahiwatig ng kalakhan, kalinawan, kalawakan, kalantaran, samantalang
ang I ay nagtataglay ng diwa ng kaliitan, labuan, karimlan, kalaliman,
kalihiman, at iba pa.
a – araw, buwan, ilaw, buwan, linaw,
tanghal
i – gabi, lilim, lihim, kulimlim, liit,
unti, itim
i - Ang
suot ay puti’y may apoy sa bibig,
Sa
buong magdamag ay di matahimik,
Ngunit
ang hiwagang di sukat malirip,
Kung
bakit sa gabi lamang namamasid.
No comments:
Post a Comment