Search This Blog

November 08, 2020

Elemento, Eksena at Tagpo

 


Elemento ng Dula

1.   Iskrip o nakasulat na dula/Banghay (Plot) – ito ang pinakakaluluwa ng isang dula; lahat ng bagay na isinasaalang-alang sa dula ay naaayon sa isang iskrip; walang dula kapag walang iskrip. Sa iskrip nakikita ang banghay ng isang dula. Ito ay ang pagkakasunud-sunod ng mga pangyayari at sitwasyon sa pamamagitan ng mga karakter (aktor) na gumagalaw sa tanghalan.

2.   Gumaganap o aktor/ Karakter – ang mga aktor o gumaganap ang nagsasabuhay sa mga tauhan sa iskrip; sila ang nagbibigkas ng dayalogo; sila ang nagpapakita ng iba’t ibang damdamin; sila ang pinanonood na tauhan sa dula. Ang mga kumikilos at nagbibigay-buhay sa dula; sa tauhan umiikot ang mga pangyayari; ang mga tauhan ang bumibigkas ng dayalogo at nagpapadama sa dula.

3.   Dayalogo –  ang mga bitaw na linya ng mga aktor na siyang sandata upang maipakita at maipadama ang mga emosyon. Nagiging mas maganda at makapangyarihan ang dula kung may mga malalakas at nakatatagos na mga linyang binibitiwan ng mga aktor.

4.   Tanghalan – anumang pook na pinagpasyahang pagtanghalan ng isang dula ay tinatawag na tanghalan; tanghalan ang tawag sa kalsadang pinagtanghalan ng isang dula, tanghalan ang silid na pinagtanghalan ng mga mag-aaral sa kanilang klase.

5.   Tagadirehe o direktor – ang direktor ang nagpapakahulugan sa isang iskrip; siya ang nag-i-interpret sa iskrip mula sa pagpasya sa itsura ng tagpuan, ng damit ng mga tauhan hanggang sa paraan ng pagganap at pagbigkas ng mga tauhan ay dumidipende sa interpretasyon ng direktor sa iskrip

6.   Manonood – hindi maituturing na dula ang isang binansagang pagtanghal kung hindi ito napanood ng    ibang tao; hindi ito maituturing na dula sapagkat ang layunin ng dula’y maitanghal; at kapag sinasabing maitanghal dapat mayroong makasaksi o makanood.

7.   TEMA – ang pinakapaksa ng isang dula. Naiintindihan ng mga manonood ang palabas base na rin sa tulong ng pagtatagpi-tagpi ng mga sitwasyon at pagkakasunud-sunod ng mga pangyayari at pag-aarte ng mga aktor sa tanghalan. Naililitaw ang tunay na emosyon ng mga aktor sa tulong ng paglinaw ng tema ng dula.

Eksena at tagpo

Ang eksena ay ang paglabas-masok sa tanghalan ng mga tauhan samantalang ang tagpo nama’y ang pagpapalit o ang iba’t ibang tagpuan na pinangyarihan ng mga pangyayari sa dula.

 PAGTATANGHAL NG DULA

AKROSTIK na pinakabatayan habang ika’y nasa tanghalan.

 –  seen before heard ( makita muna bago marinig)

 –  talk in projection ( magsalita na may tamang tindig)

A  –  act realistically ( Umarte nang totoo)

G  –  give your all ( Ibigay ang lahat)

E  – exaggerate ( Eksaherado)

PAG-ARTE

 Pagpasok – dito kailangang maipakita ng aktor na siya ay mula sa tiyak na lugar na

may tiyak na layunin at nasa tiyak na pag-iisip dahil ang unang impresyon na kanyang ibibigay sa mga manonood ay ang kanyang susi sa papel na kanyang gagampanan. Kailangang maisaisip at maisapuso niya ang kanyang katauhan bago pa man siya papasok. Mahalaga ring mapagplanuhang mabuti ang paraan kung paano niya gustong lumantad lalo na ang kanyang tindig. Dapat na nasisigurong ang lahat ay maayos tulad ng make-up, kasuotan at mga kagamitan upang hindi mabagabag. Habang hinihintay ang pagpasok, tiyaking hindi lumalabas ang anino sa entablado at huwag ding harangan ang labasan.

Kapag dalawa o mahigit ang papasok, dapat ang isa ay nagsasalita at iyon ang ang taong huling lalabas upang hindi na niya kailangan pang lumingon sa kanyang mga kausap.

Diin at Balanse sa Entablado – ang direktor ang magtuturo sa tamang posisyon sa

entablado ngunit ang actor ay maaring tumulong sa pamamagitan ng pagtatanda sa kanyang dapat na posisyon. Kapag natatakpan ang ibang tauhan, ang taong nasa likod ang kikilos upang isaayos ang posisyon. Iwasan na matakpan ang iba.  Bawat tauhan ay mahalaga at bahagi ng kabuuang larawan ng entablado gaano man ka liit ng linyang bibitawan o kahit na “extra” lamang.

Posisyon at Paggalaw – walang kilos  o galaw ang dapat na gawin na walang

dahilan. Ang bawat kilos o galaw ay may kahulugan. Ang pag-upo o pagtayo ay dapat naaayon pa rin sa papel na ginagampanan. Ang dalawang mag-uusap ay kailangang magtinginan paminsan-minsan. Tingnan nang diretso ang bagay na pupulutin, ang lugar na pupuntahan o ang taong kakausapin. Huwag na huwag tumalikod sa mga manonood.

Linya at Palatandaan – Dapat kabisado o saulado ang linyang bibigkasin.Kailangan

ding malinaw, buo at malakas ang boses ng mga actor sa pag-uusap. Ang “pag-aadlib” ay para lamang sa kagipitan upang maiwasan ang katahimikan. Kapag nakalimutan ng isang aktor ang linya at nawawala ang ibang impormasyon, ang ibang aktor ay mag-aadlib na hindi pinahahalata ang pagkakamali sa pamamagitan ng pagpapakita pa rin ng pagkanatural ng usapan.Kailangang magkaroon ng palatandaan kung saan papasok o magsisimula sa pagsasalita at huwag itong kalimutan.

 GALAW NG KATAWAN AT MGA ALITUNTUNIN

Tindig – Ito ay mahalaga hindi lamang sa kalusugan kundi pati sa personal na hitsura.

Paglakad – panatilihin ang magandang tindig sa paglalakad. Kailangang nakataas ang

balikat, diretso ang katawan at diretso rin ang pagtingin.

Pag-upo – panatilihin ang tuwid na pag-upo. Ang mga kamay ay nakalukbay                   (relax). Ang kamay na naka gapos ay nagpapahirap sa paghinga at ito ay nagpapamukhang kabado. Tandaan na ikaw ay unang huhusgahan sa iyong katauhan sa entablado, susunod na lamang ang sa kung ano ang iyong sasabihin.

Pagtawid at Pagbalik

–       Ang gitnang bahagi na entablado ay tinatawag na “center”, ang harapan ay “downstage” at ang likurang bahagi ay “upstage”

Pagtawid – ibig sabihin ay ang paggalaw mula sa isang posisyon tungo sa ibang posisyon.

(A)

Up Right Stage

(B)

Up Center Stage

(C)

Up Left Stage

(D)

Right Center Stage

(E)

Center Stage

(F)

Left Center Stage

(G)

Down Right Stage

(H)

Down Center Stage

( I )

Left Center Stage

Pagbagsak – ang pagbagsak ng aktor tulad ng pagkamatay o pagkahimatay ng tauhan.

Kumpas – ito ang paggalaw ng anumang bahagi ng katawan to naghahatid ng mensahe tulad ng pagtaas o pagbaba ng kilay. Ang pagbabago ng ugali ay unang maipapakita ng mata pagkatapos ay ng bibig, sunod ay sa mukha, pagkatapos ay sa katawan at ang huli ay sa pamamagitan ng kilos ng barso, kamay at mga daliri.

Mga Kawani ng Produksyon

Direktok: Ang kanyang pangunahing layunin ay makabuo ng magandang pagtatanghal. Kailangan niyang madiskubri ang saysay ay kahulugan ng buong dula. Siya rin ang magpapaliwanag ang dulang isinulat ng tagabuo ng iskrip at ang pipili ng babagay na artistang gaganap sa papel ng mga tauhan sa dula. Sa kanya nakasalalay ang tagumpay at kabiguan ng dula.

Katulong ng Direktor: Siya ay papalit sa direktor kung ito ay wala at magsisilbing tagapag – ugnay sa iba pang kawani ng produksyon.

Tagapagdikta – Siya ay hahawak ng isang “prompt book” at mamarkahan niya ang mga bagay na kailangang tandaan ng mga actor tulad ng kumpas, mga tunog, pagbukas o pagpatay ng ilaw at iba pa.

Tagadisenyo ng Tanghalan – magdidisenyo ng lugar na gaganapan ng dula, ng mga kasuotan at mga mga ilaw sa tanghalan.

Direktor Teknikal – siya ang magmanipula sa lahat ng mga ilaw, musika, mga espesyal na tunog at iba pang may kaugnayan sa kuryente. Siya ay makikipagtulungan din sa mga paghahandang ginagawa ng tagadisenyo ng Tagpuan.

Tagapamahala ng Entablado – Sinisiguro niya na maayos ang buong entablado na pagtatanghalan. Siya rin ang mamamahala sa likod ng entablado sa posibleng kagipitang mangyayari.

Tagapamahala ng Tanghalan – Ang mag-aayos ng mga upuan ng mga manonood.

SANGGUNIAN

 Sebastian, Federico B. “Ang Dulang Tagalog”. Bede’s Publishing House. Queson City: 1951.

Sauco, Consolacion P. at Salazar, Dionisio S. “Sulyap sa Dulang Tagalog”. National Bookstores. Manila:1987.

Tiongson, Nicanor G. “What is Drama?” PETA. Philippines: 1983.

Uri at Sangkap ng Dula

 


MGA URI NG DULANG PILIPINO

Mga Katutubong DulaMga Dula sa Panahon ng KastilaDula sa Panahon ng mga Amerikano
Bikal at Balak
Karilyo
Bayok at Embayoka
Kasayatan
Dallot
Pamanhikan
Dung-aw
Hugas Kalawang
Dalling-Daling
Moro-Moro
Senakulo
Karagatan
Duplo
Salubong
Paglakad ng Estrella at ng Birhen
Pinetencia
Carillo
Puteje
Juego de Prenda
Bulaklakan
Pananapatan
Moriones
Dalit Alay (Flores de Mayo)
Pangangaluluwa
Panunuluyan
Tibag
Santakrusan
Papuri/Putong
Sarsuwela

Dula sa Makabagong Panahon

Dulang Pantanghalan na may iba’t ibang tema

Dulang Musikal

Ayon sa mga manunulat, ang matatawag na tunay na uri ng dula ay nagsisimula sa mga unang taon ng pananakop ng mga Amerikano. Bagaman may mga dulang napanood at pinaglibangan ang mga katutubong Pilipino bago sumapit ang panahong ito, ang mga tunay na dulang sinasabing nagtataglay ng pinakamalalim na pangarap ng isang bansa, naglalarawan ng sariling kaugalian, naglalahad ng buhay ng katutubong tulad ng nasa lona at nagpapakilala ng papupunyagi ng mga tao ng isang bayan upang mabuhay, ay wala noon. Ang pagdating ng mga Kastila sa Pilipinas nagbigay panibagong sangkap sa mga katutubong dula. Ang mga dulang kagaya ng komedya ay kinasangkapan ng mga Kastila upang mapalaganap ang Katolisismo sa kapuluan.

Ang dula sa ating bansa ay kasintanda ng kasaysayan ng Pilipinas. Bahagi na ito ng ating tradisyon. Mga tradisyong nagbibigay ng katauhan sa mga Pilipino. Sa paglipas ng mga taon, nagbabago ang anyo ng mga dulang Pilipino. Ngunit iisa ang layunin ng mga mandudula: ang aliwin ang mga mamamayang Pilipino at higit sa lahat, bigyang buhay ang mga pangyayari sa buhay Pilipino.

Lahat ng itinatanghal na dula ay naaayon sa isang nakasulat na dula na tinatawag na iskrip. Ang iskrip ng isang dula ay iskrip lamang at hindi dula, sapagkat ang tunay na dula ay yaong pinanonood na sa isang tanghalan na pinaghahandaan at batay sa isang iskrip.

Sangkap ng dula

  • Tagpuan – panahon at pook kung saan naganap ang mga pangyayaring isinaad sa dula
  • Tauhan – ang mga kumikilos at nagbibigay-buhay sa dula; sa tauhan umiikot ang mga pangyayari; ang    mga tauhan ang bumibigkas ng dayalogo at nagpapadama sa dula
  • Sulyap sa suliranin – bawat dula ay may suliranin, walang dulang walang suliranin; mawawalan ng saysay           ang dula kung wala itong suliranin; maaaring mabatid ito sa simula o kalagitnaan ng dula na  nagsasadya sa mga pangyayari; maaaring magkaroon ng higit na isang suliranin ang isang dula
  • Saglit na kasiglahan – saglit na paglayo o pagtakas ng mga tauhan sa suliraning nararanasan
  • Tunggalian – ang tunggalian ay maaaring sa pagitan ng mga tauhan, tauhan laban sa kanyang paligid, at  tauhan laban sa kanyang sarili; maaaring magkaroon ng higit sa isa o patung-patong na tunggalian     ang isang dula
  • Kasukdulan – climax sa Ingles; dito nasusubok ang katatagan ng tauhan; sa sangkap na ito ng dula tunay na pinakamatindi o pinakamabugso ang damdamin o kaya’y sa pinakakasukdulan ang tunggalian
  • Kakalasan – ang unti-unting pagtukoy sa kalutasan sa mga suliranin at pag-ayos sa mga tunggalian
  • Kalutasan – sa sangkap na ito nalulutas, nawawaksi at natatapos ang mga suliranin at tunggalian sa dula; ngunit maaari ring magpakilala ng panibagong mga suliranin at tunggalian sa panig ng mga manonood

Dulaang Pilipino

 


ANG MAKULAY NA MUNDO NG DULA

          Ang dula ay isang uri ng panitikang ang pinakalayunin ay itanghal sa tanghalan. Mauunawaan at matutuhan ng isang manunuri ng panitikan ang ukol sa isang dula sa pamamagitan ng panonood.

          Gaya ng ibang panitikan, ang karamihan sa mga dulang itinatanghal ay hango sa totoong buhay maliban na lamang sa iilang dulang likha ng malikhain at malayang kaisipan.

DULANG PILIPINO

KASAYSAYAN NG DULANG PILIPINO

 

          Bago natin talakayin ang kasaysayan ng dulang Pilipino, makabubuti sigurong alamin muna natin ang kahulugan ng dula o drama. Ito ay nag- ugat sa salitang Griyego na ayon sa diksyonaryo, ang ibig sabihin ay pampanitikang komposisyon na nagkukuwento sa pamamagitan ng wika at galaw ng mga aktor. Ayon sa mga mananalaysay, ang dula o drama ay maaaring ipaliwanag sa dalawang paraan.

          Sa isang dako, ang tunay na drama ayon kay Sebastian ay nagsimula noong mga unang taon ng pangungupkop ng mga Amerikano. Idinagdag pa ni Tiongson na ang drama ay binubuo ng tanghalan, ibat-ibang kasuotan, skripto, “characterization”, at “internal conflict.” Ito ang pangunahing sangkap ng tunay na drama ayon sa banyagang kahulugan. Sa kabilang dako, ayon sa mga aklat, ang drama ay drama kahit wala ang mga sangkap na nabanggit. Ito ang dramang Pilipino. Ayon pa rin kay Tiongson, memises ang pangunahing sangkap ng dulang Pilipino. Memises ay ang pagbibigay buhay ng aktor sa mga pang-araw-araw na pangyayari sa buhay ng mga Pilipino. Ito rin ang malaking pagkakaiba ng banyaga sa Pilipinong dula.

          Inilalarawan sa tunay na Pilipinong dula, ang mga pangarap ng bansa. Dito ipinapakita ang mga katutubong kultura, paniniwala, at tradisyon. Ikinukuwento rin ang paghihirap at pagpupunyagi sa buhay ng mga katutubong Pilipino. Dito rin mamamalas ang ibat-ibang anyo ng kanilang pamahalaan at uri ng lipunan. Samakatuwid, ang tunay na dulang Pilipino ay nagbibigay ng mas malawak na pang-unawa sa kulturang Pilipino at nagbibigay ng kasagutan sa mga pangangailangan ng mga Pilipino. Higit sa lahat, ito’y nagsisilbing gabay para sa kabutihan ng mga mamamayang Pilipino.

          Ang kasaysayan ng dulang Pilipino ay isinilang sa lipunan ng mga katututbong Pilipino bago pa dumating ang mga dayuhang mananakop. Ayon kay Casanova, ang mga katutubo’y likas na mahiligin sa mga awit, sayaw at tula na siyang pinag-ugatan ng mga unang anyo ng dula. Ang mga unang awitin ay nasa anyo ng tula. Ang mga katutubo rin ay mayaman sa epikong bayan na kalimita’y isinasalaysay sa pamammagitan ng pag-awit. Ang mga awit, sayaw, at ritwal ay karaniwang ginaganap para sa pagdiriwang ng kaarawan, binyag, pagtutuli, ligawan, kasalan, kamatayan, pakikipagdigmaan, kasawian, pananagumpay, pagtatanim, pag-aani, pangingisda, atbp. Bago dumating ang mga dayuhang mananakop, ay mayroon ng ilang anyo ng dula ang mga katutubong pilipino.

 


Fil 22- Komunikasyon sa Akademikong Filipino

          Metalinggwistika na pag-aaral sa gamit ng akademikong Filipino sa iba’t ibang sitwasyon at larangan sa paraang interdisiplinaryo at interaktibo. Inaasahang mauunawaan at malilinang sa mga estudyante ang mga kailangang kaalaman at kasanayan sa paggamit Filipino sa lalong mataas na edukasyon.

Fil 33-Pagbasa at Pagsulat Tungo sa Pananaliksik

          Paglinang ng kakayahang magpahayag sa wikang Filipino na nagbibigay-diin sa dalawang kasanayan: ang mabisang pagbasa at pagsulat sa iba’t ibang dsiplina tungo sa pananaliksik. Kabilang sa kursong ito ang paggawa ng papel pampananaliksik bilang medyor na katuparan sa kurso.

          Ang kursong FIL 44 at FIL 4.1 ay bahagi sa mga kolehiyo/paaralan saklaw ang anyong pangmadla at pampanitikan lalo na ang mga mag-aaral mula sa Kolehiyo ng mga Sining at Agham. Ilang kolehiyo/paaralan ay ginagawang elektib ang mga kursong nabanggit.

Fil 44-Masining na Pagpapahayag

          Ang kursong ito ay nakatuon sa pag-aaral ng mga prinsipyo at proseso ng masining na pagpapahayag sa Filipino. Nakatuon ito sa malayang pagtuklas at pagpapakita ng sariling kakayahan at kahusayan sa pagdidiskursong pasulat at pasalita tungkol sa mga paksang pangkomunidad, pambansa at pandaidig.

Fil 4.1.-Panitikan ng Pilipinas

          Pag-aaral sa iba’t ibang anyo ng panitikang Filipino sa iba’t ibang rehiyon ng Pilipinas mula sa simula hanggang sa kasalukuyan.

BSEd Program-Course Offering

FIL 10-Estruktura ng Wikang Filipino

          Sumasaklaw ito sa deskriptibong pag-aaral ng wikang Filipino sa lebel ng ponolohiya, morpolohiya, semantiks at sintaks.

FIL 14-Panimulang Linggwistika

          Nagbibigay-diin sa mga batayang kaalaman at simulain sa linggwistika at nagpapakita ng aplikasyon ng mga ito sa pagkatuto at pagtuturo ng Filipino.

FIL 19-Introduksyon sa Pamamahayag

          Sumasaklaw sa mga batayang kaalaman sa pamamahayag at paglilinang ng mga kasanayan sa pagsulat ng iba’t ibang uri at anyo ng sulating jornalistik, kasama na rito ang paghahanda at pamamahala ng pahayagang pampaaralan.

FIL 24-Ang Filipino sa Kurikulum ng Batayang Edukasyon

          Tumatalakay sa mga batayang teoretikal, nilalaman, katangian at panuntunan sa pagpapatupad ng nireistrukturang kurikulum sa Filipino. Inaangkop ang iba pang kurikulum sa mga kondisyon at sitwasyong lokal.

FIL 25-Pagtuturo ng/at Pagtataya sa Pakikinig at Pagsasalita

          Tumatalakay ito sa mga teorya, simulain, mga metodo ng pagtuturo at mga uri/pamamaraan sa pagtataya ng mga kasanayan sa pakikinig at pagsasalita na gumagamit ng iba’t ibang uri ng diskors at gawain.

FIL 26-Pagtuturo at Pagtataya sa Pagbasa at Pagsulat

          Tumatalakay ito sa mga teorya, simulain, mga metodo ng pagtuturo at mga uri/pamamaraan sa pagtataya ng mga kasanayan sa pagbasa at pagsulat na gumagamit ng iba’t ibang uri ng diskors at gawain.

FIL 27-Paghahanda at Ebalwasyon ng Kagamitang Panturo

          Sumasaklaw sa pag-aaral ng mga teorya, simulain, pamaraan, paggamit at ebalwasyon ng kagamitang panturo kasama ang mga materyales para sa alternatibong pagtuturo at pagkatuto.

FIL 28-Introduksyon sa Pagsasalin

          Sumasaklaw sa pag-aaral ng mga teorya, simulain at teknik sa pagsasalin ng mga tekstong literari at di-literari.

FIL 29-Introduksyon sa Pananaliksik: Wika at Panitikan

          Sumasaklaw sa mga batayang kaalaman sa mga lawak, uri at metodo ng pananaliksik sa wika at panitikan, na maglulundo sa paghahanda at paghahanap ng isang sulating pananaliksik (research report).

FIL 30-Panitikan ng Rehiyon

          Sumasaklaw sa pag-aaral ng mga pangunahing akda sa mga rehiyonal na wika. Maaaring orihinal o salin sa Filipino ang mga tekstong susuriin at pahahalagang kultural.

FIL 31-Kulturang Popular

          Sumasaklaw sa pag-aaral ar pagsusuri ng iba’t ibang kulturang popular, e.g. pelikula, muskila, komiks at pahayagan, mga programang panradyo, pantelebisyon na nakakaimpluwensya sa paghubog ng sariling katalinuhan at identidad.

FIL 32-Sanaysay at Talumpati

          Pag-aaral ng pangkasaysayang pag-unlad ng sanaysay na kaagapay ang pagsulat ng mga kontemporaryong anyo nito, pati na ang pagsasanay sa pagsulat at pagbigkas na talumpati.

FIL 34-Panunuring Pampanitikan

          Tumatalakay sa mga teorya, simulain at pamamaraan ng pagbasa, interpretasyon at pagsusuri ng panitikan mula sa bagong kritisismo hanggang post modernismo.

FIL 35-Maikling Kwentong Filipino

          Sumasaklaw sa pag-aaral ng pangkasaysayang pag-unlad ng maikling kwentong Filipino na may pagbibigay-diin sa mga sangkap at pagkabuo nito sa pamamagitan ng pagsusuri ng piling maikling kwento mula noong Gintong Panahon (1904-1920) hanggang kasalukuyan.

FIL 36-Panulaang Filipino

          Sumasaklaw sa pag-aaral ng pangkasaysayang pag-unlad ng panulaang Filipino na nagbibigay-diin sa mga sangkap ng tula sa pamamagitan ng pagsusuri sa ilang piling tula na kumakatawan sa bawat panahon.

 

Ref. : CMO # 75

 

 

Mga Pangunahing Kurso

FIL 300-Kritika (Literary Theory and Criticism)

          Pag-aaral ng mga teorya at pamamaraan ng pagsuri ng literatura tulad ng mga pananaw na sosyolohikal, sikolohikal, arketipal, feminismo, marxismo, at iba pa lalong-lalo na ang mga hinalaw ng mga kritikong sina Virgilio Almario, Isagani Cruz, Soledad Reyes, Salvador Lopez, Bienvenido Lumbera, Edna Manlapaz. Layunin ng kurso na matutuhan ng estudyante kung paano magbasa ng mga tekstong panliteratura.

FIL 301-Malikhaing Pagsusulat (Creative Writing)

          Pag-aaral ng iba-ibang paraan sa malikhaing pagsulat ng iba’t ibang uri ng tula, kumbensyonal at makabago, maikling kwento, sanaysay at isa hanggang tatlong yugtong dula sa pamamagitan ng paggamit ng mga kilalang modelo at halimbawa.

FIL 303-Mga Estratehiya sa Pagtuturo ng Wika at Panitikan (Teaching Strategies of Language and Literature)

          Pag-aaral ng iba’t ibang makabagong pamamaraan at estratehiya tulad ng paggamit ng dula, tula, maikling kwento, awit, komiks, mga laro, larawan, pelikula at marami pang iba para sa kaiga-igayang pagtuto ng wika at panitikan. Layunin ng kursong ito na gawing madali para sa guro ang pagtuturo at gawing mas makahulugan naman para sa mga estudyante ang bawat leksyon dahil ito ay nakatutok sa kanilang pansarili o di kaya ay pangkatang gawain.

FIL 304-Kayarian ng Wikang Filipino (Structure of the Filipino Language)

          Pag-aaral at pagsusuri sa kayarian ng pangungusap, sugnay, parirala, mga simulaing panlinggwistika, pagbabagong morpoponemiko, mga bahagi ng pananalita, semantika at wastong gamit ng iba’t ibang salita, palarawan at pasuring pag-aaral ng Filipino sa pananaw linggwistika.

FIL 305-Kasaysayan ng Pag-unlad ng Filipino (History of the Development of Filipino)

          Pag-aaral sa mga kasaysayan, simulain ng Filipino mula sa panahon ng Hapon hanggang sa kasalukuyan.

FIL 306-Sining ng Teatro (Theater Arts)

          Introduksyon ng mga sangkap o elemento ng teatro, ang iba’t ibang gamit nito at ang mga mahahalagang konsiderasyon ng isang manunulat ng dula, ng direktor, ng mga artista at manonood para sa isang makabuluhang karanasan. Bibigyan ng kursong ito ng pagkakataon ang mga estudyanteng sumulat, mag-direk at umarte sa tanghalan. Tuturuan din sila ng mga krayteryang magagamit sa pagpuna ng mga dulang pantanghalan.

FIL 307-Paghahambing ng Iba’t Ibang Wika (Comparative of Different Languages)

Paghahambing ng iba’t ibang wika sa iba’t ibang rehiyon mula sa Luzon, Visayas at Mindanao.

FIL 308-Tradisyon ng Panulaan (Tradition of Poetry)

Pagbasa at pagsuri sa maraming tulang likha ng mga makata sa iba’t ibang panahon at iba’t ibang anyo, tulad ng epiko, liriko, pasalaysay at madulain. Layunin ng kursong matutuhan ng estudyante kung paano magbasa ng mga tula sa konteksto ng kasaysayan ng panulaan.

FIL 309-Tradisyon ng Katha (Tradition of Fiction)

 

          Pagbasa at pagsuri ng maraming kathlang likha sa iba’t ibang panahon at iba’t ibang anyo, tulad ng alamat, epiko, maikling kwento, nobela, dulang pampelikula. Layunin ng kurso na matutuhan ng estudyante kung paano magbasa ng mga tekstong may kwento sa konteksto ng kasaysayan ng katha.

FIL 400-Panimulang Pamamahayag (Introduction of Journalism)

          Ipakikita sa kursong ito kung papaano ang paggawa ng pahayagan, magasin, komiks, pitak pampaaralan at iba pang pangngangailangan ng isang mamahayag.

FIL 401-Sining at Teorya ng Pelikula (Theory and Art of Filipino Films)

          Ipakikita sa kursong ito ang iba’t ibang uri at bahagi kung saan ang pelikula ay inilalarawan. Malalaman din dito kung papaano ang pagkuha ng anggulo ng pelikula.

FIL 402-Pagsasaling Wika (Translation)

          Kasabay ng mga makikitang pagkatulad at di-pagkatulad kinakailangan ang mga pagsasalin sa wikang Filipino ang mga salitang naiiba, upang ang mga guro at iba pang mga tauhan na may kaugnayan sa edukasyon ay maaring makagawa ng mga kagamitang pampagtuturo sa wikang pambansa.

FIL 403-Morpolohiya, Ponolohiya at Sintaksis (Morphology, Phonology and Syntax)

          Tangka sa kursong ito na tulungan ang mga mag-aaral na di-Tagalog sa pag-unawa sa ponolohiya ng Filipino sa pamamagitan ng pag-aaral ng mga aspektong ponetika, morpolohiya at sintaksis na wika.

FIL 404- Kasaysayan Pampanitikan ng Pilipinas (Literary History of the Philippines)

          Pag-aaral ng kasaysayan ng Pilipinas ayon sa panitikan nito, mula sa mga sinaunang epiko hanggang sa mga akdang nagwagi sa Palanca Awards at National Book Awards.

FIL 405- Poklore ng Pilipinas (Philippine Folklore)

          Upang maunawaan ng mga mag-aaral ang mga katangian at kagandahan ng poklore ng Pilipinas mula sa kanununuan.

FIL 406-Panitikan at Ibang Sining (Literature and the other Arts)

          Pag-aaral ng paglago ng iba’t ibang anyo ng panitikan sa iba’t ibang panahon. Layunin ng kursong ipakita ang kaugnayan ng pagtubo nito sa pagtubo ng iba’t ibang sining tulad ng painting, iskultura, arkitektura, musika, sayaw, pelikula, teatro kaugnay ng mga pangkasaysayang, pang-ekonomiko, pampolitika, panlipunang pangyayari at karanasan.

FIL 407-Panimulang Linggwistika (Basic Linguistics)

          Ang simula at pag-unlad ng wikang Tagalog at pinagmulan ng mga salita. Mga ponema, mga tunog ng mga titik, mga morpema, semantika at pagsusuri ng mga salita ng iba’t ibang wikain, paghahambing at pag-iiba ng iba’t ibang wikain sa Pilipinas.

Mga Cognates

FIL 500-Pagtuturo ng Filipino sa mga Di-Tagalog (Teaching Filipino as a Second Language)

 

          Ang wikang Filipino ay ituturo bilang wika sa pakikipagtalastasan sa mga pook na di-Tagalog. Iba’t iba at payak ang mga pamamaraan sa pagtuturo sa dahilan na ang Filipino ay may malaking kaugnayan sa mga pangunahing wika sa Pilipinas.

FIL 501-Pagsasaling-Wika at Paglinang sa Kurikulum (Translation and Curriculum Development)

          Batayang kasaysayan sa pagsasalin-wika; pag-aaral ng mga pangunahing simulain at pamaraan sa pagsasalin-wika;pagsusuri sa mga katutubong salita sa Filipino; mga salitang galing sa Malay, Instik, Ingles at iba pa, mga gawaing pagsasanay sa pagsasaling-wika sa Filipino ng mga akdang nasusulat sa Ingles. Pag-aaral sa kasaysayan ng Filipino bilang wikang pambansa at wikang panturo sa iba’t ibang antas ng edukasyon.

FIL 502-Literaturang Rehiyonal (Regional Literature)

          Upang maipamalas sa mga estudyante ang kahalagahan ng iba’t ibang literatura mula sa unang rehiyon hanggang sa ARMM. Upang matiyak din ang kahulugan ng mga ito.

FIL 503-Panitikang Pambata (Children’s Literature)

          Pagtitipon, pag-uuri-uri, pagpapahalaga at paikling pagsulat ng mga panitikang pambata tulad ng bugtong, salawikain, epiko, kwentong-bayan, alamat, pabula at iba pang mga akda.

FIL 504-Sanaysay at Debate (Essay and Debate)

          Pag-aaralan ang simulain ng sanaysay at kayarian nito. Tatalakayin ang iba’t ibang uri ng sanaysay at debate; biglaan at inihandang pagsasalita, gayundin ang bigkas sa pagtatalo.

FIL 505-Dulaang Filipino (Filipino Drama)

          Kasanayan sa dulang Filipino. Mula sa awit, kurido, duplo, iisahing yugtong mga dulang panteatro, panradyo, puting tabing at pantelebisyon. Pag-aaral at pagsusuri ng mga piling dulang nagwagi sa iba’t ibang patimpalak-pagsasanay sa pagdirek, pag-akto at pagtatanghal.

FIL 506-Paghahanda sa Kagamitang Pampagtuturo (Preparation of Instructional Materials)

          Maglalayon itong sumubaybay sa mga mag-aaral sa paghahanda ng mga kagamitang gagamitin sa pagtuturo ng Filipino tulad ng tsart, modyul, flash cards, mga larawan at iba pa. Paggawa ng iba’t ibang uri ng pagsubok at pagsusulit.

FIL 507-Paraan at Pamaraan ng Pagtuturo ng Filipino at Pagtuturo sa Filipino (Methods and Techniques of Teaching Filipino and in Filipino)

          Pag-aaral ng mga paraan at pamaraan ng pagtuturo ng Filipino at sa Filipino bilang una at ikalawang wika: pag-aaral at paghahanda ng banghay ng pagtuturo at iba pang kagamitang pampagtuturo at kagamitang pangkurikulum sa mababa at mataas na paaralan.

FIL 508-Nobela at Kathambuhay (Novel)

          Paglinang sa kaalaman at kakayahan sa pagkilala ng kaibahan ng nobela sa kwento. Pagsusuri sa anyo at kilalaman ng uri ng nobela, pag-aaral at pagpapahalaga sa mga kinatawang nobela sa lahat ng panahon ng panitikang Filipino.

FIL 509-Anekdota, Epiko, Alamat at Awiting Bayan ng Iba’t ibang Rehiyon (Anecdotes, Epics, Legends and Folksong of the different Regions)

 

          Maunawaan at matutuhan ang mga kani-kanilang anekdota, epiko, alamat at awiting bayan ng iba’t ibang rehiyon upang sa ganoon di-malilimutan ito ng mga tao.

FIL 37-Pagbasa ng mga Obra Maestrang Pilipino

          Tumutukoy sa mas malalim at mas mabisang pagbasa at pagsusuri ng mga obra maestrang Pilipino na itinuturo sa hayskul, i.e. Ibong Adarna, Florante at Laura, Noli Me Tangere, El Filibusterismo at iba pa tungo sa ganap na pagpapahalaga ng mga ito.

FIL 38-Pagpapahalagang Pampanitikan

          Sumasaklaw sa pagtugon bilang pagpapahalaga sa binasang akdang pampanitikan sa pamamagitan ng iba’t ibang intelehensya tulad ng sabayang pagbigkas, madulang pagbasa, teatro, pantomima, aplikasyon ng multi-medya, pinta at iba pa.

FIL 39-Bilinggwalismo

          Sumasaklaw ito sa pag-aaral at paggamit ng dalawang pangunahing wika sa pagtuturo at estratehiya. Taglay ang mga metodo sa paghahanda sa pagtuturo gamit ang dalawang wika.

LET REVIEWER

Introduksyon sa Pagsasalin

Overview: Pagsasalin sa Kontekstong Filipino ay naglalayong paunlarin ang kasanayan sa pagsasalin na ginagabayan ng pananaliksik (saliksik...