Ang mga tulang panudyo ay isang uri ng karunungang bayan na nagsimula pa sa ating mga ninuno. Karaniwan itong may sukat at tugma na isang depinisyon ng tradisyonal na tugmaan.
Ang mga tulang panudyo ay may layunin na manukso, mang-inis at manudyo. Maaaring matagal ka ng nakakarinig ng mga ganitong panunukso ngunit hindi mo lang nalalaman na tulang panudyo ang tawag sa mga ganito.
HALIMBAWA
1. Bata batuta
Samperang muta
Tutubi, tutubi
Wag kang pahuli
Sa batang mapanghi
Putak, putak
Batang duwag
Matapang ka't nasa pugad
2. Pedro Penduko, matakaw sa tuyo
Nang ayaw maligo, kinuskos ng gugo
3. Ang amoy mo ay parang isda
Kasing amoy ng patay na daga
4. Bata, bata
Pantay-lupa
Asawa ng palaka
5. Sitsit ay sa aso,
Katok ay sa pinto,
Sambitin ang "para" sa tabi tayo'y hihinto
KARUNUNGANG BAYAN
(brainly.ph/question/574619)
Definition: Ang mga tulang panudyo ay isang halimbawa ng karunungang bayan. Ngunit ano nga ba ang kahulugan ng karunungang bayan?
Ito ay isang sangay ng panitian na naging daan para makapagpahayag ng ideya o kaisipan ng isang tao. Madalas itong sumasalamin sa kultura ng isang bansa. Ang mga karunungang bayan sa ating bansa ay nagsimula pa noong panahon ng ating mga pinuno.
HALIMBAWA NG KARUNUNGANG BAYAN
Bukod sa mga tulang panudyo, may iba pang halimbawa ang mga karunungang bayan kagaya na lamang ng:
A. Bugtong
Alam na alam na natin ang mga bugtong. Isa itong pahulaan sa paraan ng pangungusap o pagtatanong na doble ang ibig sabihin. Kadalasan natin itong nilulutas sa paraan ng isang palaisipan.
Halimbawa ng bugtong:
1. Itim ng binili ko, naging pula ng ginamit ko.
(Sagot: Uling)
2. Bumili ako ng alipin, mas mataas pa sa akin
(Sagot: Sombrero)
3. Nakayuko ang reyna, hindi nalaglag ang korona
(Sagot: Bayabas)
B. Palaisipan
Ang palaisipan ay isang suliranin na uri rin ng bugtong na kinakailangang pag-isipan upang lutasin ang mga ito.
1. Anong meron sa aso na meron din sa pusa, na wala sa ibon ngunit meron sa manok na dalawa sa buwaya at kabayo na tatlo sa palaka?
(Sagot: Letrang "A")
2. May isang bola sa mesa. Tinakpan ito ng sombrero. Paano makukuha ang bola ng 'di nagagalaw ang sombrero?
(Sagot: Butas ang tuktok ng sumbrero)
Sanggunian: https://brainly.ph/question/464819
No comments:
Post a Comment