Sa muling pagtatagpo,
tila muling nagdarang,
ang ating mga titig,
na may badyang pagliyab.
katulad ng dati,
iyong mata'y nangungusap,
Wari'y isang tala,
na umaapaw ang kinang.
Sa'ting pagtatagpo,
parang may tayo muli,
na sa ating nakaraa'y,
nagbabakasakali,
Maging ikay muling akin,
sa bibig ang namutawi,
upang "Ikaw at Ako",
ay sa langit dumampi.
Sa muling pagtatagpo,
ako'y iyong niyakap,
Nang malambot mong bisig,
nang walang agam-agam.
Marahil nananabik,
ay tila walang balak,
Na ako ay bitawan,
hanggang umabot pa sa bukas.
Sa'ting pagtatagpo,
ako'y muling hinagkan
Nang malamyos mong labi,
nang di inaasahan.
Pinikit mga mata,
sandali ay ninamnam,
Sa haba ng panahon...
ito'y muling natikman.
Sa'ting pagtatagpo,
muli'y landas nag iba,
namutawi sa ulirat,
PANAGINIP lang pala.
Sa katotohana'y humarap,
nagbuntong hininga,
Dahil ating pagtatagpo,
isa lamang paasa.
No comments:
Post a Comment