Sa unang utos ni Apolinario Mabini na pinamagatang “Ang Tunay na Sampung Utos” ay ipinapaalam niya sa mga tao na mahalin natin ang Diyos ng higit sa lahat at pahalagahan mo ang iyong sarili sa ano mang bagay sa mundo. Ang panginoon ang siya lamang nakakaalam sa lahat ng nangyayari sa sanlibutan at higit sa lahat ang katotohanan. Ang iyong malinis na hangarin at kalooban ang siyang maglalarawan na ikaw ay matapat, mabait at masipag.
Sa pangalawang niyang utos isinasaad niya dito na sambahin
mo ang Diyos ng buong puso na walang pag-aalinlangan. Sa mga panahong gumagawa
ka ng masama, nailalayo ka nito sa panginoon at sa mga mabubuti mong gawa ay
parang kinakausap mo na rin ang Panginoon.
Sa ikatlong utos, huwag sayangin sa walang kabuluhang gawain
ang mga magagandang katangian na ipinagkaloob sa atin ng Panginoon sa halip
ito’y mas lalo pang linangin at gamitin sa mabuting gawain upang matamo at nang
maranasan ang kapayapaan at kadalisayan sa ating buhay. Sa malinis na pagkatao
at mabubuting pag-uugali mo, napapasaya mo ang Panginoon.
Pang-apat, ibigin mo ang iyong bayang kinagisnan, gaya ng
pagmamahal mo sa Diyos at pagpapahalaga sa iyong sarili. Sapagkat ang iyong
tinubuang bayan lamang ang tanging biyaya o kaloob ng Diyos na maaaring
ipinamana ng ating mga ninuno na magbigay sa atin ng magandang kinabukasan.
Itong lupa na iyong kinagisnan ay magpapadama sa iyo ng tunay na ligaya,
pag-asa at higit sa lahat sa mga gusto mong gawin.
Sa ikalimang utos ni Apolinario Mabini na dapat
pagsumikapang mabuti na ipagtanggol ang bayan bago ang sarili, dapat gawin ang
lahat upang mabalik ang kaginhawaan sa bayan sapagkat ang bayang walang
problema ay maaasam ang kaligayahan. Kapag masaya o malaya ang bayan, ang
nakatira rin dito ay may kalayaan sa buhay.
Ang ikaanim na utos, ay pagsikapin mo kung ano man ang
mithiin mo sa iyong sarili at sa iyong bayan sapagkat ikaw lamang ang may
katungkulan na magmalasakit para sa ikauunlad at ikagiginhawa nito.
Ikapitong utos, ay huwag mong isipin na mas makapangyarihan
ang mga taong may mataas na posisyon sa lipunan na may masamang hangarin dahil
ang Panginoon lamang ang may taglay at tunay na may kapangyarihan.
Ang ikawalong utos, ay mas mabuting makapagtatag ng isang
Republika sapagkat may kalayaan kang gawin ang lahat, walang magkokontrol dahil
nakatira ka sa demokrasyang bansa. Huwag natin hayaang magkaroon ng isang
kaharian ang ating bayan upang walang sinuman ang magkokontrol sa atin at
walang mapagmataas, para ang lahat ay pantay-pantay sa paningin ng lahat.
Ang ika-siyam na utos ay mahalin mo ang iyong sarili katulad
ng pagmamahal mo sa kapwa. Dapat huwag kang gumawa ng masama sa ibang tao kung
ayaw mong gawin ito sayo.
At ang pangsampung utos, pahalagahan mo ang iyong kapwa ituring siyang isang kaibigan, kapatid sapagkat siya ang kasama mo sa hirap at ginhawa, sa lungkot at ligaya. Kasangga sa lahat ng problemang dumating sa buhay.
No comments:
Post a Comment