-Ito’y nangangailangan ng malawak na kaalaman, ng malawak ng bukabolaryo, at ng malawak na kaalaman sa kahu-kahulugan ng mga salita.
May dalawang tuntunin:
1. Kailangan iyon
umaankop sa balita.
2. Kailangan
magsaad ng istorya o salaysay.
Layunin sa pagsulat ng ulo ng balita:
1. Mailahad ang
pinakabuod ng istorya sa ilang salita lamang.
2. Magamit ang
ulo sa pagpapaganda ng pahinang pangmukha, gayon din ng unang pahina ng iba’t
ibang seksiyon ng pahayagan.
3. Magamit ang
ulo sa pagbibigay ng pagkakataon sa mambabasa na makapamili ng babasahing mga
balita.
4. Magamit ang
ulo sa pagtingin ng mambabasa sa isang iglap lamang ng mga tampok na balita sa
pahayagan.
5. Matulungan ang
pamatnubay-editorial staff- sa pagmarka ng balita ayon sa kahalagahan ng balita
sa pamamagitan ng gagamiting laki at uri ng tipo.
Mga pangunahing hakbang sa pagsulat ng ulo ng
balita:
1. Basahin nang
buong hinusay ang pamatnubay ng balita.
2. Salungguhitan
ang mga susing kaisipan o punong diwa ng pamatnubay.
3. Sa pamamagitan
ng ng mga susing kaisipan o punong diwang sinalungguhitan, isulat ng maikli,
parang pangungusap na pantelegrama na nagsasaad ng pangyayari.
4. Hatiin ang
nasabing pangungusap sa bilang ng linyang kailangan sa ulo, batay sa kung ilang
kolumna ang paglalagyan nito, at hatiin ito nang halos magkakasinghaba.
5. Batay sa
bilang ng kolumnang paglalagyan, kuwentahin ang kabuuang unit count ng mga
karakter – titik, numero’t espasyo – sa bawat linya, at tingnan kung
magkakasiya sa itinakdang kolumna. Kung hindi, palitan ang mahabang salita ng
maikli, ngunit singkahulugan nito.
Yunit ng Espasyo
Sinusukat ang espasyo paglalagyan ng ulo ng isang balita sa pamamagitan ng
tinatawag na “unit-count”.
1. Lahat ng
malaking karakter, maliban sa M,W na may dalawang yunit, ay may 1
and yunit.
Hal:
A,B,C,D,E,F,G,H,J,K,L,N,NG,N,O,P,Q,R,S,T,U,V,X,Y,Z.
2. Lahat ng
maliliit na karakter, maliban sa l, t at espasyo sa pagitan ngmga salita, na
may kalahating (1/2) yunit, at maliban sa mga karakter na m,w na may 1 and ½
yunit, gayon din ang mga numero maliban sa numero 1 na may bilang na ½
yunit ay may bilang na isang yunit.
Hal: a,b,c,d,e,f,g,h,g,k,n,o,p,q,r,s,u,v,x,y,z.
3. Lahat nag ss
ay may bilang na kalahaling ½ unit.
a. Mga
karakter na I,i l,t at espasyo sa pagitan ng mga salita
b. Mga bantas na
!,-(gitling) , ,;:.
c. Numero
una (1)
Laki ng Tipo
Ang laki ng tipo o karakter ay sinusukat sa tinatawag na point, puntos. Ang
karakter na may isang puntos ang laki ay katumbas 1/72 ng taas ng isang
pulgada. Ang laki ng tipo ay karaniwang nagsisimula sa 4 na puntos (4/72)
palaki hanggang sa 144 na puntos o dalawang pulgada ang taas.
Mga tuntunin sa pagsulat ng ulo:
1. Gumamit ng mga
pandiwang tahasan at masigla
2. Maglagay ng
sariwang impormasyon sa bawat ulo
3. Gumamit
ng kuwit sa halip ng pangatnig na at
4. Gumamit ng mga
pandiwang panghinaharap sa mga pangyayaring magaganap pa
5. Gumamit ng
isahang panipi sa halip ng dalawahang panipi
6. Gumamit ng
maikli ngunit positibong salita sa ulo ng balita
7. Gumamit ng mga
pandiwang pangkasalukuyan sa mga pangyayaring nakaraan na
8. Ang huwanrang
ulo ng balita ay kinakailangang makapaglahad ng mensahe sa pinakamadali at
magaang paraan. Dahil dito’y kinakailangang di-masira ang kaisipan sa bawat
linya.
No comments:
Post a Comment