Wika
Ilang mga pananaw ukol sa wika:
“…Maari nating hiramin sa loob ng isang panahon ang wika ng ibang
bayan, ngunit hindi tayo tunay na makapag-aangkin ng isang wikang pambansa maliban
sa pamamagitan ng pagpapatibay, pagpapaunlad at paggamit ng isang wika na
sariling atin.” (Manuel L. Quezon)
Parang hininga ang wika, sa bawat sandali ng buhay natin ay nariyan
ito. Palatandaan ito na buhay tayo, at
may kakayahang umugnay sa kapwa nating gumagamit din nito. (Bienvenido L. Lumbera)
Ang wika ay isang panlipunang penomenon. Ibig sabihin, mahalaga ito hindi lamang s
indibidwal kundi lalo na sa lipunang kanyang kinabibilangan. (Pamela C. Constantino)
Mahalagang kasangkapan ng panlipunang kapital ang wika na ang gamit
ay gawing episyente o mabisa ang mga transaksyon sa isang ekonomiya. (Tereso Tullao, Jr.)
Ang pag-aaral ng wikang Filipino ay binubuo ng dalawang kakayahan:
- kakayahang makabuo ng mga pahayag o
pangungusap na may wastong kayariang pambalarila; tinatawag itong
kakayahang linggwistika o linguistic competence
- kakayahang maunawaan at magamit ang mga
pangungusap na may wastong pambalarilang kayarian sa angkop na panlipunang
kapaligiran ayon sa hinihingi ng sitwasyon; tinatawag itong kakayahang
komunikatibo o communicative competence.
Ponolohiya
- Patern o kumbinasyon ng mga tunog sa loob
ng isang wika
- Ponema – pinakamaliit ngunit
pinakamakahulugang yunit ng tunog ng isang wika.
Mga Ponemang Segmental
Ito ay makabuluhang tunog sa Filipino na ginagamitan ng mga
katumbas na titik upang mabasa at mabigkas.
Kabilang dito ang mga ponemang katinig, patinig, diptonggo, at klaster.
Mga Ponemang Katinig
Ang mga katinig ng Filipino ay
maiaayos ayon sa punto o paraan ng artikulasyon at kung ang mga ito ay
binibigkas nang may tinig o walang tinig.
Mga Ponemang Patinig
Ang mga patinig ng Filipino ay maiaayos sa tsart ayon sa kung aling
bahagi ng dila ang gumagana sa pagbigkas ng isang patinig—unahan, sentral,
likod—at kung ano ang posisyon ng nasabing bahagi sa pagbigkas—mataas, nasa
gitna, o mababa.
Posisyon ng
Bahagi ng Dila sa Pagbigkas
|
|
Bahagi ng
Dila |
|
Harap |
Sentral |
Likod |
|
Mataas
Gitna
Mababa |
i
e |
(¶)
a
|
u
o |
Ang /i/, halimbawa, ay tinatawag na mataas-harap sapagkat kapag
binibigkas ito, ang harap na bahagi ng dila ang gumagana na karaniwan ay
umaarko nang pataas.
May limang pangunahing patinig ang wikang Filipino: ang /a/. /e/,
/i/, /o/, at /u/. Gayon man, mapapansing
isinama sa tsart ang ponemang (¶) (schwa)
na gamitin sa Pangasinan, ilang pook sa Ilokos, Maranaw, at iba pang lugar sa
Pilipinas.
Sa maraming katutubong wika ng Pilipinas at maging sa wikang
Filipino, mga allophone, o maaaring mapagpalit-palit, ang mga tunog ng
/e/ at /i/, gayon din ang mga tunog ng /o/ at /u/. Tulad nito:
/lala×keh/ ~ /lala×kih/ ‘man’
/baba×eh/ ~ /baba×ih/
‘woman’
/miyer×koles/ ~ /miyer×kules?
‘Wednesday’
Mga Diptonggo
Tumutukoy ang diptonggo sa mga pinagsamang tunog ng isang patinig
(a, e, i, o, u) at isang malapatinig (w, y).
Nasa ibaba ang tsart ng mga diptonggo sa wikang Filipino.
Posisyon ng
Bahagi ng Dila sa Pagbigkas
|
|
Bahagi ng
Dila |
|
Harap |
Sentral |
Likod |
|
Mataas
Gitna
Mababa |
iw,
iy
ey |
ay,
aw
|
uy
oy,
ow |
Mga halimbawang salita:
aywan baytang alay
awdisyon
restawran dilaw
Mga Klaster
Ang mga klaster o kambal-katinig sa Filipino ay dumarami dahil sa
pagpasok ng ng mga salitang Ingles sa sa wikang Filipino. Ang klaster ay ang magkakabit na dalawang
magkaibang katinig sa isang pantig.
Mga halimbawa:
blakbord brigada kard
kliyente krokis nars
komonwelt transportasyon
dimpols
Mga Ponemang Suprasegmental
Tumutukoy ang mga ponemang suprasegmental sa mga makahulugang yunit
ng tunog na karaniwang di tinutumbasan ng titik o letra sa pagsulat. Kabilang sa mga ponemang suprasegmental ang
tono (pitch), haba (length), diin (stress), at antala (juncture).
Tono
Tinutukoy ang tono sa paraan ng pagbigkas na maaaring malambing,
pagalit, mabilis na parang nagmamadali, mahina at iba pa. Naiiba-iba ang tono o pagtaas at pagbaba ng
tinig sa wikang Filipino batay sa iba’t ibang layunin at damdamin ng
nagsasalita. Halimbawa maiiba-iba ang
intonasyon sa sumusunod na pangungusap ayon sa inihahayag na emosyon ng
nagsasalita. Basahin ang mga pangungusap
batay sa ipinahahayag na emosyon:
Ikaw nga! (nagulat)
Ikang nga! (pagalit)
Ikaw pala. (ordinaryong pagbati)
Ikaw pala. (walang interes na pagbati)
Diin
Ginagamit sa gramatikang ito ang dalawang magkahiwalay na bar (/
/) upang maglaman ng notasyong ponemik na sisimbolo sa paraan ng pagbigkas ng
isang salita. Ginagamit din ang tuldok
/ . / upang matukoy ang pantig o silabol ng isang salita na
may diin (stress). Ito ay
nangangahulugan naman ng pagpapahaba ng pantig na laging may kasamang
patinig. Tulad ng sumusunod kung saan
may diin at pinahahaba ang pantig na sinusundan / . /:
/kasa.ma/* = companion
/kasama/ = tenant
/magnana.kaw/ = thief
/magna-na.kaw/ = will steal
/magna.nakaw/ = will go on stealing
Punto at Intonasyon
Tumutukoy ang punto sa kakaibang pagbigkas ng isang grupo ng mga
tao. Halimbawa sa rehiyong Tagalog,
iba-iba ang punto ng mga Batangenyo, Kabitenyo, taga-Quezon, Rizal, Bataan, at
iba pang nasa Katagalugan. Sa
pagsasalita pa lamang, madaling matukoy kung saan nagmula ang isang tao, lalo
pa’t gumagamit siya ng “Ala e!” kung taga-Batangas, ng “Aru!” kung taga-Queson
at iba pa. Ang ilang lugar naman sa Cebu
na gumagamit ng “Agi!”
Hinto
Ito ay ang pagtigil sa pagsasalita na maaaring panandalian (sa
gitna ng pangungusap), o pangmatagalan (sa katapusan ng pangungusap). Sa pasulat na komunikasyon, sinisimbolo ng kuwit
(,) ang panandaliang paghinto at ng tuldok (.) ang katapusan ng
pangungusap.
Halimbawa
Juan Carlo Jose ang pangalan niya.//
(Tinutukoy si Juan Carlo Jose at sinasabi ang kanyang buong
pangalan. Maaaring itinuturo lamang si
Juan Carlo Jose, o maaari rin namang kaharap siya ng mga nag-uusap.)
Juan/ Carlo Jose ang pangalan
niya.//
(Kinakausap si Juan, at
ipinakikilala sa kanya si Carlo Jose.)
Juan Carlo/ Jose ang tawag sa
kanya.//
(Kausap ang isang lalake na Juan Carlo ang pangalan. Ipinakikilala sa kanya si Jose, o kaya’y itinuturo si Jose.)
No comments:
Post a Comment