Pagbasa
Mga papanaw ukol sa pagbasa:
- Ang pagbasa ay isang masalimuot na
prosesong pangkaisipan kung saan ang mambabasa’y aktibong nagpaplano,
nagdedesisyon at nag-uugnay ng mga kasanayan at istratehiyang nakatutulong
sa pag-unawa.
- Ang pagbasa ay isang kompleks na gawaing
kinapapaloooban ng may kamalayan at walang kamalayang paggamit ng iba’t
ibang estratehiya, kasama na ang mga estratehiya sa paglutas ng suliranin
upang makabuo ng modelo ng kahulugang ninanais ipahatid ng awtor
(Jonhston, 1983).
- Ang pagbasa’y proseso ng pamimili ng mga
pahiwatig pangwika batay sa ekspektasyon ng bumabasa. Habang ang bahagi ng impormasyon ay
nakikilala, nakagagawa ang mambabasa ng pansamantalang desisyon o hinuha
na patutunayan niya, iwawaksi o pagtitibayin habang bumabasa (Kenneth Goodman, 1976).
- Dahil magkaugnay ang pagbasa at pag-iisip,
binanggit ni Mikuleckey (1990) ang ginawang pagtutulad nina Kintsch at Van
Dijk (1978), Rumelhart at Ortony (1977) at Winograd (1977), sa pagbasa sa
pagpoproseso ng impormasyon upang maunawaan kung paano nag-iisip at umuunawa
ang isang tao. Ayon sa kanila,
dalawang aspekto ng “human information processing system” ang
nagkakatulungan kapag nagbabasa ang isang tao:
- Concept Driven o Itaas-Pababa – kapag ang bumabasa ay
higit na nakatuon sa kug ano ang alam niya upang maintindihan ang
binabasa.
- Data Driven o Ibaba-Pataas – kapag higit na umaasa ang bumabasa sa mga impormasyong tekstwal.
Ang Mapanuring Pagbasa
- Ang mapanuring pagbasa ay isang halimbawa ng marahan at maingat na pagbasa na nangangailangan ng masusing prosesong pangkognitibo. Pangunahing layunin nito ay malayang pag-iisip at kasanayan sa pagsusuri a pagtataya.
Mga Kasanayan sa Mapanuring Pagbasa
- Paghinuha sa maaaring mangyari
- Pagpapangkat ng mga ideya
- Paghahambing at pagtutulad
- Pagtatangi ng katotohanan sa palagay/opinyon
- Pagbuo ng konklusyon
- Pagbibigay ng sanhi at bunga
- Pagkakasunud-sunod ng mga ideya
- Paglalagom
- Pagtukoy at pagpapahalaga sa katangian ng
tauhan
- Pagsusuri ng mga impormasyon
- Pagpapakahulugan sa matatalinghagang
pahayag
- Pagpapakahulugan sa mga pahiwatig ng
pahayag
- Pagtukoy sa magkakaugnay na ideya/konsepto
- Pagtukoy sa suliraning tinutukoy sa binasa
- Pagbibigay reaksyon sa himig at tono ng
seleksyon
Proseso ng Pagbasa
- Ang pagkuha ng impormasyon ay di lamang
nakakamit sa pagbasa ng mga nakalimbag na sagisag. Mayroon ding mga impormasyong ginagamit
ang bumabasa na nasa kanyang isipan na kanyang binabalikan kung kailangan
niya sa pagbasa ng teksto. Ito ay
ang mga di biswal na impormasyon ng binubuo ng datihang kaalaman (prior
knowlegde).
Teoryang Iskema sa Pagbasa
- Ginagalugad ng mambabasa ang mga nakaimbak
o nakalagay niyang network ng mga abstraktong ideya sa kanyang isipan
upang humanap ng iskema na tumutugma sa mga elemento o impormasyong taglay
ng teksto (Anderson, 1985).
- Habang bumabasa, patuloy na naaapektuhan
ng makabuluhang iskemang nagising ang pagpoproseso ng impormasyon. Sa pamamagitan ng nagising na iskema,
naghihinuha ang mambabasa ng mga impormasyong semantika, sintaktika at
leksikal upang makabuo ng kahulugan.
Metakognisyon sa Pagbasa
- Pagkakaroon ng kamalayan, kaalaman at
kasanayan sa pagkontrol sa sariling proseso ng pag-iisip o pag-unawa.
- Ang metakognisyon ay ang mataas na
kasanayang pampag-iisip na kinapapalooban ng aktibong pagkontrol sa mga
prosesong kognitiv na napapaloob sa pagkatuto (Livingston, 1996).
- Sa pamamagitan ng metakognisyon,
nalalampasan ang kognisyon dahil nagagawa nitong malinan sa mambabasa ang
may kamalayang paggamit ng mga estratehiyang kognitibo at pahalagahan sa
halip na simpleng gamitin lamang ang mga ito. Binibigyang-diin ng metakognisyon ang
malawakang kontrol sa mga proseso sa halip na sa mga tiyak na estratehiya
o gawain (McNeil, 1987).
- Tatlong Uri ng Prosesong Metakognitiv
Ayon kay McNeil:
- Kaalaman ng mambabasa sa kanyang
sariling kahinaan at kalakasan sa pagbasa;
- Kaaalam kung alin estratehiya ang angkop
na gamitin ayon sa sitwasyon; at
- Kalaaman ng mambabasa sa pagsubaybay sa
kanyang pag-unawa o pagkaalam kung kailan siya di na nakauunawa.
No comments:
Post a Comment