Mga Panitikang Hango sa
Karapatang Ang mga sumusunod ay
ilang simulain sa panunuring pampanitikan:
1.Ang susuriing akda
ay kailangang nagpapamalas ng masinop na pag-uugnay ng mga sangkap ng pagsulat.
2.Ang pagsusuri
sa akda ay dapat may uri at katangian ng katalinuhan ,seryoso at marubdob
na damdamin at ng tapat na mithi sa kalayaan.
3.Sa pagsusuri ng
anumang akda ay kailangang mahusay ang organisasyon o balangkas ng lakhok.
Bahagi ito ng disiplina ng pagsusuri.
4.Sa pagsusuri lng
anumang akda ay dapat maging maganda ang paksa,may kalinisan ang wika at
organisado ang paglalahad.
5.Ang susuriing akda
ay kailangang napapanahon may matibay na kaisahan makapangyarihan ang paggamit
ng wika at may malalim na kaalaman sa teoryang pampanitikan.
MGA PARAAN SA
PAGSUSURI NG MGA AKDANG PAMPANITIKAN
Sa pagsusuri
kinakailangan ang kaalaman sa kathang sinusuri tulad ng buong nilalaman ng akda
paraan ng pagkakabuo nito at ang ginagamit ng awtor o estilo. Kinanakailangan
din ang manunuri ay may opinyong bunga ng obhektibong pananaw laban man o katig
sa katha kaya mahalagang siyay maging matapat . Ang pagpapaliwanag o
panunuligsa sa isang akda upang ihatid ang kahalagahan nito ay pamumuna .
Dalawa ang layunin ng panitikan magbigay aliw at magbigay aralkaya mahalaga din
sa mga akda ang magkaroon ng bias sa kaasalan .
Katangian ng isang mahusay na akdang pampanitikan.
Malinaw ang paksa
Organisado
Ang mga ideya at tema ng isang mahusay na akdang
pampanitikan ay na-uugnay sa paksa
Ang panitikan ay isang anyo ng
pagpapahayag na ginagamitan ng imahinasyon sa anyo ng tuluyan o Prosa maging sa
tula na binubuo ng maayos at masining na pagsasama-sama ng mga salita.
Dalawang uri ng panitikan:
Pasalin – dila – ang tawag sa panitikan kung ito ay naisalin na sa
ibang henerasyon sa pamamagitan ng bibig ng tao.
Pasulat –
ang paraan ng pagsasalin ng panitikan magmula nang matutunan ng tao ang sistema
ng pagsulat.
Mga Anyo ng Panitikan:
Tuluyan o Prosa - Ito ay mahabang pagsulat na karaniwang takbo ng
pagpapahayag,walang bilang ang mga pantig at hindi pinagtutugma-tugma ang mga
dulo ng taludtod sa bawat saknong na katulad ng patula.hindi limitado o pigil
ang paggamit ng mga pangungusap ng isang manunulat.
Patula - ito ay nagpapahayag ng mga salitang
binibilang ang mga pantig,at pinagtutugma-tugma ang mga dulo ng taludtod sa
bawat saknong
Sanaysay - ito ang uri ng panitikan na may isang
maiksing komposisyon na kalimitan na naglalaman ng mga personal na kuru-kuro ng
may akda.
Pabula - ito ay
isang uri ng panitikan na kathang isip lamang na kung saan ang lumalaganap sa
kwento ay mga hayop o mga bagay na walang buhay.
Nobela o talambuhay -ito ang
uri ng panitikan na binubuo ng iba’t iibang kabanata, isang mahabang kwento
tungkol sa buhay ng isang tao.
Bugtong - ito ang uri ng panitikan na tinatawag ding
palaisipan, ito ay isang pangungusap o isang katanungan na may nakatagong
kahulugan na kaylangan isipin o lutasin.
Epiko - ito ay isang uri ng panitikan na nasa uri
ng patula na nakuha natin sa mga Espanyol na may sukat na walong pantig bawat
linya at may apat na linya sa isang saknong.
Tula - ito ang uri ng panitikan na pinagyayaman sa
pamamagitan ng paggamit ng tayutay,at malayang paggamit ng mga salita sa
ibat-ibang estilo
Talumpati - uri ng panitikan na isang buod ng kaisipan
o opinyon ng isang tao na pinababatid sa pamamagitan ng pagsasalita sa
entablado.
Alamat - ito ay
isang uri ng panitikan na kung saan ay isinasalaysay ang mga pangyayari tungkol
sa isang pook,tao at pangyayari na mayroong pinagbabatayan sa kasaysayan. Ang
kaugnay ng alamat ay ang kuwentong bayan at mito, Sa makatuwid ang alamat ay
mga kuwento patungkol sa mga pinagmulan ng mga bagay-bagay sa daigdig.
Dula- uri ng panitikan na nahahati sa ilang yugto na
maraming tagpo.
Maikling kuwento - uri ng panitikan na maiksing salaysay
lamang tungkol sa isang mahalagang pangyayari sa isang tao o mga tauhan na may
iisang impresyon lamang
Parabula -ito ay uri ng panitikan na kung saan ang mga
pangyayari ay hango sa bibliya at may moral na aral.
Kahirapan sa pilipinas
Ang kahirapan ang isa sa mga
mabibigat ng problema ng ating bansa.
Pangunahing Sanhi ng Kahirapan sa
Pilipinas"
Ang sapilitang pangingibang bayan ng
mga Pilipino upang maghanap ng ikabububuhay ay naging parte na ng kultura.
Ang karamihan dito ay ang mga
kababaihan. Dala ng labis na kahirapan ay ito ang naging siyang tugon ng mga
Pilipino upang makaraos sa araw-araw na pamumuhay.
"Ang salitang kapit sa
patalim" ay maiuugnay dito. Dahilan sa ang paglisan sa sariling bayan at
mawalay sa pamilya ay hindi madali para sa isang kulturang kinalakihan.
Dahilan ng kahirapan sa Pilipinas:
KORAPSIYON: Ang pagnanakaw ng pera sa kaban ng bayan ng
mga tao sa gobyerno. Ito ang pinakamalupit at talamak na dahilan ng paghihirap
ng bayan. Ang mga pera na para sana sa kapakanan ng taong bayan ay napupunta
lang sa bulsa ng iilan na mga may kapangyarihan sa pamahalaan. Ito ay maituturing
na kanser sa lipunan.
IMPERIALISMO: Ang pananakop ng ilang bansa noong mga
nakaraang panahon tulad ng Espanya, Hapon at US na nagpahirap sa Pilipinas. Mga
dayuhan na nag iwan ng mga mali o masamang impluwensiya at kultura sa bansa.
PYUDALISMO (FEUDALISM)
Ang pagmamay ari ng iilang mayayaman
sa mga lupaing sakahan. Nang ipatupad ang Agrarian Reform program hindi ito
lubusang naipatupad ng pamahalaan. Dahilan na ang nag mamay-ari ng malalaking
lupaing sakahan ay pagmamay ari ng mga makapangyarihan sa lipunan at gobyerno.
kapabayaan ng likas na yaman ng
bansa.
Ang pagputol ng mga puno na dahilan
ng pagbaha (illegal logging), landslide at erosion. Ang pagdudumi sa ilog at
dagat, pag gamit ng mga nakakalasong paputok at maling paraan ng pangingisda na
sumisira sa yamang dagat. Ang kapabayaan ng gobyerno at mamamayan sa likas na
yaman ay isang malaking dahilan upang unti-unting mabaon ang bansa sa kumunoy
ng kahirapan.
Kawalan ng paninindigan.
Kung magiging responsable lamang ang
mga magulang ng mga batang kalye ay malamang walang pakalat-kalat na bata
ngayon sa lansangan, walang uhuging bata na nanghihingi na limos, at walang
kaawa-awang mga mukha ng mga gutom na bata ang makikita natin.
"Epekto ng kahirapan sa pag
aaral"
they have limited access to quality
education available in the areas where they live and work
irregular or low family incomes
cannot cover the costs of school enrollment, uniforms and school projects
once enrolled in school, a high
proportion of these children are forced to drop out, especially as school
expenses rise in later years.
Epekto ng kahirapan sa kalusugan“
They can be used as accessories in
drug deals, robberies, swindling and extortion.
Children who spend many hours working
on the street are more susceptible to respiratory infections, pneumonia and
other illnesses, and face a high risk of injury or death from motor vehicles.
Some are even forced into child
prostitution or other criminal activities
KARAPATANG
PANTAO
KARAPATAN - -ay
mga bagay na nararapat sa mga nilalang.
KARAPATANG PANTAO - ay pribilehiyo na ginagarantiyahan
ng Saligang-batas ng Pilipinas.
1. KARAPATANG
LIKAS-karapatang taglay ng isang mamamayan sa kanyang pagkasilang.
HALIMBAWA:
1. Mabuhay
2. Magkamit ng sariling
pag-aari batay sa kanyang pangangailangang materyal.
3. Kalayaan
2. KARAPATANG
KONSTITUSYONAL Isinasabatas ng kongreso at hindi maaaring alisin
dahil ito ay ginagarantiyahan ng Saligang-Batas ng Pilipinas.
Artikulo
III (22 diskusyon)
KLASIPIKASYON / URI NG KARAPATANG
KONSTITUSYONAL
1. Karapatang Pulitikal - Karapatang
makilahok sa mga gawaing pulitikal.
Halimbawa:
Pagboto
o Pakikilahok sa halalan.
Panunungkulang
Pampulitikal
Pagkamamamayan
2. Karapatang Sibil -
Pinahahalagahan ang mga ugnayang sosyal o pakikisalamuha ng tao sa
kanyang kapwa.
Halimbawa:
Kalayaan sa Pananalita, Pagpapahayag,
Mapayapang Pagtitipon at Paglalahad ng Karaingan.
Kalayaan sa Pagbabago ng Tirahan at
sa Paglalakbay.
Pagtatatag ng asosasyon at unyon o
mga kapisanang ang layunin ay hindi labag sa batas.
3. Karapatang Panlipunan
at Pangkabuhayan - Isinusulong ang mga gawaing panlipunan at
pangkabuhayan o may kinalaman sa hanapbuhay ng mga mamamayan.
Halimbawa:
1. Karapatan sa Pag-aari
2. Karapatan sa Pagkuha ng mga
3. Pribadong Pag-aari
4. Karapatan sa dignidad na pantao,
sa
pagkakapantay- pantay
na panlipunan, pangkabuhayan, at pangkalinangan
5. Karapatan sa Edukasyon sa lahat ng
antas.
4. Karapatan ng Nasasakdal -
Paggarantiya ng Saligang-Batas sa mga karapatang nararapat para sa isang taong
nasasakdal.
Halimbawa:
1. Karapatang manahimik o magwalang
kibo habang sinisiyasat ang kanyang kaso.
2. Karapatan laban sa labis na
pagpapahirap, dahas, pwersa, pananakit, pagbabanta o anumang makapipinsala sa
kanyang malayang pagpapasya
3. Karapatang magpiyansa
4. Karapatan laban sa pagpapanagot sa
pagkakasalang criminal na hindi sa kaparaanan ng batas.
5. Karapatang magmatuwid sa
pamamagitan ng sarili at ng abogado.
Karapatang Batas
1. Nilikha rin ng kongreso
2. Naiiba ito dahil maari itong
alisin, baguhin, limitahan, o palawakin ng mga mambabatas ayon sa pagkakataon.
5. Karapatang Pambata -
Maisilang at magkaroon ng pangalan at nasyonalidad
-Magkaroon ng tirahan at pamilyang
mag-aaruga
-Manirahan sa isang payapa at tahimik
na pamayanan
-Magkaroon ng sapat na edukasyon at
mapaunlad ang aking kakayahan
-Mabigyan ng pagkakataon na
makapaglaro at makapaglibang
-Mabigyan ng proteksyon laban sa
pang-aabuso, panganib at karahasan
-Makapagpahayag ng sariling pananaw
(Convention on the Rights of the Child)
Ang Kasunduan Ukol sa Karapatan ng mga
Bata ay isang pandaigdigang kasunduang ng mga bansa upang mabigyang proteksyn
ang mga batang may 18 gulang pababa sa anumang bansa sa daigdig.
Ang mga karapatan ay nakagrupo sa apat
na aspeto: Karapatang mabuhay, karapatang magtamasa ng kaunlaran,
karapatang mabigyang proteksyon at Karapatan sa partisipasyon
sa lipunan.
IBA PANG MGA KARAPATAN
Karapatan laban sa hindi makatwirang paghahalughog
o pagsamsam ng mga personal na ari-arian o dokumento.
Karapatan sa pagtatatag ng relihiyon o
pananampalatayang iba kaysa sa umiiral o naitatag na
Kalayaan sa Pagdulog sa hukuman
Batas Ex post Facto – batas na maaaring magparusa sa sinumang
nagkasala sa nakalipas na panahong hindi pa pinagtitibay ang nasabing batas na
nagpaparusa sa nagawang kasalanan
Bill of Attainder - ay
ang pagpaparusa nang walang paglilitis ng hukuman
KAHALAGAHAN NG PANGANGALAGA SA SARILING KARAPATAN
Wastong kaalaman at paggamit o pagsasabuhay ng
iyong mga karapatan.
-Paggalang sa karapatan ng iba
-Pagdulong sa tama o kinauukulan kung may mga
paglabag sa sariling karapatan
-Commission on Human Rights /
Komisyon ng Karapatang Pantao
Pantao
Mga halimbawa:
1. DESAPARESIDOS (L.
Bautista, Nobela)
2. POETIKA/POLITIKA (B.
Lumbera , mga tula)
3. KA AMADO (J.
Reyes, Biograpiya)
4. PITONG SUNDANG: MGA TULA AT AWIT (E.
Acosta,)
5. DUGUANG LUPA (KM64
Poetry)
Bienvenido Lumbera (born 1932). Ipinanganak sa Lipa, Batangas, naulila
siya sa ama, wala pa syang isang taon dahil nahulog ang ama mula sa puno.
Pagkaraan ng apat na taon, ang ina naman niya ay namatay sa sakit na kanser. Sa
gulang na 5 taon, si Lumbera ay isang lubos na ulila. Kinupkop ng lola niya.
Ngunit namatay ito sa katandaan pagkatapos ng WWII. Kinupkop siya at pinagaral
ng kanyang ninong at ninang. Nagtapos siya ng Litt.B at MA sa University of
Santo Tomas noong 1950 at Ph.D in Comparative Literature sa Indiana University
noong 1968. Mataas ang aral kahit naulila sa murang gulang. Sobrang hindi
nakakapagtakang maging life-changing or eye-opener ang kanyang akda.
“LUPA”
Bienvenido Lumbera
Sa
Mendiola noon ang hiningi namin ay lupa,
Lupang
sarili na mapagkukunan ng ikabubuhay
Ng
aming mga anak at ng mga apong ibubunga nila.
Subalit
nag-utos ang mga panginoong maylupa
At
ang mga burukratang hawak nila,
At
kami ay sinalubong ng teargas at bala.
Sa
kalyeng pa-Malakanyang ang dugong sumabog
Ay
ipinaubaya na lamang sipsipin ng haring araw
Na
wlang pakialam sa tinatawag ninyong
"Hustisya
sosyal."
Kayong
nakatira sa mansiyon at nagtatayugang kondo,
Kayong
sa supermarket at primera-klaseng restoran
Kumukuha
ng kakanin sa araw-araw,
Usisain
lamang kung para kanino ang hustisya,
Kung
alin ang bayang lubusang nangangailangan
Ng
katarungang panlipunan, at kanino ang tungkuling
Ipatupad
ito sa ating lipunan.
Lupa
kami sa inyong paningin,
Lupang
kinamkam ninyo at tinituluhan,
Lupang
tinamnan namin ng butil na sa inyo'y pampayaman.
Lupang
kaming inyong tinatapak-tapakan sa parke at tabing-daan,
Lupang
inyong dinuduraan pag nandidiri sa tambakan,
Lupa
kaming ngayo'y sumisigaw:
"Nasaan,
ang inyong katarungan?"
Alalahanin
lamang, isang araw,
Isang
mapulang araw,
Ang
lakas namin ay mananalaytay
Sa
bisig ng buong bayan,
At
sa araw na iyon,
Kami
ay lupang
Aalsang
bundok
Ng
bato at tiningkal,
Guguho,
tatabon, magbabaon
Sa
uring nagkait sa amin
Ng
tinatawag ninyong
"Hustisya
sosyal."
Inialay ni Lumbera sa "mga
magsasakang pinaslang noong at pinapaslang hanggang ngayon ng mga utusan ng
naghaharing uri."Mga magsasakang pinatay sa Mendiola Massacre noong 1987 o
yong Kidapawan Massacre noong Abril 2016 lang. Parang pinagtiyap: nangyari ang
dalawang ito sa panahon ng Reynang Dilaw at ang anak nitong Prinsipe Dilaw
Mga Hakbang upang Mabigyang
Proteksyon Laban sa Mga Paglabag sa Krapatang Pantao
1. Pagdulog sa mga lokal na hukuman
-kapag nalabag ang iyong Karapatan
maaring magsimulang dumulog sa katarungang pambaranggay lalo na kapag ang uri
ng paglabag ay sakop nito.kapag hindi sakop, ang kaso ay ipapasa sa tamang
hukuman. May mga libreng abogado ang Kagawaran ng Katarungan, ang Komisyon sa
Karapatang Pantao, at iba pang institusyon na maaaring makatulong sa pagsasampa
at paglilitis ng kaso.
Ang Kagawaan ng Paggawa at Empleto ay
tumutulong naman sa mga manggagawa hinggil sa paglabag ng kanilang karapatang
may kinalaman sa paggawa.
Komisyon ng Karapatang Pantao at
Public Attorney’s Office ng Kagawaran ng Katarungan ay nagbibigay ng libreng
serbisyong legal sa mga Pilipinong mahihirap.
2. Pagdulog sa Pandaigdigang Korteng Pangkatarungan
(International Court of Justice)
-kapag ang mga kaso ay patungkol na
sa mga alitan ng tao galling sa ibat ibang nasyonalidad o alitan ng mga bansa,
ito ay idinudulog sa Pandaigdigang Hukumang Pangkatarunagn. Nililitis nila ang
mga kaso na nagiging sagabal sa pagsusulong ng karapatang pantao.
3. Edukasyon para sa karapatang pantao
-ito ang isa sa pinakamahusay na
paraan upang hindi malabag ang karapatang pantao. Ang pag alam sa ibat ibang
Karapatan ng tao, maging ang mga paglabag, ay malaking tulong upang maging
mapayapa ang ating lipunan. Ang pag-aaral ng ating Karapatan ay siyang
magmumulat ng ating kaisipan upang ito ay isabuhay.
4. Pagsasabuhay ng karapatang pantao
-mahalagang hindi huminto ang
pag-aaral ng karapatang pantao sa pagsasaulo lamang ng mga probisyon ng mga
batas. Ang pagsasabuhay ng mga natutuhan sa pang-araw-araw na pamumuhay ay
isang hamon sa pagsusulong natin ng karapatang pantao. Ito ang tunay na
pagkilos upang mapigililan ang paglabag sa ating arapatan at sa karapatan ng
iba.
MGA IBAT IBANG ANYO NG PAGLABAG SA
KARAPATANG PANTAO
1. Pisikal na Paglabag sa Karapatang
Pantao
-pisikal na paglabag ang turing kapag
ang nasaktan ay ang pisikal na pangangatawan.
Halimbawa ay ang : Pambubugbog
,Pagkitil ng buhay at Pagputol sa anumang parte ng katawan.
2. Sikolohikal at Emosyonal na
Paglabag sa Karapatang Pantao
-ang pisikal na pananakit ay
nagdudulot ng trauma sa isang tao at ito ang nagiging dahilan kaya nawawalan ng
kapayapaan ng loob ang isang tao at bumababa din ang pagtingin sa sarili.
Istruktural
ang istruktural na paglabag ay
makikita kung ang tao ay walang kabuhayan, mababa ang kanyang kalagayan sa
lipunan at wala siyang kapangyarihang magdesisyon para sa sarili, sa pamilya,
sa pamayanan, sa bansa at sa daigdig.
Panitikang Hinggil sa mga Isyung pang
Manggagawa, Mangsasaka, at Pambansa
Manggagawa
- Sila
ang nagbibigay ng mga ideya upang maging malikhain ang isang produkto at gawing
kapakipakinabang ang mga ito sa buhay ng tao.
.Naglilinang
ng mga hilaw na materyales o yamang likas.
.Nagpapaandar
at gumagamit ng mga makinarya at maka bagong teknolohiya.
.Makalikha
ng mga produktong kailangan ng bansa.
Dalawang Klasipikasyon ng Manggagawa
1. Manggagawang Pisikal
2. Manggawang Mental
Manggawang Pisikal (Blue Collar Job)
- ay inuuri bilang unskilled,
semi-skilled, at skilled. Ito ang tinatawag na blue collar job na tumutukoy sa
Gawain ng mga manggagawang mas higit na ginagamit ang kanilang lakas pisikal at
inerhiya sa paglikha ng produkto at serbisyo.
(Ang mga welders, drivers, plumbers,
janitors at iba pa ay ilan sa halimbawa ng mga manggawa ng blue collar job.)
Manggagawang Mental (White Collar
Job) – ang gawain ng manggagawa na mas
ginagamit ang mental na kapasidad at kaisipan ay nabibilang sa white collar
job.
(Ang superbisor, manedyer, doctor,
nars, guro at iba pang propesyonal ay kabilang sa white collar job.)
Karl Marx “Ama ng komunismo” (Mayo 5, 1818- Marso 14,
1883)- “Ang mga manggagawa ang mga tunay na PRODYUSER ng bansa”
Kahalagahan ng Manggagawa
- Ang
bawat bansa ay nangangailangan ng mga manggagawang magbibigay serbisyo upang
magawa ang mga bagay na kailangan ng tao.
Isyung Pangmanggagawa
Ang mga manggagawang
Pilipino ay humaharap sa iba’t ibang anyo ng suliranin at hamon sa paggawa tulad ng:
A. Mababang pasahod
B. Kawalan ng seguridad sa pinapasukang kompanya
C. ‘Job-mismatch’ bunga ng mga
‘job-skills mismatch’
D. Iba’t ibang anyo ng
kontraktuwalisasyon sa paggawa
E. Mura at flexible labor
F. Mabilis na pagdating at paglabas
ng mga puhunan ng mga dayuhang namumuhunan
G. Ang patuloy na pagdami ng mga
lokal na produkto na iniluluwas sa ibang bansa at ang pagdagsa ng mga dayuhang
produkto sa pamilihang lokal.
Globalisyasyon
Malaking hamon sa bansa ang mga
makabagong pagbabago sa iba’t-ibang larangan dulot ng globalisyasyon. Mas
naging bukas ang mga bansa sa iba’t-ibang oportunidad na tuklasin ang
potensiyal na pakikipagsabayan sa pandaigdigang kompetisyon.
Dahil sa paglaganap ng globalisasyon naaapektuhan nito maging ang
workplace na kung saan nagbunga ito ng
pagtatakda ng mga pandaigdigang samahan tulad ng Word Trade Organization (WTO)
ng mga kasanayan o kakayahan sa paggawa na globally standard para sa mga
manggagawa.
Ilan sa maraming naidulot
ng globalisasyon sa paggawa ay ang mga sumusunod:
A. Una, demand ng bansa para sa
iba’t ibang kakayahan o kasanayan sa paggawa na globally standard.
B. Pangalawa, mabibigyan ng
pagkakataon ang mga lokal na produkto na makilala sa pandaigidigan pamilihan.
C. Pangatlo, binago ng
globalisasyon ang workplace at mga salik ng produksiyon tulad ng pagpasok ng
iba’t ibang gadget, computer/IT programs, complex machines at iba pang
makabagong kagamitan sa paggawa.
D. Pang-apat, dahil sa mura at
mababa ang labor o pasahod sa mga manggagawa kaya’t madali lang sa mga
namumuhunan na magpresyo ng mura o mababa laban sa mga dayuhang produkto o
mahal na serbisyo at pareho ang kalidad sa mga produktong lokal.
Bansang Agrikultural
Ang Pilipinas ay isang bansang
agricultural dahil malaking bahagi nito ang ginagamit sa mga gawaing pang
agrikultura. Malaking bilang ng mga mamamayan ang nasa sector na ito ng
ekonomiya.
Malaking
bahagi ng ekonomiya ay nakadepende sa sector ng agrikultura. Ito ang
nagtataguyod sa malaking bahagdan ng ekonomiya dahil ang lahat ng sector ay
umaasa sa agrikultura upang matugunan ang pangangailangan sa pagkain at mga
hilaw na sangkap na kailangan sa produksyon.
Magsasaka
Ang magsasaka o magbubukid ay isang taong nagtatanim at nagpapatubo ng
mga pananim at nag-aalaga ng mga hayop at nabubuhay na mga organismong
gagamitin bilang pagkain at bilang hilaw na mga materyales. Isa itong
karaniwang hanap-buhay para sa mga tao magbuhat na magsimula o magkaroon ng
kabihasan.
Sagana sa yaman ang lupa ng Pilipinas. Ang sektor ng pagsasaka, pati na
ang pamamalakaya, ang sumusustena sa pagkain ng malaking populasyon ng bansa.
Mabubungkal ang katotohanang kung sino pa ang nagtatanim ng ating makakain ay
sila pa ang kadalasang nakabaon sa kahirapan.
Isyung Pangmagsasaka
Sa harap ng mga hamon
na ito, ang mga magsasaka ay nahaharap din sa mga problema.
1. Problema sa
panahon- pag-ulan ng sobra,
malulunod sa baha ang pananim at kapag kulang, tuyot naman ang pananim.
Kailangang maging wais ang mga magsasaka—kailangang matibay ang kanilang
pananim sa hamon panahon at akma sa klima.
2. Problema sa sariling
pananim- sa uulutin, kailangang wais ang magsasaka. Pest-resistant dapat
ang kanyang pananim. Kung gagamit naman ang magsasaka ng pesticide, problema
naman ito sa kanyang kalusugan, Cancer minsan ang katapat nito, hindi lamang sa
kanya kundi sa iba pa.
3. Problema sa
kapital- nababaon
ang mga magsasaka sa pagkakautang at hindi na tuluyang nakakaahon. Problema rin
ng mga mangsasaka ang gastos sa punla, pesticide, lupa at iba pa na
kinakailangan upang maitaas ang kanyang kita.
4. Kakulangan sa makabagong
kagamitan at teknolohiya- sa panahon ngayon “high tech” na lahat
ng bagay dahil na rin sa tulong ng siyensya, kaya’y dapat ang ating mga
manggagawa sa agrikultura ay makipagsabayan na rin sa pagbabagong nararanasan
ng buong mundo. Gamit ang makabgong kagamitan at teknolohiya mabilis na
magagawa at makakapag produce ng produkto ang ating agrikultura at mapapabilis
din ang serbisyong ibabahagi ng manggagawa.
5. Kakulangan sa
pasilidad at istruktura- kakulangan
sa pasilidad at istruktura na tutulong sa agrikultura upang mapabilis ang
pag-unlad nito. Halimbawa, maraming lugar ang kulang ang suplay ng patubig lalo
na sa panahon ng tagtuyot dahil dito kinakailangan ng mahusay na sistema ng
irigasyon o patubig. Kailangan din ng mga daanan na magpapabilis ng daloy ng
mga kalakal at produkto mula sa bukid patungo sa pamilihan. Ito rin ay mahalaga
upang mababa ang gastos ng mga magsasaka sa pagpapadala ng kanilang mga
produkto sa pamilihan. Ang mga pasilidad para sa pagpapatuyo at pagpoproseso ng
butil at maayos na imbakan ng mga produkto ay mahalaga rin.
6. Presyong Agrikultura- masyadong mababa para sa pagod at
serbisyong ginagawa ng magsasaka. Dapat ay magtakda ng sapat at tamang presyo
sa mga produktong agrikultura upang mas ganahang gumalaw ang ating mga
manggagawa sa agrikultura at mas Malaki ang kitang matatanggap na makakatulong
din para mas mapaunlad pa ang ating ekonomiya.
7.Pagkaubos ng likas
na yaman- mabilis na
nauubos ito dahil sa mga pangangailangan ng mga hilaw na materyales sa paggawa.
Isa na rito ang mga troso at mineral, dahil dito kumokonti ang suplay ng mga hilaw
na sangkap na ginagamit ng mga industriya. Nagiging sanhi ito ng pagbaha na
sumisira sa libu-libong ektaryang pananim taon-taon. Naapektuhan din ang
pagkaubos ng mga watershed ang suplay ng tubig na ginagamit sa irigasyon ng mga
sakahan. Ang pagkaubos ng kagubatan ay nagdudulot rin ng erosion ng lupa. Dahil
sa kawalan ng mga puno, natatangay ng agos ng tubig ang lupa sa ibabaw kasama
ang sustansya nito. Hindi nagiging produktibo ang mga pananim na itinanim dito.
8. Problema sa
Lupain- Ang hindi pantay-pantay
na pagmamay-ari ng lupang pansakahan. Nananatiling suliranin ng ating bansa at
ng mga magsasaka ang sistema ng pagmamay-ari ng mga lupain. Malaking bahagdan
ng mga lupain ay nasa kamay parin ng mga panginoong may lupa. Bagamat may
repormang pansakahang pinaiiral ang pamahalaan, nananatiling maliit ang
porsyento ng mga magsasaka na nagmamay-ari ng lupa, dahil dito hindi
nahihikayat ang mga magsasaka napag-ibayuhin ang pagsasaka upang tumaas ang
produksyon.
Pambansa
- Ang
pambansa ay natatanging kinakatawan ng pambansang pagkilanlan ng isang lahi o
bansa.
Isyung Pambansa
1. K+12
-Kahit na pormal nang sinimulan ang K+12,
marami pa ring mga mamamayan- mapa magulang, guro, o estyudante man ang
diskumpyado samu’t saring reaksyon ang maririnig mula sa mga social-networking
sites, telebisyon, radio, at pahayagan simula nang una itong ipinahayag sa
publiko.
2. Ipinagbabawal na gamot
-May kinalaman sa suliranin sa
pamilya.
-Kung minsan ay impluwensiya rin ng
barkada.
-Nakakasagabal sa kaunlaran ng bansa.
-Maaaring maging dahilan ng mga
karumal-dumal na krimen.
-Noong 2006, ayon sa State Department
ng US, ang Pilipinas ay paraiso ng mga nagpupuslit ng droga.
3. Kahirapan
-Noong 2003, 24.7% o 1 sa 4 na
pamilyang Pilipino ang mahirap.
-Kaakibat nito ang suliranin ng
maraming Pilipino ang walang hanapbuhay.
-Noong 2003 pa rin, 5 milyon ang
child laborers at 1.5 milyon ang mga batang-lansangan. Tinataya itong tataas ng
6,395 kada taon.
4. Polusyon
-Zero Dissolved Oxygen sa mga ilog.
-Emotional Stress dahil sa malalakas
na ingay.
-Pagasira ng ozone layer.
5. Kalusugan
-Batay sa Philippine Statistical
yearbook noong 2003, ang ratio ay:
>1 ospital: 113,040 tao
>1 doktor: 24,417 tao
>1 nars: 22,309 tao
>1 dentista: 578,124 tao
>1 midwife: 722, 654
6. Seguridad at Katahimikan
-Mga teroristang grupo tulad ng
CPP-NPa, Abu Sayyaf, MNLF, MILF at BIFF.
-Mga kidnap-for-ransom gangs
-Maliliit na krimen kagaya ng
snatching. Theft at robbery.
-Mga karumal-dumal na krimen kagaya
ng rape, murder, physical injuries.
-Ayon sa programang Reporter’s
Notebook, may 1 krimen ang nagaganap sa bawat 7 minuto. Katumbas ito ng 200
krimen araw-araw.
-Ang ratio ng pulis sa mga tao ay
100,000: 80 milyon 0 1 pulis sa bawat 800 na tao.
7. Pagkakautang ng Bansa
-Sa kasalukuyan naman ay umaabot sa
1.75 trilyon pesos ang kabuuang utang panlabas ng bansa.
-2.18 trilyon pesos naman ang
domestikong utang.
-Sa kabuuan aabot sa 3.6 trilyon
pesos ang utang ng Pilipinas.
8. Katiwalian at Pandaraya sa
Pamahalaan
-Panunuhol o bribary
-Pangingikil o extortion
-Paglustay o embezzlement
-Pagtanggap ng kickback
“Manggagawa”
(Jose Corazon de Jesus)
Bawat palo ng martilyo sa bakal mong pinapanday
Alipatong nagtilamsik, alitaptap sa karimlan;
Mga apoy ng pawis mong sa Bakal ay kumikinang
Tandang ikaw ang may gawa nitong buong
Santinakpan.
Nang tipakin mo ang bato ay natayo ang katedral
Nang pukpukin mo ang tanso ay umugong ang
batingaw,
Nang lutuin mo ang pilak ang salapi ay lumitaw,
Si puhunan ay gawa mo, kaya ngayon’y
nagyayabang.
Kung may ilaw na kumisap ay ilaw ng
iyong tadyang,
kung may gusaling naangat, tandang ikaw ang pumasan
Mula sa duyan ng bata ay kamao mo ang gumalaw
Hanggang hukay ay gawa mo ang krus na nakalagay.
Kaya ikaw ay marapat dakilain at
itanghal
Pagkat ikaw ang yumari nitong buong kabihasnan…..
Bawat patak ng pawis mo’y yumayari ka ng dangal,
Dinadala mo ang lahi sa luklukan ng tagumpay.
Mabuhay ka nang buhay na walang
wakas, walang hanggan,
at hihinto ang pag-ikot nitong mundo pag namatay.
”Ang Magsasaka”
(Julian Cruz Balmaceda)
Sa maghapong singkad ikaw’y nasa-linang
Sulong mo’y ararong batak ng kalabaw.
Di mo pinapansin ang lamig at ginaw,
Ang basal ng lupa’y mabungkal mo lamang.
Iyong isinabog ang binhi sa lupa
Na ikalulunas ng iyong dalita;
Tag-ani’y dumating sa dili-kawasa
Lahat ng hirap mo’y nabihis ng tuwa.
Anupa’t ang bawat butil
Ng bigas na naging kanin
Sa isip at diwa nami’y
May aral na itinanim.
Iya’y tunay na larawan
Ng lahat mong kapaguran
Bawat butil na masayang
Ay pintig ng iyong buhay.
Kaya nga’t sa aming puso’t dilidili,
Nakintal ang isang ginintuang sabi;
Sa lahat at bawat bayaning lalaki
Ikaw, magsasaka, ang lalong bayani.
No comments:
Post a Comment