I.
Direksyon: Piliin ang titik ng
sagot sa bawat bilang.
- May
prinsipyo si Daves, kaya nang mabalitaan niyang may tali sa ilong ang
kanyang kaibigan dahil sunud-sunuran sa lahat ng ipinag-uutos ng kanyang
hepe, pinangaralan niya ito.
- nasa
ilalim ng kapangyarihan
- di
makahalata
- kulang
ang pagkalalake
- walang
iisang salita
- Ang
lihim na kanyang iniingatan ay nabunyag dahil siya ay nahuli sa
kanyang sariling bibig.
- tsismosa
- sa
sariling bibig nagmula ang katotohanan
- pagiging
totoo
- di
marunong magsinungaling
- Talagang
sakit ng ulo ang pag-aasawa nang wala sa panahon.
- masasakitin
ang ulo
- di
nag-iisip
- malaking
suliranin o alalahanin
- mahirap
isipin
- Ang
taong may krus sa dibdib ay pinagpapala ng Diyos.
- maunawain
- mapagmahal
- maka-Diyos
- mapagpatawad
- Pagdaan
ng mga taon, saka mo pa lamang makikita na may pileges ang noo mo.
- nagiging
batang muli
- nagiging
isip-bata
- maraming
problema
- matanda
na
- Paano
ko maiintindihan ang kanyang ulat, e boses-ipis siya.
- mahina
ang boses
- di
makarinig
- di
marinig magsalita
- a
at c
- Galit
ako sa mga istudyante parang kampana ang bibig sa loob ng klase.
- tulad
ng tunog ng kampana ang boses
- mukhang
kampana
- malakas
ang boses
- malaki
ang bukas ng bibig kung magsalita
- Bukod
sa pagtuturo, nais ibuhos ni Miguel ang isip sa pagguhit.
- ituon
ang isip
- ubusin
ang panahon
- mag-isip
nang mag-isip
- maging
malikhain
- Kaya
matumal ang paninda mo ay isang bakol ang mukha mo. Ngumiti ka naman.
- nakakunot
ang noo
- nakangiwi
- malungkot
- nakasimangot
- Lumuha ka
man ng bato, di na maibabalik ang buhay ng iyong ama.
- matinding
panangis
- di
makaiyak o makaluha
- di
matinag
- wala
ng pakiramdam
Direksyon: Basahin at unawain ang tula. Sagutin ang mga tanong.
Hapunan
Nagdiriwang sa hapag 1
ang tatlong payat na tinapa;
tinatanuran ng nilagang kamatis
na binudburan ng maghapong pagtitiis
sa ilalim ng matinding sikat ng araw.
Iniingatang may lumusot na butil
ng pawis sa awang ng mesang kawayan;
biyaya itong hulog ng langit
kaya’t dapat pag-ingatan.
Hati ang mag-asawa 2
sa nakahaing tinapa.
Salit-salitan
sa sawsawang nilapirot sa asin.
Bumukal ang maliliit na butil ng pawis 3
sa noo ng mag-asawang pagal
sa pagbubungkal ng lupa.
Tahimik na tahimik 4
sa harap ng hapunang pambihira.
- Anong
larawang-diwa ang ipinakita ng tula?
- pagsasama
ng mag-asawa
- kahirapan
ng buhay
- payak
na buhay sa bukid
- pagtitipid
ng mga magsasaka
- Iniingatang may lumusot na butil ng
pawis sa awang ng mesang kawayan. Ang butil ng pawis ay
nangangahulugan ng/na _________________.
- pagtiisan
ang anumang pagkaing nasa hapag.
- pagpapahalaga
sa pagkaing nasa hapag dahil ito ay kanilang pinaghirapan.
- pagiging
kuntento sa kung anong mayroon.
- pasasalamat
sa biyayang tinanggap.
- Anong
saknong ang nagpapahayag ng positibong pananaw.
- 1
- 2
- 3
- 4
- Alin
sa mga saknong ng binasang tula ang nagpapahiwatig ng pagkakaroon ng
pag-asa ng mag-asawa?
- 1
- 2
- 3
- 4
Direksyon: Basahin ang
sanaysay. Sagutin ang mga tanong.
Itanghal
nga natin ang nasyonalismong Pilipino.
Itambal ang diwang malaya, ang sipag sa paggawa at taimtim na pagmamahal
sa mga likas at pinaunlad na pamana ng ating mga ninuno. Pagyamanin at pagmalasakitan silang
palagi. At huwag limutin na sila ang
susing ginto sa tunay na kalayaan at katubusan ng Pilipinas.
Ating
tandaan, na sa sandaling ang Pilipinismo’y maging kalangkap ng ating buhay na
pang-araw-araw, sa ating mga basar, groseri at pamilihan ay mamumutiktik na ang
mga produktong Pilipino at sila ang magiging gamit sa bahay-bahay; hindi na ang
mga made in USA, made in Japan at made in Germany. At mangyari pa, mawawala na ang mga
sawimpalad na kababayang namumulot sa mga basurahan upang makatawid sa gutom.
MATUTUHAN
LAMANG NG PILIPINO NA SIYA’Y MAGPAKA-PILIPINO.
-
Pilipinismo: Susi ng Bayang Tagumpay
ni Amado V. Hernandez
- Ano ang paksa ng binasang sanaysay?
- Pagtangkilik sa mga produktong Pilipino
- Pagmamalasakit sa pamana ng mga ninuno
- Pagtulong sa mga sawimpalad na Pilipino
- Pagiging makabayan
- Batay sa binasang sanaysay, ano ang
masasabing kalagayan ng lipunang Pilipino?
- Pinagmamalasakitan ang mga ninuno na nakipaglaban
upang makamit ang kalayaan ng Pilipinas
- Higit na pagtangkilik sa mga produktong
banyaga kaysa mga produktong Pilipino
- Pagkakaroon ng mahihirap na Pilipino na
namumulot sa mga basurahan
- Maraming Pilipino ang nagnanais na
makapangibang-bansa
- Ipinaliwanag ng sanaysay na kung ang
Pilipinismo’y magiging kalangkap ng pang-araw-araw na buhay ng mga
Pilipino, ______________________.
- dadami ang mga produkto gawa ng mga
Pilipino.
- mababawasan ang mga Pilipinong kumakalam
ang sikmura.
- hindi na aangkat ng mga banyagang
produkto sa ibang bansa.
- higit na makakamit ang pag-unlad sa buhay
ng bawat Pilipino.
- Ano ang itinuturo ng binasang sanaysay?
- Pagtatanghal ng nasyonalismong
Pilipino.
- Itambal ang diwang malaya, ang sipag sa
paggawa at taimtim na pagmamahal sa mga likas at pinaunlad na pamana ng
ating mga ninuno.
- Pagyamanin at pagmalasakitang palagi
silang susing ginto sa tunay na kalayaan at katubusan ng Pilipinas.
- Mawawala na ang mga sawimpalad na
kababayang namumulot sa mga basurahan upang makatawid sa gutom.
Direksyon: Basahin ang
bahagi ng kuwento. Sagutin ang mga
tanong.
Kay Ama niya inihabilin ang
paglilibing sa kanya. Dito sa Maynila,
sinabi na naman niya. Mag-iisa akong
malilibing dito, Tiyo Julio, ngunit gusto kong dito malibing.
“Magdasal ka,” payo ni Ama, “iyang
hinanakit mo’y kalimutan mo na. Masama
iyang babaunin mo pa ang mga iyan.”
“Mahirap makalimutan, Tiyo
Julio. Natatandaan ba ninyo noon, noong
maliit ako? Noong hindi ko matagpuan ang
libing ni Ama’t Ina? Wala akong
mauuwian doon, Tiyo Julio. Mag-iisa rin
ako.”
Tumungo ang maputing ulo ni Ama;
pati siya’y ibig na ring maluha sa sinasabi ni Layo.
“Walang hindi umuuwi sa kanyang bayan. Mayroon nga riyan, namamatay sa Amerika,
pagkatapos manirahan doon nang kay tagal, ngunit ang huling kahilingan ay ang
malibing dito sa atin.”
“Maganda ang sinabi ninyo, Tiyo
Julio.”
“Wala ngang hindi umuuwi sa atin, sa
kanyang bayan, Layo. Ikaw man ay uuwi
rin.”
Lahat ay umuuwi sa kanyang bayan,
ibig ko ring sabihin kay Layo. Maaaring
narito ka, ngunit ang iyong kaluluwa ay naglalakbay na pabalik doon. Maaaring naging mapait ang kabataan mo roon,
ngunit huwag mong sabihing ikaw ay di babalik.
Ngayo’y hindi siya nakatingin sa
akin, ni kay Ama, ni kay Ising.
Nakatingin siya sa kisame.
Nakaangat ang kanyang baba at tila mga mata ng isang bulag ang kanyang
mga mata. Alam kong naglalakbay ang
kanyang diwa: marahil, nalalaman ko kung saan naglalakbay iyon.
Gusto kong isipin na ngayo’y
naglalakbay ang kaluluwa ni Layo patungo sa aming bayan; gusto kong isipin na
ngayo’y tila mga tuyong dahon nang malalaglag ang kanyang hinanakit: gusto kong
isipin na sa paglalakbay ng kanyang kaluluwa, sa paglalakbay na iyong pabalik,
ay nakatatagpo siya ng kapayapaan…
Nalagay sa mga pahayagan ang pagkamatay
ni Layo.
Ang sabi sa pahayagan ay ilalagak
daw ang kanyang bangkay sa San Roque.
Ang kabaong ni Layo ay isinakay sa
isang itim na kotse.
Mula sa Maynila, naglakbay iyon sa
mga bayan-bayan.
Tumitigil iyon sa mga
bahay-pamahalaan. Nanaog ang nakaunipormeng
tsuper at ipinagbigay-alam ang pagdaraan.
Hapon na nang dumating iyon sa San
Roque.
Sa San Roque, marami ang naghihintay
na makikipaglibing kay Layo.
Naghihintay rin sa kanya ang lupa ng
sariling bayan.
-
Sa Lupa ng Sariling Bayan
ni Rogelio R. Sikat
- Ano
ang maituturing na kasukdulan ng kuwentong binasa?
- Pagsasabi
ni Tiyo Julio na ang lahat umuuwi sa sariling bayan
- Pag-uuwi
ng bangkay ni Layo sa San Roque
- Paghahabilin
ni Layo na ilibing siya sa Maynila
- Pagkikipaglibing
ng mga taga-San Roque kay Layo
- Ang
suliranin ng kuwento ay binigyang-solusyon sa pamamagitan ng
________________________.
- pagpanaw
ni Layo dahil sa kanyang karamdaman.
- pangangaral
ni Tiyo Julio
- pag-uuwi
ng bangkay ni Layo sa San Roque, ang kanyang sariling bayan
- paglalathala
sa pahayagan ng ukol sa pagpanaw ni Layo
- Ano ang
ibig ipakahulugan ng wakas na ito: Naghihintay
rin sa kanya ang lupa ng sariling bayan?
- Lahat ay
umuuwi sa kanyang bayan.
- Tanggap
pa rin siya ng mga taga-San Roque.
- Pagkakaroon
ng lubos na kapayapaan.
- Pagkawala
ng hinanakit ni Layo sa San Roque.
22. Mahirap makalimutan,
Tiyo Julio. Natatandaan ba ninyo noon, noong
maliit ako? Noong hindi ko
matagpuan ang libing ni Ama’t Ina? Wala
akong mauuwian doon,
Tiyo Julio. Mag-iisa rin ako. Anong damdamin
ang mababakas kay Layo sa mga pahayag niyang ito?
a. hinanakit
b. kalungkutan
c. pangungulila sa mga magulang
d. pagtatampo
23. Anong katotohanan ng buhay ang mababakas sa binasang kuwento?
a.
Ang mga sugat ay napaghihilom ng
panahon.
b.
Ang pakikiramay ay bahagi ng
pakikipagkapwa.
c.
Lahat ay naghahangad ng isang maayos
na libing.
d.
Walang hindi umuuwi sa sariling
bayan.
Direksyon: Basahin ang
kuwento. Sagutin ang mga tanong.
Opener ako kinabukasan. Mas gusto kong maging opener, kakaunti lang kasi ang kumakain. Karamihan mga nag-oopisina at lagi pang take out. Lagi silang mga nagmamadali. Kapag konti ang kumain, konti ang aking
lilinisin.
Pero sa
kawnter ako napunta. Kahit takot akong
humawak ng pera, kailangan kong matutunan ang lahat ng bahagi ng
operasyon. Ingat na ingat ako sa
pagsusukli dahil kapag nagkulang ang aking benta, kaltas sa sahod ko.
Habang
napupuno ng pera ang lalagyan ng benta at wala namang bumibili, inisip ko ang
una kong sasahurin. Mamaya, pag-out ko, tiyak na may laman na ang ATM
ko.
“Siguro konti
para sa mga delata’t sabong panligo at panlaba, bayad kay Nanay at ‘yung
matitira, baon at pamasahe ko,” pagkukwenta ko.
Pagkatapos ng
anim na oras, ini-remit ko ang benta
kay Ma’am Sarri. Naglog-out ako at kumain.
Minadali ko ang pagkain. Sabik na
‘kong makuha ang aking sahod.
Pinuntahan ko
ang bangkong tumatanggap ng ATM ko.
Pumasok ako at ipinasok sa machine
ang kard at agad kong pinindot ang PIN na galing sa pangalan ni Nanay. Habang hinihintay ko ang lalabas sa screen, may pumasok. Sa tunog ng kanyang sapatos sa sahig, at sa
suot niyang long-sleeve at kurbata,
halatang nag-oopisina siya. May dalawng
machine sa loob. ‘Yung isa ang ginamit
niya. Tumunog ang machine na gamit ko.
“Pambihira!
Wala pa!” dinig ko sa mamang de-opisina.
Naisip ko,
nagiging mabangis pala ang tao kapag nade-delay
ang sahod. Siguro, tulad ko, malaki rin
ang pangangailangan niya. May utang din
siyang dapat bayaran.
Gusto kong
pagsisipain ang machine dahil wala pa
rin ang sahod ko. Lumabas na ako’t
sumakay na dyip papuntang Quiapo na dadaan sa eskwelahang pinapasukan ko.
Pagkatapos ng
klase ko, pumunta uli ako sa bangkong pinuntahan ko kanina. Ipinasok ko ang ATM kard ko at pinindot ang
PIN. Parang nag-iisip ang machine.
At ilang sandali pa, namilog ang aking mata sa aking nakita.
“Sa wakas!”
Nanginginig
kong kinuha ang dadaaning sahod ko. Kay
sarap tanggapin ang perang pinagpaguran.
Di ko na binilang dahil alam kong di ito maaaring magkulang. Matatalino ang mga machine na
‘to. Maggo-groseri ako. Pero di pa ‘ko nakakalayo sa bangko, ay may
biglang umakbay sa akin.
“Akina! Bilisan mo!” ang mahina ngunit madiin niyang
iniutos sa akin.
Mahigpit ang
pagkakaakbay niya sa ‘kin. Iginawi niya
ako sa madalim na lugar palihis ng Taft Avenue.
At saka niya ako tinutukan ng patalim.
Di na ‘ko nakapalag.
‘Nung
ibinibigay ko ang unang sahod ko, parang ibinibigay kong buung-buo ang sarili
ko. Habang papalayo ang holdaper lubusan
ko siyang nakilala. Siya ‘yung pumasok
kanina sa loob, ‘yung mukhang de-opisina.
Kasabay kong
lumuha ng dilim ang buwan. Nagdidilim
ang isip ko. Gusto kong biglang mawala
na lang.
Sa pag-uwi ko,
naalala ko si Nanay. Di ko pa siya
mababayaran ngayon. At kailangan ko
uling magkaroon ng dagdag na lakas ng loob upang muling mangutang.
-
McDonaldisasyon
- Alin sa
sumusunod na pangyayari ang kasukdulan ng kuwentong binasa?
- Nang
ibinibigay niya sa holdaper ang kanyang unang sahod.
- Nang
makuha na niya ang pinakaaasam na sahod na ATM.
- Nang
umuwi na siya at maalala ang kanyang Nanay.
- Nang may
umakbay sa kanyang holdaper at igawi siya sa madilim na lugar.
- Sa pag-uwi
ko, naalala ko si Nanay. Di ko pa
siya mababayaran ngayon. At kailangan
ko uling magkaroon ng dagdag na lakas ng loob upang muling mangutang. Ano ang tawag sa bahaging ito ng kuwento
kung saan binibigyang solusyon ang suliranin?
- wakas
- kasukdulan
- kakalasan
- suluranin
- Ano ang
ipinahihiwatig ng wakas ng kuwento?
- May mga
taong maaaring mautangan sa oras ng kagipitan.
- Patuloy
na pagkakaroon ng pag-asa sa buhay
- Anuman
ang suliraning maranasan, tuloy pa rin ang buhay.
- Walang magulang ang makatitiis sa
kanyang anak.
- Kasabay
kong lumuha ng dilim ang buwan. Nagdidilim ang isip ko. Gusto kong biglang mawala na lang.
Anong damdamin ang mababakas sa pangunahing tauhan sa bahaging ito
ng kuwento?
- matinding
kabiguan
- panghihinayang
- paghahanap
ng katarungan
- kawalan
ng pag-asa
- Anong
katotohanan ng buhay ang mababakas sa binasang kuwento?
- May mga
pagsubok sa buhay na kailangang harapin.
- Di
nakakamit ng mahihirap ang katarungan.
- May mga
taong kumakapit sa patalim kapag nagigipit.
- Talamak
ang karahasan sa isang lipunang dumaranas ng kahirapan.
Nang makitang walang-kibo ang
maysakit, nabuhos ang loob ni Padre Florentino sa isang suliranin at
naibulong: “Nasaan ang kabataang dapat mag-alay ng kaniyang kasariwaan, ng
kaniyang mga panaginip at sigasig ukol sa kabutihan ng kaniyang Inang
Bayan? Nasaan siya na dapat kusang-loob
na magbuhos ng kaniyang dugo upang mahugasan ang nakaparaming kahihiyan, ang
napakaraming pagkakasala, ang napakaraming kasuklam-suklam? Dalisay at walang batik dapat ang alay upang
tanggapin ang paghahandog!...Nasaan kayo, mga kabataan, na magsasakatauhan sa
sigla ng buhay na tumakas sa aming mga ugat, sa kadalisayan ng pag-iisip na
nabulok sa aming mga utak, sa apoy ng sigasig na napugto sa aming mga
puso? Hinihintay namin kayo, O mga kabataan!
Halikayo, sapagkat hinihintay namin kayo!”
At dahil naramdaman niyang namamasa
ang kaniyang mga mata, binitawan niya ang kamay ng maysakit, tumindig,
at lumapit sa bintana upang masdan ang malawak na karagatan.
-
El Filibusterismo
Jose Rizal
Salin ni Virgilio S. Almario
- Sino
ang sinisimbolo ni Padre Florentino sa kasalukuyang panahon?
- mga
gurong nagtuturo ng kasaysayan
- matandang
nawawalan ng pag-asa
- pangulo
ng Pilipinas
- mga
Pilipinong hangad ay pagbabago
- Ang
maysakit sa binasang bahagi ng El Filibusterismo ay sumisimbolo sa
____________________.
- mga
Pilipinong nawalan ng pag-asa.
- sakit
ng lipunang Pilipino.
- bigong
paghihimagsik ng mga bayani
- mga
Pilipinong nagbuwis ng buhay
- Alin
sa sumusunod na teorya ang mababakas sa binasang bahagi ng El
Filibusterismo?
- Humanismo
- Eksistensyalismo
- Realismo
- Romantesismo
Direksyon: Tukuyin ang
simbolo ng lupa sa sumusunod na saknong ng tula.
Di
na ako yaoang basal na bahagi ng daigdig,
Kundi lupang
nalinang na ng kalabaw at ng bisig;
Ang datihang
pagka-gubat ay hinawan at nalinis.
-
Lope K. Santos, Ako’y si Bukid
- Ang
lupa sa tula ay sumisimbolo sa _______________.
- kabataan
- kasaganaan
- kabuhayan
- bayan
Aling pag-ibig
pa ang hihigit kaya
Sa
pagkadalisay at pagdakila
Gaya ng
pag-ibig sa tinubuang lupa?
Aling pag-ibig
pa? Wala na nga, wala.
- Andres Bonifacio, Pag-ibig sa Tinubuang Lupa
- Ang
lupa sa tula ay sumisimbolo sa _______________.
- kabataan
- kasaganaan
- kabuhayan
- bayan
Nakayapak, mahilig tayong tumahal sa lupa.
Lupang mahalumigmig, malambot, marangay.
-
Lamberto E. Antonio, Lupa
- Ang
lupa sa tula ay sumisimbolo sa _______________.
- kabataan
- kasaganaan
- kabuhayan
- bayan
- Noong
sumiklab ang Ikalawang Digmaang
Pandaigdig, sumapi si Ka Amado sa mga gerilya bilang Intelligence
Officer. Pagkatapos ng giyera,
nagsimula ang kanyang pagkilos bilang lider-manggagawa.
Anong uri ng panandang diskurso ang
mga nakahilig na salita?
- komparison
at kontras
- enumerasyon
- order o
pagkakasunud-sunod
- sanhi at
bunga
- Di na
naituturo nang maayos ang mga asignaturang tulad ng Araling Panlipunan ay
babawasan pa ang oras ng pagtuturo nito.
Kung kaya di nakapagtataka na ang mga istudyante ay nagiging
pasibo sa mga usapin sa eskwela at sa lipunan.
Anong uri ng panandang diskurso ang mga nakahilig na salita?
- komparison
at kontras
- enumerasyon
- order o
pagkakasunud-sunod
- sanhi at
bunga
Direksyon: Basahin ang
sumusunod na talata. Tukuyin kung anong
uri ng teksto ang mga ito.
Nagkaroon ako ng pasyenteng bata na ang amoy ng sipon ang
inirereklamo ng ina. Ayon sa ina, mabaho
raw ang sipon ng bata (hindi mabaho ang karaniwang sipon). Nang sinilip ko ang loob ng butas ng ilong,
nakita ko ang waring piraso ng tela na nakasuksok doon. Malalim na ang pagkakabaon nito sa loob ng ilong. Nang makuha ko ito, nagulat ako na foam pala
ito ng sifa na unti-unting ipinasok ng bata sa loob ng ilong hanggang sa mapipi
ito doon.
-
Luis P.
Gatmaitan, MD
- Ang talata
ay isang uri ng tekstong ____________.
- descriptiv
- informativ
- narativ
- informativ
Ang kompyuter ay produkto ng makabagong teknolohiya. Ito ay isang elektronikong kasangkapan na
ginagamitan ng kuryente. Binubuo ito ng
tatlong mahahalagang bahagi: monitor, keyboard, at CPU (central processing
unit). Tumutulong ito sa tao upang
mapadali ang pagmamanipula ng mga datos.
-
Ligaya Tiamson
Rubin
- Ang talata
ay isang uri ng tekstong ____________.
- descriptiv
- informativ
- narativ
- informativ
Taong 2001, bigla na lamang naglaho si Danny
at walang makapagsabi kung saan siya naroon.
Hinanap siya ng mga kamag-anak at kakilala. Buong Mindanao ay hinagilap siya subalit
walang balitang nakalap tungkol sa kanya.
Hanggang isang araw, may isang taong sumulpot at ibinalitang
nakakulong si Danny sa Malaysia dahil sa salang pagpupuslit ng tao patungong
Sabah.
- Ang talata
ay isang uri ng tekstong ___________.
- descriptiv
- informativ
- narativ
- informativ
- Isang
tuntunin o kautusang kinikilala at pinagtibay ng karanasan at nauugnay
lalung-lalo na sa mga bagay at kapakanang maaaring mangyari o may kahalagahan
sa buhay. Nagsilbing batas at
tuntunin ng kagandahang-asal ng mga tao.
- salawikain
- kawikaan
- kasabihan
- lahat ito
- Alin sa
sumusunod ang mali?
- buk-san
- kop-ya
- to-kwa
- kap-re
- Alin sa
sumusunod ang tama?
- sob-re
- ek-spe-ri-men-to
- trans-krips-yon
- ek-sklu-si-bo
- Ang yosi,
boylet, jologs ay mga halimbawa ng anong kategorya ng wika?
- literari
- kolokyal
- lalawiganin
- balbal
- Ito ay
itinuturing na mahalagang ambag sa palatunugang Filipino. Ang tunog na ito ay maaaring nasa
unahan, gitna at hulihang posisyon.
- Ñ
- NG
- C
- F
- Alin sa
sumusunod ang mali?
- Ang
alpabetong Filipino ay binubuo ng 28 letra.
- Sa 28
letra ng alpabeto, 20 letra ang nasa dating ABAKADA.
- 8 letra
ang dagdag sa alpabetong Filipino.
- Ang lahat
ng letra sa alpabetong Filipino ay binibigkas nang pa-Ingles.
- Ito ay mga
salitang may pekulyaridad at sa isang lalawigan lamang naririnig.
- kolokyal
- literari
- balbal
- lalawiganin
- Filipino
ang ating pambansang lingua franca
- ginagamit
mong wika sa klase
- ginagamit
mong wika sa pakikipag-usap sa mga piling tao
- wikang
komon na ginagamit ng dalawang taong nag-uusap na magkaiba ang katutubong
wika
- wika sa
pang-araw-araw na buhay
- Kinikilala
ng Estado bilang pundasyon ng isang matatag na bansa.
- Wikang
Pambansa
- Pamilya
- Edukasyon
- Mag-asawa
- Romantikong
kuwento ng pag-ibig at digmaan ng mga Ifugao na inaawit ng kababaihan.
- Aliguyon
- Hudhud
- Ulpi
- Mumbaki
- Alinsunod
sa tadhana ng batas at sang-ayon sa nararapat sa maaaring ipasya ng
Kongreso, dapat magsagawa ng mga hakbangin ang ___________ upang ibunsod
at puspusang itaguyod ang paggamit ng Filipino.
- akademya
- lipunan
- pamahalaan
- mamamayan
- Ito ay
isang uri ng tekstong naglalarawan ng isang biswal na konsepto tungkol sa
tao, bagay, pook, o pangyayari.
Maaaring nagbibigay rin ito ng mas malalim na paglalarawan sa
kabuuan ng bagay o ng isang pangyayari.
- informativ
- deskriptiv
- narativ
- argumentativ
- Ang isang
teksto ay ____________ kung ito ay naglalahad lamang ng isang mahalagang
pagkukuro, paniniwala o pananaw. Di
ito humihikayat sa mambabasa upang tanggapin ang mga patotoo ukol sa isang
pananaw.
- informativ
- deskriptiv
- narativ
- argumentativ
- _____________
ang teksto kung nagtataglay ito ng mahahalaga at tiyak na impormasyon
tungkol sa mga tao, bagay, lugar at pangyayari.
- informativ
- deskriptiv
- narativ
- argumentativ
- Hindi,
makakapunta si Lee sa ating pulong mamaya.
- di
makakapunta si Lee sa pulong
- makakapunta
si Lee sa pulong
- di
siguradong darating si Lee
- nakapunta
na si Lee sa pulong
- Pagsunud-sunurin
ang sumusunod ayon sa tuntunin sa paghihiram.
1.
Bigkasin sa orihinal na anyo ang
hiniram na salita mula sa Kastila, Ingles at iba pang wikang banyaga, at saka
baybayin sa Filipino.
2.
Gamitin ang kasalukuyang leksikon ng
Filipino bilang panumbas sa mga salitang banyaga.
3.
Kumuha ng mga salita mula sa iba’t
ibang katutubong wika sa bansa.
- 1,2,3
- 2,3,1
- 3,1,2
- 3,2,1
No comments:
Post a Comment