Patayutay na Pananalita ((Figurative Word or Phrase)
- Isang salita o parirala na ang kahulugan
ay ipinahihiwatig ng salita o ilan sa mga salita sa parirala.
- Nasisinag ang kontekstuwal na kahulugan sa
mga salitang ginagamit.
Halimbawa:
magulo pa sa sangkuwaltang abaka – masalimuot, napakagulo,
nakalilito, walang-walang kaayusan
abo ang utak – walang pang-intindi, bobo, tanga, mahina ang ulo
anay – lihim na kaaway
anak sa labas – anak sa di tunay na asawa, anak sa ibang babae
parang iniihan ng aso – di mapakali, di mapalagay, balisa
buhol-babae – mahina o madaling makalas ang pagkakatali, di
matatag/matibay
agawin ang buhay – iligtas ang buhay sa kamatayan
mag-alsa ng boses – sumigaw (sa galit), magtaas ng tinig
mabigat ang katawan – masama ang pakiramdam o di maganda ang
pakiramdam, tamad
Eupemistikong Pananalita
(Euphemistic Expression)
- Pananalitang ipinapalit sa mga salita o
pariralang kapag ipinahayag sa tuwirang kahulugan ay nagdudulot ng
pagkalungkot o pagdaramdam, pagkarimarim, pagkalagim o ibang di
kanais-nais na damdamin sa pinagsasabihan o nakakarinig.
- Ginagawa ang ganitong pagpapalit upang
maging kaaya-aya sa pandinig ang pahayag at nang maiwasan ang makasugat ng
damdamin ng iba.
- Madalas na ginagamit ang mga eupemistikong
pananalita sa mga pahayg kaugnay ng kamatayan, maseselang bahagi ng
katawan ng tao at sa malalaswang gawain.
Halimbawa:
Eupemistikong Pananalita Kahulugan
sumakabilang buhay
o binawian ng buhay namatay
No comments:
Post a Comment