Ang mga wikang Bisaya, ayon sa larangan ng dalubwikaan,
ay kasapi ng pamilyang Gitnang Pilipino ng mga wika kung saan kabilang din ang
Tagalog at Bikol. Karamihan sa mga wikang Bisaya ay ay sinasalita sa Kabisayaan
ngunit sinasalita rin sila sa Bikol (partikular sa Sorsogon at Masbate), sa mga
pulo sa timog ng Luzon tulad ng mga iyong mga bumubuo ng Romblon, sa hilaga at kanlurang
mga bahagi ng Mindanao, at sa lalawigan ng Sulu sa timog-kanluran ng Mindanao.
Ilan ding mga residente ng Kalakhang Maynila ang nagsasalita ng Bisaya, at ang
karamihan ay nakakaunawa sa iba’t ibang digri dulot ng pamamayani rito ng mga
Bisaya.
TULA, EPIKO AT KWENTO
NG MGA BISAYA
HALIMBAWA NG TULA:
"Sa kamingaw sa
kagabion""Pagkumot nimo sa lalum kong gugma""Ang hilas
nimong dagway"
HALIMBAWA NG EPIKO:
"Labaw
Donggon"HINILAWOD""Maragtas"
HALIMBAWA NG KWENTO:
" Ang Kataksilan ni
Sinogo"
Paano lumaganap ang panitikan ng
Bisaya?
Lumaganap ang panitikang bisaya sa
pamamagitan ng palikha ng mga tula, epiko at kwento na may kaugnayan sa
kanilang kultura, pamumuhay at lugar.
Sino ang kininalang Ama ng Panitikan
Bisayan?
Si Eriberto Gumban ay binigyan ng karangalang maging Ama
ng Panitikang Bisaya. Tubong Iloilo, nakasulat siya ng maraming moro-moro at
komedya sa wikang Bisaya. Ang kanyang mga moro-morong nasulat ay Ang Mutya Nga
Matin-ao (Ang Makinang na Alahas) Ang Yawa Nga Bulawan (Ang Dimonyong Ginto) at
Ang Salamin San Pamatan-on (Ang Salamin ng Kabataan). Ang kanyang mga komedya
ay Carmelina, Felipro at Clodones.
No comments:
Post a Comment