Search This Blog

April 14, 2022

TITSER Ni: Liwayway A. Arceo

Pamagat: Titser
Awtor: Liwayway A. Arceo
Uri ng Panitikan: Nobela, isang serye mula sa magasing Liwayway noong 1950's
Taon ng Paglalathala: 1995
Tema: Pakikialam ng ina sa pag-aasawa at propesyon ng anak, pag-iibigan ng dalawang  guro sa kabila ng kahirapan.


MGA TAUHAN:

·         Si Aling Rosa ay ang ina ni Amelita. Ang antagonista sa kuwento.

·         Si Amelita ay isang dalagang 'public school' titser, bunso sa lima na anak ni Aling Rosa. Umiibig kay Mauro. Nagpamalas ng kakaibang katapangan sa pagpapahayag ng ibang desisyon sa kabila ng ibang plano nanais ng ina para sa kanya. Ang protagonista sa kuwento.

·         Si Mang Ambo ang asawa ni Aling Rosa. Maunawain na ama ni Amelita na mas nakakaintindi kaysa sa kanyang ina.

·         Si Osmundo ay isang makisig na binata, nagmula sa isang mayaman at respitadong pamilya. Umiibig sya kay Amelita ngunit ayaw sa kanya ni Amelita dahil siya ay arogante at maka-mundo.

·         Si Mauro naman ay isa din 'public school' titser hindi man siya mayaman pero minamahal parin siya ni Amelita. Mabait, at may galang sa lahat ng tao. Siya ang inspirasyon ni Amelita noong naging guro niya ito para pasukin ang mundo ng pagtuturo. Si Mauro ay isang mabait na asawa at matulungin sa kapwa. Mas priyoridad niya ang kanyang pamilya kaysa ibang bagay. Protagonista sa kwento.

·         Rosalida (Lida) – Ang matalino at mapagmahal na anak nina Mauro at Amelita. Pinagmulan ng pangalan niya ang kanyang dalawang lola na sina Ida atRosa habang ang “L” naman ay hinuha kay Amelita.

·         Aling Idad – Ang ina ni Mauro na bukas loob na tinanggap si Amelita at itinuring para ring isang tunay na anak.

 

 

Ano ang teoryang humanismo?

 

            Ang pokus ng teoryang humanismo ay ang tao. Naniniwala ang mga humanista na ang tao ang sukatan ng lahat ng bagay kung kaya't mahalagang maipagkaloob sa kanya ang kalayaan sa pagpapahayag ng saloobin at kalayaan sa pagpapasya. Gaya ng ipinahahayag ni Protagoras, "Ang tao ang sentro ng daigdig, ang sukatan ng lahat ng bagay at ang panginoon ng kanyang kapalaran.

            Ninanais ng tao na sa kanyang pakikiraan sa daigdig na ito ay may bakas siyang maiiwan upang ang kanyang buhay ay magkaroon ng kabuluhan at malinaw na pagkilala sa isang di maikukubling kasaysayan.

            Katotohanan kaysa kagandahan ang mababakas sa teoryang ito. Kahit sino, ano mang bagay at lipunan ay dapat makatotohanan ang paglalarawan o paglalahad. Nagpapahayag din ito ng pagtanggap sa katotohanan o realidad.

 

SULIRANIN:

            Tutol ang ina ni Amelita na si Aling Rosa sa pag kuha ni Amelita ng kursong edukasyon at ayaw rin ni Aling Rosa kay Mauro dahil si Mauro ay isa lang daw na tagapagturo sa paaralan na kakaramput lang  ang isinisweldo at nais rin ipakasal ni Aling Rosa ang kanyang anak na si Amelita kay Osmundo.

 

BUOD:

Ang nobelang Titser ni Liwayway Arceo ay sumesentro sa buhay ng mag-asawang Amelita at Mauro na kapwa pinili ang propesyon ng pagtuturo. Nakapokus ang naratibo sa mariing di-pagsangayon ni Aling Rosa, ang ina ni Amelita, sa pagsasamahan ng dalawa. Sapagkat ang kanyang apat na anak ay nakapagtapos sa kolehiyo ng may "titulo," tutol si Aling Rosa sa pagkuha ng kursong edukasyon ng kanyang bunso, dala na rin ng kaisipang hindi titulong maituturing ang pagiging "titser", bukod pa sa kakarampot na sweldong nakukuha ng anak. Gayunpaman, nakahanap ng pag-asa si Aling Rosa sa katauhan ni Osmundo, isang binata mula sa pamilya ng mga haciendero na sumusuyo kay Amelita. Subalit nabigo muli si Aling Rosa sapagkat iba ang iniibig ng kanyang dalaga, at ito'y walang iba kung hindi si Mauro, isang ring guro sa pampublikong paaralan.


            Nang malaman na ipapakasal siya ni Aling Rosa sa binatang si Osmundo, agad na nagkipagisang dibdib si Amelita kay Mauro. Dahil sa pagkabigo, at dahil na rin sa poot sa bunsong anak, umalis si Aling Rosa sa probinsya at nagbakasyon sa mga anak na nasa Maynila. Bagamat doon ay hindi siya inaaasikaso ng mga anak, labis pa rin ang kanyang kaligayahan dahil sa asensong tinatamasa ng mga ito, at ikinakatwiran na lamang sa sarili na talagang abala ang mga taong mauunlad ang buhay. Samantala, sa probinsya, nagdesisyon rin ang binatang si Osmundo na umalis na sa nayon at magtungo sa Estados Unidos. Ngunit bago mangyari ito ay gumawa siya ng maitim na plano laban sa mga bagong kasal. Inutusan niya ang isa sa mga katiwala na patayin si Mauro. Subalit wala sa kaalaman ni Osmundo na hindi ito ginawa ng kanyang inutusan sapagkat ang anak nito ay minsan ring pinagmalasakitan ng gurong si Mauro. 


            Nasa ikapitong buwan pa lamang ng pagdadalantao si Amelita nang ipinanganak ang kanilang anak na si Rosalida. Dahil kulang sa buwan ang bata ay kailangan nitong manatili sa ospital. Nalaman ito ni Aling Rosa at agad na binisita ang anak, sa kabila ng hinanakit. Kahit ganito ang sitwasyon, hindi pa rin tumitigil ang ina ni Amelita sa pagsasaring ukol sa mahirap na pamumuhay ng mag-asawa. Ipinamumukha pa rin niya ang matinding pagtutol sa manugang na si Mauro. 


            Lumipas ang ilang taon. Lumaki si Rosalida na isang mabait at matalinong bata. Isang araw ay nagbalik si Osmundo sa probinsya, at nagkaroon ng malaking pagdiriwang para sa kanyang pagdating. Doon muling nagkatagpo sina Mauro at Osmundo, subalit kinalimutan na ng dalawa ang nakaraan. Taliwas naman dito ang nadaramang pangamba ni Amelita sa pagbabalik ng masugid na panliligaw. Nararamdaman nitong may plano itong masama laban sa kanyang pamilya. 


            Hindi pa rin nawawala ang pag-ibig ni Osmundo kay Amelita, kahit na may asawa't anak pa ito. Nagkaroon ng pagkakataong makilala niya si Rosalida, at naging magaan ang loob nito sa bata. Isang araw ay naisipang ipasyal ni Osmundo si Rosalida sa kanyang hasyenda. Wala ito sa kaalaman nina Mauro at Amelita, at labis na nag-alala ang mag-asawa. Buong akala nila'y si Rosalida ang paghihigantihan ni Osmundo ngunit di naglaon ay nagbalik rin ang bata, ipinagmamalaki pa ang kabaitang ginawa ni Osmundo. Di nagtagal, napagkuro na rin ni Osmundo na tuluyan ng tumira sa ibang bansa at kalimutan ang minamahal na si Amelita. 


            Nagkaroon ng malubhang karamdaman si Aling Rosa. Hinanap niya ang kanyang mga anak ngunit wala ni isa mang dumating maliban kay Amelita na matiyagang nag-asikaso sa kanya. Pawang gamot at padalang pera lamang ang ipinaabot ng apat na anak. At doon natauhan ang matanda sa kanyang pagkakamali. 


Pagsulat ng Ulo ng Balita

-Ito’y nangangailangan ng malawak na kaalaman, ng malawak ng bukabolaryo, at ng malawak na kaalaman  sa kahu-kahulugan ng mga salita.

May dalawang tuntunin:

1.      Kailangan iyon umaankop sa balita.

2.      Kailangan magsaad ng istorya o salaysay.

Layunin sa pagsulat ng ulo ng balita:

1.      Mailahad ang pinakabuod ng istorya sa ilang salita lamang.

2.      Magamit ang ulo sa pagpapaganda ng pahinang pangmukha, gayon din ng unang pahina ng iba’t ibang seksiyon ng pahayagan.

3.      Magamit ang ulo sa pagbibigay ng pagkakataon sa mambabasa na makapamili ng babasahing mga balita.

4.      Magamit ang ulo sa pagtingin ng mambabasa sa isang iglap lamang ng mga tampok na balita sa pahayagan.

5.      Matulungan ang pamatnubay-editorial staff- sa pagmarka ng balita ayon sa kahalagahan ng balita sa pamamagitan ng gagamiting laki at uri ng tipo.

Mga pangunahing hakbang sa pagsulat ng ulo ng balita:

1.      Basahin nang buong hinusay ang pamatnubay ng balita.

2.      Salungguhitan ang mga susing kaisipan o punong diwa ng pamatnubay.

3.      Sa pamamagitan ng ng mga susing kaisipan o punong diwang sinalungguhitan, isulat ng maikli, parang pangungusap na pantelegrama na nagsasaad ng pangyayari.

4.      Hatiin ang nasabing pangungusap sa bilang ng linyang kailangan sa ulo, batay sa kung ilang kolumna ang paglalagyan nito, at hatiin ito nang halos magkakasinghaba.

5.      Batay sa bilang ng kolumnang paglalagyan, kuwentahin ang kabuuang unit count ng mga karakter – titik, numero’t espasyo – sa bawat linya, at tingnan kung magkakasiya sa itinakdang kolumna. Kung hindi, palitan ang mahabang salita ng maikli, ngunit singkahulugan nito.

Yunit ng Espasyo

            Sinusukat ang espasyo paglalagyan ng ulo ng isang balita sa pamamagitan ng tinatawag na “unit-count”. 

1.      Lahat ng malaking karakter, maliban sa M,W na may dalawang yunit, ay may 1  and  yunit.

Hal: A,B,C,D,E,F,G,H,J,K,L,N,NG,N,O,P,Q,R,S,T,U,V,X,Y,Z.

2.      Lahat ng maliliit na karakter, maliban sa l, t at espasyo sa pagitan ngmga salita, na may kalahating (1/2) yunit, at maliban sa mga karakter na m,w na may 1 and ½ yunit,  gayon din ang mga numero maliban sa numero 1 na may bilang na ½ yunit ay may bilang na isang yunit.

Hal: a,b,c,d,e,f,g,h,g,k,n,o,p,q,r,s,u,v,x,y,z.

3.      Lahat nag ss ay may bilang na kalahaling ½ unit.

a.       Mga karakter na I,i l,t at espasyo sa pagitan ng mga salita

b.      Mga bantas na !,-(gitling) , ,;:.

c.       Numero una (1)

Laki ng Tipo

            Ang laki ng tipo o karakter ay sinusukat sa tinatawag na point, puntos. Ang karakter na may isang puntos ang laki ay katumbas 1/72 ng taas ng isang pulgada. Ang laki ng tipo ay karaniwang nagsisimula sa 4 na puntos (4/72) palaki hanggang sa 144 na puntos o dalawang pulgada ang taas.

 

Mga tuntunin sa pagsulat ng ulo:

1.      Gumamit ng mga pandiwang tahasan at masigla

2.      Maglagay ng sariwang impormasyon sa bawat ulo

3.      Gumamit ng kuwit sa halip ng pangatnig na at

4.      Gumamit ng mga pandiwang panghinaharap sa mga pangyayaring magaganap pa

5.      Gumamit ng isahang panipi sa halip ng dalawahang panipi

6.      Gumamit ng maikli ngunit positibong salita sa ulo ng balita

7.      Gumamit ng mga pandiwang pangkasalukuyan sa mga pangyayaring nakaraan na

8.      Ang huwanrang ulo ng balita ay kinakailangang makapaglahad ng mensahe sa pinakamadali at magaang paraan. Dahil dito’y kinakailangang di-masira ang kaisipan sa bawat linya.

“ANG TUNAY NA SAMPUNG UTOS” NI APOLINARIO MABINI

Sa unang utos ni Apolinario Mabini na pinamagatang “Ang Tunay na Sampung Utos” ay ipinapaalam niya sa mga tao na mahalin natin ang Diyos ng higit sa lahat at pahalagahan mo ang iyong sarili sa ano mang bagay sa mundo. Ang panginoon ang siya lamang nakakaalam sa lahat ng nangyayari sa sanlibutan at higit sa lahat ang katotohanan. Ang iyong malinis na hangarin at kalooban ang siyang maglalarawan na ikaw ay matapat, mabait at masipag.

Sa pangalawang niyang utos isinasaad niya dito na sambahin mo ang Diyos ng buong puso na walang pag-aalinlangan. Sa mga panahong gumagawa ka ng masama, nailalayo ka nito sa panginoon at sa mga mabubuti mong gawa ay parang kinakausap mo na rin ang Panginoon.

Sa ikatlong utos, huwag sayangin sa walang kabuluhang gawain ang mga magagandang katangian na ipinagkaloob sa atin ng Panginoon sa halip ito’y mas lalo pang linangin at gamitin sa mabuting gawain upang matamo at nang maranasan ang kapayapaan at kadalisayan sa ating buhay. Sa malinis na pagkatao at mabubuting pag-uugali mo, napapasaya mo ang Panginoon.

Pang-apat, ibigin mo ang iyong bayang kinagisnan, gaya ng pagmamahal mo sa Diyos at pagpapahalaga sa iyong sarili. Sapagkat ang iyong tinubuang bayan lamang ang tanging biyaya o kaloob ng Diyos na maaaring ipinamana ng ating mga ninuno na magbigay sa atin ng magandang kinabukasan. Itong lupa na iyong kinagisnan ay magpapadama sa iyo ng tunay na ligaya, pag-asa at higit sa lahat sa mga gusto mong gawin.

Sa ikalimang utos ni Apolinario Mabini na dapat pagsumikapang mabuti na ipagtanggol ang bayan bago ang sarili, dapat gawin ang lahat upang mabalik ang kaginhawaan sa bayan sapagkat ang bayang walang problema ay maaasam ang kaligayahan. Kapag masaya o malaya ang bayan, ang nakatira rin dito ay may kalayaan sa buhay.

Ang ikaanim na utos, ay pagsikapin mo kung ano man ang mithiin mo sa iyong sarili at sa iyong bayan sapagkat ikaw lamang ang may katungkulan na magmalasakit para sa ikauunlad at ikagiginhawa nito.

Ikapitong utos, ay huwag mong isipin na mas makapangyarihan ang mga taong may mataas na posisyon sa lipunan na may masamang hangarin dahil ang Panginoon lamang ang may taglay at tunay na may kapangyarihan.

Ang ikawalong utos, ay mas mabuting makapagtatag ng isang Republika sapagkat may kalayaan kang gawin ang lahat, walang magkokontrol dahil nakatira ka sa demokrasyang bansa. Huwag natin hayaang magkaroon ng isang kaharian ang ating bayan upang walang sinuman ang magkokontrol sa atin at walang mapagmataas, para ang lahat ay pantay-pantay sa paningin ng lahat.

Ang ika-siyam na utos ay mahalin mo ang iyong sarili katulad ng pagmamahal mo sa kapwa. Dapat huwag kang gumawa ng masama sa ibang tao kung ayaw mong gawin ito sayo.

 

At ang pangsampung utos, pahalagahan mo ang iyong kapwa ituring siyang isang kaibigan, kapatid sapagkat siya ang kasama mo sa hirap at ginhawa, sa lungkot at ligaya. Kasangga sa lahat ng problemang dumating sa buhay.

Ang Lumang Simbahan ni Florentino T. Collantes (Basang Suri)

 Si Florentino Tansioco Collantes ay kilala  sa tawag na ”kuntil-butil”, siya ay isa sa mga magagaling namanunulat at makatang Pilipino,  sa murang gulang palamang nito ay nakapag ambag na ito ng mga akdang pampanitkan at nagging pangunahing katungali ni Jose Corazon de Jesus sa larangan ng balagtasan. Ginamit niya ang tula sa mga political na kritisiso noong panahon ng Amerikano.

                                Ang akdang “Ang Lumang Simbahan” ay sinulat sa anyong tulang pasalaysay ito ay nag lalaman ng bakas ng kolonyalismo sa ating bansa mababasa rin nating sa akda ang impluwensyang naiwan ng mga banyaga na kalaunan ay naging parte nan g pamumuhay ng mga Pilipino.
                              Layunin ng akdang ito ang ipahayag sa bawat Pilipino na tayo ay wagas kung mag mahal at likas na mapag dasal. Mababasa rin natin sa akdang ito ang mga ang mga palatandaan ng mga imlpuwensyang ating nakuha sa mga dayuhang mananakop.
 Tema: Ang tulang Ang Lumang Simban ay pumapaksa sa pag ibig at katatakutan.
Mga tauhan:
                       Ang mag kasintahan
                           -   ( Ang Dalaga) Anak mayaman ngunit tapat ang pag sinta sa mag sasakang binata.
                           - (Ang Binata) Isang mahira na mag sasaka.
                        Ang matandang nag mumulto
                            - Ito ay nag susuot ng puti at may apoy sa bibig na kung saan umano sa gabi lamang namamalas
                         Mga tao sa bayan
-Takot na takot at pinangingilagan ang lumang simbahan.
Tagpuan/Panahon:
Sa lumang abandonadong simbahan sa isang maliit na bayan na balot na ng lumot ng kapanahonan. Na kung saan pinangingilagan at kinakatakotan ng lahat ng tao sa naturang bayan dahilan sa di umanoy may nagmomultong matanda.
Mga kaisipan/ideyang taglay ng akda:
Ang akdang ito ay nag tataglay ng mga kaisipang hango sa mga totong pang yayari sa tunay na buhay.  Kung saan itinalakay ng may akda ang katatagan ng dalawang mag kasintahan na ipag laban ang kanilang pag mamahalan kahit paman sa mga tutol sa kanilang pag iibigan at ang kanilang matibay na pananalig Inang Berhen Maria. Itinalakay rin ng may akda ang mga katatakutan di umano’y ng yayari sa naturang simbahan.
Istilo ng pag kakasulat ng akda:
Ang istilong ginamit sa pagsulat ng akda ay makatawag pansin. Ito ay madaling maintindihan ng mga mambabasa, kahit paman may kalaliman ang ibang mga salitang ginamit sa akda.Ito ay hindi naging hadlang upang madaling maunawaan at tangkilikin ng mga mambabasa. Ang akdang ito ay hindi lamang naka sentro sa isang paksa na isa sa mga naging dahilan ng pag kakaiba nito sa ibang mga akdang patula.
Buod:
 Ipapahayag ng tulang ito ang wagas na pag mamahalan ng dalawang magkasintahan. Sa isang abandonadong lumang simbahan, sa isang maliit na bayan na kung saan ito’y nalimot na ng kapanahunan. Ang itsura nito’y waring libinagan dahil sa mga damong dito’y gumagapang. Sa bandang silangan ng simbahan matatagpuan kampanang basag na nagmula pa sa kapanahunan ng mga kastila. Ang sabi, nabasag raw ito sa kapanahunan ng digmaan, bumagsak sa lupa  kaya ito’y nabasag ito’y paniniwala ng mga matatanda.
Doon daw sa lumang simbahan ay may nakatagong isang matanda na sa tuwing gabi lamang namamalas. Ito’y naglalakad at nakasuot ng puting damit na mayroong ilaw sa bibig ito’y yaong nakabalot na hiwaga sa lumang simbahan. Na sa tuwing umaga na sisilipin ng mga tao ang lumang simbahan ay walang matanda ang kanilang makikita. Kaya mula noon kinatatakutan at pinangingilagan ang naturang simbahan. Minsan tumugtug ang kampanang basag nakakakot ang yaong pangyayari. Kinabusan pa mayroong libingan sa harap ng altar.
Lumaki ang balitang nakakagimbal lalong pinangilagan ng taong bayan ang lumang simbahan wala ng naglakas loob na pumasok dito at nang isang gabing payapa mayhinaing na nanggagaling sa lumang simbahan na parng tanghoy ng isang may lubhang sakit ngunit isang gabi may isang taong nagtapang-tapangan  at mag isang pumasok sa lumang simbahan. hindi pa nga ito nagtatagal sa loob ay dali dali itong lumabas at ang sabi niya’y mayroon siyang nakitang multo na puti ang suot at binaril niya ngunit di ito natablan. Sa ganoong pangyayari ay lalong pumutok sa taong bayan ang nakagigimbal na balita tungkul sa lumang simbahan. mula noon kahit may taong dadaan sa simbahan ay di makuhang tumingin man lamang dito kahit may birhen sa loob ay walang nanalangin kaya ang lumang simbahan ay naging parang isang libingan.
Pero may isang gabi nagliwang ang simbahan mayroong magkasintahan na ayaw ipakasal ng kaning magulang sila ay lumuhod sa harap ng altar at nanalangin at humingi ng tawad sa kanilang binabalak na pagpapatiwakal sapagkat ang ama raw ng babae ay tutol sa kanilang pag-iibigan dahil ang kanyang iniirog ay  magsasaka lamang pero ang babae ay tapat sa kanyang iniirog kaya sila’y nagsama at nagbalak na sabay magpatiwal upang sa kabilang buhay doon nila’y ipagpapatuloy ang kanilang pagmamahalan.
Doon ay lubos silang nag-iyakan at sila’y nagyakapan sa kanilang gagawin pagpapatiwakal gamit ang sandatang kanilang itutusok sa kanilang dibdib pero bago yun napag isip-isip ng binata na bago nila tuluyang itusok ang sandata sa kanilang dibdib ay maghukay muna sila ng malalim gamit ang pala ng sa ganoon magsasama silang babagsak sa hukay. Ngunit sa knilang paghuhukay kanilang natagpuan ang napakaraming kayamanan kaya ang balak na pagtitiwakal ay naudlok sa labis na kagalakan. Nagdasal sila at nagpasalamat sa birhen sila’y umuwi pasan ng binata ang naturang kayamanan.
Simula noon ay pinaayos nila ang simbahan at pinagawa ang nasilang kampana at sila’y nagdaos ng pista na kung saan sampung araw ang tagal ng tugtugan nawala ang takot ng taong bayan sa lumang simbahan at doon unang nagpakasal sa simbahan ang magkasintahan. Ang kayamanan palang yaon ay pagmamay-ari ng isang puno ng tulisan.  

ANG LUMANG SIMBAHAN Ni: Florentino T. Collantes


I.
Sa isang maliit at ulilang bayan
Pinagtampuhan na ng kaligayahan
Ay may isang munti at lumang simbahang
Balot na ng lumot ng kapanahunan;
Sa gawing kaliwa, may lupang tiwangwang
Ginubat ng damo't makahiyang-parang,
Sa dami ng kurus doong nagbabantay
Makikilala mong yaon ay libingan.
II.
Sa gawing silangan ng simbahang luma
May isang simboryong hagdanan ma'y wala,
Dito ibinitin yata ng tadhana
Ang isang malaki't basag na kampana;
Ito raw'y nabasag anang matatanda
Noong panahon pa ng mga Kastila,
Nang ito'y tugtugin dahilan sa digma
Sa lakas ng tugtog bumagsak sa lupa.
III.
Sa lumang simbaha't sa kampanang basag
Ay may natatagong matandang alamat,
May isang matanda akong nakausap
Na sa lihim niyo'y siyang nagsiwalat;
Ang Lumang Simbaha'y nilimot ng lahat,
Pinagkatakutan, kay daming nasindak
 Umano,kung gabi ay may namamalas,
Na isang matandang doo'y naglalakad.


IV.
Ang suot ay puti may apoy sa bibig,
Sa buong magdamag ay di matahimik,
Ngunit ang hiwagang di sukat malirip,
Kung bakit sa gabi lamang na mamasid
Kung araw, ang tao, kahit magsaliksik
Ang matandang ito’y hindi raw masilip,
Ngunit pagdilim na't ang gabi'y masungit
Ano't ang simbahan ay lumalangitngit?
V.
Magmula na noo'y pinagkatakutan,
Ayaw nang pasukin ang Lumang Simbahan;
Saka ang isa psng baya'y gumimbal,
Ang kampanang basag na bahaw na bahaw
Kung ano't tumunog sa madaling araw,
At ang tinutugtog agunyas ng patay;
Saka nang dumating ang kinabukasan
May puntod ng libing sa harap ng altar.
VI.
Lumaki ang ahas sa mga balita'y
Lalong di pinasok ang Simbahang Luma,
Kung kaya ang hindi mkurong hiwaga'y
Nagkasalin-salin sa maraming dila,
Hanggang may nagsabing sa gabing payapa
May mgs hinaing doon nagmumula
Tagpoy ng maysakit na napalubha.
Himutok ng isang pananaw sa lupa.
VII.
Ngunit isang gabi ay may nagmatapang
Nag-isang pumasok sa lumang Simbahan;
Datapwa't hindi pa siya nagtatagal

Karimot ng takbong nagbalik sa bahay,
Saka namalitang nagkakandahingal:
"Ako po'y mayroong multong natagpuan,
Ang suot ay puti at nakabalabal,
Gayong binaril ko'y ano't di tinablan."
VIII.
Lalo nang nag-ugat sa bayan ang lagim;
Ang Lumang Simbaha'y ayaw nang pasukin;
Taong naglalakad sa gabing madilim.
Ni ayaw sumagi, ni ayaw tumingin.
Pati nang naroong sakdal gandang Birhen,
Wala ni sinumang pusong manalangin;
Kaya't sa simbaha'y wala nang pumansin
Tulad ng ulila't tiwangwang na libing.
IX.
Ngunit isang gabing kadilima'y sakdal,
Ang simbahang Luma'y ano't nagkailaw
May isang binata't isang paraluman
Na nangakalunod sa harap ng altar.
Ang dalawang ito ay magkasintahang
Sa galit ng ama ay ayaw ipakasal,
Kaya't ang dalawa'y dito nagtipanang
Sa harap ng Birhen ay magpatiwakal.
X.
Ang ama raw nitong magandang dalaga
Kung sa kayamana'y walang pangalawa.
Ang binata nama'y isang magsasaka,
Mahirap, kung kaya aayaw ng ama.
Ngunit sa babaing tapat ang pagsinta
Ang yaman sa mundo ay walang halaga,
Kaya't nagkasundong magpatiwakal na

Sa langit pakasal, doon na magsama.
XI.
Sa harap ng birhen ang magkasing-liyag
Ay nagsidaling luha'y nalalaglag;
Matapos ang dasal, dalawa'y nagkayakap
Sa pagmamahala'y parang pahimakas.
Dalawang sandatang kapwa kumikislap
Ang sa dibdib nila'y kapwa itatarak;
Yayamang sa lupa'y api ang mahirap.
Sa langit na sila magiisang palad.
XII.
Ngunit ang binata ay may naisipan
Bago nagkasundong dibdib ay tarakan,
Ay humukay muna sa harap ng altar,
Saka sa gagawing malalim na hukay
Ay doon na sila magsamang mamatay;
Kung mamatay silang wala sa libingan
Baka kung ibaon ay magkahiwalay.
XIII.
Humanap ng palang panghukay sa lupa
Itong sawing-palad na aping binata;
Habang humuhukay ang kaawa-awa
Sa habag sa sinta'y nanatak ang luha.
Ngunit ano ito? Kaylaking hiwaga!
Ang nadukal-dukal mga gusing luma,
Saka nang iahon, oh! Laking himala
Puno sa salapi at gintong Kastila!
XIV.
Ang magkasinggiliw ay nagitlahanan
At nalimot tuloy ang magpatiwakal;
Ang mutyang dalaga ang siyang nagbilang.

Oh, daming salapi! laking kayamanan,
Libo’t laksa-laksa itong natagpuan,
Kaya’t sa malaki nilang kagalakan
Lumuhod sa Birhen at nagsipagdasal.
XV.
At sila’y umuwi pasan ng binata,
Nagkakayang-uuyad sa malaking tuwa …
Ang Lumang Simabahan ay ipinagawa,
At ipinabuo ang kampanang sira;
At saka nagdaos ng pistang dakila,
Tugtog ng musiko’y sampung araw yata
Inalis ang takot sa puso ng madla
Ang inihalili’y saying di-kawasa.
XVI.
Sa ginawang bago na Lumang Simabahan
Ang magkasing ito ang unang nakasal;
Nang sila’y lumuho sa harap ng altar
Ang lahat ng tao’y nagsipagdiwang;
Dito na nabatid ng takot na bayan
Ang simbahan pala ay pinagtaguan
Ng isang matandang puno ng Tulisan
XVII.
Na may ibinaon doong kayamanan.
Ngayo’y din a takot kundi saya’t tuwa
Ang madudulang mo sa Simabahang luma,
At sa Birhen doong kay-amo ng mukha, Oh!
Kayrami ngayong nagmamakaawa.
Ito’y katunayan: Anu ano mang gawa,
Dapat isangguni muna kay Bathala,
Sa awa ng Diyos nagtatamong pala.

LET REVIEWER

Introduksyon sa Pagsasalin

Overview: Pagsasalin sa Kontekstong Filipino ay naglalayong paunlarin ang kasanayan sa pagsasalin na ginagabayan ng pananaliksik (saliksik...