Search This Blog

June 27, 2020

BALANGKAS NG PAGKATUTO

Malayuning Komunikasyon



Deskripsyong ng Kurso

 

   Ang Malayuning Komunikasyon ay tungkol sa pagsulat, pagsasalita, at pagsasagawa ng presentasyon sa iba-ibang audience at para sa iba’t ibang layunin.  (CMO 20 s. 2013). Ang Malayuning Komunikasyon ay isang kursong may tatlong yunit na naghahasa sa kahusayan sa pakikipagkomunikasyon ng mga mag-aaral at nagpapataas sa kanilang kamalayang kultural at interkultural sa pamamagitan ng mga gawaing multimodal na nagbibigay ng mga pagkakataon para sa sa mabisa at wastong pakikipagkomunikasyon sa isang multikultural na audience sa lokal at global na konteksto. Inihahanda nito ang mga mag-aaral sa pamamagitan ng mga kagamitan sa pagsasagawa ng mapanuring ebalwasyon sa iba-ibang teksto at tumutuon sa kapangyarihan ng wika at sa impak ng mga imahen upang mabigyan ng diin ang kahalagahan ng maingat na pagpaparating ng mensahe. Ang matatamong kaalaman, kasanayan, at  kamalayan ng mga mag-aaral mula sa kurso ay maaaring magamit sa kanilang pagsisikap sa akademya, sa kanilang napiling disiplina, at sa kanilang mga propesyon sa hinaharap sa pamamagitan ng paggawa ng mahahalagang komposisyong pasalita, pasulat, audio-visual at/o web-based para sa iba’t ibang layunin.

















Para tignan ang kabuuang konteksto ng link

(pidutin lamang ang larawan na nasa ibaba)


Download

June 24, 2020

Pagpasa ng Proyekto

Lit 103 Sanaysay at Talumpati
Submisstion of attachment
*Modular (Dealine June 30, 2020) Until Midnight
*Pagsusuri (Dealine June 30, 2020) Until Midnight

Sa bawat araw ng hindi pagsumite sa takdang oras ay may kaukulang deduction
-5 puntos kada araw. Naway maintindihan niyo ang aking kahilingan sapagkat may dealine din kami ng submission ng grades.


Magpunta lamang sa website na ito


Maraming Salamat

June 22, 2020

EXAMINATION CAS, BSF, BSND

Pointers to Review 
  • Bahagi ng Pananaliksik
  • Metodolohiya ng Pananaliksik
  • Ang mga katanungan ay base lamang sa pananaliksik at karanasan sa pannaliksik 

Pagsusulit (Pagitna at Panghuling Pagsusulit)

(Pindutin ang larawan)
CAS 1-A

(Pindutin ang larawan)
CAS I-B

 
(Pindutin ang larawan)
BSND 1

(Pindutin ang larawan)
BSF 1

June 20, 2020

Filipino sa Iba't Ibang Disiplina

Pointers to Review
  • Pananaliksik sa Wika 
  • Bahagi ng Pananaliksik
  • Metodolohiya ng Pananaliksik
Notes na naibigay noong midterm 

Pagsusulit (Pagitna at Panghuling Pagsusulit)

(Pindutin ang larawan)
BSED I-A

(Pindutin ang larawan)
BSED I-B 

Peer Evaluation 


(Pindutin ang larawan)
BSED I-A




(Pindutin ang larawan)
BSED I-B

June 15, 2020

PANITIKAN – Ang Kahulugan Nito At Mga Uri, Anyo At Mga Akda Ng Bawat Anyo

PANITIKAN – Sa paksang ito, malalaman natin ang kahulugan ng panitikan, ang dalawang uri, at ang dalawang anyo na may halimbawang akda ng bawat anyo.


Ang panitikan ay tinutukoy sa lahat ng uri ng pahayag, nakasulat man o binibigkas, ayon sa isang handout na naupload sa Scribd. Nanggaling ito sa salitang-ugat na titik na ikinabit ang unlaping pang- at hulaping -an.

Ayon sa handout, ang mga layunin nito ay para maipakita ang relidad at katotohanan; at makalikha ng isa pang daigdig na taliwas sa katotohanan.

Mga Uri ng Panitikan:

  • kathang-isip (Ingles: fiction)
  • indi kathang-isip (Ingles: non-fiction)

Mga Anyo ng Panitikan:

  • tuluyan o prosa – tumutukoy ito sa maluwang na pagsasama-sama ng mgasalita sa loob ng pangungusap. Nasusulat ito sa karaniwang takbo ngpangungusap o pagpapahayag.
  • tula panulaan – ito ay ang pagbubuo-buo ng pangungusap o parirala sa pamamagitan ng salitang binibilang na pantig sa taludtod na pinagtugma-tugma

Bawat anyo ay mga iba’t ibang mga akda

Mga akdang tuluyan

  • Alamat – isang uri na kung saan nagkukuwento ito tungkol sa mga pinagmulan ng mga bagay-bagay sa daigdig. Minsan sa mga pinagmulan nga mga hayop or mga halaman.
  • Anekdota – akdang isinalasaysay ang mga kakaiba o kakatuwang nangyari sa buhay ng isang sikat, o kilalang mga tao.
  • Nobela – o tinatawag ding kathambuhay, ito ay isang mahabang kuwentong piksyon na binubuo ng iba’t ibang kabanata.
  • Pabula – akda kun saan amg mga tauhan ay mga hayop
  • Parabula – o tinatawag ding talinhaga, ito ay mga maikling kuwentong may aral na kalimitang hinahango mula sa Bibliya.
  • Maikling Kuwento – ito ay hinggil sa isang mahalagangpangyayaring kinasasangkutan ng isa o ilang tauhan at may iisang kakintalano impresyon lamang. Isa itong masining na anyo ng panitikan.
  • Dula – uri na hinahati sa pamamagitan ng yugto at kadalasang isinalaysay sa mga teatro.
  • Sanaysay – maiksing komposisyon na kailimitang naglalaman ngpersonal na kuru-kuro ng may-akda.
  • Talambuhay – isinalaysay ito ng kasaysayan ng buhay ng isang tao na base sa mga tunay na impormasyon.
  • Talumpati – isinalysay nito ang mga kaisipan o opinyon ng isang tao upang humikayat,tumugon, mangatwiran, magbigay ng kaalaman o impormasyon at maglahadng isang paniniwala.
  • Balita – nagpapahayag sa mga kasalukuyang kaganapan sa labas at/o loob ng isang bansa 
  • Kwentong Bayan – uri na sumalaysay ng mga likhang-isip na mga tauhan na kumakatawan sa mga uri ng mamamayan

Mga akdang patula

  • Tulang Pasalaysay – tumutukoy sa mga pinapaksang mahahalagang mga tagpo opangyayari sa buhay, ang kagitingan at kabayanihan ng tauhan.
  • Awit/Korido at Kantahin – musikang magandang pinakikinggan.
  • Epiko – isinalaysay ang kabayanihan atpakikipagtunggali ng isang tao o mga tao laban sa mga kaaway na kadalasang hindi mapaniwalaan dahil sa mga tagpuang makababalaghan at di-kapani-paniwala.
  • Balad – uri o tema ng isang tugtugin.
  • Sawikain – tumutukoy ito sa:
    • idioma – isang uri ng sawikain pagpapahayag na ang kahulugan ay hindikomposisyunal.
    • moto – parirala na nagpapahiwatig ng sentimiento ng isang grupong mga tao
    • salawikain – mga kasabihan o kawikaan.
  • Bugtong – pangungusap o tanong na may iba o nakatagong kahulugan.
  • Tanaga – tumutukoy ito sa mga maikling katutubong Pilipinong tula na naglalaman ng pang-aral at payak na pilosopiyang ginagamit ng matatanda sa pagpapagunita sa mga kabataan.

Mga halimbawa ng tulang panunudyo


    Ang mga tulang panudyo ay isang uri ng karunungang bayan na nagsimula pa sa ating mga ninuno. Karaniwan itong may sukat at tugma na isang depinisyon ng tradisyonal na tugmaan.

    Ang mga tulang panudyo ay may layunin na manukso, mang-inis at manudyo. Maaaring matagal ka ng nakakarinig ng mga ganitong panunukso ngunit hindi mo lang nalalaman na tulang panudyo ang tawag sa mga ganito.

HALIMBAWA

1. Bata batuta

Samperang muta

Tutubi, tutubi

Wag kang pahuli

Sa batang mapanghi

Putak, putak

Batang duwag

Matapang ka't nasa pugad

2. Pedro Penduko, matakaw sa tuyo

Nang ayaw maligo, kinuskos ng gugo

3. Ang amoy mo ay parang isda

Kasing amoy ng patay na daga

4. Bata, bata

Pantay-lupa

Asawa ng palaka

5. Sitsit ay sa aso,

Katok ay sa pinto,

Sambitin ang "para" sa tabi tayo'y hihinto

KARUNUNGANG BAYAN  

(brainly.ph/question/574619)

Definition: Ang mga tulang panudyo ay isang halimbawa ng karunungang bayan. Ngunit ano nga ba ang kahulugan ng karunungang bayan?  

Ito ay isang sangay ng panitian na naging daan para makapagpahayag ng ideya o kaisipan ng isang tao. Madalas itong sumasalamin sa kultura ng isang bansa. Ang mga karunungang bayan sa ating bansa ay nagsimula pa noong panahon ng ating mga pinuno.

HALIMBAWA NG KARUNUNGANG BAYAN

Bukod sa mga tulang panudyo, may iba pang halimbawa ang mga karunungang bayan kagaya na lamang ng:

A. Bugtong

Alam na alam na natin ang mga bugtong. Isa itong pahulaan sa paraan ng pangungusap o pagtatanong na doble ang ibig sabihin. Kadalasan natin itong nilulutas sa paraan ng isang palaisipan.  

Halimbawa ng bugtong:

1. Itim ng binili ko, naging pula ng ginamit ko.

(Sagot: Uling)

2. Bumili ako ng alipin, mas mataas pa sa akin

(Sagot: Sombrero)

3. Nakayuko ang reyna, hindi nalaglag ang korona  

(Sagot: Bayabas)

B. Palaisipan

Ang palaisipan ay isang suliranin na uri rin ng bugtong na kinakailangang pag-isipan upang lutasin ang mga ito.

1. Anong meron sa aso na meron din sa pusa, na wala sa ibon ngunit meron sa manok na dalawa sa buwaya at kabayo na tatlo sa palaka?

(Sagot: Letrang "A")

2. May isang bola sa mesa. Tinakpan ito ng sombrero. Paano makukuha ang bola ng 'di nagagalaw ang sombrero?

(Sagot: Butas ang tuktok ng sumbrero)

Sanggunian: https://brainly.ph/question/464819

Tagpo (Again)

Sa muling pagtatagpo, 
tila muling nagdarang,
ang ating mga titig, 
na may badyang pagliyab.
katulad ng dati, 
iyong mata'y nangungusap,
Wari'y isang tala, 
na umaapaw ang kinang.

Sa'ting pagtatagpo, 
parang may tayo muli,
na sa ating nakaraa'y, 
nagbabakasakali,
Maging ikay muling akin, 
sa bibig ang namutawi,
upang "Ikaw at Ako", 
ay sa langit dumampi.

Sa muling pagtatagpo, 
ako'y iyong niyakap,
Nang malambot mong bisig, 
nang walang agam-agam.
Marahil nananabik, 
ay tila walang balak,
Na ako ay bitawan, 
hanggang umabot pa sa bukas.

Sa'ting pagtatagpo, 
ako'y muling hinagkan
Nang malamyos mong labi, 
nang di inaasahan.
Pinikit mga mata, 
sandali ay ninamnam, 
Sa haba ng panahon... 
ito'y muling natikman.

Sa'ting pagtatagpo, 
muli'y landas nag iba,
namutawi sa ulirat, 
PANAGINIP lang pala.
Sa katotohana'y humarap, 
nagbuntong hininga,
Dahil ating pagtatagpo, 
isa lamang paasa.

Kumusta ni Nameless

Ito ako at nagbabalik
sumulat lumikha gumawa ulit
matagal mang nawala
pero muli paring gumawa
mga salita na sa isip ko ay nagmula

kumusta na
yan ang aking panimula
umalis ako at nawala
bumalik ng bigla
hindi man katulad ng dati
ang aking tula
pero alam ko sa puso ko
ito ay nagmula
pebrero na naman
at araw ng pagmamahalan
iba't ibang pangyayari ating masasaksiha
may sakit na dulot ng salita pang iiwan
may saya na dahil sa salita ikaw lamang
sa dami ng ganap hindi ko na maintindihan
pagmamahalan na iba't iba ang laman
may naiiwan na walang dahilan
may umaasa na wala naman
pero hindi lahat sakit ang naramdaman
may saya na hindi matawaran
may hagikhik at kilig sa kababaehan
may nasigaw na ikaw sa kalalakihan
pangako na mahal salitang panandalian
dahil hindi lahat ng nagsabi ay paninindigan
kaya wag masyadong makipaglandian
kung hindi naman pangmatagalan

"A Journey To The East"


when the sun rises
it ignites the depths
of the ocean

the solitude of negritude
envisages the promising
mystique of radiance

every entity breathes
it is the season of spring
the renascence of pulchritude

the smell of breeze air
the elegance of ambiance
it takes away the Inquietude

that fills the empty space
of your resentments
as an imminent tranquility

this is a journey of your soul
you are whole and free
from your emotions.


Requested to post:
Words|salvador (Special Thanks)
Photoragphy|EloraBlue

Global Pandemic



gusto ko lang iparating 
habang iba ay nakikikinig din
sa nang yayari dito sa mundo natin
sakit na hindi makita dating saya na wala na
at hindi mo na rin nakasama 
mahal mong satabi mo ay hindi nagsawa
pero iba ito hindi muna sa sakit ng lovelife mo
ang mga sasabihin ko ay yung nangyayari sa mundo

ngayon naranasan natin ang mga ito 
hindi makalabas dahil sa dilubyo
na kumakalat sa mundo at pumapatay ng tao
pero bakit ganito matigas parin ang ulo
walang nakikinig para sa kaligtasan nyo
mahal ko kayo mahal nyo rin ibang tao
pero sana magkaisa tayo sa kaligtasan ay mabuo
hindi man nahahawakan pagdadasal nalang ang kailngan
wag ng palalain ang kahirapan upang lahat ay maginhawaan
hindi na kailangan magpagalingan 
kung sinumalakas o may kayang labanan
dahil sa kayabangan 
pwede mo ikamatay yan o makahawa ng iba 
makapatay ka pa

sa magkaisa tau marami ng pagbabago
hindi mawawala ang dilubyo kung 
maging tayo matigas ang ulo
hanggang dito nalang 
at tatapusin ko na din
mahalin ang iba 
yang lang maitutulung natin

Credit to: NameLess

Pasasalamat





Sa aki'y ipinaintindi, inyong mga daing 
Maski di mabanggit ng manipis ninyong tinig. 
Ang inyong pagkapagod ay di maihahambing, 
Sa anong pa mang meron na pwedeng maihain. 

Ramdam ko ang kaba, sa inyong mga dibdib,
Maski kunwari matapang, pakitang nakatindig 
Ngunit alang alang sa amin, di nagpapadaig 
Haharapin ang bawat araw, sa gitna ng panganib. 

Dinig ko ang hikbi, sa inyong mga labi, 
Kahit di ipagsigawan, ito'y namumutawi, 
Hagulgul ng takot, ay di maitatanggi, 
Subalit ngumingiti, maski lamang kunyari. 

Nakikita ko ang luha sa inyong mga mata, 
Kahit itago sa gayak, at kinang ng tuwa, 
Sa panandaling pag-iwan ng inyong pamilya, 
Na di paipangako, kung makakabalik pa. 

Kayong mga iniharap, ng kami'y pinapatahan, 
Kayong mga tinawag na kami'y paglingkuran, 
Inyong isinasabuhay, sinumpaang katungkulan, 
At iaalay ang buhay, alang alang sa bayan. 

Itoy munting pagkilala, marahil di sapat, 
Upang matumbasan, ang inyong pagsisikap, 
Ang nais ko lamang, na sa inyo'y ipaalam, 
Ang aking taos pusong,.. MARAMING SALAMAT

Credit picture: https://www.tripadvisor.com.sg/Restaurant_Review-g187497-d16648328-Reviews-Salamat_Bar-Barcelona_Catalonia.html

Ano nga ba ang Tula?

Ano ang TULA?
-Isang uri ng panitikan na nagbibigay diin sa RITMO,mga TUNOG, PAGLALARAWAN, at mga PARAAN NG PAGBIBIGAY KAHULUGAN SA MGA SALITA.
...samantalang ang ORDINARYONG PAGSASALITA at PANULAT ay inoorganisa sa mga pangugnusap at mga talata. Ang TULA ay inoorganisa sa mga yunit na tinatawag na TALUDTOD at SAKNONG.

ELEMENTO:
*SUKAT
*SAKNONG
*TUGMA
*KARIKTAN
*TALINHAGA
 
SUKAT:
- ito ay tumutukoy sa bilang ng PANTIG ng bawat TALUDTOD na bumubuo sa isang saknong. Ang PANTIG ay tumutukoy sa paraan ng pagbasa.
Halimbawa:
isda - is da - ito ay dalawang pantig.
is da ko sa ma ri ve les - ito ay 8 pantig
 
MGA URI NG SUKAT:
1. WAWALUHIN-
Halimbawa: Isda ko sa mariveles,nasa lood ang kaliskis.
2. LALABINDALAWAHIN-
Halimbawa: Ang laki sa layaw, karaniwa'y hubad,
Sa bait at muni, sa hatol ay salat.
3. LALABING-ANIMIN-
Halimbawa: Sari-saring bungang kahoy,hinog na at matatamis, 
Ang naroon sa loobang,may bakod pa sa paligid.
4. LALABINGWALUHIN-
Halimbawa: Tandang tanda ko pa't, hindi malilimot, ng kita ay iwan, Ika'y tumututol, na waring ayaw mong, tayo'y magkawalay.
 
Ang mga TULANG may LALABINGDALAWA, AT LABINGWALO AY MAY CESURA O HATI NA NANGANGAHULUGANG saglit na paghinto ng pagbasa o pagbigkas sa bawat ikaanim na PANTIG.
 Halimbawa:
Ang taong magawi / sa ligaya't aliw
Mahina ang puso't / lubhang maramdamin
Halimbawa:
Tinatanong ko siya / ng tungkol sa aking / mga panaginip
Pagdaka'y tumugon / ang panaginip ko'y / pag ibig,pag ibig!
 
**** Nuong panahon ng Hapon, may tulang dinala rito ang mga Hapones.Ito ng tinatawag na Haiku,na may Limang pantig lamang sa loob ng isang saknong,at Tanaga na may Pitong pantig sa loob ng isang saknong.

SAKNONG:
Ang SAKNONG ay isang grupo sa loob ng isang TULA na may dalawa o maraming linya (TALUDTOD).
2 linya-couplet
3 linya-tercet
4 linya-quatrain
5 linya-quintet
6 linya- sestet
7 linya- septet
8 linya- octave
 
Ang COUPLETs,TERCETs at QUATRAINs ang MADALAS na GINAGAMIT sa mga TULA.
TUGMA:
Isa itong katangian ng TULA na hindi angkin ng mga akda sa tuluyan.Sinasabing may tugma ang tula kapag ang huling pantig ng huling salita ng bwat taludtod,ay magkakasintunog.Lubha itong nakakaganda sa pagbigkas ng tula. Ito ang nagbibigay sa tula ng angkin nitong himig o indayog.
MGA URI NG TUGMA:
1. Tugma sa Patinig.
Halimbawa: Mahirap sumaya, Ang taong may sala.
Halimbawa: Kapagka ang tao sa saya'y nagawi
Minsa'y nalilimot ang wastong ugali.
Para masabing may tugma sa patinig,dapat pare-pareho ang patinig sa loob ng isang saknong o dalawang magkasunod, o salitan.
2. Tugma sa Katinig.
a. Unang lipon: b,k,d,g,p,s,t
Halimbawa: Malungkot balikan ang taong lumipas,
Nang siya sa sinta ay kinapos palad.
b. Ikalawang lipon: l,m,n,ng,r,w,y
Halimbawa; Sapupo ang nuo,ng kaliwang kamay,
Ni hindi matingnan,ang sikat ng araw.
KARIKTAN:
- Kailangang magtaglay ang tulang MARIKIT na salita upang masiyahan ang mambabasa gayon din mapukaw ang damdamin at kawilihan.
TALINHAGA:
- Magandang basahin ang tulang di tiyakang tumutukoy sa bagay na binabanggit. Ito ay isang sangkap ng tula na may kinalaman sa natatagong kahulugan ng tula.

LET REVIEWER

Introduksyon sa Pagsasalin

Overview: Pagsasalin sa Kontekstong Filipino ay naglalayong paunlarin ang kasanayan sa pagsasalin na ginagabayan ng pananaliksik (saliksik...